You are on page 1of 9

CHAPTER TWO

“Kanina pa tayo naglalakad-lakad dito. Tara kumain muna” alok ko. Medyo nagiging close na kami ni
Airplane boy kaya medyo napapaatag na rin ang loob ko sa kan’ya

Hindi naman siya mahirap pakisamahan, at hindi rin naman pala siya masamang tao.

May mini restaurant dito sa island kaya solve solve ren. Libre ang pagkain at masasarap pa kaya nga sulit
ang binayad kong 85k dahil kahit makailang pagkain dito.

“So sikat pala ‘yang ex mo? Bakit hindi ko siya kilala?” hindi ko alam kung gusto niya lang akong
pasayahin or talagang taga-bundok siya at hindi niya kilala si Kleo.

Sumubo ako ng pagkain. “Oo at marami na siyang nakahalikan sa mga eksena niya. Putangina dre hindi
naman ako nagalit”

“HAHAHAHA baka naman mas magaling daw humalik ang ibang babae kaysa sa’yo” napaisip ako sa
sinabi niya. Baka nga iyon ang dahilan.

Hindi ako kumibo at napatulala na lang.

“Uy biro lang naman. Hirap pala makipag-biruan sa brokenhearted no?”

Sumipsip ako sa inumin ko. “Ikaw? Bakit ‘di mo kilala si Kleo? Taga-bundok ka ba? Or gubat?”

“Oy masyado mo naman minamaliit mga tagabundok at gubat. Hindi naman”


“Oo na sorry na. Pero bakit nga?”

“Eh kasi galing akong Paris. At 5 years na ako ron”

“Sabagay 3 years pa lang naman nagiging sikat si Kleo. Baka nga hindi mo na siya naabutan”

Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan namin.

“Ikaw? Hindi ka pa ba nagka-ex?” tanong ko sa kan’ya.

Tumingin siya sa dagat. “Nagkaroon na”

“Paano mo siya nakalimutan?”

Tumingin muna siya as’kin bago siya magsalita. “I just woke up na wala na siya sa isip ko and masaya na
ako”

“Wow putangina ambilis ah. Ano kinain mo?”

“Gago wala, matagal tagal rin ako naka-move on”

“Ilang years?”

“Mahalaga pa ba ‘yon? Basta ang sa’kin lang ay hindi na siya ang bumabagabag sa isip ko”

“Naks naman koya. Sa tingin mo ilang years pa bago ko makakalimutan si Kleo?”


Tumingin siya sa taas na pawing nag-iisip. “Siguro 20 years?”

“Gago 40 plus na ako non, OA na ‘yan” sabay hampas sa kan’ya. “Kararating mo lang ba dito sa
Pilipinas?”

“Oo kanina lang”

“Hala tangina baka jetlag ka pa”

Umiling lang siya at uminom ng smoothie. “Wala lang ‘to. Malakas ako ‘di katulad niyong mga babae”

Nginusuan ko siya at pumalumbaba. “Whatever. Bakit nga pala nasa Paris ka?”

“Nagbakasyon”

“What? 5-year vacation?” tumango siya. “Payaman si koya”

“Nope pinag-ipunan ko ‘yun. Pangarap ko kasing makita ang Eiffel tower, Tapos nung nakapunta na ako,
naiwala ko naman ‘yung passport ko kingina”

Natawa sa part na sinabi niya.

“It took me 4 years and 4 months bago ko mahanap ‘yung passport ko dahil nasa embassy pala at sa
katangahan ko hindi ko naisipan na magtanong don”
“Kuya, paorder pa po ng chocolate shake palagyan ng oreo at whipped cream sa ibabaw than you” sabi
ko

Tumawa siya. “Gustung gusto mo talaga ‘yung sweets no?”

“Oo favorite namin ‘yun ng ex –“ napayuko na naman ako, putangina bakit ba pagdating sa ex ko
nawawala pagka-matapang ko?

“Tangina ah. Ang daming bagay na nagpapaalala sa’yo ng ex mo. Paano ako makikipag-usap sa’yo?”

Pinunasan ko ‘yung luha ko. “Sorry. Sige ganito na lang. Kada banggit at kwento ko sa ex ko bibigyan mo
ako ng dare”

Biglang nagliwanag ang mukha niya. “Sure thing”

“Basta talaga kagaguhan game ka no?”

“Ikaw nag-isip niyan hindi naman ako.” Prenteng sabi niya. “So limitless ang paged-dare? Halimbawa
sinabi kong have sex with with papaya ka?”

“Putangina mo talaga no? Siyempre hindi. May limit ‘yon.”

Umiling siya. “Kapag papuchi puchi lang ang dare ko sa’yo, walang mangyayari, uulit-uli—“ tinapat ko
ang index finger ko sa bibig niya as a gesture na manahimik muna siya.

“Siyempre iba ‘to. ALam mo na ‘yung mini-mean ko” tumango na lang siya at tumitig muna sa’kin.
Nagkaroon g halos isang minutong katahimik sa pagitan namin. Hindi ko maimangine na naikipag-deal
ako sa noknok na ‘to.

