GHHJJJN

You might also like

You are on page 1of 2

GERONIMO, JIMMEL GRACE C.

BPA 1-3

1. Bakit ba mahalaga ang wika?


[ ] Mahalaga ang wika sapagkat ito ang sumasalamin sa ating kultura at ating pagiging Pilipino.
Kung walang wika, hindi tayo magkakaroon ng pagkakaintindihan at mahihirapan tayong
makipag-usap sa ating kapwa. Ang wika rin ang nagsisilbing pagkakakilanlan nating mga Pilipino.
2. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral natin ng Wikang Filipino?
[ ] Sa pag-aaral ng wikang Filipino, nagkakaroon tayo ng malaliman pang pagtalakay ukol sa kung
ano ba talaga ang ating wika at ano pa ang dapat nating malaman dito. Marami sa atin ay
bagamat Pilipino, mali pa rin ang gramatika at ang paggamit ng mga salitang malalalim at hindi pa
natin gaanong alam. Kulang pa ang kaalaman natin kung kaya't nakabubuti na pag-aralan pa natin
ang ating wika.
3. Bakit kailangan mag-aral ng Wikang Ingles?
[ ] Ginagamit sa buong mundo ang wikang Ingles. Hindi maikakaila na kailangan ay marunong ka
gumamit ng wika na ito sapagkat ito ang kadalasang ginagamit ng mga tao, Pilipino man o hindi,
upang magkaintindihan. Kapag ikaw ay naghanap ng trabaho, may iilan na isa ito sa mga
qualifications. Ito rin ang linguafranca natin kung kaya't malaking bagay ang matutunan natin ito.
4. Sa anong panahon natin mapapaunlad ang Wikang Filipino?
[ ] Para sa akin, ngayon na ang tamang panahon na iyon. Moderno na ang panahon ngayon,
marami nang paraan upang makapagpakalat ng impormasyon at maganda kung magagamit natin
ito upang mapaunlad pa ang wika natin.
5. Ano ang pagkakaiba ng Tagalog, Pilipino at Filipino?
[ ] Ang wikang Tagalog ang dineklara ni dating pangulong Manuel Quezon upang maging wikang
pambansa noong Disyembre 30, 1937. Ito ay wikang natural at sinasalita ng isang
etnolinggwistikong grupo.
[ ] Ang wikang Pilipino ay wikang opisyal at batay sa iisang wika lamang; wikang ginagamit sa
pagtuturo at mga asignatura. Natigil ito nang gawing wikang Filipino ang wikang pambansa.
[ ] Ang wikang Filipino naman ay batay sa maraming wika tulad ng kastila at ingles.
6. Ano na ba ang estado ng Wikang Filipino sa kasalukuyan?
[ ] Buhay ang wikang Filipino at ito ay nananatiling malusog.
7. Gumawa ng Replektibong Sanaysay tungkol sa pagsali niyo sa buwan ng wika. May pamagat,
panimula, katawan at wakas.

BUWAN NG WIKA SA POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Hindi naging madali ang aming pagsali sa sabayang pagbigkas. Maraming mga pagsubok ang
aming nilagpasan upang masabi na naging masaya ang aming pakikilahok. Oo, hindi ito naging
madali, at bagamat natalo kami, ngunit habang tumatagal ay naging mas maganda ang naging
bunga ng pakikilahok naming ito. Hindi tulad ng buwan ng wika sa aming eskwelahan nung Senior
High, hindi ko nadama ang buwan ng wika dito sa PUP. Kung kami ay hindi sumali sa sabayang
pagbigkas, ay marahil hindi ko na tuluyang naramdaman kung paano nga ba nangyayari ang
selebrasyon na iyon dito. Mabuti na lamang at sumali kami.

Mahirap ang naging proseso, wala naman sigurong madali, hindi ba? Nandyan ang tawanan,
iyakan, away, at iba pa na naganap bago at matapos ang nasabing sabayang pagbigkas. Nung una
ay nagkakaproblema lamang sa mga pagbabayad sa aming instructor; hanggang sa nagkaroon na
ng bangayan ukol sa hatian ng mga gagawin sa pagitan ng props at mga aktor. Nagkaroon din ng
problema dahil umuuwi agad at hindi tumutulong ang ibang props team. Buti na lamang ay
nagawan agad ng paraan at nagkaroon ng way para maging magarbo ang kasuotan ng mga
kaklase namin. Masayang makita kung paano sila umarte sa harap ng mga tao nang may ngiti sa
labi at pagpupunyagi. Magandang makita na ang pinaghirapan mo ay may napuntahan. Sobrang
galak ang aking nadarama matapos nila makilahok--sobrang saya nilang tignan na natapos na ang
matagal naming pinaghirapan. Natapos ngunit masaya.

Naging matatag ang pundasyon ng aming seksyon kung kaya't nakakatuwang isipin na ito pala ang
makakapagpalapit pa sa aming lahat. Maraming naging malapit na magkaibigan dahil dito.
Maraming mga alaalang hindi matutumbasan ang nangyari dahil sa aming pagsali sa sabayang
pagbigkas. Oo, hindi ko naramdaman ang buwan ng wika sa PUP; ngunit dahil dito ay naging mas
malapit pa ako sa aking mga kaklase.

You might also like