You are on page 1of 24

(Class room)…….

<,..,> Oyy! Bakit nandito tayo diba dapat nandoon tayo sa kabila?

<.,,.> Aba! Malay ko ba’t di mo itanong sa mama mo?

<,..,> Siraulo! tignan mo ohh! bakit nasa kabila yung tukmol?

<.,,.> Oo nga no? tara ipagtanong-tanong na natin to.

(Faculty room)…….

<.,,.> Maam good morning po.

<,..,> Maam bakit nasa kabilang section kami neto ni ***an.

<;..;> Bakit? Ano ba nakuha niyong grades bago kayo grumaduate ng grade 6?

<.,,.> 86..

<,..,> 85..

<;..;> Parehas hindi umabot mga average nyo, may tanong pa?

<.,,.>&<,..,> Wala na po.

(Canteen)…….

<,..,> Tol malas bat nandito tayo? tignan mo puro warrior kasama natin dito.

<.,,.> Tol kailangan maka 87 tayo kung gusto talaga nating makaalis sa impyernong to.

<,..,> G.

<.,,.> Kita mo yun?

<,..,> Oo hindi lang isa, apat sila tol, ano kaya mo ba?

<.,,.> Tanga! Ikaw ba kaya mo?

<,..,> Please watch me po.

<.,,.> Gung-gong pataasan na lang ano?


2008
“First day of school dapat cool na cool! Mas cool pa sa tubig ng
swimming pool! Dapat talaga maganda na agad ang pasok
Pagpasok mo ng classroom, dapat umuusok!”

- Ganyan ang pakiramdam namin dahil siguradong hindi lang ako ang
nakakaramdam nito tuwing unang araw ng pasukan lalo na at ito ang unang
araw ng aming pagiging highschool. Sa mga panahong ito mo huhubugin
ang sarili mo kung sino ka magiging pag laki mo at kung ikaw ba ay
makakatulong sa republika ng Pilipinas o magiging dagdag ka lamang sa
populasyon.

- Ating ibalik sa kasalukuyang kwento, ng malaman ko at ng aking matalik na


kaibigan na pagtapos ng lahat ng pinag hirapan namin nung elementary
inihiwalay parin kami sa aming iba pang kaibigan. Dahil sa pang yayaring
ito dito kami simulang natuto at mag karoon ng kaalaman sa pag tatanim ng
sama ng loob. Sa pangyayaring ito kami ay nag kasundong mag higanti at
ipakita sa mga kinauukulan na mali ang naging desisyon nila sa pag lipat
nila sa amin ng section. Kaming dalawa ay nag sumikap sa aming pag aaral
hindi lang para sa ikauunlad ng sarili namin kundi para sa muling pag kabuo
ng aming samahan na tinatawag din naming A.T.O.R hindi ko na ibibigay
ang kabuuang pangalan nito para narin sa aking kaligtasan. Naging mahirap
ang mga pagsubok na hinarap naming sapagkat hindi kami sanay na
mayroong kompetisyon na nangyayari sa aming dalawa. Mahaba ang naging
taon na ito ngunit aking masayang ibinabalita na kami ay nagtagumpaay sa
aming balak na ma promote este makapasok sa unang section. Nakakuha ako
ng average na 89 at 88 naman sa kanya, dahil dito ako ang nanalo at may
karapatang pumili, pumili ng ano?
(Classroom)…….

<.m.> Ayun! Kamusta mga bobo? Bakit ngayon lang kayo?

<.,,.> Oo na ***ina neto naka tsamba ka lang naman kaya andito ka.

<,..,> Uy, uy san na sila? Bat kayo palang nandito? Mag i-introduce pa ba kami?

<.w.> Introduce daw tol baka naman may gusto ka lang makilala?

<.m.> Oo tol kalahati dito kilala ka na wala ng may pake sayo.

<.,,.> Hindi tol may gusto lang talagang makilala yan pakilala nyo nga.

<.m.> Sino ba dyan? Iilan lang naman transferee ngayon puro scholar pa.

<.w.> Saka bobo ka ayaw nun sayo hahahaha.

<,..,> Hahahaha **go malay mo?

(Canteen)…….

<.,,.> Bakit na late kayo?

<(“)> Traffic tol grabe di gumagalaw jeep.

<,..,> Bakit di mo nilipad?

<.w.> Hahaha **go talaga

<.m.> Angas naman nitong bagong salta nato.

<|’’|> Ganyan nga yan pero bobo padin hahaha.

<,..,> Hahahaha ***ina nyo, na miss ko lang kayo mga **go.

<.,,.> Pero sino nga ulet?