Matino akong babae pero bakit ganun? Nagtiwala ako sa kan’ya.

“So ano namang makukuha ko riyan?”

Napaisip ako, ano nga bang makukuha niya dito sa mga pinaggagagawa ko? “Ganito na lang. Bibigyan
kita ng sampung piso kada kwento ko sa kan’ya”

Okay na ‘yon atleast may makukuha siya. “Teka teka, tangina sampung piso?”

“Oo naman”

Saktong dumating ‘yung inumin na inorder ko kaya uminom kaagad ako ron.

“Bakit sampu lang? 100 dapat”

“Gagu lubayan mo ako”

“De seryoso nga, kung sampu lang, paulit-ulit mo lang----:

“50”

Tumitig siya sa’kin. “500?”


Umiling ako. “75”

“200”

“100 putangina okay na ‘yan”

“Okay deal”

Pumadekwatro ako. “Mabuti’t nagkaka-intindihan tayo”

“Ano gagawin ko sa milyones?”

“Gago milyones agad?”

Inirapan ko siya. “De ano nga? Hati tayo? Atleast ‘diba nakapag-pon ka pa kahit papaano”

“Ilalagay ko sa ipon ko?”

Tumingin siya sa dagat. “Bakit hindi mo na lang ipambili ng lalaki?”

“Putangina mo hindi ako ganun, never”

Tumawa siya nang mahina. “Biro lang naman”

“O kaya ipantulong ko sa mga nangangailangan katulad ng ex ko na putangina niya na mukhang


kailangang kailangan ng pera kaya ako iniwan at sana mamatay na siya ngayon rin”
Nagkaroon ng sandaling katahimikan at nagkatinginan kami. Dahil narealize ko kung ano ‘yung sinabi ko.
Inabot niya ‘yung kamay niya sa’kin na pawing hinihingi na ‘yung isang daan.

“Tanga hindi pa start”

“Luh, eh nagdeal na tayo ah”

Nangapa ako sa bulsa ko ng pera kung may nadala ba ako o wala. Tsaka ko inabot sa kan’ya ‘yung 200
pesos. “Sukli ko?”

“Ulul magkwento ka na lang ulit tungkol sa ex mo para wala ng sukli”

Napaisip ako. “Ahm ano ba ‘yung pwede?”

“Ano na lag ‘yung huli niyong ginawa bago kayo naghiwalay? ‘yung bago mag-away”

Medyo napahagikgik ako ng kaunti. “Ops censored”

Narinig ko ang mahina niyang tawa. “’Yung ginawa noong 6th anniversary niyo”

Nangiti ulit ako. “Censored ulit” sabay dila.

“Tangina ang landi niyo”

Binelatan ko lang siya at hindi na sinagot.


“Ilang taon ka na ba?”

“28 na ako ikaw?” yep, 19 years ako nung sinagot ko siya atkeast ‘diba? Legal na ‘yon Kesa naman sa
mga tao ngayon na putangina dose pa lang may anak at jowa na.

“Guess what”

Ilang taon na ba ‘to? “Ahm 23?”

Bigla siyang nag-pogi sign. “Sabi nga nila. Pero mali”

“22?”

Tumawa siya na parang nafa-flattered. Tangina, ilang taon na ba ‘to?

“Siret na ako gago. ‘Wag ka ngang gumagan’yan muka kang adik”

Hindi muna siya nagsalita. “31 na ako. Medyo nakakatuwa ‘yang sagot mo ah? Mukha pa ba akong
bata?”

“Gago seryoso 31 ka na?”

Tumango siya at ngumi-ngiti ngiti. “Si Winny, ‘yung kapatid ko na namatay, gusto niyang makilala ang
magiging girlfriend ko before daw siya mamatay….”

“Eh ‘dba nagka-ex ka na?”


“Yep, pero hindi ko naman siya pinakilala dahil hindi naman kami nagtagal agad”

Hindi ako sumagot bagkus ay nakinig ako sa mga kwento niya.

“Tapos ayun hindi ako naniwala na mamatay na siya, dahil alam kong kaya pa niya. Pero hindi. Namatay
s’ya nang hindi man lang nakilala ‘yung magiging girlfriend ko”

Nakaramadam ao ng awa. Pakiramdam ko sobrang ulila na talaga siya sa pamilya. Naik’wento niya sa’kin
na bata pa lang sila ay iniwan na sila ng magulang nila

I mean namatay nag anon. Dahil sa plane crash noong 2008 tapos ayun mag-isa niyang binuhay ang
kapatid niya pero hindi rin nagtagal.

“I’m sorry”

“No it’s okay. Wala lang naman ‘yon. Okay na ako”

Nagkaroon ulit ng dead air sa pagitan naming dalawa. “Alam mo? Hindi ko na-imagine ang sarili ko na
makikipagtalastasan ako sa stranger na katulad mo”

Tinignan niya ako na parang sinusuri. “Am I a stranger to you?”

“Sa ngayon hindi na”

You might also like