You are on page 1of 204

PROLOGUE

4 years..

For 4 years I've been waiting for you to come back.

For 4 long years I survived without you by my side. Now I'm wondering how did I do
that?

You are my life. I gave you my everything, but I needed to give you up. Not for
myself but for your sake and your dream. I know you are hurt but you don't have any
idea that I'm the one who is hurting the most.

Do you still remember me?

Are you still the man I still love?

Now, that your coming back, will you take me? Can I be yours again?

From afar, I know how you live.

I know what's going on with your life.

I know your problems.

I know it all. All.

From afar..

I am just contented.

Contented to be your number 1 fan.

YNO #1

�Please fasten your seatbelts for we are now landing. Before leaving please check
your personal belongings. Again, thank you for flying with us and welcome to the
Philippines�

Saktong 10 minutes nag-landing na ang eroplano. Kinuha ko na ang backpack ko at


sinuot ko na ang aviator shades ko. Nauna naglakad sakin ang dalawang naglalakihang
lalaki. Kasunod ako at ang iba pang mga kasama ko.

Nang makarating na kami sa lobby ng airport sumunod narin saamin ang mga guards ng
airport. Sa labas naghihintay saamin ang mga van na siyang susundo saamin. Pero
mukhang malabo pa kami makaalis ng tahimik rito.
�Aaaaaaaaaahhhhhhhh! Brye! I love you!�

�Bryeeeeeee!!!!!!! Akin ka nalang!�

�Mahal kita Bryeeeeeeeee!!!!!!! Idol!!�

Sanay na ko sa mga sigawan. Kumbaga bingi na ang mga tenga ko. Ngumiti ako at
kinawayan sila. Kinuha ko din ang mga regalo nila para saakin. Bago sumakay ng van
kumaway ulit ako sakanila at nagpasalamat.

Kahit na nasa loob na kami ng van, hinahabol parin kami ng mga fans.

�You have crazy fans there, Brye�

�Shut up Dino. Pagod ako, baka kalimutan kong manager kita.�

�Okay okay, fine. Pero mamaya pagdating natin sa hotel mapahinga ka muna then we'll
have a meeting for the contest and your activities here. Time to return the favor
sa mga Filipino fans at kababayan mo.�

I just nodded sa mga sinabi niya sakin. Kung hindi lang sa Daragon Entertainment
hindi na ulit ako tatapak sa Pilipinas. I don't want to remember the bad memories
she left for me here.

Nakarating na kami sa hotel na tutuluyan namin at syempre nandyan ulit ang mga
fans.

Halos isang oras narin ako nakapagpahinga. Actually kakagising ko lang when Dino
came in.

�So,let's discuss your schedule for tomorrow Brye�

�Bakit bukas? Wala ba kong schedule ngayon?� tanong ko sakanya.

�Wala, like hello! An international star needs to rest too you know. So bukas ka pa
magsisimulang magtrabaho�

�Okay. So what's my schedule?�

�Tomorrow morning 8am, you'll have a video meeting with the CEO of Daragon
Entertainment, kakamustahin ka lang siguro nun. Then afterwards, we'll have
breakfast meeting with the staff. Then around 12-3 free time mo. Then 4pm you'll
meet the winner for the raffle promo.�

�Raffle promo? Bakit di ko ata alam iyang pakulo mong iyan Dino?�

�Sinabi ko sayo iyan, baka nakalimutan mo lang. The �Roadtrip with the superstar�
promo. The winner will get the chance to see you upclose. Isasama din natin siya sa
mga guestings mo,sa mga tours mo. Tapos sa concerts mo dito. Basta all access siya
sayo.�

�What?! All access, Dino naman. You know that I prioritize my privacy.�
�Hindi naman yung ganong access eh! Utak mo din eh nu, what I mean is, malalaman
niya ang mga latest updates tungkol sa career mo.�
Nag-usap pa kami tungkol sa mga importanteng bagay. After nun, nagpahinga na ako at
natulog buong hapon. Binawi ko lahat ng puyat ko these past few days dahil sa
globar tour.

Paggising ko, nakita ko si Dino na naninigarilyo at mat kausap sa phone sa may


poolside. Umupo nalang ako sa isa sa mga upuan doon. Pagkatapos niya makipagusap,
ako na ang binalingan niya.

�Have you rest well?� tanong niya sakin.

�Yes, sino kausap mo? Bago mong boyfriend?� asar ko sakanya.

�Che! Mind your business noh! Kaloka! Hindi mo na ko ginalang! I'm your manager po
kaya�

�Haha. Eh hindi naman tayo nagtatrabaho ngayon, kaya you'll be the Dino I met 4
years ago..� napatigil naman ako sa pagsasalita dahil sa pagbanggit ko sa huli kong
sinabi. Then a picture of us appeared on my mind, I immediately brushed it off.

�Remembered her?� tanong sakin ni Dino.

�Her who?� pagmamaang-maangan ko.

�Alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko my dear. Samantha Allaine Benitez.�

Para akong tubig na biglang nagyelo dahil nilagay sa isang freezer na sobrang
lamig. Hearing again her name brought back the pain I felt when she left me.

�Paano kung magkita ulit kayo Brye? There's a big chance na magkita ulit kayo.
Pilipinas na 'to. Hindi mo na siya matatakasan. Hindi ka na pwedeng umiwas.� sabi
ni Dino nang hindi ako sumagot.

I want to avoid this conversation lalo na siya ang pinaguusapan. Not that I'm not
over her, pero I buried that thought way down there.

I stood up.

�I am completely over to that woman. Hindi na siya makakaapekto pa sakin. Wala na


kong pakielam sakanya.�

From that, I left Dino.

===========---------------============

�OMG. Nandito na daw si Brye! Kahapon lang siya dumating.� sabi ng isang teenager
na may hawak pang newspaper na nagbabalitang nandito na nga sa bansa ang sikat na
international superstar na si Brye

�Oo nga, nandun nga ko sa airport nun eh. Grabe ang gwapo niya lang talaga� sagot
naman ng isa pang teenager na kumakain ng cake.

�Sumali ka ba dun sa raffle promo?� tanong ulit ng babae.

�Oo, bumili talaga ko lahat ng album niya para macompile ko yung mga resibo nu.
Jusko. Lifetime savings ko na ata ginastos ko para lang dyan. Pero, wala eh. Talo,
nakapili na daw sila ng winner eh.� sabi ng isa pa at tuluyan nang inubos ang cake.
�Hoy beb! Ano tinitingin-tingin mo dyan? Tulala ka ata?� pukaw sakin ni Weng.

�Wala beb. Natutuwa lang ako dun sa mga teenagers sa may table 5� sagot ko sakanya.

Tiningnan naman din ni Weng ang kanina ko pang pinapanood na mga kabataan.

�Sus, palibhasa si great Gabryell Seth Lee ang pinag-uusapan.. huh! *gasp * OMG!�
bigla naman siyang sumigaw.

�Oh bakit? Anong nangyari sayo dyan?� tanong ko.

�Di ba ikaw ang napili sa raffle?� bulong niya sakin.

�Oo nga, oh eh ano ngayon?� sabi ko sakanya. At patuloy sa paghalo ng batter na


ibebake ko.

�Eh bakit nandito ka pa sa shop? Bruhildang Sam! Mag-ayos ka na! Anong oras na oh.
Ako na bahala sa shop natin� sermon sakin ng bestfriend ko.

�Loka! 8Am pa lang po kaya. 4Pm pa yung meeting ko sakanila. And besides, ang
daming orders ng cupcakes. Hindi ko pwedeng iwan�

�O sige. Tutulungan na kita, wala pa namang masyadong tao eh.�

Tinulungan nga ako ni Weng sa pagbebake. Bandang 12nn natapos narin kami at
naipadeliver nanamin ang mga ito. Sinarado muna namin ang shop namin � twisted
hangout. Katwiran ng loka, tutulungan niya ko mag-ayos sa muling pagkikita namin ni
Brye.

Nang malaman kong babalik siya dito sa Pilipinas, tuwang tuwa ako nun. At nang
malaman ko ang tungkol sa raffle promo I grabbed the chance. Kinolekta ko ang mga
tinago kong resibo nang mga CD's,posters o kahit anong memorabilya niya pa.
Kumpleto ako ng mga CD's niya mula debut niya hanggang ngayon. Meron din akong mga
original DVD's ng movies niya.

Umuwi muna kami sa condo unit ko sa Makati. There tinulungan ako ni Weng sa pagpili
ng damit at siya narin ang nag-ayos sakin. After two hours, natapos din kami.
Sinipat ko ang itsura ko sa full length mirror ko sa kwarto. I am wearing a simple
Blue halter dress that emphasized the shape of my body. Nakalugay lang ang straight
kong buhok na umaabot lang sa may bandang dibdib ko. Light lang ang pagkakamake-up
saakin.

Tiningnan ko ang mga posters ni Brye sa pader ng kwarto ko. Ang isa ay kuha nang
magconcert siya sa Madison Square Garden, bumili pa talaga ako ng ticket para
mapanood siya. I was so happy and proud back there dahil naabot niya na ang
pinapangarap niya. His droopy eyes expresses pain when he sang his ballad song. Hit
ang concert niya nun kaya naman pagkatapos na pagkatapos ng concert I bought foods
at nagcelebrate akong mag-isa sa hotel unit ko.

�Huy!� pukol sakin ni Weng.

�Beb. I'm nervous,paano kung ayaw niya na ako makita? Paano kung hindi parin niya
ako napapatawad sa kasalanan ko sakanya? What if he doesn't want to have anything
to do with me again?�

�Ano ka ba Sam! You've come this far. Eto na oh! Eto na ang chance mo to explain to
him your side of the story. Wag ka nang mag-back out. Kung wala lang magmamanage sa
bar natin sana gogogo support ako sayo.�

�Okay lang yun Weng. Thanks for the words of wisdom. Hehe! Oh, Okay na ba itsura
ko? Talbog na ba ang mga nakakadate ni Brye?� dinaan ko nalang sa biro ang kabang
nararamdaman ko.

�Oo naman. Mukha ka nang international model. Basta balitaan mo ko ha? O sige na
3pm na baka malate ka pa. Go!� pagtataboy sakin ni Weng.

Nagdrive na ko papunta sa hotel na tinutuluyan ni Brye. Doon kami magmi-meet


together with the staff. Imi-meet daw ako ng isang staff para masamahan ako sa
private restaurant kung saan kami magkikita-kita. Pero di ko inaasahan ang
sasalubong sakin.

�Sam?� sabi niya.

�Dino?�

4 years, hindi kami nagkita ni Dino. 4 years. Magkakaibigan kami dati nila Kaibigan
ni Dino si Weng na siyang naggpakilala sakin kay Brye and that's how we fell
inlove.

�A-anong ginagawa mo dito? Don't tell me ik-�

�Yes. Ako ang nanalo sa raffle� putol ko sa sasabihin niya. Halata sa kanya ang
gulat. Alam ko naman ang baklitang si Dino ang manager ni Brye pero di ko aakalaing
siya ang sasalubong sakin. Di ako nakapagready sa sudden meet.

�P-paano?� tanong niya.

�Edi sumali ako. Duh. Kumusta na Dino?� tanong ko. Nakangiti pa ako niyan ha.

�Okay naman ako, eto maganda parin. Hahaha. Ikaw? . Wow, honestly I was surprised.�

Natawa naman ako sakanya dahil halatang gulat na gulat siya. What more pa kaya kung
si Brye nuh? Haaayy. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

�Same old, same old.Ganon parin. Nothing's changed. Just the age.� dinaan ko nalang
ulit sa biro.

�Uhh, Ahm,, Let's go? Naghihintay na sila, Si .. si Brye pababa narin iyon�

Sumunod nalang ako sakanya. I'm sure maraming gustong itanong sakin si Dino at
ganon din ako sakanya. Habang hinihintay si Brye. Nag-usap kami ni Dino. Katapat ko
siya sa table.

�Kamusta na siya Dins?� tanong ko.

�Okay naman. Nahirapan talaga siya nung magsimula siya, but he didn't gave up. And
now, siya na ang topselling star.�

�I'm glad that I let him go nuh? Kasi he made this far� sabi ko pero may halong
pait sa boses.

�Sam, bakit mo siya iniwan kasi?� tanong niya.

Ito na ang pinakakinakatakutan kong pangyayari. Ang itanong kung bakit ko sila
iniwan, lalong lalo na si Brye nang walang pasabi.
Sasagot na sana ako pero naudlot dahil sa isang taong nagsalita.

�Am I late?�

Boses pa lang niya alam na alam ko na. Boses pa lang niya para akong nanigas sa
kinauupuan ko. Nakita ko ang pagkagulat sa expression ni Dino. Dahil nakatalikod
ako sa pinto, hindi pa ako nakikita ni Brye.

�No. Just in time� sabi ni Dino.

I am ready to face him. Determinado akong balikan siya. Determinado akong ibalik
ang dating �kami�. Kung meron pa man. Nakita ko siya na umikot sa table na may
ngiti sa labi. Hindi pa niya ako nakikita dahil nakatingin siya sa phone niya.

That smile, I missed it so much. Maibibigay niya parin kaya iyon saakin?

Umupo siya sa tabi ni Dino na hindi parin inaangat ang tingin.

�Brye, this is the winner of the raffle promo� pakilala sakin ni Dino.

This is it. I'm ready for it.

�Hel--� napatigil siya sa pagsasalita nang makita niya ako.

The smile that is plastered on his face was gone right at the moment he set eyes to
me. Nasaktan man ako sa pagbago ng expression niya, still I remained my composure
and managed to smile at him.

�Hello Brye. I missed you�

====---------------========

YNO#2

�Hello Brye. I missed you�

Anong ginagawa ng babaeng iyan dito? Joke ba ito? Kasi kung joke itong nakikita ko
ngayon hindi ako natatawa nor natutuwa!! Tinignan ko si Dino sa tabi ko at he just
shrugged his shoulders saying na wala din siyang alam.

�Hi� sabi ko nalang.


Kailangan kong sumagot sa sinabi niya dahil baka makahalata ang ibang staff na
kasama namin. Wala kasi silang kaalam-alam kung sino itong babaeng nasa harapan ko.
Kung paano niya ko sinaktan at ppinagmukhang tanga 4 years ago.

Nagsimula nalang kaming kumain. Daldalan ang ibang staff habang kaming tatlo nila
Dino at ng babaeng nasa harapan ko ay tahimik lang. Pero bigla namang nagpaalam ang
lahat ng staff na mauuna na dahil may gagawin pa daw silang trabaho kaya it leaves
us three alone in the restaurant.

