You are on page 1of 6

SCENE 1: [SIMBAHAN]

(IFILM ITO SA SIMBAHAN KAPAG MAY MASS NG HAPON, YUNG BEFORE 5:00 MASS PARA
SAKTO NA MAY MGA TAO)

NEEDED CLOTHES:

SCHOOL UNIFORM

Elizabeth: (Nasa may pinto at tinititigan lamang ang malaking cross sa gitna) Bakit? Anong ginawa ko
para maranasan ang mga nararanasan ko ngayon? Anong ginawa ko para magdusa ng ganito? Anong
ginawa ko?! Bakit kailangan kong masaksihan ang unti-unting pagkasira ng pamilya ko? Bakit sa lahat
ng tao dito sa mundo… Bakit ako?

Vanessa: I know that You are listening to me right now. I just want to say thank you dahil nasa tabi ko po
ngayon si Paolo. Alam ko pong hindi ako isang perpektong tao pero thank you po dahil binigyan mo ako
ng isang Paolo na magiging kasangga ko sa buhay. Binigyan Niyo po ako ng isang taong handang
umalalay sa akin sa lahatng problema ko. Maraming salamat po.(Pasimpleng tumingin kay Paolo na
nakayuko at nakapikit habang nagdarasal.)

Paolo: (Tumingin kay Vanessa na nakayuko at nakapikit at pagkatapos ay tumingin sa altar) Panginoon,
gusto ko lang magpasalamat dahil nakilala ko si Vanessa. Dahil sa kanya, nabigyan din ng saysay ang
buhay ko. Alam ko pong malayo ako sa salitang perpekto pero nagpapasalamat pa rin po ako dahil
hinayaan Ninyo akong makasama si Vanessa. Hinayaan Niyo po akong makasama ang babaeng mahal
ko.

Adrian: (Nakatulala lang sa altar) Ama… Alam mo bang galit ako sa’yo? Galit na galit ako sa Iyo.
(Nagsisimula nang tumulo ang luha) Nasaan ka noong hinihiling ko na sana nandiyan si mama? Nasaan
ka noong hinihiling ko na sana kasama namin si mama sa pasko? Nasaan ka noong nagmamakaawa na
ako sa Iyo na sana meron si mama na mag-alaga sa mga kapatid ko noong nagkasakit ako? Wala kang
tinupad sa mga dasal ko. Wala. Ni isa.

(PALABAS NG SIMBAHAN)

(SI ELIZABETH AY TUMALIKOD NA AT NAGSIMULANG MAGLAKAD PAPALAYO.)

(SI VANESSA AT PAOLO AY MAGKAHAWAK-KAMAY AT MASAYANG NAGLALAKAD


PALABAS NG SIMBAHAN)

(NAGLALAKAD LANG SI ADRIAN HABANG INIISIP ANG GAGAWIN PARA SA KANYANG


TRABAHO.)

SCENE 2: [LABAS NG SIMBAHAN]

PLOT 1

(MAY TUMAWAG SA CELLPHONE NI ADRIAN.)

Adrian: Hello?

Elaine: Kuya? Nasaan ka po?


Adrian: Ah Elaine, papunta pa lang ako sa trabaho ko ngayon. Katatapos lang ng klase ko. Bakit ka
napatawag?

Elaine: Ano kasi kuya…wala na pong stocks dito sa bahay. Ubos na po. Yung pera naman po ni Auntie,
hindi na kasya pambili ng stocks po natin kasi binigay niya po sa akin yung pera pambayad sa project po
namin sa school.

Adrian: (Napahawak sa sentido) Ganoon ba? Sige, umutang ka muna kina Aling Makring ng makakain
niyo ngayon at bibili na lang ako ng stock natin pag-uwi ko galing trabaho.

Elaine: Sige po kuya. Pasensiya na po talaga.

Adrian: Ano ka ba naman Elaine, okay lang, responsibilidad ko kayo. Ayos lang si kuya. Kamusta kayo
diyan ni Auntie?

Elaine: Okay lang naman po kami dito ni Auntie kuya. Nasa kapitbahay po siya ngayon,
nakikipagkwentuhan muna.

(NAGLALAKAD SI ADRIAN HABANG KAUSAP SI ELAINE SA CELLPHONE)

Adrian: Ah mabuti naman kung ganun. Sige Elaine, ibababa ko na itong tawag at nandito na ako sa
trabaho ko. Bye, Elaine.

Elaine: Bye po kuya.