<.m.> Ayun daw pre.

<,..,> ***ina neto hahahaha.

<.,,.> **gong to bakla pala gusto, baka mamaya nyan mahal mo na pala ako?

<,..,> Ulol!
2009
“Akin ka na lang(akin ka na lang), Iingatan ko ang puso mo Akin
ka na lang(akin ka na lang), Wala nang hihigit pa sa 'yo”

- Ikalawang taon bilang isang high school na estudyante ng I.C.A. Pagkatapos


mapag tagumpayan ang mga masasamang balak na maka lipat sa unang
section nabuong muli ang grupo ng magkakaibigang buang. Nagkaroon din
ng hindi inaasahang balita na ikagugulat ng madami ngunit ikatutuwa ng
mga abnormal na ito.

- Ang balitang ikinagulat ng lahat na ikinasaya namin ay ang balitang “simula


ngayong taon ang ating paaralan ay susuporta sa ating sister school na EAC
sa bawat laban nito sa NCAA.” Maliit lamang ang aming paaralan ngunit ito
ay may kakayahang lumaki at dumami kung maiisipan nilang mag let’s volt
in, at mag sama-sama ang limang campus. Dahil dito agad-agad na nag
pulong ang mga buang upang planuhin at kabisaduhin ang San Juan, Manila.
Unang alis at laban hinding hindi ko malilimutan ang araw at petsa na ito
June 10, 2009 Miyerkules, ang araw na kung saan una akong nakatapak sa
Maynila at araw na kung saan una kaming nag kausap. Dahil sa magagaling
kong kaibigan nag karoon ako ng pag kakataon makipag kilala sa kanilang
grupo pero wala kong pake dun sa iba isa lang ang pakay ko. Sinigurado
kong hindi matatapos ang araw na iyon na hindi ko sya makausap at maka
palagayang loob. Umuwi kaming lahat ng nagawa ang lahat ng pinlano
naming, makapag gala sa Maynila, hanapin ang pinaka malapit na pwedeng
pag tambayan sa loob ng anim na oras, at makausap ko si ***ne. Nasundan
ng nasundan an gaming pag suporta sa EAC. Kahit talunan ang aming
kupunan panalo pa din dahil sa bawat pag alis at pag sama hindi namin
napansin na ang dating anim na grupo ng mga lalaking baliw ay
madadagdagan ng apat na babaeng sabog. Kaming sampu ay guguhit ng
kasaysayan sa aming mga buhay na hinding-hindi namin makakalimutan.
(Canteen)…….

<.m.> Yow naalala nyo nung unang punta natin sa Arena?

(*_*) Syempre naman nagulat pa nga kami may tumabi sa amin na mga ungoy.

(^!^) Hahahaha ang harsh.

<(“)> Ungoy ka din!

<|’’|> Lakas naman nito ni pugo dun ka nga.

<.w.> Wait lang di ba nga dun kami pumwesto bigla alam nyo ba kung bakit?

<,..,> ***na nyo wag ako.

<.,,.> Crush ka kasi neto.

(~o~) Ako? Hahaha kelan pa?

<.,,.> First year pa nakita ka niya nung flag ceremony.

<.w.> Bakit ikaw nag kukwento tol?

<.,,.> Hindi na kasi mag sasalita yung isa dito hahaha.

((*)) Ano naman nagustuhan mo dito, eh tomboy to?

(~o~) Oo nga ano nagustuhan mo sakin?

<|’’|> Oo nga tol di ba bakla ka?

(*_*) “BAKLA KA?”

<.,,.>&<.m.>&<.w.>&<(“)> Hahahahahahaha.

<,..,> Kelangan isigaw? Saka sikreto lang yun.

(~o~) Seryoso bakla ka nga?

<,..,> Syempre hindi no, halikan kita dyan.

<.,,.>&<.m.>&<.w.>&<(“)> Hahahahahahaha.

((*))&(^!^)&(*_*) = 0/////0

<,..,> Uy joke lang yun chill.


2010
“Sayang bakit hindi kita niligawan, ngayon ako'y nanghihinayang
kasi naman tatanga-tanga pa ako noon”

- Dumadating talaga sa punto ng buhay na akala mo umiikot lang sa mga


taong nakakasama mo ang iyong buhay ngunit mayroong mangu-gulo para
lituhin, paikutin at alipinin ka. Hindi ito inaasahan at kung hindi ka handa
maaari mo itong ikamatay, ikamatay sa tuwa.

