You are on page 1of 9

CHAPTER FOUR

“Good morning!” masigla at may ngiti sa labing si airplane boy ang bumungad sa pagdilat ko. Nage-
ehersisyo siya.

Hindi ako kumibo at tumayo na lang muna sa pagkakahiga.

“May gusto ka bang kainin?” tanong niya sa’kin.

Umiling ako. “Kape na lang”

Hinila niya ‘yung kamay ko at dinala ako sa isa sa mga mini restaurant dito sa Edge. “Namamaga na ‘yang
mata mo” sabay nguso sa mata ko.

Umirap lang ako.

“Ang sungit mo talaga, nakatulog ka ba nang maayos kagabi?”

Wala ako sa mood kaya nakapag-sungit ako sa kan’ya. “Hindi ko alam, tulog ako no’n”

Tumawa siya nang mahina, nakakapagtaka ‘tong lalaking ‘to. Sa kabila ng pagsusungit ko sa kan’ya at
walang sawang pagdadrama ko hindi niya nakuhang magalit sa’kin.

“Alam mo ang plastic mo, nakakainis ka. Gago ka”

Umiling siya habang patawa-tawa. “O bakit na naman?”


“Wala”

Umiling siya at humawak sa baba niya. “Tignan mo ‘to. Magsasabi ng kung anu-ano tapos kapag
tinanong kung bakit sasabihin wala. Abnormal ka ba?”

Piningot ko ‘yung tainga niya at hinampas siya sa braso n’ya.

“Aray putangina naman, maawa ka naman sa’kin” sinamaan ko ulit siya ng tingn. “Ang ganda ng buhok
mo” pambawi niya.

Napahawak ako sa mahaba kong buhok. Nagbaba ako ng isang daan sa lamesa. “Ito? Lagging
hinahawakan ng ex ko ‘to”

Napatingin siya sa’kin na parang sinusuri ako.

“Gago ‘yung utak mo ah” tumawa lang siya. “Laging sinusuklay ni Kleo ‘yung buhok ko”

Bilang napatakip ng bibig si airplane boy. “Putang-ina. Pu-tang-ina”

“O bakit?”

“Baka bading ‘yang ex mo. Tangina nais yatang mag-parlor”

“Ulul” sabi ko sabay tawa.

“Patingin naman ng itsura nung Kleo”


Kinuha ko ‘yung phone ko at naghanap ng magadang litrato ni Kleo. “Here”

Tinitigan niya ‘yung picture ni Kleo at para bang sinusuri dahil nanliliit pa ‘yung mga mata niya.

“Love is blind. Naniniwala na ako”

Binigay niya sa’kin ‘yung cellphone ko. “Uy grabe ka naman, ang ganda kaya ng mata niya”

Huminga siya nang malalim. “Mas gwapo naman ako riyan”

“Wow, confident” kumindat lang siya at nagstrike ng pose.

“Pero seryoso ang ganda talaga ng buhok mo”

“Thank you”

Hindi na ulit kami nagkibuan. Ganun naman talaga ‘diba? Kapag hindi pa kayo gano’n ka-close.

Hindi ko siya pinansin at naglakad nang naglakad hanggang sa makapunta sa building kung nasaan ang
kwarto ko.

“Uy bakit uuwi ka?”

Hindi ko siya kinibo at nagdire-diretso na lang sa paglalakad.


Nang makarating na ako sa floor ko, nakasunod pa rin sa’kin si Airplane boy. Hinarap ko siya. “Hoy, bakit
ba sunud ka nang sunod?”

Nginisihan niya ako at napa-facepalm siya ‘yun bang parang nang-aasar. “Dito rin ang kwarto ko. Ayan o”
sabay turo niya sa k’warto.

Medyo napahiya ako kaya ‘di na lang ako kumibo at dinabog ‘yung pinto.

Tumalon ako sa kama ko at tsaka umiyak nang umiyak. Sana hindi na lang ako nabuhay kung magiging
ganito lang pala ang kahihinatnan ko. Sana hindi na lang ako nabuhay. Tangina!

“Putangina mo Kleo!” nagsisigaw ako sa loob ng kwarto ko at ibinalibag lahat ng gamit na nakikita ko.

Tumingin ako sa salamin at hinawakan ang buhok ko. May nabasa ako sa article na isa sa mga way ng
pagmo-move on ay paggupit ng buhok dahil nandun ‘yung isa sa mga memories chuchu.

Kinuha ko ‘yung gunting at nagdadalawang isip kung gugupitin ‘yung buhok ko.

Napapikit ako at binalibag ‘yung gunting.

Hindi pa ako handang kalimutan siya.

------

Nagising ako na magang maga ang mga mata ko. Nag-inat muna ako. Napahaba yata ang tulog ko dahil
magga-gabi na rin.
Kinuha ko ‘yung phone ko at nakakita ng maraming messages na galing kay Rico. Si Rico ‘yung kaibigan ni
Kleo kaya binuksan ko kaagad ‘yon.

