You are on page 1of 5

Lumina Presents

“Sino ba si Emmanuel?”
Ibalik ang Tunay na Diwa ng Pasko

Opening Salvo: Simbang Gabi by Lucio San Pedro


Performed by: Choir and the Casts

*Nagising sa kama at mag-iinat*

Lumina: Hellllloooooo po! Naalala niyo pa po ba ako? Ako lang naman yung namulat kanina
dyan sa kama, namulat sa katotohanang hindi na n’ya ako mahal. (Tatawa ng bahagya) Biro lang
po. Damang-dama ko nga po ang pagmamahal ng aking pamilya. I remember the year nung
ako’y ipinanganak. Ang sabi ng nanay ko, ako ang dahilan kung bakit sila nagkabuo-buo. Ang
sarap sa pakiramdam na ako ay blessed and at the same blessing.

Jeremiah: Totoo yan Lumina. Ang gulo ng buhay namin noon. Pero dahil sa liwanag mong dala
noon, naliwanagan ang puso’t damdamin ng bawat isa, lalo na si Ate Maria. Tinanggal mo sa
kanya ang takot.

Ayen: At naghatid ka din ng pagmamahal sa aming lahat. Yun ang paskong hindi ko
malilimutan.

Rujiko: Tara na at magsimba na tayo. Baka ma-late pa tayo.

Song: Bibingka by Ben&Ben


Dance Duet

*Naglalambingan si Emmanuel at Jade sa kalagitnaan ng Misa*


*Papasok si Lumina*

Lumina: Hindi ka na nahiya talaga.

*Nagulat at tinanggal ang kamay kay Jade*

Emmanuel: Nandyan ka pala. Jade si Lumina pala. Bestfriend ko.

Lumina: Hi! (Tingin kay Emmanuel) Bakit hindi ka mag-focus sa misa?

Emmanuel: Ang boring naman kasi ni Father. Sige pipilitin…

Tropa 1: Yow!!! (Apir kay Emmanuel) Hello. The who is this?

Emmanuel: Si Lumina yan. Bestfriend ko.

*Lalapitan at kikilatisin*
Emmanuel: Huwag ganyan. (kukunin si Lumina) Tara Lumina.

Lumina: I understand. Nagbago ka na talaga.

Emmanuel: Madami lang talagang nangyari Lumina. Naging madilim ang buhay ko nung
malaman kong… Hindi ko na masilayan ang mga bituin sa langit. Nawalan na ako ng pag-asa.
Nawalan na ng ganang ayusin pa ang lahat. Tinanggap ko ng ganito ako.

Song: Kwento ng Pasko


Performed by: Lumina and Emmanuel

*Ending: Sa atin nagmumula ang kaliwanagan…

Emmanuel: Paano ko gagawin yun? Hindi ko yata kaya.

Lumina: Hindi mo talaga kaya Emmanuel, kung hindi mo kilala ang sarili mo. Hanapin mo sa
isang salamin. Ang salaaming magsasabi kung sino ka at anong dapat mong gawin sa buhay na
binigay niya.

[Lights-out]

*Magigising si Emmanuel at may nagsisigawan sa bahay nila*

Nanay: Naghihirap akong kumita doon sa ibang bansa para lang itaguyod itong pamilyang ito.

Tatay: Kulang nga ang binibigay mo!

Nanay: Magtrabaho ka din kasi! Gampanan mo naman yung tungkulin mo bilang isang Ama!

Emmanuel: Tay, Nay… Wag naman sa harap ko. Nakakasira kayo sa umaga eh.

Tatay: Yang magaling mong nanay ang patigilin mo. Hindi nalang sana s’ya umuwi para mas
marami pa s’yang kita. Edi madami sana tayong kakainin at regalo sa pasko.

*Aalis si Nanay ng umiiyak*

Emmanuel: Ang daming problema dito sa bahay! Dumagdag pa yung sinabi ni Lumina. Ano
kayang ibig iphiwatig ni Lumina sa panaginip kong iyon. Namimiss ko lang siguro s’ya.

Tatay: Hoy! Anong pinagsasasabi mo d’yan? Dito ka nga at magluto. Punyetang buhay na ito.