- Taon na madaming maling desisyon, natalikurang tao, at pag-babago ng


pananaw. Nagsimula sa “oo kami na nga pala” biglaan, hindi ko din alam.
Madaming nagbago pero hindi sa paligid ko. Yan ang madalas kong marinig
na sinasabi nila maliban sa “***na mo asan ka nanaman”. Hindi nako
masyadong makasama dun sa mga buang, siguro dalawang beses na lang sa
isang lingo. Oo magkakaklase kami at sa iisang classroom lang ang
pinupuntahan naming pero lagi parin silang may sumbat na hindi ako
sumasama. Noong una hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin nila
sa hindi ko pag sama. Sa araw-araw naman na ginawa ng Diyos kami-kami
padin ang magkakasama at laging nagkikita kaya tinatanong ko sa kanila
saan ako nag kulang? Wala akong natangap na salita pag ka tapos kong
sambitin ang linyang ito pero pinag babatukan ng mga gung-gong.
Matatapos ang taon na nagkaintindihan din ang mga bobo, walang lumayo at
walang umiwas ang totoo nga niyan ay may dumagdag pa. Dahil dito
napagkasunduan ng mga naiwan na mag tatag ng tinatawag nilang “batas
ka**guhan” na hangang ngayon ay sinusunod naming. Oo ngayon, ngayong
2018 at patuloy na susundin hangang sa mga susunod na panahon.
(Clinic)…….

<(“)> Sa wakas ano na? ganito na lang ba agad?

<|’’|> Laro tayo pag uwi?

<,..,> Pass..

<.,,.> ***ina neto porket may iba ng sinasamahan di na sumasama.

<.m.> Sabi sa inyo tol nung una pa lang dapat di na natin pina kausap yan eh.

<,..,> Hahahahaha **go may pupuntahan lang talaga ako.

<.w.> Oo sa kanila ulet, tara na wala kaming support.

<,..,> I-schedule nyo na kasi ng makalaban na yung mga 4th year na yun.

<(“)> Sayo galling yan ah.

(~o~) San kayo pupunta? Ikaw san ka pupunta?

<,..,> Dun lang sa baba.

<.,,.> GG na.

<(“)> Minsan na lang sumama yang syota mo pasamahin mo na.

<.m.> Oo nga, saka kulang kami di nanaman pumasok si ***en.

(~o~) Oh? Bakit parang kasalanan ko pa?

<.,,.> Sino ba? Ikaw lang masisisi dito ikaw umakit sa ***gong to.

<,..,> Ulol!

(~o~) Siya naman may sabi na sawa na daw sya sa mga mukha nyo.

<.m.>&<.,,.>&<.w.>&<(“)>&<|’’|> ***na mo!

<,..,> hahahaha pinraktis sabay-sabay.

<.,,.> Edi ok lang pala kung kunin namin to lagi sayo?

(~o~) Wag naman sa lagi hahaha.


2011
“Kay tamis ng ating samahan sa lungkot at kaligayahan, Tunay na
kaibigan, kasamang maaasahan”

- Huling taon na bilang high school. Mabilis ang mga pang-yayari saglit lang
ang panahon sana pinahalagahan ko bawat oras kasama yung mga buang.

- Bilang pinaka mataas sa antas ng aming paaralan grupo narin namin ang
humawak at nag patakbo sa mga importanteng bagay. Mga event tulad ng
buwan ng wika, nutrition month, at intramurals. Sa pag hawak namin sa mga
nasabing event masasabi ko din naman na lahat kami ay lumaki ng matitino.
Aaminin ko na hangang sa ngayon hindi ako naniniwala sa mga ginawa ko
noon dahil pakiramdam ko mas matured ako nung mas bata pa ako. Pero
lahat ng bagay may katapusan dumaan ang taon na ito ng hindi namin na
pansin biglaan ang lahat nakita na lang namin ang sarili namin nan aka suot
ng puting toga at magkakayakap sa likod ng stage. Naalala ko pang maigi
kung kanino napunta yung rosas ko na dapat ay iibibigay sana sa mga
magulang. Nakakatawang isipin at balikan ang mga nag daang panahon
kasama yung mga buang. Hindi ko lubos na maisip kung pano ko sila napag
tiyagaang samahan sa loob ng hindi lang apat na taon. Dahil elementary pa
lang ata kami na ang mag kakasama. Kahit gustuhin naming mag aral sa
iisang paaralan habang buhay hindi ito maaari may kanya-kanya kaming
pangarap at gustong marating sa buhay. Kaya pagkatapos ng araw din na ito
nag kanya-kanya kami ng lakad para sa hinaharap namin.
(Mcdo)…….

(~o~) Sigurado ka na ba dyan? Diba sabi mo try mo lang yan?

<,..,> Oo try lang malay mo kaya pala? Hahaha.