�So..� basag ni Dino sa katahimikan. �..ikaw ang winner sa raffle kaya sa isang
araw na mag-uumpisa ang `Roadtrip with the superstar` experience mo. May contact
number mo naman kami so I'll let my secretary to text or rather call you for the
details�

�Okay� tugon ni Sam.

Awkward parin ang atmosphere samin nang may sumigaw.


�Sir Dino! Sir Dino!� sigaw ng isa naming staff.

Sir ang tawag ng mga crew kay Dino kahit na alam nilang pusong babae ito.

�Yes?� sagot niya.

�May problema po tayo eh, you better check it out for yourself�

�Okay, * bumaling saming dalawa* excuse me guys.�

And in the end kaming dalawa nalang ni Sam ang natira. Ayoko ng ganito. Okay na ako
eh tapos bigla siyang susulpot. Tangina lang!

============---------------===============

Sobrang tahimik talaga. Halos mabingi na nga ako kasi walang nagsasalita saamin ni
Brye. Huh! Asa pa ako diba? Asa pa ako na kakausapin ako ng lalaking nasaktan ko ng
lubos. Asa ka pa Sam!

Pero hindi ako susuko agad. Nandito na ako oh! Ang layo na ng narating ko. Desidido
akong bumawi sakanya at bumalik kami sa dati.

So please Lord, help me! >.<

�So, How are you Brye?� tanong ko sakanya, pero bigo ako dahil wala akong sagot na
nakuha sakanya. He is busy with his food na hindi naman niya kinakain. Nilalaro
lang.

�Congratulations Brye� I softly said. �..every concert mo sold-out. Tapos every


movie mo naman is a big hit. You always win awards sa mga ceremony. Your songs
always tops billboard charts.�

Nagulat siya dahil padabog niya binagsak ang kutsara sa plato at sumandal sa silya
at tumitig sakin. I can tell that he is pissed off with my presence. Pero okay
lang,tatanggapin ko iyon kahit anong reaksyon ang ibigay o ipakita niya sakin.

�As you can see, ako ang nanalo sa contest niyo. And I know na nagtataka ka ngayon.
Siguro iniisip mo na nandaya ako noh? Hindi ah. Talagang swerte lang talaga ako,
I'm really a big fan,Brye. Nakakatawa nga lang kasi kailangan ko pang dumipende sa
swerte para lang makita at makausap ka. Sobrang sikat ka na Brye. Di na kita ma-
reach oh! Natupad na ang pangarap mo. Masaya ako para sayo�

Pero hindi parin siya umiimik. Nakikita ko sa mga mata niya na galit na galit na
siya. Base sa paghinga niya. Pero hindi ako natinag. Ngumiti ako sakanya.

�Ano kayang gagawin sa prize ko noh? We need some catching up to do. Matagal tayong
di nagkita, at hindi naman lahat ng balitang nababasa ko sayo eh tama di ba? Gusto
kong malaman kung ano ang naging buhay mo.�

And the next thing was he exploded! As in parang bulkan na sumabog nalang nang
walang warning ng PHIVOLCS.

�Will you please shut up?! If your finished eating you can go. Ayokong makasama ka
pa� he said.

Masakit marinig iyon pero I still remained smiling at him.


�Pero wala ka nang magagawa Brye, responsibilidad mo ko di ba? Nadisgrasyang fan
dahil pinabayaan ng isang superstar. Hmmm? Not good for headlines right?�

Natahimik ito pero matalim parin ang pagtingin niya sakin. Tinitigan ko nalang
siya. Wala pa ring nagbabago kay Brye. Na-enhance lang lahat ng features nito.
Lumaki ang katawan nito. Pumuti pa lalo. And those eyes, kahit na galit ang mga
iyon, I can still see the twinkle on them.

�Quit staring at me!�

�Hindi ako makapaniwala na nakita kita ulit. Na ganito ulit ako kalapit sayo Brye.�

�Ako din. Hindi ko alam kung bakit ka pa nagpakita. After what you did to me,
kakapalan na ng mukha iyang ginagawa mo.�

I was taken aback. Pinaalala na naman niya ang nangyari dati. Ganon ba siya
nasaktan sa ginawa ko? Pero ..

�I have my reasons. Wanna know?� sabi ko.

�Wala akong pakelam sa rason mo. Mula ngayon let's just pretend were completely
strangers.�

And then he left me.

===--------------===

Pagkatapos kong iwan si Sam pumunta na ko sa suite ko at pumunta sa bar counter sa


may kusina doon. I put out my brandy and started drinking. I am pissed off. Bakit
ba siya nagpakita? Di pa ba sapat na nasaktan na niya ko? Ano iyon? Dahil ba sikat
na ko kaya niya ko binalikan? That's bullshit!

==-----------====

Nang makauwi na ko sa condo ko. Dun na ko umiyak. Kanina habang nag-uusap kami ni
Brye, gustong-gusto na tumulo ng mga luha ko. Pero hindi ko pwedeng ipakita iyon
sakanya. Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ko ang isang box na naglalaman ng mga
sulat ko kay Brye na hindi ko naipadala sakanya dahil ayokong maging sagabal
sakanya. Nang itago ko ulit yung box, kinuha ko yung picture namin ni Brye na may
hawak siyang gitara at ako naman na nakahalik sakanya sa pisngi. Naalala ko tuloy
ang masayang araw na ito.

*Flashback �..

�Happy Birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy
birthday our dear Brye�

Nandito kami ngayon sa school gym dahil dito nagpapractice si Brye para sa
basketball. 20th birthday niya ngayon at graduating narin sila ni Dino. Habang kami
naman ni Weng next year pa gagraduate.

�Wow, salamat guys. Sorpresa talaga ah.� sabi ni Brye.

�Eh, syempre ideya ng girlfriend mo.� sabay turo sakin ni Dino at Weng.

Ako naman ang binalingan ni Brye at tsaka niyakap.

�Thank you Lamps, I love you� bulong niya sakin. `lamps` ang endearment niya sakin
kasi lampa ako at clumsy.
�Welcome Babs� bulong ko din. `babs` naman ang endearment ko sakanya kasi medyo
chubby siya.

�ehem, nanndito kami oh. Helooooo!� sabay na sabi nila Dino at Weng.

�Panira talaga kayo!� sabi ni Brye.

�May regalo ako sayo Babs. Teka..� kinuha ko naman ang regalo ko sakanya at tinago
ko sa likod ko. �Pikit ka muna�

Sumunod naman siya sakin kaya pumikit na siya.

�Open your eyes now�

Nakita ko naman ang paglaki ng mga mata niya sa regalo ko.

�Happy Birthday ulit� nakangiti kong sabi.

�Sam, a-akin talaga iyan?�

Tumango ako at lumapit sakanya. Binigay ko sakanya ang gitara na regalo ko. Matagal
na niya gusto iyon pero hindi niya mabili kasi nag-iipon pa siya.

�Sam. Mahal ito ah.�

�Thank you na lang kasi..�

�Thank you lamps. Mahal na mahal kita�

�Mahal na mahal din kita.�

He cuppedmy face, then he leaned close to me for his lips reached mine.
Natigil kami sa paghahalikan nang mmagulat kami sa flash ng camera.

�Picture. Dali na! Pose na!�

Nagpose naman kami. Hawak niya ang gitara. Bago pa makunan kami hinalikan ko siya
sa pisngi na sakto sa pagflash ng camera.

Bumalik naman ako sa sarili nang marinig kong may tumatawag sakin. Unregistered
number pero mukhang importante kaya sinagot ko na.

�Hello?�

(Is this Ms. Benitez?)

�Yes. Who's this?�

(Ah, ako po yung secretary ni Sir Dino, I am calling because of the details for
your prize. 5 days po valid ang prize ninyo. The day after tomorrow po, we will be
leaving Manila. Pupunta po tayo sa Bataan para po sa isang photoshoot ni Brye then
after that po shooting niya sa isang TVC. Pack your things po kasi kasama ka po
namin doon.)

�Oh, okay, anong oras ba?�


(Before 7am po ang assembly sa hotel po)

�Okay. I'll be there. Thank you.�


I ended up the call.

5 days, 5 days ko lang makakasama si Brye? Is that even enough for me to explain to
him everything?

I hope so.

Sa sobrang pag-iisip nakatulog na ko.

===--------===

�Why are you drinking Gabryell Seth?�

Mula sa iniinom ko, tumingin ako sa boses na nagsalita.

�Don't start with me Dino. Galit at naiinis ako�

�Wala akong alam na siya ang nanalo. Kung alam ko edi sana sinabi ko sayo hindi ba?

Napabuntong-hininga nalang ako. And took another shot of my brandy.

�Bakit pa kasi siya bumalik? Hindi ko parin makalimutan yung araw na iyon!�

*flashback...

5 days after my birthday natanggap ang audition tape namin ni Dino sa isang sikat
na company sa South Korea. Agad ko naman tinanggap iyon. Sa wakas, matutupad ko na
ang pangarap ko. Maiaahon ko na ang pamilya ko sa hirap. Sinabi ko naman kay Sam
ang balita.

�Really? I'm happy for you Brye. Konti nalang, you'll be my superstar.�
�Kaya nga ggusto kong sumama ka sakin doon.�

�Ako? Bakit?�

�I want you to be with me. Hindi ko makakaya kung hindi kita kasama.�

Nagkasundo kami nun na susunod siya sakin sa Korea pagkatapos niyang grumaduate. 2
days after ng graduation namin ni Dino ang alis namin. Hinihintay ko si Sam sa
entrance ng airport dahil sabi niya pupunta siya pero magdadalawang oras na kong
naghihintay wala parin siya. Inaaya na ko nila sa loob pero hindi parin ako
pumapasok. Nang biglang may tumatawag sakin, si Sam!

�Lamps! Asan ka na?� tanong ko. Baka may nangyari sakanyang masama kaya hindi siya
nakapunta, pero mali ang akala ko.

(Wag mo na kong hintayin Brye. Hindi na ko pupunta. Hindi narin ako susunod sayo sa
Korea. Kalimutan mo na ko. I'm letting you go Brye. Goodbye)

Then she hunged up.

�Brye!� pukaw sakin ni Dino. �That was 4 years ago, hindi mo parin ba nakakalimutan
iyon?�

�Shit! Dino, pano ko makakalimutan iyon ha?! Alam mo naman na kailangan ko siya sa
mga panahong iyon, pero anong ginawa niya? Wala! Iniwan lang niya ko. Parang
basura! Ni hindi siya nagpaliwanag sakin non. Tapos ngayon magpapakita siya as if
nothing happened. Damn her!� at inisang lagok ko ang brandy.

�Hindi pa siya nag-explain sayo kanina?� tanong niya sakin.

�Wala kong pakielam sa mga lame excuses niya.� sagot ko.

�Paano iyan 5 days mo siyang makakasama, baka naman makaapektko iyan sa trabaho
mo.�

�Huh! So what kung 5 days. Anong ibig mong sabihin ha Dino? Na may epekto parin
sakin si ang presensya ni Sam?�

�Hindi ako nagsabi niyan my dear, kundi ikaw.� at ngumiti pa ng nakakaloko si Dino.

�Wag kang ngingiti-ngiti diyan Dino, wala na kong pakielam sakanya.�

Kung may epekto man sakin si Sam, galit lang yun wala ng iba.

�Whatever you say Brye. Wahtever you say.� Dino said while walking outside my room.
I heard the door closed, a sign that Dino left.

I took another shot of my drink.

�Ipapakita ko sayo kung ano ang pinakawalan mo Samantha.�

======================================

YNO#3

�So, ginanun ka ng Lee na yun? Aba! Wala siyang karapatan! Hindi niya alam ang mga
pinagdaanan mo! Hindi niya alam na na--�

Bago pa man maituloy ni Weng ang kanyang speech, eh pinutol ko na agad-agad.

�Di naman talaga niya alam eh.�

�Kasi nga hindi mo sinabi!! Akala ko ba aamin ka sakanya? Akala ko ba hindi mo na


sasayangin 'tong chance mo na 'to?�

Hindi nalang ako sumagot at nagpatuloy lang ako sa paggawa ng mga coffee and
blends.

�Max, hatid mo na ito sa table #10� utos ko sa staff ko na waiter. Pagkatapos si


Weng na ang binalingan ko na nakaupo sa may counter.

�Hindi ko naman sasayangin eh. I tried telling him last night pero naunahan ako ng
galit niya at the same time natakot na ko. At isa pa, umalis ka nga jan sa counter!
Abala ka sa mga staff at customer eh! Dun tayo sa office.�

�Okay, chill! Hot ka masyado.�

Sumunod naman sakin si Weng at pumunta na kami sa may office namin kung saan
tambayan namin ni Weng.
�So ano nang plano mo ngayon?� pagtatanong niya.

�Siguro naman by the end of the 5-day prize ko nasabi ko na sakanya lahat lahat.
Haaay. Wish me luck talaga. Kaya ikaw muna bahala dito habang wala ako ha? Naku.
Umayos ka Weng! Mahirap ang pinagdaanan natin para mapundar 'tong Twisted Hangout.�

�OO! Ano ba. Kahit ganito ako, may professionalism naman ako sa katawan. Tss.
Goodluck talaga beb! Sana magtagumpay ka jan sa 'operation-ibalik-sakin-si-Brye-
ko'�

Natawa naman ako sakanya dahil sa sinabi niya. Haay. Sana nga wag na siya magalit
sakin. Dahil hindi ko kaya.

�Beb! Si Brye mo oh nasa news!�

Lumingon naman ako sa kakabukas niya lang na tv, at tama si Seth my love so sweet
nasa tv, I mean, iniinterview.

Reporter: Mr. Lee, Ano po plano niyo sa papunta dito sa Pilipinas?

Seth: Well, I will have my concert here but for the meantime, i'll have accepted
offers to make TVC's and some TV series. But I'm concentrating for my huge upcoming
concert.

Reporter: Wow. That's a lot of projects. Hindi po ba kayo napapagod?

Seth: Hindi naman. Pero minsan oo. Kaya nga, I'll take this chance para
makapagpahinga naman ng konti.

Reporter: I heard na your agency held a contest. A raffle promo, and babae daw po
ang nanalo na obviously hindi naman nakakapagtaka. Hehe. So, ano naman po tingin
nyo sa contest na ito?

Seth: Hindi naman big deal, ayos lang.


