You are on page 1of 2

General Luna: A Thought Paper

By Junegreg A. Cual

Ang pelikulang “General Luna” ay isang pelikula kung saan pinapakita ang pamumuno
ni General Luna sa mga sundalo sa panahon ng paglalaban sa pamagitan ng Pilipinas
at America. Ayon sa aking pagsaliksik, ito ay ang pinakamahal na pelikula na nagawa
tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang gastos nang paggawa ng pelikula na ito ay
napakasulit dahil nabigyan ng hustisya ang pananaw ni General Luna. Ang Pilipinas ay
ibenenta ng mga Kastila sa mga Americano sa halagang $20 million dollars. Makikita
natin na kung paano kaawa-awa ang Pilipinas noon. Pero hanggang ngayon, naiisip ko
pa rin na pwede nating mahintulad and pangyayari noon sa ngayon. Sa panahon
ngayon, hindi natin alam sa ilalim ng administrasyong Duterte kung ano ba talaga ang
ugnayan ng Pilipinas at China. Tuwing nagkakaroon ng mga pulong, ipinagbabawal ng
ating presidente na magkaroon ng aktwal na pagkubre nito para hindi malaman ng mga
tao kung ano ang pinag-uusapan nito. Napatanong ako sa sarili ko, tayo ba ay
ibinebenta ba ulit sa China?

Sa eksenang sinasabi na si Heneral Luna ay tinawatag ding “Heneral Artikulo Una”, na


ang ibig sabihin ay kung sino man ang hindi sumunod sa mga utos niya ay pwedeng
patayin na kahit walang paglilitis, naalala ko nanaman yung mga nababasa at
napapanuod kong mga kwento tungkol sa panahon ni Marcos, noong Martial Law.
Mahihintulad ko ang dalawa sa paggiging diktador, pero sila ay magkaiba ng layunin. Si
Heneral Luna, ginawa niya ito para sa ikakabuti ng Pilipinas noon. Si Marcos naman,
ginawa niya ito abusuhin ang kanyang kapangyarihan para siya ay mananatili sa
kaniyang pwesto bilang presidente. Halos magkaparehas sila ng ginawa, pero
magkaiba sila ng layunin.

Nagustuhan ko ang linya ni Heneral Luna na, "Alam ng mga Amerikano kung bakit natin
ipinaglalaban ang ating kasarinlan dahil buong tapang at buong bangis rin nilang
ipinaglaban ang sa kanila. Iba ba tayo sa kanila? Wala ba tayong karapatang mabuhay
nang malaya?"
Manila 1945: A Thought Paper
By Junegreg A. Cual

Ang “The Battle of Manila: 1945” ay isang dokumentaryo tungkol labanan sa Maynila
noong ikalawang digmaang pandaigdig. Tungkol ito sa pakikipaglaban ng mga Hapon
sa pagdating nga mga Amerikano sa Pilipinas, na ang layunin ay palayin ang Pilipinas
sa kapangyarihan ng Hapon. Ito ay isinilaysay ng mga iba’t ibang pananaw ng mga
nakaligtas noon, beterano, manalaysay, at mga eksperto. Ayon sa aking pagsaliksik,
umabot ng mahigit isang daang libong tao ang namatay sa laban noon. Napuno ang
Manila ng usok, bala, bomba, sirang gusali, at mga patay na katawan.

Mahihintulad ko rin itong dokumentaryo sa pangyayari ngayon, kasi tulad ngayon ang
Pilipinas ay unti-onting ‘nasasakop’ na ng Tsina. Ang Pilipinas ay nagging mabait sa
mga Tsina tulad ng pagpapasok sa kanila dito sa ating bansa na hindi gaano ka istrikto
ang pasaporte. Sinasabi ng ating pangulong Duterte na ang ‘pagpasok’ nila dito sa
Pilipinas ay isang tulong para ang ating ekonomiya ay umunlad. Marami siyang mga
palusot para lang matakpan ang mga pinag-gagawa ng mga Chinese dito sa ating
bansa.

Kaya para sa akin, bilang isang estudyante, dapat mas lalong lalimin natin ang pag-
unawa sa ating kasaysayan at gawin itong sandata laban sa mga gustong sumakop ng
ating bansa sa palihim na paraan. Hindi natin alam ang pwede mangyari. Dapat mas
matutunan ng mga bata kung ano ang pwede mangyari sa mga ganitong sitwasyon
para sila ay magkaroon ng ideya. Yung pangyayari sa Manila noong 1945, iyon ay
nagging isang dahil kung ano tayo ngayon, at bakit ganito tayo ngayon. Makikita natin
kung gaano pa rin tayo na impluwensya sa mga ating mananakop.

You might also like