You are on page 1of 3

John Mark R.

Constantino
10 nais mamasukan abroad,
nasagip sa 'human trafficking'
Nasagip ng National Bureau of Investigation ang 10 Pilipinong babiyahe
sana mula Clark International Airport sa Pampanga matapos mabatid na
peke ang kanilang recruiter at ang mga isinumite nilang mga dokumento
sa paliparan.
Hinarang ang mga biktima matapos maberipikang peke ang kanilang
mga dokumento gaya ng visa, affidavit support, overseas employment,
certificate mula sa Philippine Overseas Employment Administration at
Overseas Workers Welfare Administration at iba pa.
Peke rin umano ang nakausap na recruiter, ayon sa mga awtoridad.
Nakatakda sanang pumunta sa Malaysia, Lebanon, at Doha sa Qatar ang
mga nasagip. Magtatrabaho sana sila bilang mga domestic helper at
entertainer.
Mayroon pa umanong mga aalis ng bansa na nagpapanggap na mga
turista.
Ayon sa mga biktima, hindi nila alam na peke pala ang mga nakausap
nilang recruiter.
Pinaghahanap na ngayon ng NBI ang mga nasabing recruiter at
nakahandang sampahan ng kasong illegal recruitment at human
trafficking.
Paalala ng NBI, importanteng dumaan muna sa POEA para masigurong
tunay at lehitimo ang recruitment agency maging ang papasukang
trabaho abroad.
Repleksyon
Nakalulungkot isipin na patuloy paring umiiral ang ganitong klaseng
pananamantala sa mga kababayan nating OFW. Sa halip na makapunta
ng ibang bansa upang makipagsapalaran para sa ikabubuhay ng pamilya
ay naloloko sila dahil sa mga pekeng recruitment agencies. Bumabayad
sila ng malaking pera tapos maloloko lang. Dapat magkaroon ng
malawakang imbestigasyon, pagpupulong ang kamara, at senado upang
lubusan ng matuldukan ang isyung ito sa mga OFWs. Dapat maging
responsable ang DOLE at OWWA sa kanilang mga nasasakupang
OFWS. Kung may nagaganap na iregularidad at kapabayaan sa hanay ng
DOLE at OWWA ay marapat nating ipagbigay alam sa kinauukulan
upang silay parusahan. At sa mga tiwali at mapagsamantalang kawatan
sa mga OFWS. Sa mga illegal recruiter diyan, Tumigil na kayo, maawa
kayo sa ating mga OFWS, Malaki ang naitutulong nila sa ekonomiya ng
ating bansa, napapanatili nilang matatag at patuloy na lumalago, sa
katunayan nga ay itinuturing silang mga bayani. Huwag na natin silang
pahirapan o lokohin. Marami pang isyung kinakaharap ang mga OFWs
matagal na silang nagtitiis, matagal na silang humihingi ng tulong,
pagod na pagod na sila. Panahon naman upang silay tulungan natin.
Bumalangkas dapat ang mga kongresista ng mga batas na naglalayong
palawigin ang proteksyon at karapatan ng mga OFWs. Dapat kung labis
na naaapektuhan ang seguridad ng mga OFWs ay maghain agad ng
Diplomatic Protest upang hindi na lumala ang sitwasyon. Kung
magkakaroon ng maraming oportunidad, maraming trabaho, mataas na
sweldo, maayos na pamamahala malabong mangibang bansa ang mga
kababayan natin. Masarap sa pakiramdam na natutulungan moa ng sarili
mong bansa sa pag unlad. Sa dami ba naman ng problema sa Pinas hindi
na ako magtataka kung dumating ang panahon na wala ng nakatira sa
Pilipinas dahil lumipat na sa ibang bansa. Posible itong mangyare kung
pababayaan nating lumala ang mga problema ng bansa. Isang problema
lang naapektuhan na ang lahat. Kung magkakaroong ng kooperasyon
ang mamamayan at pamahalaan malamang hayahay an gating buhay,
wala tayong problemang iisipin na makapagpapainit sa atin ng ulo.
Magiging masaya ang pamumuhay dito sa Pilipinas.

You might also like