Reporter: Na-meet niyo na po ba yung winner? Siguro po masaya kayo, dahil hindi
biro ang requirement para makasali sa contest. Kasi nakita ko na dapat big big big
as in super big fan mo dapat ito. Para manalo.

Seth:.......

Bakit ang tagal sumagot ni Brye? Ganoon ba talaga ka-big deal ang pagkapanalo ko?

Nakita ko na ang pagbabago sa ekspresyon niya simula nang mabanggit ang winner. I
saw, anger in his eyes. >.<

Reporter: Uhm, Mr. Brye?

Natauhan naman ata si Brye kaya nakasagot na siya.

Seth: Ah yes. Na meet ko na siya.

Reporter: So, how was she?


Pero hindi na sumagot si Brye dahil umepal si Dino

Dino: I'm sorry, Brye has to go now. We have some other appointments.

Pinatay ko na ang tv. Wala nanaman si Brye eh. Pero bakit ganito? Para akong
sasabog dahil pinipigilan ko sarili ko na umiyak. Bakit ganoon siya?

Di ba dapat sanay na ko? Di ba sinanay mo na sarili mo Sam? Di ba nga prinipare mo


na sarili mo sa mga possibilities na mangyari tulad nito?

Pero bakit ganito? Parang sobra naman ata?!~

�Beb. Sam, Wag mo nang isipin yun�

I tried to compose myself bago humarap kay Weng.

�Oo naman! Hindi talaga nuh! Yakang yaka ko ito Beb. Ako pa!�

�That's the spirit. Tara, layas tayo!�

�San naman tayo pupunta?�

�Shopping! Dapat maganda ka jan sa 5 day trip mo. Para di ka na maresist ni papa
Brye! C'mon�

Hindi na ko nagpakipot. Nagpatianod nalang ako sakanya. Kasi the other side of me
wants to go too. I want Brye to notice me again.

~~~~=======~~~~=========~~~~~~

Day of the 5-day trip. SLASH �getting back Gabryell Seth Lee >:))

6:45am na pero wala parin ang VIP namin. Wanna know kung sino? Hmm. Let's just say
na siya lang naman ang ayokong makita pa. Pero heto at bumabalik balik na parang
linta na kala mo may habol.

Nahulaan nyo na ba????

CORRECT.

Hinihintay namin si Sam.


Ang lakas ng loob magpahintay. Naiinip na ko. Ngayon lang ulit ako naghintay ng
ganito! Last na yung paghihintay sakanya nung araw na iniwan niya ko

Ayyy! Bwisit! Bakit ko pa ba yun inaalala. Nakakairita lang!

�ANO BA? WALA PA BA ANG SAM NA IYAN. MAG A-ALAS SYETE NA OH. ABA! PA VIP SIYA HA!
PWES! PAGPATAK NG 7 AALIS NA TAYO NANDITO MAN SIYA O WALA!�
Akala niya hihintayin namin siya? Pwes. Nagkakamali siya. Aba. Mabuti na nga siguro
na maiwan siya para hindi ko na siya makita pa.

Pero sa kamalas malasan! Saktong 7am nakarating si Sam.

�S-sorry. Nalate po kasi ako ng gising. S-sorry p-po talaga. Hah!!� hingal na
hingal na sabi niya.

�Okay lang Sam. Tara na.� Dino said.

Nilingon naman ako ni Sam at nginitian.

�Goodmorning Brye!�

I did not answer her. I just glared at her.

�Uy Brye! Ang sungit ah! Tsss. Umagang umaga oh. Wag kang busangot!�

Still, I did not answer. Pumasok nalang ako sa van. Syempre buntot ko nanaman siya.
Ba't ba sunod to ng sunod sakin?

Umupo ako sa pinadulo sa van. Tumabi naman siya sakin. Naiinis na talaga ako.
Kinulbit kulbit niya ko.

�Uy. Yoohoo! Brye! Babs!�

At dun na ko nairita sakanya, I faced her. Nakangiti pa siya ha!

�Haay. Sa wakas pinansin mo rin ako.�

�Don't talk to me.�

�Eto naman. Wag ka naman ganyan. Parang walang pinagsamahan oh.�

�I said. Don't talk to me.�

�Brye--�

�HINDI KA BA NAKAKAINTINDI! WAG MO KO KAUSAPIN. LUMAYAS KA NGA SA TABI KO. SINO BA


NAGSABI SAYONG TUMABI KA SAKIN? LAYAS!�

===='''''''''====

�HINDI KA BA NAKAKAINTINDI! WAG MO KO KAUSAPIN. LUMAYAS KA NGA SA TABI KO. SINO BA


NAGSABI SAYONG TUMABI KA SAKIN? LAYAS!�
Ngayon ko lang nakita si Brye na nagalit sakin ng ganyan. Nakakatakot. Para siyang
kakain ng tao.

He really hate me that much?

�ANO? DI KA PA BA AALIS? UULITIN KO. UMALIS K--�

Hindi ko na siya pinatapos, tumayo na ko at lumipat na ng upuan. Pero wala na kong


makitang space na pwede ko pang upuan.

Napansin naman ata ako ni Dino kaya tinanong niya ko.

�oh, Sam. Anong ginagawa mo?�

�Ah, eh wala na bang space Dino? Sa kabilang van ba?�

�Wala nang space dun eh kasi puro equipments na ang nandoon. Sa tabi ka nalang ni
Brye. Tutal yun nalang ang available seat.�
�Palit nalang tayo Dino. Jan nalang ako.�
�Hindi pwede Sam eh. Jan ka na sa tabi ni Brye.�

Wala na kong nagawa kundi bumalik sa dati kong pwesto. Bago pa makapagsalit si
Brye, inunahan ko na siya.

�Sabi ni Dino, dito nalang daw ako umupo. Isa pa, wala nang space. Kaya wag ka na
magreklamo. Wala kang choice kaya wala ka nang magagawa okay?�

and his answer is.

DEATH GLARE: >_> ------

Mahaba-haba din ang biyahe sa papuntang Bataan. Ang dami din ginawang stop overs sa
mga gasoline station. Pero siyempre bawal bumaba si superstar kasi nga well
superstar siya.

�May papabili ka ba?�

�Don't bother.�
I just shrugged my shoulders. Pumunta ako sa Starbucks para bumili ng Caramel
Brul�e Latte ko. Nang pabalik na ko sa van napadaan ako sa isang hindi ko
makakalimutang restaurant.

*flashback

�Lamps, tara dun oh. Libre kita. Sweldo ko naman kanina eh.�

�Sweldo? Ibig sabihin, may gig kayo ni Dino kanina?�

�Yup,� sabi naman niya.

�Aba! Bakit hindi ko alam iyan?!! Kelan ka pa nagtago ng gig sakin.?!�

Eh kasi naman hindi niya sinabi sakin na may gig siya. Paano na kung may magka-
gusto sakanya tapos agawin siya sakin? Hindi naman sa OA ako pero mahirap na maagaw
sakin si Brye. Hindi ko ata maimagine yun.
�Sorry na Lamps.� niyakap naman niya ko. �Hmm. Kain nalang tayo.�
tapos tinaas-baba naman niya ang dalawang kilay niya at nginuso sakin ang isang
restaurant na paborito naming dalawa.

Pumasok naman kami at in-order niya ang paborito ko, tapos paborito naman niya
*end of flashback.

Pumasok ako at inorder ang favorite niya sa restaurant na ito. Pagkabalik ko sa


van, wala pa sila. Si Brye lang ang nandito. Iniabot ko naman sakanya yung isang
plastic bag pagkaupo ko.

Tiningnan niya lang ako ng 'nagtataka' look niya.

�Kainin mo na iyan.� then I smiled at him.


Kinuha naman niya ito at binuksan pero binalik din kagad,

�Ayoko niyan�

�Edi ba favorite mo iyan? Wag ka na mahiya.�

�Ayoko sabi eh.�

�Psh. Edi wag. Baka busog ka pa, ilalapag ko dito ha? Pag nagutom ka kumain ka
nalang jan.�

Nilapag ko naman yung plastic sa pagitan namin. Maya maya bumabyahe na kami
papuntang Bataan. Haay, Sana Brye mapatawad mo na ko.

Sana, sa limang araw natin na magsasama kahit konting galit dyan sa puso mo ay
mabawasan. Mahal na mahal parin kasi kita.
===-----====
YNO#4
Eh ano bang problema ni Sam? Balak niya ba talaga akong inisin? Kung ganon nga ang
balak niya, pwes nagtatagumpay siya. Naiinis nga ako!

Tinignan ko ang plastic na nasa gitna namin.

Psh. So,pinapaalala niya sakin ang nakaraan? Nakakainis talaga. Nababadtrip ako.

~Kruu ~ Kruu ~

Shit! Tiyan ko yun. Di pa nga kasi ako nag-aalmusal. Tinignan ko ulit ang plastic
na nasa gilid ko. Tapos lumipat naman ang tingin ko sa babaeng natutulog. Hindi
naman siguro masama kainin ito di ba?

Tutal para sakin naman talaga ito?

Siya naman nag-alok?

Tiningnan ko muna ang mga tao sa van.

Ayos, tulog silang lahat. Sabagay maaga pa naman kasi. Nagbabawi ba ng tulog.

Kinuha ko ng dahan dahan ang plastic at nilabas ang laman nun.


Kahit na galit ako kay Sam, medyo napawi ng 1% dahil sa pagkain na ito. Alam niyo
ba kung ano?

Pero bago ko sabihin, wag kayo magrereact na korni ha? Eh sa ito ang favorite ko
eh.

Isang sunrise orange pancake tower at caramel banana walnut waffles galing sa
Pancake House.

Mahilig kasi ako sa mga pancakes and waffles. Halata naman di ba?

Kinain ko na ito habang nakasuksok sa tenga ko ang headset ko. At the same time,
nagsusulat din ako ng kanta. Ganito ako. Kapag nasa biyahe, pag may nakikita akong
interesting, I immediately get my songbook and pen and start writing lyrics.

�hmm.. hmmm.. hm� pag-ha-hum ko. Nang matapos na ko kumain at nakainom na ko.
Niligpit ko naman ang kalat ko. At tinabi sa isang side ng van.

Nakayuko ako, kasi inaabot ko ang bottled water sa sahig ng van nang biglang may
dumagan sakin.

Pagtingin ko, si Sam pala. Bumagsak sa may likod ko. Haayy. -___-

Hindi na talaga siya nagbago, ganyang ganyan parin siya. Kahit na magkanda hulog
siya hindi parin siya magigising.

Wait!

Bakit ko ba yun inaalala? Erase!

Inayos ko naman siya ng upo. At nang maayos ko na siya, umayos narin ako ng upo.
Pero maya maya, sumandal naman ang ulo niya sa balikat ko.

Gising ba to? Matignan nga~

Tiningnan ko naman pero tulog na tulog talaga siya eh. Halata sa paghinga niya.

Tinulak ko ang ulo niya gamit ang balikat na pinagsandalan niya pero kahit anong
gawin ko, bumabalik balik ang ulo niya sa balikat ko.

In the end, I gave up.. hinayaan ko nalang siya.

Nang mapagod na ko kakasulat, at dahil nangangalay narin ang balikat ko. Tss.
Nakatulog narin ako.

~~~~~xxxxxxx~~~~~

�Haaaaaaaaaaaaaawwweeee....� hikab po yan mga readers. Sorry.

Naghikab na ko. Napahaba ata tulog ko. Ang sarap! Pero ang bango ng unan ko ha. Ka-
amoy ni Brye ko. Hmmm. Ang bango talaga. Sarap kagatin.

Inamoy-amoy ko pa ang unan ko. Hmm. Ang bango talaga!


�Gumising ka na nga!�

Huh? Bakit nagsasallita ata ang unan ko? Teka! Kaboses pa ni Brye! Huh? Bakit
ganon. Inangat ko naman ang ulo ko, tapos nakita ko siya na nakakunot ang noo at
magkasalubong ang kilay. O.O

Oh noes! Galit nanaman siya. T__T

�Buti naman gising ka na. Nakatulog na ko't lahat, tulog ka parin. Ngalay na ngalay
ang balikat ko jan sa ulo mo!� sabi niya tapos inistertch niya yung balikat niya.

So, hindi pala unan ang dinadantayan ng precious head ko kundi ang broad shoulders
pala niya. Kaya pala ang bango bango.

HEEEEEEEEEEEEPPPPPP!!

Nakasandal ako sa balikat niya. Ibig sabihin?! Close contact yun para sakin.
Meaning, chansing yun mhen!

1 point!

Hay.. kakaisip ko nun. Ang sarap tuloy kumain.

Hinanap ko naman yung pagkain na binili ko sa pancake house. For sure kasi hindi
kakainin ni Brye yun eh, ako nalang kakain.

Pero kanina pa ko palinga linga nang makita ko yung plastic sa may bandang side ni
Brye. Wala na! Ubos na!

Ibig sabihin, kinain niya ang binili ko?

Weh? Di nga? Napangiti naman ako sa thought na yun.

2 points!

Ibig sabihin, may pag-asa akong mapalambot pa siya. Tiwala lang Samantha! :)

Hindi maalis talaga ang ngiti sa labi ko. Tumingin naman ako sa lalaking mahal na
mahal ko, iniistretch niya parin ang balikat niya habang sa isang kamay naman hawak
niya yung phone niya.

Napatingin naman siya sakin,

�Ano? Bakit ka nakatingin?�

�W-wala. Masaya lang ako�

�Ha? Tss..� napailing siya.

�Thank you Brye!�

�Ano? Bakit? Baliw ka na.�

�Kasi, kinain mo yung pancakes, tapos pinasandal mo pa ko sa balikat mo. Tulad ng


dati, di ba ganya--�

�Stop. Wag kang malisyosa Ms. Benitez, walang meaning yun.�

�Ows? Basta thank you talaga!� todo smile ako sakanya.

�Tss. Bahala ka na nga. Shut up. Okay?�

Tumango nalang ako. Pero hindi talaga maalis ang ngiti ko sa labi.

By 1pm nakarating na kami sa Bataan. Sa isang exclusive resort kami tumuloy dahil
nga para sa privacy ni Brye. Inassign na samin ang designated rooms namin, at
sineswerte talaga ako dahil katapat ko ang room ni Brye. Oha! Wag kayo. Hehehe >:)

Pumasok na ko sa kwarto ko. Inayos ko narin yung gamit ko.


Bigla naman may tumawag sakin.

Si Weng.

�Hello? Beb!�

(Beb! Ano? Kamusta ka na? Okay ba? May progress na ba?)

