Ang kasalukuyang kapitan ng komisyon sa wikang filipino Siya din ay isang artista, makata, kritiko tagasalin, editor, guro, at tagapamahala ng kultura At higit sa lahat siya ay Pambansang alagad ng sining sa larangan ng literatura
Marami na siyang nailimbag at nasulat
Karamihan ay tungkol sa wika na nagpamulat Sa mga Pilipino na sariling wika dapat Ang sinasalita’t ginagamit upang magkaintindihan ang lahat
Mga pagod at hirap sa pagsusulat ng tula
Hindi lang mga tula, mga iba pang sulating kaniyang nailathala Ay higit pa sa sapat upang bigyang halaga ang sining ng pilipinas At kilalanin ang mga Pilipino sa pagpapakitang gilas ng mga talentong sa kanila’y likas
Ginoong Rio Alma, kami ay saludo sayo
Sa pagpapakita ng totoong talento ng mga Pilipino At pagbibigay ambag sa likhang sining ng bansang ito Na siyang makakatulong sa mga kabataang katulad ko na gustong matuto ang maging kagaya mo