You are on page 1of 7

CHAPTER THREE

“Saan tayo ngayon?”

“Bakit ano pa ba ang magagandang puntahan dito?” tanong ko.

Pinony ko ‘yung buhok ko para hindi humahawi.

“Sa mini Park,may ilog don, mangisda tayo”

“Sige tara”

----

“Paano bang makalimot?” out of nowhere koong tanong.

“Huh?”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Gago ka rin eh no? Narinig mo naman ipapaulit mo pa”

Tinawanan niya lang ako.

“Kasi ‘diba? Parang ang hirap makalimot, ‘yun ngang pinagsuot ako ng bikini ng nanay ko noong
graduation ko nung pre-school ako hindi ko makalimutan at that was 24 years ago”
Bigla siyang tumawa nang malakas. “Seriously?”

Hinampas ko siya nang mahina. “Seryoso nga ako, anuba?”

Tumingin siya sa ilog at nakapamulsa. “Actually, hindi naman sa pinagsamahan ‘yung kalimot kalimot na
‘yan eh, it’s about the love you are feeling. Kung mahal mo edi mahal mo pa rin”

Nakinig ako sa mga sinasabi niya ta hindi na nagsalita.

“Once na wala ka nang nararamdaman, it doesn’t mean na nakalimutan mo na ang pinagsamahan niyo.
Maybe ‘yung naransanan mo noon would beyour lesson ngayon”

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Kung makikita mo siya parang puro kalokohan lang sa
buhay at pa-doggy doggy lang siya sa buhay.

“Kuya mangingisda kami” sabi niya.

Binigyan kami nung lalaki ng pamingwit at kalahating timba ng uod. Medyo nag-cringe ako kaya
napakapit ako kay airplane boy.

Kaming dalawa lang ang nakasakay sa Bangka dahil marunong naman daw siya mamangka.

“Alam mo kung nandito ‘yung ex ko? Ipapakain ko sa kan’ya lahat ng uod na nariyan sa timba”

Bigla siyang napatingin sa’kin at ngumiti nang nakakaloko. Inabutan ko siya ng isang daan. Mukhang
maghihirap ako sa ginagawa ko shet naman.
“Grabe ka talaga. Napaka-sadista mo” sabi niya sabay tawa.

Naramdaman ko ang paggalaw ng pamingwit ko. “Hoy shet! Mukhang malaki ‘tong nakuha ko”

Kinuha niya ‘yung pamingwit ko at siya mismo ang gumawa ng dapat gawin.

“Tangina ang laki nga. Kuha ka pa”

Siya na rin ‘yung naglagay ng uod sa bait dahil alam niyang nandidiri ako.

Halos isang oras kami namimingwit. Kaya nung napagod na kami kakahintay sa isda na lumapit sa’min.
Katulad ng ex ko na hinihintay ko siya matagal na pero matagal na pala siyang devoted sa career niya.

Nag-abot ako ng isang daan kay airplane boy. “Aanhin ko ‘yan?”

“I just thought about my ex earlier. So why would I cheat na hindi magbigay sa’yo ng one hundred pesos.
Hindi naman ako katulad niya”

Muli niyang nilahad ‘yung kamay niya at inabutan ko ulit siya ng isang daan.

“Alam mo? Kung hindi ka titigil sa kakabanggit diyan sa ex mo. Makakaabot tayo ngmilyones dito”

Nginisihan ko s’ya. “Money doesn’t matter to me. I have lots of ‘em. Ikaw lang yata ang gahaman sa
pera”

Umiling lang siya. “Nope, actually minsan napaisip na ako. What if walang pera? Hindi ba masaya ang
lahat?”
“Bakit naman?”

Dinilaan niya muna ‘yung labi niya bago sya sumagot. “If there’s no money, makukuha ng lahat ang
gusto nila. Hindi na nila kailangan pang maghirap ulit”

Umiling naman ako sa sagot niya. “Exactly, kung walang mahirap, walang maghihirap. Nobody would
work hard”

“Tama ka naman, pero think about this. Kung walang pera, wala ng paghihirap. Katulad ng ex mo, kung
walang pera at ‘di uso ‘yon. Edi sana he won’t choose his career over you”

Napaisip ako, pero there’s still inside of me na tutol ako sa kan’ya.