Kinwento ko naman sakanya yung nagyari kanina. Yung sa pancakes at sa pagsandal ko


sakanya.

At eto ang sagot niya.

(Waaaaaaaaaaahhhhhh!!!! Yiiiiiiiiiiiieeeee! Ikaw na Beb! You already!)

�Huy! Umayos ka nga. 24 ka na ba talaga? Jusko! Beb, pero . AAAAAAHHHHHHHH!!


kinikilig ako.�

(I know right!? Pero beb. Hindi pa masyadong strong yang pinapakita niya sayo.
Hindi mo pa masasabi kung lumalambot na talaga siya sayo. Basta beb, pag kailangan
mo tulong tawag ka lang ha. Ingat ka diyan.)

�Makapagsalita naman ito parang delikado buhay ko. Haha. Basta wish me luck beb!�

(Naman beb! It's about time na maging masaya ka na. Sa lahat ng pinagdaanan mo, I'm
happy that I'm hearing you laugh again. Osige na, drama ko na. Bbye na. Madami nang
customers eh. Babush! Goodluck!)

�Bbye!! Magtrabaho ka ng mabuti at nang lalo pa tayong yumaman. Haha.�

Pagkasabi ko nun binaba ko na ang phone ko.


Nilibot ko ng tingin ang kwarto ko. Ang laki super. Tapos pati yung banyo! Ang laki
laki! Kasya ata pitong tao sa bath tub sa sobrang laki. Tapos yung shower ang lakas
ng tubig na lumalabas. Para kang mamasahihin sa sobrang lakas.

Sa sobrang pagod ko sa biyahe, naligo muna ako. At tama nga ako! Nakakarelax nga
ang tubig. Kaya siguro mga dalawang oras din akong nasa banyo. Pagkatapos maligo
nilabas ko ang pinakamagandang summer dress ko. Syempre kailangan kong magpaganda
ng husto dahil balita ko ang tatangkad at ang sesexy ng mga female models na
makakatrabaho ni Brye! Aba! Hindi ako magpapatalo nuh. Kahit na 5'6� lang ako, may
binatbat naman ako kahit papano.

Nag-apply din ako ng konting make-up para naman hindi ako mukhang yagit. Pagtingin
ko sa oras 4pm palang, eh 5:30 pa kami magkikita-kita lahat para daw sa early
dinner namin. Kaya naisipan kong maglibot libot muna sa paligid.

Naglalakad-lakad lang ako sa dalampasigan hawak hawak ang tsinelas ko sa isang


kamay. Ang sarap ng simoy ng hangin, nakakawala ng problema. Naalala ko nung unang
bakasyon namin ni Brye sa Batangas. Si Weng kasi nag-aya nun na mag Batangas daw
kami tutal nakaipon naman daw kami. Kaya pumunta kami doon. Kasama si Brye,Dino at
iba pa naming kaklase.

*flashback

�Lamps! Tara na swimming na tayo!�

�Ayoko nga. Ang init-init pa oh, mamaya nalang�

Pero nagulat ako ng bigla akong buhatin ni Brye mula sa pagkakahiga sa duyan sa
ilalim ng puno ng mangga.

�Brye! Ano ba! Ibaba mo nga ako! Ayoko nga mag-swimming!�

Pero huli na ang lahat.

SPLASSSHHHH!!!!!

�HAHAHAHAHAHAH!�

tawa ng tawa si Brye. Paano, bigla niya kong hinagis sa dagat. Alam mo yung hindi
ako ready tapos ang dami kong nainom na tubig. Ang alaaatttt!!!

�Hindi nakakatuwa!�

�Sorry na lamps! Cute mo nga eh.�

At ayun nagkabati na kami dahil sinabihan niya akong cute.

Wala naman kami masyadong nagawa sa Batangas kundi mag swimming, kumain, mag
swimming at kumain. Pero masaya dahil kasama ko si Brye.

Naglalakad kami sa dalampasigan at umupo kami sa malaking bato.

�Sam..�

�Hmm?� nakasandig ang ulo ko sa baikat niya at nakayakap naman siya sakin sa
bewang.
�Ang saya ko ngayong araw na ito. Ay mali, masaya ako palagi dahil kasama kita.
Pero masayang masaya ako dahil nandiyan ka palagi para sakin. Kahit na hindi lahat
naibibigay ko sayo.�

�Brye, hindi naman ako nagrereklamo ha. Basta ba nandiyan ka wala na kong
hihilingin. Kaya natin ito. Hindi man tayo mayaman sa pera mayaman naman tayo sa
pagmamahal. Kaya wag mong isipin na hindi ka enough para sakin. Ha?�

Tiningala ko siya para makita ko mukha niya. Ngumiti lang siya sakin. Mahal na
mahal ko ang lalaking nasa harapan ko ng sobra sobra. Maniniwala ba kayo na akin
talaga itong nilalang na ito? Sa dami daming babaeng nahumaling dyan ako ang napili
niya?

Maswerte ako kay Brye, hindi lang dahil sa gwapo siya which is exceptional. Kundi
dahil mahal na mahal niya ko. Palagi niya kong hinaharana. Ang sweet lang. Lagi
siyang gumagawa ng kanta para sakin. At those sweet moves make me love him more and
more.

�I love you Gabryell Seth Lee!� I said loudly.

�I love you too Samantha Allaine Benitez.� then he kissed me on the lips.

And at the moment our lips parted, we both witnessed the greatest sunset.

*end of flashback

Ang saya saya ko noon. Pero tama nga ang sabi sabi, matakot ka dahil sa sobrang
kasiyahan na hatid sayo eh ganon din ang balik sayong kalungkutan. Pero bakit
parang feeling ko nadaya ako?

Bakit feeling ko, mas sobrang kalungkutan ang binalik sakin?

Bakit ba kasi napaka unfair?!!!

I just let out a deep sigh.

�Problem?�

�Ay kabayong bundat!�

Nagulat ako sa biglang nagsalita. Paano naman hinawakan pa ko sa balikat.

�Wow ha, sa daming hayop na pwedeng pagkumparahan sakin. Kabayo pa at take note
naisipan mo pang gawing bundat.�

�Tse! Nakakainis ka talaga Dino!Alam mo naman na magugulatin ako di ba?�

�Osige na sorry na. Nakita lang kita dito na nag-iisa tapos tulala ka pa. May
problema ba?�
�Wala.�

Tapos wala ng nagsalita samin. Pero hindi ako nakatiis kaya ako na bumasag sa
katahimikan namin,

�Dino..�

�Hm?�

�Galit na galit ba sakin si Brye?�

�Sa tingin mo gurl?�


Napayuko ako. �Oo. Galit na galit siya sakin.�

�Oh, eh knowings mo naman pala sister eh. Sino ba naman kasi ang hindi magagaliit
dyan sa ginawa mo? Aba! Bigla ka nalang nag affair diaffair na walang pasabi. Hindi
ka nagleave ng rason kung bakit ganon, tapos heto ka oh. Ayan, with that beautiful
pes and body na parang kpop group na may comeback special. Ano ba kasi nangyari
sayo? Bakit ba?�

I left out again a deep sigh bago sumagot. �Do you promise me, na maniniwala ka sa
kahit anong sasabihin ko?�

�Naman nuh! Sisteret kita at tsaka kahit kailan ako ang number one fan ninyo ni
Brye., si Weng pangalawa lang iyan. Kaya maniniwala ako sayo.�

�Okay.. kasi ganito to yun.............� then I started telling him my reason. Kung
bakit ko iniwan si Brye at kung bakit ako bumalik sakanya.

�.......kaya ako bumalik, dahil sobra na ang pagtitiis ko. Dino, alam mo ba kung
gaano kasakit iyon. Hanggang tingin nalang ako sakanya. Mahal ko siya. Hindi nawala
yun.. pero ano na gagawin ko? Sobrang kinamumuhian na niya ako?!�

�Oh my Ghad! I-I don't know what to say Sam, you must have really hurt that bad,
pero bakit hindi mo samin sinabi? Bakit sinarili niyo lang ni Weng?�

�Hindi ko din sakanya sinabi nung una, but then she found out kaya wala na akong
choice., she made so many attempts na sabihin sainyo but I begged her not to. Lalo
na nagsisimula palang kayo nun. Dino, huwag mo sanang sabihin ito kay Brye ha?�

�What?!! Hanggang ngayon hindi mo parin gustong sabihin? Ano ba nangyayari diyan sa
brain cells mo Samantha? Okay ka lang. Akala ko ba gusto mong bumalik sakanya. Eh
malabo talaga dahil nga sa sabi mo kinamumuhian ka na niya ngayon.�

�Dino! Sasabihin ko naman eh,pero gusto ko ako ang magsabi sakanya ng nangyari.
Kaya please, wag ka sanang makealam.�

�Hayyy. Okay fine, pero sana masabi mo na sakanya. And I hope magkabalikan kayo.
Don't worry tutulungan kita, at tsaka kilalang kilala ko na iyang si Brye boy,
malambot parin iyan lalo na sayo. Nagtitigas-tigasan lang. Koning kembot lang
diyan, bibigay na iyan.�
�Sana nga. Sana nga ..�

�Tara na. Let's go back na, 5:30 na oh, baka isipin ng staff na narape mo na ko.�

�Sira!..�

Kahit papano naging magaan na ang loob ko dahil nasabi ko na kay Dino ang rason.
Kay Brye nalang. Sana makinig at maniwala din siya sakin katulad nalang ni Dino.

===================-------
YNO#5

Natapos na kami sa dinner namin. At alam niyo ba yung nangyari?

Gusto niyo ba talaga malaman?

Baka naman magulat kayo jan.. Pero dahil malakas kayo sakin, sasabihin ko na ang
nangyari kanina sa dinner.

Ang nangyari ay,.

WALA!! AS IN WALA! WALANG WALA.

Nakakainis kasi inisnob lang ako ni Brye the whole dinner. At alam niyo kung sino
lang ang pinapansin niya?

Yung model na makakasama niya bukas sa photoshoot.

Ang sweet sweet pa nila sa harapan ko! The nerve! Naiinis ako, gusto ko nga sila
pag-umpugin eh.. pero syempre nagpigil ako kasi ayoko naman mapahiya tsaka bumabawi
pa nga lang ako kay Brye di ba?

Pagkatapos ko magdinner, umalis na sila isa-isa at kasama ng Brye ko yung model na


yun. Hindi ko alam kung saan sila pupunta kaya di ako mapakali!

Paano kung rape-in ng babaeng hukluban yun ang Brye ko??? NOOOO!!

Hindi ako papayag. Dapat ako ang makaunang mang-rape dun! Pero siyempre joke lang
yun. Pinapagaan ko lang ang damdamin ko, kasi aaminin ko, nasasaktan ako dahil
parang nawawalan na ko ng lakas ng loob na pagpatuloy pa itong ginagawa ko.

Sa sobrang stressed sa kakaisip, naisipan kong bumalik na lang sa suite ko. Nagstay
lang ako dun sa verandah tapos tanaw ang dagat. Rinig na rinig ko ang alon. It made
my heart relaxed. Parang stress reliever yung sound ng mga waves.

Then right then, nakaramdam ako ng antok kaya napagdesisyunan kong matulog na lang.
THE NEXT DAY....

Nagising ako sa ingay ng tunog ng cellphone ko. Kaya sinagot ko na.

�Hello?!� iritang irita kong sabi. Nakakinis kasi eh.. ayoko sa lahat nangiistorbo
ng tulog.

�Hoy, bruhang prinsesa na hindi pa nakukuha ang prinsipe niya, bumangon ka na at


may good news ako sayo!�

Tch, it was Dino, at dahil sa sinabi niya nainis ako kasi tama siya na hindi ko
makuha ang prinsipe ko. Pero sabi niya may good news daw siya, ano kaya yun?

�I'm awake, what's the good news? Nalunod sa dagat yung babaeng sugpo na model na
kasama ni Brye?�

�What? No! Ano ka ba? Isip mo nagiging absurd na ha! Mamaya ko na sasabihin, pero
in the meantime, get your ass here sa may seashore malapit sa mga windmills kasi
start na ng shooting ng TVC ni Brye, you need to be here, your the winner
afterall.� he said.

�Tch. What for? Para makita kong naglalandian sila Brye at yung model? Ayoko nga!
Call me when it's finished then i'll come� I said with irritation.

�No honey, you go here. Or else, hindi ko sasabihin ang good news ko sayo, ikaw din
makakatulong pa naman ito sa sitwasyon niyo ni Brye.�

With those words, napatayo agad ako.

Good news daw.

PLUS.

Makakatulong sa sitwasyon namin ni Brye,

May gayuma kaya itong naimbento o nabili? Hmm. Not bad.

But hey, what am I thinking. Impossible! Haha.

�Okay, just gonna take a shower then expect me in less than 20 minutes. Hell Dino!
Make sure that good news is gonna work or I'll make you a man!�
After saying that I ended the call without letting Dino protest. I immediately went
to the shower, lahat ng parte ng katawan ko sinigurado kong nasabon. At sinigurado
kong mabango ang shampoo na ginamit ko. Watermelon scent ang shampoo ko and
conditioner. Brye's favorite scent of me.

I immediately get dressed. Simple yellow short and white tank top. Nilagay ko sa
isang maliit na body bag ang wallet,cellphone and powder ko. I didn't wear make-up.
Beach to dre!

Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na ko ang nagpahatid sa isang golf carts na


nagdadaanan sa windmills.

Siguro mga 5 minutes nakarating na ko. All of them are busy. Hindi pa nagsisimula
ang shooting kaya on time naman ako. Hinanap agad ng mga mata ko si Brye, and ther
he was. Sitting manly under an umbrella reading his script. Napakaguwapo talaga
niya, nakayellow cargo shorts siya tapos white polo shirt na naka-unbutton ang
first 3 buttons.

At napansin ko ha, terno kami ng suot! DESTINY baby!

Pero nawala agad ang ngiti ko ng biglang umeksena ang babaeng sugpo-haliparot-na-
huklubang model na partner niya. She sat beside Brye. At nakidungaw dun sa script
na binabasa nito.

Nakakainis, nakakainis talaga!

�Easy tiger, don't kill Tracy in your mind.�

�So, Tracy is the name, nasaan ang suklay na ginamit sakanya?�

�Bakit?�

�Baka may natirang strands ng buhok niya doon kukunin ko. I can easily get her
picture from the internet, I already know her name. Buhok nalang niya ang kulang..�

�Para saan aber?�

�Papakulam ko siya. So, nasaan ang suklay na ginamit sakanya Dino?�

Napamaang lang sakin si Dino. Of course, I am just joking. Hindi naman ako
naniniwala sa mga kulam na kulam na iyan. Purely beliefs lang ng mga tao iyan. But
there's no such thing as kulam.