(~o~) Sige dalawang sakay lang naman papunta sa school nyo eh.

<,..,> Lagi akong pupunta dun susunduin padin kita pahingi ako ng schedule mo.

(~o~) Hahahaha ang sweet ni bakla.

(^!^) Ang sabi 11 mag kikita-kita parang kahapon pa kayo dito ah?

<.,,.> Ang galing nga nyan ni ***ne simula nung naging sila hindi na to na late.

<,..,> Oi ***go on time naman ako nun.

<.,,.> On Filipino time.

(~o~) bakit pala kayo mag kasama?

(^!^) Nag kasabay kami sa trike papunta dito.

(~o~) ahhh.. nagkasabay.

<,..,> yung isa taga Villa Luisa, yung isa taga Mindanao tapos magkasabay kayo sa trike?

<.,,.> Mindanao ***ta nag kasabay nga lang kame.

(~o~) Mukha mo 9:30 pa lang 11 ang usapan tapos sabay kayo dumating?

<,..,> Hahahaha beng, baka gusto din mag pancake saka kape.

(~o~) Oo kape para makaramdam naman ng kaba hahaha.

<.,,.> ***na nyo lovebirds bahala kayo dyan.

<,..,> Ano ba kasi pre? tayo mag kababata dito wala ka bang ikukwento?

<.,,.> WALA!

<,..,> Chill! Magagamit mo na ba yung binigay ko sayo nung birth day mo?

<.,,.> ***NA MO!

<,..,> Hahahahahaha
2012
“Ang mahalaga ikaw ay masaya, ‘Wag mong intindihin ang
sasabihin ng iba Sila ang may problema”

- Masyado ba akong natuwa? Masyado ba akong nag enjoy? Ang alam ko


lang hindi lang para sa akin itong ginagawa ko. Nag-aaral akong mabuti
dahil una sa akin ito. Yung mag-aaral ka kasi wala kang ka alam-alam sa
pinag aaralan mo yun ang mag bibigay sa iyo ng kakaibang saya.

- Nakakilala ako ng mga mabuting tao simula pa lang. Nag papasalamat ako
dahil nakilala ko ang mga taong ito. Sila ang mga naging una kong kaklase
pag tungtong ko ng kolehiyo. Hindi ko maipaliwanag pero mabilis na naging
dikit ang Section na napuntahan ko pero mas may ikinagulat pa ako bukod
sa pag pasok ko ng pinto sa una kong subject. May nakita akong pamilyar na
muka. Hindi ko lubos na maisip kung bakit nasa parehas kaming classroom
nun. Pero ok din pala kung may isang kahit papaano ay magiging
kapalagayan mo ng loob sa isang lugar na hindi mo masyadong kabisado.
Siya ay kaklase ko noong high school kahit na mag kaklase kami hindi rin
kami ganoong nakakapag usap dahil nasa magkaibang grupo kami ng
pinang-galingan. Hindi ko na natupad ang pangako ko. Pero tingin ko naman
maiintindihan nya ito.
(LPU)…….

<,..,> Di mo sakin sinabi kayo pala ni ***ren.

<’\’\> Di mo lang tinatanong, tara palabas na daw sila classroom.

<,..,> Buti na lang may kasama nako pag napunta dito hahaha.

<’\’\> Oo pre nakakahiya din minsan kilala na nga ako nung guard eh.

<,..,> Hahahaha minsanan na lang ako pumunta dito di tulad nung first sem.

(\.-./) Diyan na pala kayo, tara sa labas.

<’\’\> Tara sa SM.

(~o~) ***ren sasama pa ba kami?

<,..,> Sama tayo?

(\.-./) Kamusta nga pala quiz niyo sabi nito ni ***rl wala daw pumasa ah.

<,..,> Oo nga eh ngayon lang din ako napag quiz na pangalan lang nakasulat.

(~o~) Bakit beng? Mahirap ba talaga?

<,..,> Oo eh.

<’\’\> Mahirap talaga doodle lang naisagot ko eh.

<,..,> Hahahaha nakapag doodle ka pa sa lagay nayun?

(\.-./) Puro ka kalokohan ***rl.

(~o~) Ikaw anong trip mo bakit di na kita ramdam?

<,..,> Paanong di ramdam?

(\.-./)&<’\’\> ………..
2013
“Nag-aaliw sa usok at beer lang ang kasama, mas ok pang laging
gan’to, nalilimutan ka”

- Kung noon akala ko mabilis na ang oras, mali pala ako ang oras ay
imahinasyon lamang. Pwedeng maging sobrang bagal pwede rin naman
maging sobrang bilis. Lahat ng ito ay naka depende parin sa bawat aksyon
na gagawin mo.

