Professional Documents
Culture Documents
Angklasikalnaeuropa 180206100053
Angklasikalnaeuropa 180206100053
Noong 264 BCE ay nakidigma ang Rome sa Carthage, isang lungsod-estado sa Hilagang Africa.
Ang Carthage ay itinatag ng mga Phoenician na kilala sa pagiging mahusay na mandaragat.
Pagsapit ng 265 BCE ay naging pandaigdigang lakas sa larangan ng kalakalang pandagat ang Carthage
Nang masakop ng Rome ang Timog Italy, nagkaroon ng takot ang mga Carthaginian na maagaw ng Rome
ang Sicily kung saan naroon ang kanilang mga kolonya at pamilihan.
Ang mga pangambang ito ang nagtulak sa Rome na makipaglaban sa Carthage, ang labanan ay tinawag na
mga Digmaang Punic o Punic Wars.
Ginamit nila ang kanilang taktikang militar na panlupa sa kanilang pakikidigma sa dagat.
Napilitang makipagsundo ang Carthage noong 241 BCE sa kanila.
Nakuha ng Rome ang Sicily at hindi nagtagal, nasakop din ng Rome ang Sardinia at Corsica noong 238 BCE.
Noong 220 BCE, natalo ni Scipio si Hannibal sa Digmaan sa Zama sa Numidia na ngayon ay kilala bilang
Algeria.
ANG DIGMAAN PUNIC
ANG PAG-ANGAT NI JULIUS CAESAR
TRAJAN
Si Trajan ang kauna-unahang emperador na tagalabas na umupo sa trono.
Isa siyang dakilang heneral at mananakop
Nakuha niya ang teritoryo sa silangan ng Euphrates at ang Dacia sa hilaga ng Danube.
HADRIAN
Umupo siya noong 117 CE at sa kanyang pamamahala ay gumanda ang mga probinsiya.
Nagtayo siya ng maraming kuta o tanggulan upang hindi masalakay ang teritoryo.
Kinilala si Hadrian na mahusay na pinuno at may pantay-pantay na pagtingin sa mga
nasasakupan.
ANTONINUS PIOUS
Ipinagpatuloy ni Antoninus ang pagpapalakas sa mga hangganan ng imperyo.
Nagpaggawa ng Antonine Wall, katulad ng itinayo ni Hadrian upang mabigyang
proteksiyon ang mga imperyo laban sa mga gumagalang tribu.
Naghari siya nang matiwasay sa loob ng 23 taon.
MARCUS AURELIUS
Ginamit niya ang sistemang merit na siyang basehan sa pagtaas ng ranggo at tungkulin ng
isang kawani.
Binigyan niya ng pansin ang pagtatanggol sa imperyo laban sa mga tribung Aleman na
nagtangkang tumawid sa Danube River at sumakop sa hilaga
ANG PAGHINA AT PAGBAGSAK NG
IMPERYONG ROMANO
Dahil dito, dinoble ng imperyo ang puwersa upang mahadlangan ang mga ganito
pagababanta na naging daan upang malimas ang pera ng bayan.
Pagkalipas ng isang dantaon ng kaguluhan, sinikap ng dalawang emperador na sina
Diocletian at Constatine na mailigtas ang imperyo.
Mula 192 CE hanggang 284 CE, itinalaga ng mga hukbo ang 28 emperador na sunod-sunod
na patay.
Si Diocletian ay anak ng dating alipin.
Pumasok siyang sundalo sa hukbo at tumaas ang ranggo sa pagdaan ng ilang taon hanggang
maging emperador noong 284 CE.
Kinontrol niya ang kalakalan sa pamamagitan ng mga batas.
Pinili niya si Maximian na mamamahala sa Kanlurang bahagi at naiwan ang silangan sa kanya.
Nagretiro siya noong 305 CE at sumunod na rin si Maximian.
ANG PAGBAGSAK NG ROME
Nawalan ng saysay ang pagsisikap nina Diocletian at Constatine na maisalba ang
imperyo.
Malala na rin ang suliraning panloob ng Imperyong Romano.
Sa isinagawang pagsususri sa mga dahilan ng pagbagsak ng Rome, kapuna-puna
na ang mga suliranin na nag-ugat sa pundasyon ng imperyo ang unti-unting
nagpahina sa kapangyarihan nito bago pa man sumalakay ang mga tribung
barbaro.
PANITIKAN
Sumikat si Cicero sa larangan ng pananalumpati.
Si Julius Caesar, bukod sa isang mahusay na heneral, ay isa ring mananalaysay.
Isinulat niya ang “Ang Kanyang Komentaryo sa Gaul.”
Nakilala rin si Livy bilang isang mahusay na manunulat sa Rome.
Isinulat niya ang kompletong kasaysayan ng Rome.
Si Tacitus naman ang sumulat ng kalagayan ng Rome sa panahon ng mga emperador.
Itinuring na tatlong dakilang makata ng Rome sina Virgil, Horace, at Ovid.
Ginamit ni Virgil ang mitolohiya upang ikarangal ng mga tao ang kanilang pagiging
mamamayan.
Nakilala naman si Horace sa kanyang oda na binubuo ng tulang liriko.
Si Ovid ay kilala bilang isang mahusay na makata ng pag-ibig.
PAGBABATAS
Ang sistema ng pagababatas ay maituturing na pinakamahalagang ambag ng mga Romano sa
kabihasnan.
Ang batas ng “Twelve Tables” noong 451 BC na kauna-unahang batas sa Rome ang naging simula
ng isang mahabang tradisyon legal na makikita pa rin natin sa kasalukuyang panahon.
Ang batas sa mga Romano ay para sa lahat anuman ang uri.
Sila rin ang nagtaguyod ng paniniwalang ang mahusay na gobyerno ay batay sa pag-iral ng mga
batas (rule of law).
Ang Batas ng Bayan, isang sangay ng Batas Romano, ay sinusunod ng lahat ng mamamayan sa
imperyo.
Ikinatuwa nilang sabihin ang mga katagang “Civis Romanus sum” na nangangaluhugang
“I am a Roman Citizen”.
WIKA
Katulad ng Batas Romano, ang wikang Latin ay kumalat din sa buong imperyo.
Sa kasalukuyan, milyon-milyong tao ang gumagamit ng mga wikang ibinatay sa Latin
tulad ng wikang Espanyol, Pranses, Portuges, at Romanian.
ANG IMPERYONG BYZANTINE