�Weird. Anyway, wanna hear the good news para naman mawala na iyang silly thoughts
dyan sa kukote mo. Kaloka ka girl,! Di ko inexpect the word �kulam� from your
mouth. Hahahah!� Dino said.

�I just can't help it. Hayyy. O ano ba yung news mo?�


�Guess who's going out to dinner later?� Dino asked me excitingly.

�Who?� tamad na tanong ko.

�Gosh! Hindi ka manlang ba manghuhula? You are so KJ. Nakakinis ka,. Ako na nga
yung gumagawa ng favor para sainyong dalawa eh. Hmp!� nagtatampo pa itong baklitang
ito. Kung hindi lang siya tumutulong sakin sasakalin ko na ito sa kaartehan nito.

�Okay, alam ko naman na ako yun at si Brye eh. Niloloko lang kita. Heheh�
paglalambing ko sakanya. �So, alam ba niya ito? Baka naman mamaya indianin ako
niyan ha?�

�No, I guarantee you hindi ka niya iindianin. The dinner will be a part of your
prize. Exclusive one-on-one dinner with the superstar. May mga cameras na kukunan
kayo pero don't worry siguro mga 5 minutes lang yun. Video coverage ba, papadala
lang yun sa CEO ng Daragon Entertainment just to monitor. And all the time is yours
both� he explained.

�Nako, salamat talaga Dino! I owe you bigtime!� nagtatatalon ako at yakap ko siya.
So ang labas para kaming timang. Tumigil na ko nung narinig ko na magsisimula na
daw ang shooting.

�Ms. Benitez, dito po kayo maupo.� sabi sakin ng isang staff.

Umupo ako doon sa itinuro niya. Katabi pala ako ng director. Grabe, ang ganda naman
ng prize na ito. Para akong V.I.P.. wag kayo, katabi ako ng director. Hahaha!

At dahil doon, I can see upclose sila Brye.

So the TVC is about the resort were staying. Ang slogan kasi ng resort na ito ay
�Love, Happiness and Inspiration are waiting for you� . Grabe ang yaman naman ng
resort na ito, nagpapaTVC pa. At take note, si Gabryell Seth Lee pa ang nakuha
nila. Talk about wealth.

So, ayun nga dahil yun yung slogan. Expect that there is love involve. Syempre sa
love nandun na ang inspiration at happiness. Kaya nagngingitngit ako sa inis kasi
nakita ko yung script at may kissing scene sa huli. Kaya ko kaya yun panuorin? Hmm.

Bahala na.

Nagstart na magfilm. First scene is na-love at first sight si Brye sa model na


bisugo tapos ayun nagkamabutihan. Pero nagkahiwalay din dahil umalis na yung girl
dahil bakasyon nga lang naman. After 1 year, bumalik yung character ni Brye sa
place kung saan sila unang nagkita nung character nung babaeng model which is the
windmills at ayun happy ending. They will kiss at the last part.

And currently, ayun na ang shinushoot nila. The kissing scene will come after
moments. I don't know if I can take it.

�Okay, guys. Listen, the kiss should be real, kailangan intimate. Tandaan ninyo the
characters met again after 1 year. Yet still, your inlove with each other. So make
it real okay?� sabi nung director,

�Of course direk. Kaya namin ni Brye iyan. Di ba Brye?� maarteng sabi nung model
tapos humilig pa siya kay Brye sa balikat habang nakayakap ito sa braso ng lalaki.

�Yeah� sabi ni Brye. Tapos napatingin siya sakin.

And wait, did I saw longing in his eyes? Nah. Maybe it's just my imagination.
Longing?

I doubt it.

Anger. Yun pwede pa.

And the cameras started to roll.

Unti unti nang lumalapit ang mukha ni Brye kay Tracy. Hindi ko alam kung bakit
nakakayanan ko pang manuod. Pero hindi ako makatayo eh.

Seconds later, lumapat na ang labi nila sa isa't isa. Tracy clung into his neck
while Brye is hugging her waist.

Dapat 5 seconds lang ang kiss pero lumipas na ang 5 seconds, di pa rin sila
tumitigil. And that moment, hindi ko alam kung bakit nakatakas ang mga luha ko sa
mga mata.

I hastily got up from my chair and started walking away.

Hindi ako napansin na ng iba dahil nakatingin sila sa naghahalikan. Lumingon pa ko


for the last time, at nakita ko na nagtititigan na sila Brye at Tracy.

Napansin ako ni Dino, and he mouthed the words �Be strong�. I just nodded and
walked away.

===----===

YNO#6

�Okay.. CUT!� narinig kong sigaw ni direk pero hindi parin ako pinapakawalan ni
Tracy. She still kept kissing me. Hindi ako makapalag, kaya ako na ang tumulak
sakanya pero mahina lang. Tapos tinitigan ko siya.

Somehow, for like 5 seconds, I thought I saw her as Sam, the woman I hate. Kaya
agad kong inalis sa isip ko iyon. Napalingon naman ako sa paligid and I saw all the
staffs na nakatitig lang samin.
�Great shoot you two!� sigaw ng director.

�Tama! Nakakadala! Kayo ba? Kasi parang natural lang sainyo ang kiss!� sabi naman
ng assisstant ni direk.

�We are not together.� sagot ni Tracy pero agad niya sinundan iyon. �For now. Maybe
in the right time, right Brye?� she said seductively.

Hindi ko siya pinansin dahil busy ako sa pagtanaw sa isang babaeng naglalakad.
Malayo na siya pero parang kilala ko siya, at tama ako dahil naging malinaw na si
Sam nga iyon.Lumingon siya saamin, and did I saw hurt in her eyes?

Siya pa ang may ganang masaktan samantalang ako ang dehadong-dehado sa sitwasyon
namin. Huh! Bumitaw na ko sa pagkakayakap sakin ni Tracy sa braso. Sa totoo lang,
pinakikisamahan ko lang itong si Tracy dahil sa trabaho, at ngayong tapos na ang
trabaho ko kasama siya, wala na kong pakelam.

Pumunta ako agad kay Dino, at inabutan niya ko ng tubig.

�Thanks.� pero may inaabot ulit siya sakin.

�Ano iyan?� tanong ko sakanya.

�Toothbrush at tootpaste. May mouthwash din diyan. Gamitin mo as in now na. Naku
Brye, kapag may germs na iyang bibig mo baka malaos ka. Dali na..! Gora na sa
banyo. Wag kang titigil sa pagkuskos sa bunganga mo hanggat hindi malinis iyan ha!�

Natawa naman ako kay Dino. Sa tagal naming magkaibigan. Ganyan talaga siya
protective.

�Loko ka talaga Dino, kapag narinig ka ni Tracy diyan patay ka dun�

�Wapakels nuh! Hay nako, oy teka. Before I forgot, mamaya may dinner date ka ha?�

�Huh?Kanino naman?� tanong ko sakanya.

�Kay Sam.� he said casually.

�NO!� agad na tanggi ko sakanya.

�Hep hep! Bawal umurong!� pagbabanta niya sakin. Tapos yung forefinger niya
nagaaction pa ng �lagot ka�..
�And why not?� hindi ako papatalo nuh!

�Because, it's part of her prize. Utos iyon ni Mr. Kwon. Gusto mo ba malintikan
sakanya. Nako! Tsk tsk. Patay ka tiyak. May mga cameras pa naman mamaya.� pananakot
niya sakin.

�Wait?! Cameras? Akala ko--�

Bago pa ko matapos pinutol na ni Dino ang sasabihin ko.

�Hindi iyon ipapalabas sa tv. You had my word na walang makakalabas sa exclusive
prize ng winner di ba? Ni wala ngang may alam kung sino ang winner. Dahil iyon ang
gusto mo di ba? Yung may cameras, ipapadala yung kay Mr. And Mrs. Kwon, kumbaga
ebidensya na ginawa mo yung date. Yun lang, tsaka siguro 5 minutes lang kayo
ififilm. Kaya wag ka nang maghimutok jan. kaloka!�

Huminga ako nng malalim at tumango nalang. Kapag ang nag-utos talaga ay ang mag-
asawang Kwon na iyon, hindi na ko pwedeng pumalag, Boss sila eh. It's just dinner
right? Nothing more nothing less.

Hindi nalang ako magsasalita. Tama. Yun ang gagawin ko. Tumayo na ko at pumunta sa
banyo para magtoothbrush.

=====--------------------=======

�Anong magandang isuot?�

�Simple dress lang beb. Wag ka magpakasosyal. Hindi ikaw iyon. Just be the Sam he
knows and loves.� payo sakin ni Weng.

Kausap ko siya ngayon sa phone dahil nanghihingi ako ng suggestions para mamaya sa
dinner namin.

Matapos ko kasing magwalk out sa set kanina, nag-isip isip ako. And ang resulta, I
will grab this dinner date as a chance para masabi ko at mapaliwanag kay Brye ang
mga nangyari kung bakit ko nagawa iyon sakanya. Kung bait bigla ko nalang siya
iniwan basta basta.

Pero sana pakinggan niya ko. Sana hayaan niya kong magpaliwanag. Dahil sa ngayon, I
know na hirap na siya magtiwala ulit saakin. Sarado na ang isip niya sa paliwanag
ko pero sana ang puso niya hindi.

Sana kahit konting space meron pang natira. Kaya kong sumiksik para lang pakinggan
niya.

�Salamat beb.� pasasalamat ko kay Weng at in-end na yung call.


I started to fix myself. Isang simpleng white dress at sandals ang suot ko. Tapos
nilugay ko lang ang buhok ko.

7pm ang dinner date namin. Sabi ni Dino, susunduin nalang daw sana ako ni Brye pero
tumanggi na ko. Asa pa ko na susunduin niya eh galit nga sakin iyon.

So ang ending, magkikita nalang kami dun sa restaurant. Pero yung restaurant hindi
siya closed. Kumbaga dun kami sa open air na tanaw na tanaw ang dagat.

Pagkarating ko, wala pa si Brye, nilibot ko muna ang paningin ko at sobrang


romantic ng place. So much for a prize.

Minutes passed, dumating na si Brye and they started to serve us the food. Walang
umiimik saming dalawa. So I started the conversation between us.

�Kamusta ang shoot?� I asked.

�Okay lang� he answered.

The crew started to film us. I tried my best to prolong our conversation pero ang
nagyayari lang eh ay isang tanong isang sagot lang.

And it was true enough na 5 minutes lang kami i-fifilm kasi pagkatapos nun umalis
na ng tuluyan ang mga crew. So kaming dalawa nalang ni Brye.

�Brye..�

Hindi pa rin siya sumasagot.

Huminga na ko ng malalim at hindi na nagtangka kausapin ulit siya. Natapos na


kaming kumain, pero siya nakatingin lang sa dagat habang ako ay nakayuko lang.
Nilalamig na ko. Sleeveless pa naman itong suot ko. Niyakap ko ang sarili ko para
mabawasan ang lamig na nararamdaman ko.

Pero nagulat ako sa sumunod na nangyari.

Brye, he stood up. Took off his jacket and placed it to me then he went back to his
chair.

I smiled secretly sa ginawa niya. Hindi parin pala siya nagbabago. He is as


thoughtful as I remember. Nabuhayan ako ng pag-asa. Alam ko may space pa ko sa puso
niya.
�Don't think too much. Ayoko lang masabihan na ungentleman.�

�Okay.. but still thank you.�

Pagkatapos nun tumayo na siya, sumunod naman ako sakanya.

We walked beside the sea.

Only the sound of the waves are the sounds I hear.

Nauuna siya sakin tapos ako nakasunod lang sakanya. Nag-iipon parin ako ng lakas ng
loob para kausapin at magpaliwanag sakanya.

Well, here it goes.

�Brye..I'm sorry� sabi ko sakanya na tama lang para marinig niya.

He stopped walking pero hindi siya humaharap sakin.

�Sorry for everything I have done. Sorry Brye.�

Pinilit kong tibayan ang boses ko. I don't want to cry. No. Pangako ko iyan sa
sarili ko na hindi na talaga ako iiyak.

Narinig ko siyang tumawa ng mahina.

�Sorry? Sorry for what?� he said sarcastically.

This time humarap na siya sakin. Pero may distansya parin saming dalawa.

�F-For everything.� I said.

�Ah! Sa pang-iiwan mo sakin o sa pagpapaasa sakin? Oh wait. Pareho pala.�

�Brye. I didn't mean it. I ha--� pero bago pa ko makapagsalita ulit pinutol na niya
ko.

�Didn't mean? Hindi mo sadya?! Ano iyon nagkataon?! Na nagising ka lang tapos
naisip mo na wag nalang sumama sakin at iwan nalang ako?!!! How pathetic!!� now he
shouted.

�May rason ako Brye, handa akong magpaliwanag sayo kaya sana pakinggan mo ako.
Please! I'm begging you! Ngayon lang Brye., hayaan mo akong itama ang lahat!�
Wala na ang pangako ko. I broke down. Hindi ko mapigilan na huwag umiyak. I needed
to burst it out dahil ramdam ko na sasabog na ko kapag hindi ko pa inilabas,

�Don't bother Sam. You have wasted your time. Pilit kitang tinawagan nun!
Hinihintay ko na mag-explain ka sakin. Ako pa nga tumatawag at nagpapagod para lang
macontact ka! Pero ano napala ko? WALA! Hindi mo sinasagot ang mga tawag at texts
ko. Hindi ka nagrereply sa mga E-mail ko. Tapos ngayon humihingi ka ng chance sakin
na pagpaliwanagin ka? WALA NA! You wated your chances. Sorry to say but no chances
for you.�

After saying that, he left.

Ako? Eto, napaupo sa buhanginan. Crying my heart out. Hugging myself. With his
jacket on me. Akala ko okay pa, na kahit kaunti meron pang chance. Kahit 0.001% pa
nga kaya kong pagtiyagaan.

Pero hindi ko naman kasi siya masisisi. Tama naman siya sa lahat ng sinabi niya
sakin.

I had all the chances that he can give to me.

Pero ano ang ginawa ko?

I wasted all of them.

At ngayon, bumack fire na sakin lahat ng kasalanan ko sakanya.

I stood up, and went to Dino's suite.