- Dalawang libo at labing tatlo. Pangalawang taon ko na sa pag kuha ng


kursong inhinyero akala ko sa unang taon pa lang susuko na ko. Doon ako
nagkamali hindi pala ako ang susuko. Hindi ako matalino oo lahat ng grado
ko ay puro sabit lang dahil bawal bumagsak. May tinatawag kaming
“retention policy” o bawal talagang bumagsak wala eh hindi ko alam
tagalugin. Sisimulan ko ito sa pangalawang sem kung saan tumatak sa isip
ko ang mga pangyayaring hindi ko inaasahan. Ika-lima ng nobyembre sa
taong ito midterm exam sa major subject. May natangap akong tawag
nagmadali akong lumabas para sa hindi magandang balita. Anim na oras din
siguro akong naka-upo sa rotonda bago ko maalala na may exam nga pala.
Hindi na ko nag special exam tinamad din akong pumasok. Nakakapang-sisi
sana hindi ako tinamad, sana hindi ko na lang pinansin, sana tinuloy ko lang.
Pero ganun talaga lahat ng sana o bakit ay nasa huli. Natapos ang semestre
ng may tatlong bagsak buti na lang may bagsak din si ***rl. Kahit papaano
nakakagaan sa loob na hindi lang ako ang mag papaalam sa napakasayang
section na ito.
(Parklane)…….

<.,,.> Kamusta pre kaya pa ba?

<.m.> Yan ***ta! kalandian kala mo gwapo.

<.w.> Simulan na yan ng makarami may kasama tayong broken.

<,..,> ***go! Wala na yun bakit wala pa iba?

<.,,.> Wala? Ano to? Wala lang? di ka nga marunong uminom tapos bigla ka mag- yayaya?

<,..,> Wala lang pre na miss ko kayo hahaha.

<.,,.>|<.m.>|<.w.> BAKLA!

<,..,> ***NA NYO! hahahaha

(Greensborough) …….

<(“)> Nakumpleto din ang mga ungas sa wakas.

<|’’|> Di ka padin nakaka move on?

<,..,> Ulol ako pa?

<.,,.> Kunin nyo wallet buklatin nyo ng malaman.

<,..,> Wag ako ***GO! Hahahaha.

<.m.> Sino ba taya ngayon?

<,..,> Sagot ko na.

<.w.> Sabi na di pa talaga to nakaka moveon.

<,..,> Siraulo! sagot ko lang kasi sinagot naman ni ***an yung kahapon.

<|’’|> Araw-arawin nato ng makalimot tong ***go.

<(“)> Nararamdaman kong magiging mahaba tong sembreak na to.

<,..,> Mag shi-shift nga pala ko pre, ikaw na bahala sakin.

<.,,.> Sabi sayo mag I.T. ka na kasi agad eh.

<,..,> Eto na oh.


2014
“Barkadang matatag hangang sa ngayon, Minsan man mag kita
tiyak may kwela, Yan ang aking mga tropa”

- Sa oras kung saan ka pinaka namomroblema doon mo makikita kung sino


ang mga totoong tao na nakapaligid sayo. Mas lalo mong makikilala yung
mga akalang kilala mo na minsan nakakagulat dahil akala mo wala kang
maaasahan sa hilatsa pa lang ng mukha pero sabi nga nila don’t judge the
book by it’s cover.

- Wala na nga pala ako sa CEAT nasa CSCS nako. Masaya ako at tinangap
ako ng dean ng maluwag sa kanyang puso. Tinuloy ko lang ang pag-aaral ko
na parang walang nangyari. Sa loob ng dalawang sem o isang taon dito naka
habol sa upang maging regular na estudyante. Naging mag kaklase pa kami
ni ***an ang maganda pa nito lumipat din ang isang tukmol galing sa
Adamson sapagkat nalalayuan daw sya. Tatlo kaming mag kakaklase sabay-
sabay namroblema ng bigyan kami ng di maka-taong project. Bukod sa
bumalik ang sigla ko sa pag-aaral, inaabangan ko na din ang bawat araw na
dumadating makasama lang yung mga tukmol na humatak sakin pataas nung
nasa baba ako. Sila nga pala yung nag sabi sakin na pag napagod pahinga
lang walang sukuan. Ito yung mga ***gong pag sinamahan mo habang
buhay ka nang sasamahan nakakairita din pala minsan.
(Food square)…….

<.,,.> Kain pre.

<,..,> San nga ba debut ni ***ai, anong oras tayo pupunta?

