You are on page 1of 1

FILIPINO 03

Ryan Michael A. Agcaoili II-ALM Nobyembre 8, 2016

Ang tinalakay ng aming grupo ay ang tekstong ekspositori. Ang partikular na paksang tinalakay

ko ay ang balita. Inilahad ko ang depinisyon nito ayon sa libro “isang uri ng paglalahad ang

balita kung saan nalalaman ang pangyayari sa loob at labas ng bansa”, pinalawak ko pa ito ng

kaunti. Matapos ng depinisyon, sunod ay ang mga paalala sa pagsulat ng balita. Ihalintulad o

ihinambing ko sa halimbawang balita ang mga nakapaloob dito. Sunod ay ang mga uri ng balita,

binigyan ko ang mga ito ng tig-iisang halimbawa. Pampolitika – ang paghihiwalay sa Pilipinas sa

Estados Unidos ayon kay Presidente Rodrigo Duterte; Pang-edukasyon – gaawin nang alinsunod

sa pamantayan ang edukasyon sa buong Pilipinas; Penrelihiyon – ang pagtutol ng simbahan sa

same sex marriage; Pang-agham – naging matagumpay ang pagsasagwa ng brain transplant sa

Rusiya; Panlipunan – ang halimbawang balita sa libro; Pampalakasan/isports – magsisimula na

ang NBA Season; Panteknolohiya; binawi ng Samsung ang Galaxy Note 7 sa kadahilanang

sumasabog ito ng biglaan at walang babala. Pangkultura – binansagan ang Pilipinas na Living

Treasures of Asia; Pang-ekonomiya – ang pag-alis ng Britain sa Europenian Union; Panlibangan

- Sarah Geronimo matibay ang box office appeal kahit walang kontrobersiya; Pang-artista; tila

nagmistulang mga don at donya ang mga artista sa naganap na Star Magic Ball. Sunod ay

inihambing ko ang halimbawang balita sa mga katangian ng mahusay ng Paglalahad, ang

kalinawan, katiyakan, kaugnayan at diin nito. Ang pang huli ay inilahad ko ang bahagi ng

paglalahad, ang panimula na nagsisimula sa pamamagitan ng isang kuwento dahil pinpukaw nito

ang atensyon ng mambabasa.

You might also like