You are on page 1of 6

BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO

NG
ARALING PANLIPUNAN
IKAPITONG BAITANG
(1ST QUARTER)

I. LAYUNIN

1. Mabibigyang halaga ang pag-aaral tungkol sa Asya.


2. Maunawan at maipagmamalaki ang pagiging Asyano.

II. NILALAMAN

1. Paksa: KONSEPTO NG ASYA


2. Sangguian: Modyul ng Mag-aaral
3. Kagamitan: PowerPoint presentation, laptop, projector, fish bowl at mga papel.

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Pambungad na Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng liban sa klase

B. Pagganyak
1. Sa isang fish bowl, may lamang iba’t-ibang klase ng papel. Isa-isang pabubunutin
ang mga mag-aaral. Sa lahat ng papel mayroon lamang limang papel ang may
sulat na salitang: Asya.
2. Kung sino ang makakabunot ng papel na may sulat, ay sila ang may karapatang
pumili ng kaklase nila kung sino ang papasagutin sa tanong inihanda ng guro
kung hindi nila itong kayang sagutan.

3. Ang mga sumusunod na tanong ay:


 Sa iyong sariling opinyon, ano ang Asya?
 Bahagi ba ang Pilipinas sa Asya?
 Bakit mahalagang pag-aralan ang Asya?
 Ano ang meron sa Asya?
 Saan nagmula ang salitang “Asya”?

C. Paglalahad

Kung sino ang makakapagbigay ng tamang sagot ay may karagdagang puntos para sa
gagawing pagsusulit bago matapos ang klase. Pagkatapos makapagbigay ng mga
opinyon ang mga mag-aaral ay ilalahad nang guro ang kanyang mga karagdagang
sagot.

D. Pagtalakay sa Paksa

Ibabahagi mo sa mag-aaral ang isang powerpoint kung saan inilalahad ang konsepto
ng Asya, kahalagahan, pinagmulan, mga pangyayari at lokasyon nito.

E. Paglalahat

Magbibigay ng sariling kuro-kuro ang mga mag-aaral tungkol sa Asya sa mga


mahahalagang pangyayari na naganap at nagaganap sa kasalukuyan sa Asya.

IV. PAGTATAYA

Pagsusulit:
1. Magbigay ng halimbawa ng kasalukuyang nagaganap sa Asya? (10 puntos)
2. Bakit mahalagang pag-aralan ang Asya? (10 puntos)

V. TAKDANG ARALIN
Gumupit ng larawan na kasalukuyang nagaganap na pangyayari sa Asya.
Ilagay sa bond paper at magbigay ng maikling pagpapaliwanag sa iyong napiling larawan.

IKAPITONG BAITANG
(1ST QUARTER)

JESSA MINE B. BRACAMONTE


BSED-Supplemental
ERICK M. OCENAR
Guro

You might also like