<(“)> Sa kanila lang daw, paano yan pre magkikita kayo?

<,..,> Edi magkita, as friends.

<.,,.> As friends, ULOL iiyak ka lang sa madaming tao.

<(“)> HAHAHAHAHA

<,..,> Iiyak ***ta, di ako umiyak.

<.,,.> Sabi sayo pre nalasing natin yan eh.

<(“)> Hindi mo maalala?

<,..,> ULOL!

(Debut)…….

<.,,.> Pang ilan ka pre?

<(“)> Panlima ako.

<|’’|> Seven sakin.

<.m.> Mag kasunod tayo pre.

<.w.> Pang sampu ako, ikaw pre pang-ilan ka?

<,..,> Thirteen sakin.

<.,,.> Oh! Hindi ka ata naimik dyan?

<,..,> May singaw ako, masakit.

<.m.> Singaw ***TA! sa kabilang mesa ka nakatignin.

<,..,> ***go hindi.

<.,,.>|<(“)>|<|’’|>|<.m.>|<.w.> MAHINA! MAHINA!


2015
“Hindi ako sanay sa biglaan, Unti-unti na lang sanang nawala. Di ko
man lamang nalaman na mawawala.”

- Bakit laging may problema sa buhay? Kadalasan, ang tao, kapag humaharap
sa malaking problema o sitwasyon na mahirap kaharapin ang laging tanong
ay bakit?

- Ang problema sa buhay bigla-biglang dumadating hindi ito inaasahan. Kung


may kakayahan lang akong lutasin ang bawat problema na dumarating sa
buhay ko buburahin kong lahat iyon. Pero dahil isa din akong buhay na tao
at hindi perpekto dadating din ang mabibigat na panahon. Nag simula ang
aking 2015 sa balitang uuwi ang aking tatay galing sa bansang tsina.
Magandang balita, pero hindi para sa amin. Sa pag papauwi kasi sa aking
ama ngayon taon walang kasiguraduhan kung sya ay makababalik pa o
hindi. Dahil dito mas pinili ko munang huminto sa pag-aaral kahit sa isang
semestre lang. Huminto nga ako sa pag-aaral pero hindi na ako nakabalik
makalipas ang isang semestre. Bukod sa nakaramdam ako ng katamaran
hindi din sapat ang naging ipon namin upang maituloy ko ang aking pag-
aaral. Alam ko na kung gusto ko talagang makapagtapos kailangan kong
kumilos. Hindi ako makakapagtapos sa naging una kong paaralan pero
sisiguraduhin kong makakapagtapos ako. Nalaman ng mga kumag na hihinto
ako sa pag-aaral nalungkot sila kunwari na naging dahilan upang mag-
inuman.
(Baba)…….

<.,,.> Titigil ka pre?

<,..,> Oo titigil muna, pero baka bumalik din, ewan.

<(“)> Sayang ***go dalawang taon na lang pre.

<.,,.> Titigil din kasi ako pre, baka sa susunod na sem.

<,..,> Tuloy na din kayo?

<(“)> ***NA NYO! Lumipat nga ako dito dahil sa inyo tapos iiwan nyo lang din ako?

<,..,> ***GO! Sorry na biglaan yung sakin.

<.,,.> Hindi biglaan sakin, Sinabi ko nayun matagal na para makapag ready kayo.

<,..,> Pre halos mag dadalawang dekada na tayo mag kakilala siguro naman alam mo na?

<.,,.> Oo ***go size 12 ka.

<(“)> Yung sakin pre?

<.,,.> Diba sabi mo gusto mo ng blonde?

<(“)> Yan dapat ganyan walang limutan.

<.,,.> bili kita mais mamaya.

<(“)> ***GO! Hahahaha.

<,..,> Paano ba yan pre mauuna kang grumaduate?

<(“)> Oo nga eh, di bale pre pag nag katrabaho ako pag aaralin kita.

<,..,> ***tado hahahaha.

<.,,.> Mag papadala ako buwan-buwan ng allowance mo ha.

<,..,> Hahahahahaha ***na nyo talaga.

<.,,.> Sakto yan pre graduation mo uuwi ako, ako mag sasabit ng medal.

<(“)> Ako aakyat kasama mo sa stage pag suma kana, sumakabilang buhay.

<,..,> ***GO! Hahahahahahahaha.


2016
“Makikisilong lang, Magpapalipas ng ulan, Kwentuhan lang ang
katapat, Pero mas masaya kung ilabas ang gitara”

- Ang mga tambay ay makikita natin sa ibat-ibang sulok ng bansa. May


tambay sa mga kanto-kanto, eskenita, court, mall, bilyaran, at kalsada. Isa
lang ang ibig sabihin nito malala ag suliraning kawalang ng trabaho ng
maraming Pilipino.