“Kapag ang tao nasanay sa isang bagay , mahihirapan na siyang maka-recover kapag nawala ‘yon. For
example, kapag ang nanay mo hindi ka tinuruan tumayo sa sarili mong paa, hanggang ngayon karga ka
pa rin n’ya”

Hindi siya kumibo.

“Like hello, wala ng tao ang gagawa pa ng best nila para lang sa bagay na madali lang naman abutin”

Hindi ulit siya sumagot. Pero ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. “Iba ka talaga. Ang tanga rin ng ex mo
na iniwan ka niya no?”

“Sinabi mo pa”

“Magga-gabi pala”
Hinila niya ako papunta kung saan

Nakarating kami sa mapunong lugar pero perfect place para makita ang view na talagang napakaganda.
“Perfect place at perfect weather ‘to para mag-bonfire”

“Kakainin na’tin ‘tong mga isda?”

“Malamang, ano gagawin natin diyan?”

Nagkibit-balikat na lang ako.

Umupo muna ako sa maliit na upuan malapit sa bonfire. Talagang napakaganda rito. Sobrang dami ng
magagandang activities na pwedeng gawin.

Pinanuod kong mag-ihaw ng isda si airplane boy. Habang nakatingin ako sa an’ya, nagtataka ako, how
could his ex-girlfriend leave him kung ganito ka-maginoo ang taong ‘to?

Tumingin siya sa’kin at ngumiti ngunit bumalik rin sa pag-iihaw. Napahawak ako sa braso ko dahil medyo
maginaw na rin at malapit pa kami sa dagat kaya medyo malamig na.

Nakaramdam ako ng warmness nung naramdamn kong naglagay siya ng jacket sa likod sa’kin. Napangiti
ako.

“Alam mo? Naalala ko ‘yung ex ko sa’yo. Gan’yan rin kasi siya sa’kin” bigla siyang ngumiti sa’kin at
inilahad na namana ng kamay niya.

Inabutan ko ulit siya ng isang daan.


“Lagi niya kasi ‘tong ginagawa sa’kin kaya, naalala ko lang naman”

Tumingin siya sa langit. “Alam mo? May iba pang paraan para makalimot”

Napatingin ako sa kan’ya. “Ano ‘yun?” Nanginig buong kalamnan ko nong may sinabi siya.

“Umiyak ka hanggang magsawa ka”

“Pwede rin, pero kasi ang sakit sa mata pero hindi ko mapigilan umiyak eh”

“Edi makipag-date ka kung kani-kaninong lalaki, o kaya makipag-jugjugan ka”

Binato ko siya ng kung anong mapulot ko. “Gago ka talaga”

“Di nga, p’wera biro. Makaka-move on ka rin. Sa tamang panahon”

Ngumiti ako sa kan’ya at kumapit sa braso niya. Somehow, I feel so comfortable kapag kasama ko siya.
Para bang ang gaan ng pakiramdam ko and I feel that there’s something na nagdudugtong sa’ming
dalawa.

Masaya ang gabi ko at somehow ay nakalimutan ko na ang pag-iisip k okay Kleo. Nakalimutan ko siya ng
kaunti.

Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang instagram ko. I saw Kleo’s new post.
Halos maibalibag ko ‘yung phone ko sa inis dahil nakita ko na may bago na pala siya. Napakabilis niyang
itapon ang 9 years. Putangina niya!

“Hey bakit?”

Sumigaw ako nang malakas at umiyak nang umiyak. Niyakap niya ako at siniksik sa dibdib niya. “How
dare him! Putangina niya, gago siya. Napakagago niya”

Halos magkanda-piyok na ako sa kakasigaw ko. “Sshhh everything will be okay”

“Putangina kasi, ganun ganun na lang ba ‘yon? After all we did? After planning for our fucking future?
Ganun na lang? So ano ‘yon? Para saan ‘yon? Kung kalian naka-9 years na kami tsaka pa siya gaganito?”

“Baka naman mayroon siyang explanation?”

Umiling ako at ngumisi. “Tangina niya!”

Umiyak lang ako magdamag hanggang sa makatulog ako.

You might also like