�Sam? Wait. Umiiyak ka?�

�Dino.. please help me.�


YNO#7

�Dino.. please help me.�

�What?! What happened? Teka nga, pumasok ka muna.�

Sinunod ko naman siya, dumiretso ako dun sa parang sala nung suite niya tapos siya
pumunta sa kusina.
Pagkabalik niya may dala siyang isang basong tubig.

Iniabot niya ito sakin at tinanggap ko.

�Inumin mo nuna iyan tsaka ka magkwento.� sabi niya.

Sinunod ko naman siya, tumahan muna ako para makwento ko sakanya ang nangyari.
Kailangan ko talaga ng tulong niya, dahil hindi ko na alam ang gagawin ko,
kailangan ko na si Dino para makapagbati na kami ni Brye.

Sa ngayon kasi, si Dino ang pinakapinagkakatiwalaan ni Brye ngayon.

Nang mahimasmasan na ko nagsalita na ko.

�Dino, he hates me so much, kanina nung dinner akala ko nagiging okay na kami kasi
nakitaan ko siya ng concern sakin. Kaya ginawa ko yung chance para makapagpaliwanag
ako. Pero hindi niya ko pinakinggan Dino...� tumigil muna ko sa pagkekwento dahil
nagsisimula na naman ako lumuha. Pero kinompose ko na sarili ko at pinagpatuloy ang
pagkekwento ko. �..hindi niya ko binigyan ng chance? Pero alam mo Dino, may sinabi
siya na sobrang nalungkot ako. Alam mo kung ano? Yun yung sabi ko na bakit ayaw
niya ko bigyan ng chance na makapagpaliwanag tapos ang sagot niya ang tagal niyang
hinintay na gawin ko yun 4 years ago, pero hindi ko ginawa. Nasapul ako dun Dino,
sapul na sapul ako. Na-realize ko tama siya.. Wala na talagang chance Dino. I don't
want to lose him. Anong gagawin ko Dino? Help me please. Ikaw nalang ang pag-asa
ko..� tapos umiyak na naman ako.

Si Dino naman, hinihimas ang likod ko.

�Uy, tahan na. Teka, nag-iisip ako ng paraan. Pero hindi sa kinakampihan kita o
siya. Parehas kayong mali. Ikaw, dahil naglihim ka siya dahil hindi niya ikaw
binigyan ng pagkakataon ngayon. Pero Sam, sa totoo lang, hindi din madali ang
pinagdaanan ni Brye. You see, nung araw na dumating kami sa Korea nahirapan kami ng
sobra. Lalo na sa lagay niya, madalas siya magkasakit noon kasi hindi siya kumakain
tapos nagtetraining pa siya ng sobra. Tumatakas pa nga siya dati para lang subukang
kontakin ka. Pero tila nagsawa na rin siya kaya pinagigihan niya lalo.�

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Dino. Hindi ko naman gusto ang mga nangyari noon.
Bakit ba kasi nagkaganito pa? Tahimik lang ako sa tabi ni Dino. Nang may tumawag
sakanya, he excused himself.

After 3 minutes, bumalik na siya with a smile. At dahil don, nabuhayan ako ng loob.

�Sam..�

�Hmm? Bakit parang masaya ka ata?� tanong ko.

�Kasi.. problem solved na.� sagot niya.


�Anong ibig mong sabihin?�

He just smile at me at sinabing. �You'll see.�

=====----------------=========

It would be a dream come true for a fan to be with his idol for 5 days. Pero sa
isang tulad ko? Parang masamang panaginip. After that incident samin ni Brye nung
dinner, hindi na niya ko kinausap o kaya pinansin. Kahit magalit man lang no
reaction parin siya.

Kinabukasan kasi nung nangyari, bumalik na kami sa Manila para sa mga photoshoot ni
Brye sa Bench at iba pang clothing brands. Kasama ako dun. Pero parang invisible
ako kay Brye.

Everyday I never get tired to smile at him and be concerned about him. Pero hindi
niya yun pansin. Wala siyang pakealam.

Every night I cried at my condo unit. Every night I shed tears because of him.
Kahit si Weng nag-aalala na sakin. Hindi ko nga sakanya sinabi yung nangyarai nung
nagdinner kami ni Brye eh. Dahil ayokong mag-alala siya. Not again.

Ngayong panglimang araw ko na, last day na ng prize ko. Meaning last day na nang
makikita at makakasama ko si Brye. Kumbaga kung si agent x44 ako. Mission failed,
dahil I didn't get the chance to explain to Brye what happened 4 years ago. Pero
hindi parin ako nawawalan ng pag-asa. Pinanghahawakan ko parin ang sinabi ni Dino
na tutulungan niya ko.

Hindi parin niya sinasabi sakin yung plano niya pero he made sure na everything
will be okay.

Papunta na ko sa conference hall sa hotel na tinutuluyan nila Brye. May meeting daw
kasi tapos may interview sila sakin about sa experience ko sa 5-day prize ko. Ano
kaya sasabihin ko? Na malungkot ako dahil hindi ako nakapagexplain kay Brye? Na
hindi ako masaya dahil galit sakin ang taong mahal na mahal ko? Na bitin ako at
hihingi pa ng extension para mas matagal ko pa siyang makasama? Haayyy buhay parang
life. .. >>>.<<<

Pumasok na ko sa conference room and �.

AWWWKKKKWAAAARRRDDDD!!!!!

Ang daming tao, lahat nakatingin sakin. Tapos our eyes met. Mine and Brye's. At
ayun, kung pwede lang mamatay sa titig kanina pa ko natigok. Ang sama nanaman ng
tingin niya sakin. Now what did I do to him???
�Is she the girl?� tanong nung lalaki na nasa projector. I mean may video
conference palang nangyayari at nakaprojector yung mukha nung lalaki. Kung hindi
ako nagkakamali siya yung Mr. Kwon Jiyong ang CEO ng Daragon Entertainment.

Nakatingin sila sakin lahat. Alam ko maganda at sexy ako, pwede nga akong
ipanglaban sa Miss Universe pero nakakailang na ang sitwasyon ko. Para akong
bibitayin.

�Me?� turo ko sa sarili ko. � Ano pong meron sakin?� tanong ko ulit sakanila.

�Sam, maupo ka muna. Here.� salo naman ni Dino sa usapan. Pinapaupo niya ko dun sa
tabi ni Brye. Aba, hindi ako tatanggi nuh. Last na ito. Grab lang ng grab ng chance
kung meron.

Sumunod naman ako kay Dino at umupo sa tabi ni Brye. Tapos nagsalita na siya.

�Sam, alam mo naman na tapos na ang prize mo sa raffle promo di ba?� tanong sakin
ni Dino.

So kailangan pinapaalala pa? Paulit ulit?

Bigla naman ako nalungkot ng maalala ko kung bakit nga pala ako nandito.

Nandito ako para mainterview nila kung ano naging experience ko sa trip with Brye.
Meaning magsisinungaling ako na nasiyahan ako. Haaayyy. -.-

Tumango ako sa tanong ni Dino. �Yup, alam ko. Kaya nga po ako nandito di ba?� sabi
ko. Pero wait! Baka bibigyan nila ko extension!

�Bakit po? I-eextend niyo ba ang prize ko?� excited na tanong ko.

�HAHAHAHAH! Now I know why'd you picked her Dino, she's funny!� sabi nung CEO ng
Daragong Ent. Tawa parin siya ng tawa. In fairness kahit na mukha na siyang baliw
ang pogi niya parin. Sayang may asawa na. Hahah! Ay ano ba tong iniisip ko, dapat
si Brye lang ang laman ng utak ko.

Pero teka, Pick? Pinili? Malamang, tinagalog ko lang di ba? San ako pinili? Para
saan. Ay, Sam! Pwede naman kasi magtanong di ba?

�Anong pick? Para saan Dino?� si Dino na ang binalingan ko.

�You see Dino's assisstant resigned for some reason, eh she's the one in charge
with Brye...� si CEO Ji Yong na ang sumagot. �..and so I'm looking for her
replacement and Dino here suggested you.� pagpapatuloy niya.

�A-ako po?� turo ko sa sarili ko.. �So, meaning magiging assisstant po ako ni Dino?
� paninigurado ko.
�Partly yes, but I changed my mind.� sabi ni Mr. Ji Yong na nakangiti pa.

Nagtaka naman ako. Ang gulo ng utak niya, kasasabi niya lang na magiging assisstant
ako ni Dino tapos nagbago isip. Ganyan ba ang mga mayayamang koreano? Madali
magbago ng isip.

Kita din sa mukha ni Dino ang pagtataka. Tapos etong katabi ko? Ano pa ba ang bago?
Edi nakabusangot nanaman. Siguro akala niya makakawala na siya sakin. Pwes!
Nagkakamali ka. *evil laugh * :>

�So.. ano po magiging role ko?� tanong ko.

�Instead of being Dino's assisstant, I'm making you Brye's personal assisstant.
Full time. Si Brye lang ang iintindihin mo.� sabi niya.

Teka..

Loading..

Loading..

10%

60%

99.99%.....

100%

Loading completed.

Brye's personal assisstant?!!!


Meaning palaging kasama niya ako!

Meaning mas malapit na kami sa isa't isa kung ganon?!!

Meaning mas malaki ang chance na magkasama kami!!!

Meaning mas matagal ko nang makakasama si Brye!!!!

�T-Talaga po?� paninigurado ko sakanila.

�Yes.� nakangiting sabi ni Mr. Ji Yong.

�Nako! Thank you po sir! Hindi po kayo magsisisi na ako po ang pinagkatiwalaan
niyo! Nako sir! Maraming thank you. Nakakaintindi naman kayo ng Tagalog di ba? Di
ako marunong ng Korean eh. Basta salamat po! Nako,! Christmas gift niyo na ito
sakin! Waaahhh!� tuwang-tuwa ako. Talon ako ng talon.

Nakangiti lang sina Mr. Ji Yong at Dino. Ang ibang staff winelcome na ko. At ang
boss ko, si Brye? HAHAHAH! Nakabusangot parin! Ano ba bago? Mas lumukot ata mukha
niya nung nalaman na P.A niya ko.

Wala kasi siya magagawa , si CEO ang naghire sakin. Hahahah! Di siya makaepal!
>:)))

Alam ko naman na sa loob niya tutol iyan eh. Pero wala na siyang magagawa. I'll
make him fall for me again! <3
YNO#8

�Bakit siya pa Dino?� sigaw ni Brye.

�Hindi naman ako ang nag-hire sakanya eh. Sinuggest ko lang. Iba ang nag-hire sa
nag suggest. Kaloka!� sagot naman ng isa.

�I don't like her! Tell Mr. Kwon, ayaw ko sakanya. Find another P.A!!!!� sigaw
nanaman ni Brye.
�Hala! Edi ikaw magsabi tutal ikaw ang nakaisip niyan at ikaw ang may ayaw kay Sam.
Ikaw magsabi kay Mr. Kwon, tignan lang natin mangyayari sayo.� sagot naman ni Dino.

�Ms. Benitez? A-ano po ang ginagawa ninyo diyan?� untag sakin ni Mik, isa sa
palaging kasama nila Dino.

Bigla naman ako napatayo ng tuwid mula sa pagkakadikit ng tenga ko sa pinto ng


kwarto ni Brye. Nakikinig kasi ako sa usapan ng dalawa eh. Hehehe.

�A-Ah.. ehh.. ano, ah. Wala! Nag eexercise lang.Ay hindi! Naglilibot lang ako.. ang
ganda pala dito nuh?� palusot ko sakanya. Eh baka pagalitan pa ako at mapatalsik
agad sa trabaho ko.

�Ah, ganon po ba. Osige po, maiwan ko muna kayo may aasikasuhin lang po ako.�
paalam niya sakin.

�Sige.�

Pag-kaalis niya tiningnan ko muna ulit kung may tao sa paligid. Nang masiguro kong
wala nang tao, dinikit ko ulit yung tenga ko sa pinto para marinig yung pinag-
uusapan nila Brye at Dino.

Pero..

Silence..

silence..

Wala na kong marinig. Tahimik na yung loob ng kwarto. Lumabas na kaya sila? Pero
imposibleng hindi ko sila mapapansin. Nasa tapat ako ng pinto nila eh, unless na
tumalon sila sa bintana, hindi rin nila magagawa yun nasa 4th floor kaya kami.

Pero ba't kaya an tahimik. Dinikit ko ulit yung tenga ko sa pinto, palipat lipat pa
nga ng pwesto ako para tignan kung may maririnig ako.

�Ay! Napektusang Kabayo!� nagulat ako kasi bigla nalang bumukas ang pinto. Akala ko
hahalikan ko na ang carpeted floor nila buti nalang nasalo ako ni Dino.

�Hoy, ateng. Okizz ka lang ba?� tanong niya sakin.

Inayos ko ang sarili ko sa pagkakasalo niya, �Oo ay----�


Umurong aa dila ko. Eh paano, akala ko si Dino ang nakasalo sakin, si Brye pala!
Ba't hindi ko naisip yun!

Nakatingin lang ako sakanya. Yung itsura naman niya nakakunot ang noo tapos bad
mood nanaman. >.<

�Are you eavesdropping?� tanong ni Brye sakin.

Patay! Ano sasagot ko? Lumusot ka Sam!

�Ha? H-hoy! H-hindi ah! Ano kasi, hinihintay ko si Dino, tama! Hinihintay ko siya!�
tapos sabay tabi kay Dino.

Tumingin naman sakin si Brye gamit ang kanyang �hindi-ako-naniniwala-sa-palusot-mo�


look niya. Tapos ngumiti lang ako sakanya then umalis na siya na umiiling-iling.

Pagkaalis niya tsaka naman ako hinarap ni Dino.

�You're not a very good liar talaga! You suck.� tapos nag thumbs down pa siya.

�Eh,yun nalang naisip ko tsaka kakausapin naman talaga kita eh!� sagot ko naman.

�Sus, ako pa inalibi mo. Pektusan kita diyan eh! Oh, ano gusto mo pag-usapan?�

�Tungkol sa P.A thingy. Totoo ba yun?�

�Hindi ka ba naniniwala? Pwede ko sabihin kay Mr. Kwon na ayaw mo, wait i'll call
him up.�

Akma niya pang kukunin ang cellphone niya ng pigilan ko.