- Hindi ko akalaing mabibilang ako sa mga matatawag na tambay sa Pilipinas.


Walong buwan matapos ko sa paghinto sa pag-aaral matatawag kong
tambay-bahay ako. Hindi ako masyadong lumalabas dahil hindi naman
talaga ako pala-labas maliban na lang kapag may humatak sakin palabas.
Nag tagal pa ang pag tambay ko ng tatlong buwan saka ako nasampal ng
realidad. Akala ko nung una na aabot ng isang taon ang pagtambay-bahay
ko. Natapos ito ng halos Oktubre na ng sinubukan ko ng mag-apply para sa
trabaho. Una kong apply sa SM pala-pala IQOR. Wala akong kaalam-alam
sa pinasok kong ***guhan. Umupo ako kaharap ang isang medyo may
itsurang babae at nag simulang magtanong ng ingles. Hindi ko namalayan na
nagkukwentuhan na pala kami tungkol sa mga bagay-bagay tinigil nya na ito
at sinabing bumalik ako mamayang 11:30 ng gabi para sa final interview
daw. Natuwa ako dahil lumabas ako ng masaya, yung mga kasabay ko
medyo malungkot. Sayang lang dahil hindi ako pumunta para sa final
interview sa kadahilanang tinamad ako at gabi na natakot akong iba ang
ugali ko kapag inaantok at baka kung ano pa ang masabi ko sa interviewer.
Pagkatapos nito naka hanap din naman ako ng trabaho at inakalang hindi na
mag-aaral pero nakakamiss padin pala ang paaralan dahil nagawa ko paring
talikuran ang trabaho na kaya na sanang buhayin ang sarili ko at tatlo pang
tao.
(CityHomes)…….

<.m.> Nagpapainom na si kumag medyo bigtime na.

<,..,> Unang sahod binigay ko kila mama yung mga sunod satin nayun hahahaha.

<(“)> Pwede kana mag aral ulit nyan pre. Enroll na tara.

<.w.> ***tado nakaka dalawang buwan pa lang yan oh.

<|’’|> Ang tanong magaaral ka paba pre?

<,..,> Hindi din ako sigurado pre sayang lang kasi talaga naka tsamba nako oh.

<.m.> Halimbawa pre makaalis ulit si tito babalik ka pa ba?

<,..,> Siguro pre, pero baka hindi na sa La Salle.

<(“)> ***go bakit? Ayaw mo na ba sakin?

<.m.> Anyare sayo pre diba itong kumag na to yung bakla? Bakla ka na din ba?

<(“)> ***TADO!

<,..,> Hahahahahaha.

<(“)> ***go mag-aral ka na ulit.

<,..,> Oo pre ipon lang ako, mga isang taon pa.

<.m.> Baliw! Maaaubtan ka ng K-12 kaka next year mo.

<,..,> Hindi yan, tiwala ka lang hahaha

<|’’|> Sinasadya nya yan pre para abutan sya ng K-12

<,..,> Paanong sasadyain?

<(“)> Ahh manyak nga pala ng mga bata to.

<,..,> ***tado! Hahahaha.

<.m.> Hinidi tinangi, baka yun talaga pakay pre?

<(“)> Tumpak huli ang hinayupak

<,..,> Mga ***GO! Hahahahaha.


2017
“Nasaan ka man ngayon, ano mang oras na ikay may kailangan,
tawag ka lang sa amin at parang nandito ka na rin”

- Bakit nga ba marami sa ating mga Filipino ang may kagustuhang makalabas
ng bansa? Simple lang ang kasagutan, baka kinuha ng mga magulang? Yan
ang nagning kwento ng isa sa mga kumag Hindi nga nag paalam bigla lang
umalis. Nakakagulat isang araw makikita mo na lang naka jacket na.

- Ang kaibigan ko ng halos isang dekada ay biglang lumisan ng walang


pasabi. Ng makausap isa lang ang nasabi “baka umiyak ako” sobrang nakaka
***go. Ang kaibigan kong ito ay hindi hirap sa buhay ang totoo nga nyan ay
sobrang nakakaluwag sila sa buhay. Nakakapagtaka na iwanan nya ang
Pilipinas sa kadahilanang gusto nya lamang makaranas ng snow. Huli ko
lang nalaman na may sakit pala ang kanyang ama na asa ibang bansa din.
Hindi nag kukwento ang ***go. Pero higit sa lahat nag-pasa ako ng
resignation letter na buong pusong tinangap ng manager ko dahil isa sya sa
mga pumipilit na bumalik ako sa pag-aaral. Inayos ko ang mga dapat ayusin
kinuha ko ang mga dapat kuhanin. Lumipat ako ng paaralan at ang napili ko
ay ang CVSU-Silang sa kadahilanang mas malapit kesa sa Indang. Natapos
ang mga proseso, unang araw orientation sa rooftop di ako nakikinig nag
mamasid-masid lang nanunuod sa bawat aksyon ng tao ng may masipat ang
aking mata.”LUMINDOL”
(Skype)…….