FLASHBACK:

(UMAGA DAPAT ITO MAFILM)

NEEDED CLOTHES:

PAMBAHAY NI JERSON AT KRISTINA

UNIFORM NI ELAINE AT ADRIAN

(UMAGA BAGO PUMASOK SI ADRIAN, SABAY NA PUMUNTA SI ELAINE AT ADRIAN SA DINING


ROOM, NAABUTAN NILA DOON SI JERSON NA KUMAKAIN)

Kristina: (Inabot ang kamay ni Adrian pero tinabig niya lamang ito) Mga anak, kakain na, nagluto ako.

(HINDI PINANSIN NI ADRIAN SI KRISTINA HABANG NGUMITI LAMANG SI ELAINE)

(NAGSASANDOK NA SI ADRIAN)

Kristina: (Kinuha ang ulam at hahainan sana si Elaine) Anak, gusto mo ba nito?

Adrian: Wag na, kaya na namin sarili namin. Alagaan mo na lang yang anak mo.

Elaine: Kuya, ano ka ba.

(HINDI SIYA PINANSIN NI ADRIAN)


Kristina: (Napatigil pero ngumiti at kinuha ang isang ulam) Oh, Elaine, ito, gusto mo ba?

Elaine: Uhmmm, bawal po kasi ako diyan ma, allergic po ako sa malalansa eh.

Kristina:Ganun ba? Hala pasensya anak, yan ang niluti ni mama, hindi ko naman alam na bawal ka.
Kailan ka pa naging bawal sa malalansa? Pasensiya na anak, hindi ko kasi alam.

Adrian: Ano bang alam mo? Eh ang alam mo lang ata eh mang-iwan. Ni hindi mo nga alam mga
nangyari sa amin eh.

(LUMAPIT KAY ADRIAN)

Kristina: Anak… Ano ba yang sinasabi mo? Anak, sana naman maintindihan mo ako-

Adrian: Ni hindi mo nga kami maintindihan tapos gusto mo intindihin ka namin?

(TUMAYO)

Adrian: Tapos na akong kumain.

SCENE 36: [ADRIAN’S HOUSE]

KINA DANE DIN ITO, MAS OKAY DIN NA AFTER NG SCENE SA TAAS, DITO NA AGAD. PARA MAMAXIMIZE
NATIN YUNG ORAS NATIN LALO NA AT NIREQUEST LANG NATIN KAPATID NI KAREN NA SUMALI SA
GROUP NATIN.)

NEEDED CLOTHES:

JERSON’S CLOTHES – PAMPASYAL

PAMBAHAY NI ELAINE, ADRIAN, AUNTIE EMILY

PAMPASYAL NA DAMIT NI KRISTINA

(HABANG NAGLILINIS NG BAHAY SI AUNTIE EMILY, NAGLALABA SI ELAINE,


TUMUTULONG SI ADRIAN, MAY KUMATOK SA KANILANG BAHAY)

Auntie Emily: (Binuksan ang pinto at napatigil nang makita ang kanyang nasa harapan) A-ate…

Kristina: Emily! (Niyakap ng mahigpit si Auntie Emily)

(NAPAPUNTA SINA ADRIAN AT ELAINE SA SALA AT NAPATIGIL DIN SILA.)

Kristina: (Bumitaw sa kanyang kapatid at napatingin kina Elaine at Adrian) Elaine? Adrian? Kayo na ba
iyan? (Lumapit at yumakap sa dalawa) Ang lalaki niya na ah.

(NAGULAT SI KRISTINA NANG BUMITAW SA PAGKAKAYAKAP SI ADRIAN)

Adrian: Sino ka? Hindi kita kilala.


(NAGULAT SI KRISTINA SA INASAL NG ANAK NGUNIT HINDI NIYA ITO PINAHALATA)

(PUMUNTA SA PINTO SI ADRIAN AT AKMANG LALABAS NGUNIT NAPATIGIL NANG MAY


MAKITA SA LABAS.)

Adrian: Sino ka? May kailangan ka ba -

(NARINIG ITO NI KRISTINA KAYA AGAD SIYANG LUMAPIT SA PINTO AT HINAWAKAN


ANG KAMAY NG BATA NA NAGHIHINTAY SA LABAS.)

Kristina: Ah Adrian, Elaine, si Jerson nga pala… Kapatid niyo…

(NAPATULALA NA LAMANG SI ADRIAN SA NARINIG AT WALA SA SARILING LUMABAS


NG BAHAY)

Adrian: Bakit ngayon ka pa bumalik ngayong okay na kami na wala ka? Bakit ngayon pa? At… Bakit
may isinama ka pa?