�No! Eto nagtatanong lang napaka ano mo! Hindi lang ako makapaniwala, akala ko kasi
talagang hindi na kami magkikita ni Brye eh.�
�Di ba I said that I'll help you. Well eto na yun, well. It's more than what I
expected pero keribels narin 'te! At least more than pa! O kaya wag mo na ito
sayangin pa. Sunggab na! Nakakinip na eh.�

�Oo naman nu! Hindi ko na ito palalampasin. Kelan ako magsisimula?�

==========-------------------------==========

�WHATTTT??????????!!!!!�
Tinakpan ko naman agad ang bunganga ni Weng. Andito ako ngayon sa bar slash cafe
namin ni Weng na �The Twisted Hangout�. Sinabi ko sakanya yng mga nangyari ngayong
araw and as expected ganyan ang reaksiyon niya sa sinabi ko.

�Ang ingay mo talaga kahit kelan!� sabi ko sakanya habang tinatanggal yung kamay ko
sa bunganga niya.

�Eh kasi naman po, for like 5 days, I never heard na nagkaproblema pala kayo ni
Brye tapos malaman laman ko ngayon na P.A ka na niya? Sino hindi magugulat dun.
Buti pumayag yung si Brye, eh ang init ng dugo sayo nun ah!� sabi niya habang
nagmimix ng drinks para sa customers.

�Wow ha. Salamat naman at pinaalala mo sakin kung gano niya ko kinamumuhian.� I
responded sarcastically.

�Reality check bebs! He hates you. Hindi mo na mababago yon, but the thing is. He
hates you because he doesn't know why did you do that. Eh kung alam niya lang ang
dahilan edi okay na tayo ngayon. Merry sana ang Pasko mo!� sabi naman niya sakin.

Speaking of Pasko, bukas na yun ah. I need to shop for gifts pala.

�Hayyy. Tama na nga muna yang si Brye, tara! Shopping tayo. Nako, ang dami kong
reregaluhang mga inaanak ko. Mahirap talaga pag yumayaman dumadami ang mga
inaanak.� aya sakin ni Weng.

�Sure. Tara! I also need to buy gifts.�

Tapos lumarga na kami at nagpunta ng mall.

==========------------------===========

CHRISTMAS EVE

�Merry Christmas!� bati sakin ni Weng.

�Merry Christmas din! Give my regards to your family!� ganting bati ko naman kay
Weng.

�Salamat bebs. Pupunta ka ba sakanila?�

�Yup, actually bago ako pumasok sa trabaho I'll drop by sakanila.� sabi ko sakanya.

�Okay. Ingat bebs! Yung gift ko ingatan mo ha? Pakibigay nalang din sakanila ang
mga regalo ko. Bye! I need to go. Dad is calling me.�

�Sure, bye!� then I hunged up the phone.

Pinagmasdan ko ang rosary bracelet na bigay sakin ni Weng. Kumikinang ito, sabi
niya binili pa daw ito ng Dad niya sa Vatican at pinadala lang ito at kagabi
dumating.

�Always wear this rosary bracelet, para kahit na wala ako sa tabi mo alam mong
nandiyan Siya para gabayan ka. To give you strength always. I love you bebs! Merry
Christmas. I know you'll find your happiness soon.�

Ayan pa nga ang sinabi niya sakin ng iabot niya sakin yung regalo niya. Syempre may
regalo din ako sakanya ang favorite Prada shoes niya. Inorder ko pa talaga yun sa
ibang bansa para sakanya. Ayun, tuwang tuwa din ang gaga sa natanggap. Nasa Bicol
kasi siya ngayon, kasama family niya.

�Nandito na pala ko.� sabi ko sa sarili ko. Bumaba na ko ng kotse dala dala ang mga
pagkain at bulaklak.

�Merry Christmas sainyong lahat!� bati ko sakanila.

=======-----------------------========

BRYE'S POV

�Merry Christmas my dear! O eto regalo mo!�

Inabot ko naman ang regalo sakin ni Dino. It's a Chrome Hearts bracelet. My
favorite.

�Salamat. Eto para sayo.� binigay ko naman sakanya ang akin.

�OH MY GHASSSSHHHH!!! thank you thank you thank you!� nagtatatalon siya sa tuwa ng
makita niya ang regalo ko. Panong hindi magtatatalon iyan eh picture ba naman ni
Chace Crawford na may dedication at autograph ang binigay ko sakanya.

Crush na crush niya kasi yun si Pareng Chace, eh hindi sila close. Paano, sa tuwing
anjan si Chace inaatake ng hiya at nagtatago lang siya sa kotse.

Kumain na kami ng noche buena pero wala parin si Sam.

Okay, I know na galit ako sakanya. But hey, it's Christmas time so no fights muna.
Sabi niya kasi sasalo siya samin. Eh baka nasa family niya siya at dun
magcecelebrate. Pero katatawag niya at malapit na daw siya dito. Ah, Baka wala sila
Tito't tita ang parents niya.
After 10 minutes siguro dumating na siya.

�MERRY CHRISTMAS! PAKAIN NAMAN!� ang lakas talaga ng boses ng babaeng ito. Wala
talagang pinagbago. Ang dami niya pang dala.

Isa isa niyang binigay ang mga regalo niya para sa mga staff and kasamahan namin.
Sunod ang regalo niya kay Dino.

�Merry Christmas Dino. O, para sayo at io naman galing kay Weng. Merry Christmas
daw sabi niya.. nasa Bicol kasi siya eh.� sabi niya kay Dino.

�Wow, pakisabi thank you. Sabihin mo sa loka-lokang yun, magpasighting siya sakin
at ng masapak ko siya kamo. Hehehe.� biro naman ni Dino.

Maya maya sakin naman siya tumingin. Lumapit na siya sakin.

�Brye, uhm.. para sayo oh. Sana magustuhan mo. M-merry Christmas.� nahihiya ba siya
sakin? Ang cute lang.

Teka, ano ba itong pinagsasabi ko. Ang cute ng regalo. Oo, yun nga. Haay.

�Merry Christmas din. Salamat.� sabi ko tsaka ako umalis.

Dumiretso ako sa kwarto ko, binuksan ko ang regalo niya sakin. Ako na ba ang
excited? Hindi. Nacurious lang ako sa regalo niya.

Pagkabukas ko bumalandra sakin ang isang cake na tingin ko siya gumawa kasi may
mukha ko eh. Noon pa man, mahilig na talaga mag bake si Sam. Ako pa nga taga tikim
palagi ng mga ineexperimento niyang pagkain eh.

For some reason, I smiled and it made me happy. Pero may isa pang regalo na
nakabalot and may note pa.

Kinuha ko muna yung note at binasa ito.

Brye,

Merry Christmas! Ano. Pano ko ba uumpisahan. Ehem!

Alam ko galit ka parin sakin pero sana pag may pagkakataon hayaan mo kong
magpaliwanag. Gusto ko itong sabihin sayo ng personal at hindi sa sulat.

Pero tsaka na yun, pasko oh! Sana bigyan ka ni Lord ng healthy body para madami ka
pang mapapasayang tao katulad ko. Ubusin ko yung cake na ginawa ko para sayo ha?
Wag ka mag-alala hindi iyan masyadong ma calories. Hehe.
Yung isa kong regalo, sana magustuhan mo din. Ako mismo gumawa niyan, sana wag ka
magalit. Nang makita ko ang mga iyan, ewan ko ba basta napangiti nalang ako. Ako
mismo kumuha niyan! Galing ko noh?

Brye, palagi lang ako nandito. #1 fan mo kaya ako! Kaya sana magustuhan mo itong
regalo ko. Wag mong itatapon ha? Regalo mo na sakin. Please.

I love you Brye.

Sam.

Pagkabasa ng sulat binuksan ko yung isang regalo.

Isang album. Photo album. Pero personalized. May mga pictures ako dati nung hindi
pa ko sikat. May mga pictures kami ni Sam na magkasama nung kami pa. Tapos
karamihan ay mga pictures ko na nung nagsisimula na kong mamayagpag sa industriya.
Yung first concert ko, meron siyang kuha. Hanggang sa latest ko na concert may kuha
siya.

Nandoon din ang mga ticket nung mga movie ko. Yung pinupuniit tapos binibigay sa
customer. Tinago niya iyon.

Kahit na hindi ko siya nakikita, kasama ko pala siya all this time.
Pinapanood niya lang ako sa malayo.

Lumabas ako ng kwarto dala dala ang isang kahon at isa lang ang hinanap ko.

===----===

YNO#9

SAM'S POV

�Merry Christmas din. Salamat.� sabi niya.

Pagkatapos kunin ang regalo ko, umalis na kagad siya.


Okay na yun di ba? At least tinanggap niya yung regalo ko. Kasi nung nagpasalamat
siya, hindi naman siya nakasimangot pero hindi naman din siya nakangiti. Poker face
lang. Ay hindi rin eh. Basta! Walang reaksyon yung mukha niya. Deadma lang ba.

Hay, hinayaan ko nalang. Paskong pasko kaya hindi ako magpapaapekto. Nakihalubilo
na ko sa iba pa at nakiparty sakanila.

Siguro mga isang oras na lumipas, lumabas muna ako. Nagpahangin sa labas. Pero mali
ata ang naging desisyon kong lumabas kasi ang lamiigggg!!

Naka-sleeveless pa naman ako. Tinatamad na ko pumasok kaya titiisin ko nalang ang


lamig. Ang ingay na kasi sa loob eh. Mga lasing na, ako di ako uminom. Mahina ako
diyan eh.
Maya maya di ko na talaga kaya kaya niyakap ko ang sarili ko tapos nakatayo lang sa
may gilid ng pool. Nakatingin lang sa kawalan. Ang dami ko na ngang naiisip eh.

Kung nagustuhan ba ni Brye yung regalo ko sakanya? Pinaghirapan ko yun gawin. Balak
ko nga lang bilhan nalang siya ng simpleng shirt or kahit na ano pero napag-isip ko
na maganda kung personalized. Mas nakakatouch. Alam niyo naman ang sitwasyon ko eh,
kailangan ko magpaganda points sakanya.

�Kung di ka ba naman baliw, nilalamig ka na ayaw mo pa pumasok sa loob�

Pagkasabi niya nun, pinatong niya sakin ang suot niyang jacket. Alam niyo na kung
sino ang nagsalita. Si Brye lang naman. Pagkalagay niya. Tumayo din siya sa tabi
ko.

�Ano ginagawa mo dito? Sobrang lamig oh, tapos wala ka manlang suot na jacket o
balabal man lang.�

Di ako sumagot, tiningnan ko lang siya. Eh sa nagtataka ako eh!


Siguro nahalata niya na nakatitig ako sakanya kaya nilingon niya ko tapos kumunot
nanaman an noo niya.

�Bakit ganyan ka makatingin? May problema ba?� tanong niya sakin.

Umiling ako. �Wala, nagulat lang ako kasi kinakausap mo ko.� sabi ko.

�Kinakausap naman kita dati ah.� depensa niya.

�Hindi, I mean, himala kinakausap mo ko na hindi pagalit. Wala akong nararamdamang


negative vibes sayo oh. Yun ang ibig kong sabihin.�

�Ah, gusto mo palagi akong galit tuwing kausap ka.�

�Hindi! Eto naman, pareho kayo ni Dino eh. Parang nagtataka at nagtatanong lang ang
tao eh.�

Natawa naman siya sa sinabi ko. Grabe! Epekto ba ito ng regalo ko sakanya? Nako,
kung ganon nga. Araw araw ako magbibigay ng ganung regalo sakanya.

�Let's not fight right now Sam.� sabi niya,

�Ikaw lang naman nang-aaway sakin eh.�

�Kasasabi ko lang eh. Let's stop for a while. Kahit ngayong Pasko lang. Gusto lang
kitang makausap.�

naging seryoso ang itsura niya. Mukhang masinsinan ito ah.


�Upo muna tayo.� aya ko sakanya. Umupo kami sa bench malapit sa pool side. Pagkaupo
nagsalita na ko.

�Ano gusto mong pag-usapan?� tanong ko.

�Okay, pero may hihingin lang sana akong favor sayo kung pwede?�

�Sure, ano yun?�

�Don't talk kapag ako na ang nagsasalita. Walang sasabat. Pwede ba yun?�

Natawa naman ako dun. Kilalang kilala niya talaga ako. Mahilig kasi ako sumabat sa
mga usapan lalo na kapag opposite sa opinyon ko iyon.

�Sige, promise!� tapos tinaas ko pa ang kanang kamay ko.

�Okay, here it goes..�

Napakaseryoso niya talaga. Iniisip ko tuloy kung ano ang sasabihin niya sakin.
Haaayy.. baka patatawarin na niya ko. Tapos magkakaayos na kami. Tapos
makakabalikan! Diyos ko! Kung ganun nga po ang mangyayari, ito na ang
pinakamasayang pasko sa tanan ng buhay ko!

Assumera ko nuh? Masama bang mangarap? Tss.. teka makikinig na nga muna ako kay
Brye.

�First, thank you sa regalo mo. I appreciate the effort you exerted. Hindi ko alam
kung ano ang sasabihin pa bukod sa thank you. Sobrang nagulat ako nang malaman ko
na umaattend ka ng mga concerts ko overseas man. As an idol, masaya ako dun..�

Natuwa naman ako sa sinabi niya. Pero siyempre bawal ako magsalita kasi baka
tadyakan pa ko nito. Kaya nagpatuloy pa siya sa pagsasalita habang tahimik akong
nakikinig.

�Ngayong magkakatrabaho na tayo, napag-isip isip ko na hindi maganda kung palagi


tayong ganito. I mean ako. Inaamin ko nasaktan ako sa ginawa mo at galit ako sayo,
pero kakalimutan ko iyon. Let's start anew.�

Ayan na. Papatawarin na niya ko. Malapit na.

�Let's pretend we didn't know each other Sam. Let's just be civil.�

Nagulat ako sa sinabi niya. Gusto niya na kalimutan ang lahat? Na itrato namin ang
isa't isa na parang wala lang? Kunwari hindi namin kilala ang isa't isa? Ganon ba
yun? Hindi ata iyon ang iniimagine ko na sasabihin niya. Akala ko okay na kami. Na
magiging maayos na.

Sabagay, pang ilang beses ko na ba inakala na magiging okay na kami?


Naiiyak na ko. Shet! Paskong pasko, ganito siya.

�I know mahirap para sayo Sam, pero this is what's best. Let's just be professional
sa work natin. Thank you Sam. This is for you.�

Gusto ko sanang sigawan siya. Hampasin. Hambalusin. Pero hindi ko magawa. Na stuck
ako sa kinauupuan ko. Hindi ko nga namalayan na umiiyak na pala ko pagkaalis niya.