Emmanuel: Kanta

Ano bang pakiramdam ng isang pamilya kung nagmamahalan sila


Kakain sa payak na hapag at may kwentong kasamang saya
Sa araw ng Noche Buena, sabay sabay ang pagbukas ng regalo
Maliit man o malaki, hindi bale, basta’t galing sa puso

Tatay: Hindi ako magnonoche Buena dito. Tawagin mo yung tunay mong ama sa kanya ka
magsabi ng mga ganyan. *Alis*

Emmanuel:

Ito ang aking pasko


Basta meron akong load sa aking Cellphone
Basta may inuman ang tropa ko sa kanto
Masaya na ang aking pasko

Ito ang aking pasko


Basta may pera sa naghihiyawang carolling
Takbuhan sa perya at pagsusugal din
Masaya na ang aking pasko

Masaya nga ba?

*Alis sa stage*

Emmanuel: Hoy! Tropaaaa. (Takbo)

Song: Kumukitikutitap
Performed by: Lumina and the Family
Dance Number

*Nagsasabit ng mga palamuti sa Christmas Tree at naghahanda para sa Noche Buena*

Lumina: Okey na ang ating Christmas Tree!


Tatay: Ang gaganda ng mga balot ng mga regalo. Para kanino yung malaking Regalo nay un
Lumina?
Lumina: Para yan kay Emmanuel.
Ayen: Nagbago na ang buhay niya mula nung umalis ang kanyang tatay. Nakakalungkot nga ang
kanilang pinagdadaanan.
Lumina: Sana maging maayos na ang lahat. Pinagdadasal ko siya gabi-gabi.

*Lasing na dumating si Emmanuel sa bahay ni Lumina*

Emmanuel: Luminaaaa!! We wish you a merry Christmas! Namamasko po!


Jeremiah: Nako, lasing ka na naman Noel. Hindi mo naman kailagang gawin ito palagi.
Emmanuel: Hayaan mo na. Ito nalang naman ang nagpapagaan sa mga sugat ng aking puso. Sa
Tuwing darating talaga ang pasko. Uuwi si nanay at ang step-father ko. Laging away. Sigawan.
Wala ng katapusan gulo.
SONG
Jeremiah:
Sa tuwing sisilayan ko ang mga ngiti
Hindi

Ayen:

Jeremiah: Ihahatid ko lang si Emmanuel kay Father. For sure, makakatulong s’ya sa problema
nito.

*Tumira sa Convent*

Song: Kampana Ng Simbahan


Performed by: Father and Sakristan

*Papakita ang buhay ni Father during Christmas*

Emmanuel: Ganito po pala ang buhay ninyo Father tuwing Pasko. Hindi po ba kayo
nalulungkot?

Father: Bakit naman? Kasama ko ang tunay na diwa ng Pasko. Sa tuwing magmimisa ako, at
makikita ko ang Belen, alam kong kasama ko s’ya.

Emmanuel: Sino po ba siya? Sorry po Father kasi ang tagal ko na pong di nagsisimba.

Father: Siya si Emmanuel. Kapangalan mo diba?

Song: Emmanuel
Performed by: Quartet

*Lumapit si Emmanuel sa Seminarista (Habit)*

Seminarista: Emmanuel! Nandiyan ka pala. Kumain ka na?


Emmanuel: Opo. Nagmumuni-muni lang ako. Dito ka magpapasko?
Seminarista: You mean, dito sa kinauupuan ko? Biro lang. Oo dito na ako ever since nung
nagging seminarista na ako. Kasama ko si Father.
Emmanuel: Hindi mo po namimiss yung mga magulang mo or yung mga masasayang kaganapan
sa lugar or bahay niyo? Hmmm. You know inuman, carolling, pera…
Seminarista:

Song: Ang Pasko ay kay Saya

*Umuwi ng bahay*
Nadatnan ang Nanay na umiiyak. Lumayas ang kapatid. Iniwan ng Step-Father.
Song: O Holy Night
Performed in the Bar

*Tara na at umuwi na tayo. Pero pupuntahan nila ang Ama na Waiter*

Song: I’ll be Home for Christmas

*tara na Tay.

Emmanuel: FINAL WORDS

SONG: Ito ang Aking Pasko

Bakit hindi kayo matigil?


Ano nga ba ang pasko para sa inyo?
Dahil sa mga ito?
Dahil sa taong reregaluhan niyo?
Dahil mapapasaya niyo ang tao?

Shake up Christmas Finale

You might also like