You are on page 1of 1

Ano ang blighted ovum

Kilala rin sa tawag na anembryonic pregnancy o anembryonic gestation, ang blighted ovum ay ang
pagtigil ng development ng embryo kung saan naiiwan ang gestational sac na walang laman. Hindi parin
malinaw ang dahilan kung bakit ito nangyayari ngunit ang naituturong rason ay ang abnormal na
chromosomes ng fertilized egg cells.

Karaniwang nangyayari ang blighted ovum bago pa malaman ng babae na siya ay buntis. Ang pregnancy
tests ay nagpo-positibo kapag naka-detect ito ng human chorionic gonadotropin (HCG). Ito ang
hormones na inilalabas ng mga embryo sa simula pa lamang ng pagbubuntis.

Sintomas ng pagka-buntis at blighted ovum

Maaaring makaramdam parin ng mga sintomas ng pagkabuntis tulad ng pagiging sensitibo ng dibdib,
pagkahilo at pagsusuka.

Nawawala ang mga sintomas na ito kapag ang embryo ay tumigil na sa paglaki at bumaba ang hormone
levels. Sa puntong ito, makakaramdam ng konting pag-kirot sa may puson at magkakaroon ng spotting.
Makikita sa ultrasound na ang gestational sac ay walang laman.

Matapos ang blighted ovum

Ang blighted ovum ay karaniwang nagreresulta sa pagkalaglag ng pagbubuntis. Maaaring antayin na


kusang malabas ang embryo, o kaya naman ay uminom ng gamot upang mailabas agad. May mga
pagkakataon din na kinakailangan ng surgery upang matanggal ang placental tissues.

Karaniwan sa mga nakakaranas ng blighted ovum ay nagkakaroon ng anak sa sunod na pagbubuntis.


Ngunit, kung nakakaranas ng sunod-sunod na miscarriage, kinakailangan magpa-konsulta sa duktor
upang masuri ang sanhi.

You might also like