You are on page 1of 2

Sa balarila, ang bahagi ng pananalita/panalita (sa Ingles: part of speech), o kauriang

panleksiko, ay isang lingguwistikong kaurian ng mga salita (o mas tumpak


sabihing bahaging panleksiko) na pangkalahatang binibigyang kahulugan sa pamamagitan
ng sintaktiko at morpolohikong asal ng bahaging panleksikong tinutukoy.
Sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa (1939;1944) ni Lope K. Santos (kilala rin sa
tawag na Balarilang Tagalog at Matandang Balarila) ay may sampung bahagi ng
pananalita. Ang mga ito ay pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-
abay, pantukoy, pangatnig, pang-ukol, pang-angkop at pandamdam. Sinimulan itong ituro
sa mga paaralan sa Pilipinas noong 1940 matapos maipahayag ng dating Pang. Manuel
Quezon ang Tagalog bilang siyang saligan ng wikang pambansa.
Dala ng sunod-sunod na pagbabago at modernisasyon ng wikang pambansa (na kilala na
ngayon bilang Filipino) ay maraming aklat ang nalimbag na nagmumungkahi ng pagbabago
sa Matandang Balarila. Isa na rito ang Makabagong Balarilang Filipino (1977;2003) nina
Alfonso O. Santiago at Norma G. Tiangco. Sa aklat na ito'y napapangkat ang may sampung
bahagi ng pananalita sa ganitong pamamaraan:
A. Mga salitang pangnilalaman (mga content word)
1. Mga nominal
a. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay,
pook, katangian, pangyayari, atbp.
b. Panghalip (pronoun) - mga salitáng pánghalilí sa pangngalan.
2. Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang
lipon ng mga salita
3. Mga panuring (mga modifier)
a. Pang-uri (adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa
pangngalan at panghalip
b. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa,
pang-uri at kapwa nito pang-abay
B. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)
1. Mga Pang-ugnay (Connectives)
a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o
sugnay
b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan
c. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba
pang salita
2. Mga Pananda (Markers)
a. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o
panghalip
b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - salitang nagkakawing ng paksa (o
simuno) at panaguri
Hindi na isinama ang Pandamdam (interjection; mga salitang
nagsasaad ng matinding damdamin) sapagkat ayon sa mga may-akda
ng Makabagong Balarila ay maaaring magamit bilang pandamdam ang
kahit anong salita kung bibigkasin nga ng may matinding damdamin.
Samantala, sa Balarilang Ingles ay may walong tradisyunal na bahagi
ng pananalita bagama't higit pa itong nahahati sa iba't ibang kaurian
sang-ayon na rin sa mga pag-aaral ng mga kasalukuyang lingguwistiko.
Ito ay ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-
abay, pangatnig, pang-ukol at pandamdam.

You might also like