You are on page 1of 1

PAMBUNGAD NA PANANALITA

Sa ating punong-guro, Ginoong Reynaldo P. Eliseo, Gng. Melisa Jose, Academic

Coordinator ng Kinder hanggang Baitang Walo at Doktora Salvacion Echavez, Academic Coordinator

ng Baitang Siyam hanggang Baitang Labing-Dalawa, mga minamahal na kaguruan ng Holy Cross of

Davao College, mga manonood at kapwa ko Holy Crossians, isang Maupay nga Aga sa inyong lahat.

Ang Buwan ng Wikang Pambansa ay taunang ipinagdiriwang at ito ay itinatakda tuwi g Buwan ng

Agosto. May mga layuning nais nating mabigyang katuparan, isa na rito ay ang mapahalagahan natin

ang wikang Filipino bilang pambansang wika at ang pagtatampok ng kahalagahan ng wikang

pambansang Filipino para sa pambansang pagkakakilanlan ng wika at kultura. At sa pagtitipong ito;

maibabahagi natin an gating pagmamalasakit, pagmamahal at pakikiisa na matutop ang layunin ng

pagdiriwang ng wikang pambansa sa pamamagitan ng mga pinaghirapang anyo ng pagpapakitang

gilas at talino sa sari-saring patimpalak na matutunghayan natin ngayon. Kaya’t umupo, relaks, at mag-

enjoy. Muli ikanagagalak ko kayongbinabati sa pagsisismula n gating pagdiriwang sa Buwan ng Wika.

Maraming salamat!

You might also like