SCENE 16: [ADRIAN’S RESIDENCE]

(DAPAT MEDYO UMAGA ITO)

NEEDED CLOTHES:

SCHOOL UNIFORM NI ELAINE


SCHOOL UNIFORM NI ADRIAN
PAMBAHAY NA DAMIT NI AUNTIE EMILY (YUNG BABAGAY SA MEDYO MATANDA)

Adrian: (Nakaayos na pang eskwela) Papasok na po ako.

Auntie Emily: Hindi ka na ba kakain muna Adrian?

Elaine: Opo nga kuya, kain na muna tayo tapos sabay na lang tayong pumasok. Kain ka muna para hindi
ka magutom sa school.

Adrian: (Saglit na napaisip at maya-maya’y napangiti) Sige na nga, para namang matatanggihan ko kayo.

(SAMA SAMA SILANG KUMAIN)

SCENE 17: [OUTSIDE ADRIAN’S HOUSE]

Adrian: Auntie, pasok na po muna kami ni Elaine. Ikaw po muna bahala dito sa bahay ah.

Auntie Emily: (Nagpapaypay) Ano pa nga ba? Hala sige, pumasok na kayo at baka malate pa kayo sa
klase.

(NAGMANO SINA ELAINE AT ADRIAN SA KANILANGAUNTIE EMILY AT NAGSIMULA


NANG MAGLAKAD)
Scene 18: [DAAN PAPUNTANG ESKWELAHAN]

(NAPALINGON SI ELAINE SA LIKOD)

Adrian: Ano yun, Elaine? May problema ba?

Elaine: Ah, wala naman po. Para lang po kasing may nakatingin sa akin sa likod.

Adrian: Guni-guni mo lang siguro yan, bilisan na natin para hindi tayo malate sa klase.

Elaine: Sige po kuya.

(GABI ANG FILMING NG SCENE NA ITO)

NEEDED CLOTHES:

PAMBAHAY NI ELAINE

YUNG UNIFORM NI ADRIAN SA TRABAHO

SCENE 34: [ADRIAN’S RESIDENCE]

(KAUUWI LAMANG NI ADRIAN AT NAGULAT SIYA DAHIL NADATNAN NIYANG GISING PA


SI ELAINE)

Adrian: Elaine, bakit gising ka pa?

Eaine: (Matamlay) Ah, kuya, nandito ka na po pala.

Adrian: (Binaba ang bag sa may sofa) May problema ka ba, Elaine? May nambubully ba sa’yo sa school?
(Lumapit sa kapatid)

Elaine: (Napabuntong-hininga) Kuya… Meron kasi akong kaklase na parang… ilag sa lahat… Alam kong
may problema siya pero ayaw niya akong papasukin sa mundo niya… Parang ayaw niya ako… Gusto ko
siyang tulungan pero ayaw niya akong… Alam mo po yun? Ayaw niya akong tanggapin.

Adrian: Elaine, alam kong mabait kang tao at alam kong nasa nature mo na ang tumulong pero tandaan
mo… Hindi lahat ng tao, binubuksan agad ang pinto para sa iba. Lahat ng tao may iba’t ibang
pinagdadaanan at siguro, itong kaklase mo na ito, hindi lang handa at takot siguro na may taong lumapit
sa kanya. Maghanda ka ng mahaba-habang pasensiya dahil mahirap itong gusto mong gawin. Mahirap
lapitan itong taong sinasabi mo. (Ni-tap sa balikat si Elaine) Pero Elaine, alam kong kaya mo siyang
maging kaibigan. Naniniwala ako sa kakayahan mo.

Elaine: (Nakatitig lang sa kanyang kuya at maya-maya ay biglang ngumiti) Kuya, the best ka talaga kahit
kailan!

Adrian: (Tumayo at ginulo ang buhok ng kapatid) Siyempre, ako pa. Ngayon, okay ka na ba, Elaine?

Elaine: (Tumango- tango) Opo kuya, okay na okay na ako. Thank you po. (Nakangiti na)
Adrian: Kung okay ka na, mag-ayos ka na at matulog na. Masyadong gabi na. Baka magkasakit ka pa.

Elaine: (Tumayo na) Sige po kuya, ikaw din po ah, magpahinga ka na rin. (Pumunta na sa sariling
kwarto) (Bago pumasok, muli siyang bumalik) Ah kuya, may pagkain po pala sa kusina, kain ka nap o
muna bago ka matulog. Goodnight po.

Adrian: Goodnight din, Elaine.

You might also like