Nabalitaan ko na wala na pala kayo

Huy

Sagot naman diyan.

Sorry ah? Kasalanan ko yata.

Nasaan ka ba?

Hindi pa ako tapos sa pagbabasa ay tumawag siya bigla. SInagot ko naman kaagad.

“Rico… kumusta siya?” tanong ko habang pinipigilan na mag-crack ang boses ko.

Nakarinig ako ng malalim na paghinga sa kabilang linya. “May bago na siya”

Nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko na at hindi ko mapigilan ang mapahikbi. Halos hindi na ako
makahinga. Parang naninikip na ‘yng dibdib ko.

“Hey, are you okay? S….Sorry kung---“

“Rico” patuloy na ako sa paghagulgol at nagwawala na ako sa k’warto.


Biglang bumukas ‘yung pinto ko at nakita si airplane boy nab akas sa muka niya ang paka-irita pero
bigkang nagbago at napalitan ng paga-alala.

“Anong nangyari?”

Walang anu-ano’y niyakap ko siya nang mahigpit at umiyak nang umiyak sa kan’ya. Naramdaman ko ang
mga bisig niya na yumakap na rin sa’kin na nagbigay ng komportableng haplos sa buhok ko.

“Halika. Punta tayo sa magandang lugar” Hindi na ako kumibo at sumama na lang sa kan’ya.

Sa loob ng elevator ay puro hikbi ko lang ang maririnig. Nakayakap pa rin ako sa kan’ya.

Nakarating kami sa rooftop ng building. Ngayon ko lang nakita ‘to. Kitang-kita ‘yung kabuuan ng lugar.
Hindi naman lahat, pero maganda talaga. Malamig pa.

Inabutan niya ako ng plato at nginuso ‘yung pader na maraming mga basag na salamin.

Binalibag ko ‘to at napaiyak na naman. Sorry iyakin ako eh.

“Sumigaw ka lang. Ilabas mo lahat ng nararamdaman mo” kumuha ulit ako ng plato at ibinalibag sa
pader nang buong lakas.

“Putangina mo!”

Bawat mga plato na binabasag ko ay nilalabas ko ang nararamdaman ko.

“Mamatay ka na! Magsama kayo”


Hanggang sa maubos na ‘yung mga plato at niyakap ako ni airplane boy at iniyakan ko ulit siya.

“Ayoko na” napabitaw siya sa’kin.

Binigyan niya ang tingin ng pagtataka. “Ha?”

“Kakalimutan ko na siya. Para sa bagong simula”

Inabutan ko siya ng isang libo. “Ngumiti ka na”

Hirap man sa pagngiti ay ngumiti pa rin ako. Kailangan ko na rin kasi makalimot.

“Love yourself. Maawa ka naman sa sarili mo. Ampanget panget mo na”

Napatingin ako sa kan’ya. “Panget ba talaga ako? ‘yung totoo lang”

“Actually no. Sasama ba ako sa’yo at pagtitiisan ‘yang nakakarindi mong mga kwento tungkol sa ex mong
gago?”

Napakunot ako ng noo. “So sinamahan mo lang ako dahil type mo ako?”

Ngumiti lang siya at nagkibit-balikat.

Hinampas ko siya sa braso at napaaray naman siya habang tumatawa. “Siraulo kang gago ka”
Nagkaroon ulit ng katahimikan sa pagitan namin.

“Tomorrow is the last day. Sulitin na natin ang mga araw dahil hindi na tayo magkikita” out of nowhere
kong sabi.

Binuhat niya ako na paarang kinidnap. Naalala ko tuloy na ganito ako buhatin ni Kleo.

“Anoba ibaba mo nga ako”

“Ayoko” tumakbo pa siya nang mabilis na halos magkanda-hilo hilona ako.

Nang makarating na kami sa elevator ay puro tawanan lang kami at nagk’wentuhan tungkol sa mga
buhay namin.

Nakarating kami sa mini park habang nagku-kwentuhan pa rin.

“So ano nangyari sa babae?” kinukwento niya kasi ‘yung tungkol sa nangyari sa kan’ya sa Paris

Humiga siya sa damuhan. “Edi ayun. Na-coma siya”

“Kawawa naman ‘yung babae”

“But wait, nung nagising siya, hindi ako ang hinanap niya. Kundi iba. Kaya ayun. Nakaligtas ako.
Nakalimutan na niya yata ako”

Nagtawanan lang kami hanggang sa magkaroon nan g dead air sa pagitan namin.
“Sana ganito na lang lagi. ‘yung masaya ka” napatingin ako sa kan’ya at napangiti.

“Thank you”

Naging komportable na ako sa kan’ya.

“Okay lang ban a maging magkaibigan tayo?” nung una hindi siya sumagot kaya nalungkot ako.

Sa bagay kakasabi nga lang niya kanina na nakakairita ‘yung mga kinukwento ko sa kan’ya.

“Ofcourse”

You might also like