<.,,.> Pre ano? Kamusta back to school ka na din daw?

<,..,> Oo pre, Sa CvSU ako papasok sa may Silang. Anong din?

<.,,.> Mag-aaral din ako dito pre balik ako High School parang K-12 daw dyan.

<,..,> Oh! Sayang naman pre naka 3rd year ka na dito eh.

<.,,.> Oo pre sayang, Oi daan pala kayo sa bahay andun si tita kunin nyo padala ko.

<,..,> Size 12 ba yung akin?

<.,,.> Oo hahahaha.

(Greensborough) …….

<.w.> Balita dun sa tropa nating Amerikano?

<,..,> Nakabuntis daw pre ipapadeport na dito.

<(“)> Hahahahahaha ***GO!

<.w.> Tignan nyo mga post ng hayup na yun nakahawak din ng snow hahahaha.

<,..,> Nakahanap daw sya dun ng part time tatlo daw.

<.m.> Dami ahh. Ilan bang pamilya binubuhay nun?

<,..,> Mag-aaral daw sya ulit.

<(“)> Anong pag-aaralan nya dun? Ka***guhan?

<.m.> ***tado pag nag-aral yun dun uulit yun ng high school.

<,..,> Oo pre uulit nga daw talaga sya.

<.w.> Sayang yung pinaghirapan nyang kata***duhan dito sa pinas.

<(“)> Hahahahahahaha.
2018
“Ang aking lihim na pakay, Ay ang lahat ng ito’y gawing tunay”

- Nasa kalahati na agad tayo sa taon ng dalawang libo’t labing dalawa. Ako ay
nag aaral ng mabuti. Oo nag-aaral ako ng mabuti mamatay ka man.
Natutuwa ako dahil hindi ako minamalas sa mga section na napupuntahan
ko.

- Sa hindi inaasahang pangyayari nadagdagan ang matatawag kong mga


kapatid sa ibang magulang. Siguro nga talaga lapitin ako ng mga baliw. Pero
swerte padin ako na kahit alam ko sa sarili ko na hindi ko pa naipapakilala
ang sarili ko ng lubos tingin ko ay matatangap nila ito ng lubos. Kumbaga
nakita na nila si Brian ngunit hindi pa nila nakikita si Ferndale. Pero saka na,
mahaba pa ang panahon mas makikilala pa namin ang isa’t isa ng lubos.
Nadadagdagan nababawasan ganyan pa ang lagay sa ngayon pero kita mo na
agad ang tatagal sa dadaan lang. Mag-iiwan ng malaking espasyo baka
madagdagan sa susunod.
(GC)…….

<(“)> Tinamad ako kanina pre.

<.w.> Ginawa mo?

<(“)> Binuksan mga FB nyo may mga nakita akong kakaiba.

<,..,> ***ta ka.

<|’’|> Hahahahahahaha.

<.m.> Balita pre.

<(“)> Mahabang kwento mga pre, pero may isang tumatak.

<.w.> ***ta ayan n asana hindi sakin.

<,..,> ***na mo, parang ako nanaman na pag-tripan neto.

<(“)> May malandi dito pre, alisin na natin.

<.w.> Sino ba?

<|’’|> yung nag back to school pre, ***na send ko mga printscreen.

<,..,> Hayop kayo sabi na, kaya pala may mga convo na hindi sakin.

<(“)> Sa susunod kasi pre usap, usap lang.

<,..,> ***na mo, yan lang ba ginagawa mo sa trabaho mo?

<(“)> Minsan pag walang gawa hahahahaha.

<.w.> Share mo dito pre lahat. Hahahaha.

<(“)> May mga picture pa pre. Mukang kagagaling lang sa JS hahahaha.

<,..,> ***na nyo talaga hahahahaha. Wala ng matago.

<.w.> Sa susunod kasi pre mag kusa kang mag kwento para di ka napapagkwentuhan.

<|’’|> Oo nga pre, kelan ba namin makikita yang mga yan?

<,..,> Pag natsambahan Hahahaha, o di kaya hindi na.

<(“)> Madamot ***ta.

You might also like