Bakit ganon? Ang sakit! Akala ko talaga. Sana pala nakakamatay nalang ang maling
akala, para hindi na ko nahihirapan ng ganito. Tiningnan ko ang box na iniwan niya
sa tabi ko. Binuksan ko ito.

Isang bracelet. Tapos may note din. Pero akala ko note niya para sakin, pero ito
yung note na kasama ng regalo ko sakanya. Binalik niya ito.

Lalo akong napaiyak sa ginawa niya. What a Christmas! Napaka �merry�.

�Merry Christmas to me.� sabi ko sa sarili ko and another tear fell from my eyes.

=====---------=====

December 31 na ngayon. Nandito ako ngayon sa bagong bahay ni Dino. Dito kami
magcecelebrate ng new year. Kung sino ang mga kasama nung Christmas party nila,
kami kami rin ang nandito.

Nakaupo lang ako sa isang sulok. Tinitignan ko si Brye na masayang nakikipagharutan


sa ibang staff na lalaki.

Naalala ko nung gabi na sinabi niya sakin na mas mabuti kung maging civil nalang
kami. Sinarado na niya ang pintuan niya para sakin. Tinotoo nga niya ang sinabi
niya. Hindi niya ko kakausapin kung hindi related sa trabaho ko sakanya. Ano pa
ba , edi bilang P.A

Actually, hindi ko pa naman ramdam na P.A niya ko kasi naka holiday vacation muna
siya sa mga trabaho. Sa 2nd week pa ng January siya magiging busy.

Gustong gusto ko siyang kausapin, kamustahin makibalita ba, pero hindi na pwede.
Nakakainis talaga!

�Sam, come here. Tulungan mo ko.� sigaw sakin ni Sky, isa sa executives. Basta
mataas ang posisyon niya,pero cool siya.

Sumunod naman ako sakanya at kinuha ko ang ilang pagkain at inilabas iyon sa
garden. 11:20pm na pala. Malapit na mag alas dose.

�Girl, nabalitaan ko nangyari sainyo. I'm sorry.� sabi sakin ni Dino nang bumalik
ako sa kusina. Kaming dalawa nalang kasi ang nandito.

�Wala na kong magagawa sa gusto niya.� malungkot na sabi ko.

�Tsk. Thats not the Sam I know.�

Tumingin naman ako sakanya at nakangiti siya ng makahulugan.

�You mean..�
Hindi na ko pinatapos ni Dino sa pagsasalita.

�Yup, don't give up on him Sam. Alam ko, kaya niya yun ginawa kasi unti unti mo
nang nagigiba ang depensa niya. Go on.�

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Tama siya. May point itong baklitang ito. Bakit
nga ba ako susuko eh P.A na niya ko. Mas mapapalapit na ko sakanya.

Tumayo naman ako mula sa pagkakaupo sa bar stool.

�Tama ka! Pinapangako ko, this new year, mapapsagot ko na si Brye!� sabi ko kay
Dino.

�Hahaha! Gaga! Mapapasagot ka jan. Sira ulo ka talaga. Basta hinay hinay lang
kasi.Wag mong biglain. C'mon let's go outside. They're setting up the fireworks.�

Lumabas naman na kami. Pagsapit nang 12am isa isa nang pinaputok ang mga fireworks.
Kumuha naman ako ng lusis at pinaglaru-laruan namin ito.

Tumatalon talon kami para daw tumangkad, pero for me di totoo yun. Nakikijoin
nalang ako, ang ingay ng paligid. Sigawan kami ng sigawan.

Ang saya, for a moment nakalimutan ko si Brye. Nakalimutan ko ang problema ko


sakanya, ang sarap pala sa feeling.

Kumuha ulit ako ng lusis at pinailaw ito. Napatingin naman ako sa pwesto nila Brye,
nahuli ko siyang nakatingin sakin pero agad naman niya iniwas ang tingin. Napangiti
nalang ako.

This year, sisiguraduhin kong magtatagumpay na ko.

�HAPPY NEW YEAR EVERYONE!�


YNO#10

SAM'S POV

New year. 2013.

New job.

New environment.

New people.

New treatment.
New SAM.

Yes, New me! After ng party I promised to myself na hindi na ako magiging mahina,
Ipaglalaban ko kung ano ang akin and that is Brye. But first thing's first.. I
needed to be close to him.

Nagstart na akong magtrabaho sakanya and so far, talagang wapakels siya sa


presensya ko unless na may ipaguutos siya o kaya may sasabihin na tungkol sa
trabaho lang but besides that? No more no less.

Nandito kami ngayon sa isang parang gubat na ewan. Basta imaginin nyo nalang, may
shooting kasi si Brye dito eh. Kaya 4 days and 3 nights kami dito. Medyo mahaba ba?
Well, music video kasi ang ishu-shoot niya kaya ganyan kahaba. Hindi naman niya
kanta yung gagamitin, parang ano lang ba, siya lang yung actor. Gets? Haha.

Kadarating lang namin sa lodging house kung saan kami tutuloy at naiinis ako!

�Nanunulis ang nguso mo ateng ha! Ano iyan?� natatawang sabi sakin ni Dino.

�Wala!� bulyaw ko sakanya.

Siya? Ayun, tumatawa! Gusto niyo malaman kung bakit nanunulis ang nguso ko? Baka
mainis din kayo eh!

Pero sasabihin ko para marami akong kakampi!

Eh paano! Kasi! Ayang Brye na iyan! Nakikipag flirt dun sa co-actor niya sa music
video. Nakakainis! Kilala ko yung babae eh, nalink na siya dati kay Brye, pero agad
naman nawala yung issue na iyon dahil naging busy si Brye sa mga schedules niya.
Updated ako siyempre! Kilala ko lahat ng nalilink sakanya. Mahirap na nuh! Keep
your enemies closer nga eh!

Kaya ako nanggagalaiti. Kanina pa eh! Papunta palang dito naiinis na ko. Kasi yung
babaeng yun, aba! Sumabay pa sa van namin eh meron naman siyang sariling van!
Nakakainis talaga! Tumabi pa kay Brye, tapos may pasandal sandal pa ng ulo sa
balikat ni Brye. Eto namang mokong na ito, hindi tumutol. Walang hiya!

�Selosa ka talaga. Nakakatuwa kang tingnan! Namumula ka na oh! HAHAHA!�

Isa pa tong Dino na ito, sarap isilid sa sako at ibitin patiwarik. Alam na nga na
namumutok na ang butsi ko nang aasar pa. Kinuha ko ang unan sa kama at binato ito
sakanya, sakto naman dumapo ito sa mukha niya.

�Hahah----Aray! Hoy, ang sakit nun ah! Hambalusin kaya kita! Ouch. My fes! It's so
araayy..� sabi niya habang hinihimas ang mukha.
�Eh kasi naman! Ikaw diyan eh! Alam mo namang naiinis na ko, nang aasar ka pa!�
sigaw ko naman sakanya.

�Eto naman, napakasensitive mo. Parang naglalambing lang eh.�

�Lambing mo mukha mo!�

�Haha. Ayan, nakakatawa ka naman kasi talaga eh, Sorry na. Di na mauulit.�

�Ewan ko sayo, bakit kasi si Lian pa iyang napili niyo eh!�

Lian. I hate that name from now on! Pakitandaan din iyang pangalan na iyan ha.
That's the girl's name.

�Nabalitaan kasi ng director na nagbabakasyon dito si Lian, eh maganda din daw kasi
Half Filipino kaya di mahihirapang makipagcommunicate. Tsaka, yung director yung
pumili ng lead actress no! Ba't ako sinisisi mo, dun ka magreklamo. Kaloka ka!�

�Tsk! Naiinis talaga ako eh paano nama--�

Hindi ako natuloy sa pagsasalita ng may kumatok sa pinto ko.

�Sam, tawag ka ni Brye nandun ang room niya sa kabilang kwarto.� sabi nung isang
crew sakin.

Oo, magkatabi lang ang kwarto namin ni Brye, reason? Para daw madali niya kong
matawag kung may ipaguutos siya.

�Sige, papunta na ko.� sabi ko at inayos muna ang mga gamit ko.

�Ayusin mo na din ang mukha mo, namumula ka pa sa inis, hahaha!� hirit ulit ni
Dino.

�Tse! Diyan ka na nga! Lock mo yung pinto kung aalis ka na.� pagkasabi nun, kinuha
ko ang susi sa kwarto ko. Dumiretso na ko sa kabilang kwarto.

At parang mas lalong namula ata ang mukha ko at feeling ko sasabog ako na parang
bulkan sa nakikita ko. Kuyom ang mga kamay ko na lumapit.

�Ehem� pagkuha ko sa atensyon nila.

NILA. OO. NILA. Naabutan ko silang nagkikilitian na bulungan na ewan. Basta ang
lalandi, kung di pa ko nag �ehem� di pa nila ko mapapansin.

Napatigil naman sila sa paglalampungan. Di nakatakas sakin ang tingin ni Lian


sakin. Aba! Di ako uurong, tiningnan ko din siya. Inirapan niya ko at yumakap kay
Brye.
�Brye, why is she here ba?� malanding tanong ng babaeng sinaniban ng GRO sa katawan
kay Brye.

�She's my P.A, may uutos lang ako.� paliwanag naman ng gago.

Tapos ako naman ang binalingan niya.

�Sam, can you get the scripts sa director? Nasa kabilang lodge house siya.�

�Yun lang?� walang kaemo-emosyong tanong ko.

�Yes. Salamat.�

Tatalikod na sana ko ng magsalita si babaeng sinapian.

�Oh, and get me some pineapple juice. Pakibilis ha.� utos niya.

Nakatalikod parin ako nung nagsalita siya nun. Nag smirk nalang ako. Pumunta na ko
sa kabilang lodge house at kinuha nga ang script sa director. Tapos bumalik na ko.
Hindi ako kumuha ng pineapple juice! Ano siya sineswerte? Huh!

Pagkaballik ko sa kwarto ni Brye, naglalampungan parin sila. Binigay ko naman ang


scripts na hinihingi niya. Tapos si babaeng sinapian nagsalita.

�Where's my juice?� maarte at mataray na tanong niya sakin.

I just smiled at her.

�Anong ngini-ngiti ngiti mo jan? Get your butt working and get my juice�

Pero di ako natinag, nakatingin lang ako sakanya. Tapos yung itsura ko nakakainis.
Iniinis ko siya eh, and nakikita kong nagtatagumpay ako. Hahah!

�Lian, ako nalang ang kukuha ng juice mo.� salo naman ni Brye, para siguro hindi na
humaba pa ang usapan.

Pero hindi natinag si babaeng sinapian.

�No! I want her to get me my juice� then she faced me. �You, ano pa ang tinatanga
mo jan? Go get my juice!� taboy niya sakin.

Hindi na ako nakapagpigil. Hindi ako papatalo sakanya. So I also faced her.

�I'm sorry but as far as I know, I'm BRYE's personal assistant not yours. So if you
want your pineapple juice, you can get it by yourself. You are big enough to fetch
yourself a glass of juice. Am I right?�
Inemphasize ko talaga ang Brye para malaman niya na hindi siya ang pinagsisilbihan
ko!

Bakas sa mukha niya ang galit at inis. Haha! Ano ka ngayon? Edi nosebleed ka! Shet.

�How dare you!� sigaw niya sakin, akmang sasampalin na niya ko pero pinigilan ko
siya.

�Don't dare!� sigaw ko din sakanya.

�Tama na iyan!� napatigil kaming dalawa kasi sumigaw si Brye.

�You're fighting over a damn pineapple juice?� hindi naman na kami sumagot.
Nakakatakot talaga si Brye lalo na pag nawala na ng pasensiya nito.
At nagulat ako sa sunod na ginawa niya.

�Sam, umalis ka na, wag mo nang galitin si Lian, magpapractice pa kami. Pwede ka
nang lumabas, iutos mo nalang kay Manang Baby na dalhan si Lian ng juice.�

Napanganga ako. Pinaboran niya ang babaeng sinapian ng GRO na iyon! End of the
world na ba? Nakakainis na!

Nakita ko naman na ngumisi ang babaeng dikya kung makalapit kay Brye eh parang wala
ng bukas.

Padabog akong lumabas sa kwarto niya. Hindi ko sinunod ang bilin niya na sabihin
kay Manang Baby na dalhan ng juice. Manuyot sana lalamunan niya!

Lumabas ako sa area ng mga lodging house. Naggala ako sa mga forest trail nila
dito. Maya maya hindi ko na namalayan na gabi na pala, madilim pa ang daan pabalik
sa lodging house. Nakaramdam na ako ng takot. Takot kasi ako pag madilim tapos
tahimik pa. Feeling ko may nakatingin sakin o kaya nakasunod.

And sineswerte nga naman ako dahil nagsimula nang pumatak ang ulan.

�Great! Lucky me� sabi ko sa sarili ko.

Kinapa ko naman ang bulsa ko, kukunin ko sana phone ko pero naalala ko iniwan ko
pala ito sa kwarto ko.

AHHH! Ang swerte ko talaga!

So, I started to find my way back to the house. Nasa trail parin naman ako kaya
lang problema talaga is madilim. Hindi makita ang dinadaanan ko.

Haayy. Wala bang sasagip sakin? Asa pa ko kay Brye, baka nakikipaglandian parin yun
kay Dikya o kaya pinapaliguan niya ito ng pineapple juice.

�SAAAAMM!!�
YNO#11
BRYE'S POV

I'm here sa kwarto ko kasama si Lian. Actually, we hanged out dati. Pero I think 2
times lang pagkatapos noon wala na kaming balita sa isa't isa. Kaya nagulat ako
nung nalaman ko na siya makakapareha ko dito. We catched up sa mga nangyari samin,
and syempre napapansin ko ang madalas na paghawak niya sa braso ko at ang pagyakap
niya sakin.

Malinaw sakin ang ginagawa niya, she's flirting with me. Ako naman hindi ko nalang
pinansin.

Pinakuha ko kay Sam ang mga scripts kasi balak na namin ni Lian magkabisa ng mga
lines and yung mga gagawin namin. But I never imagined na magbabangayan silang
dalawa. Yes, alam ko na mataray si Lian but what surprised me is when Sam got
pissed and fought back. Tinarayan niya rin si Lian.

That time I want to laugh kasi ngayon ko lang siya nakitang ganon but I restrain
myself. Kaya nakialam na ko kasi baka kung san pa mapunta ang away nila. Pinalabas
ko nalang si Sam and asked her to tell Manang Baby about the juice. Hinihintay
namin ang juice na binilin ko kay Sam pero wala parin ito. And napag alaman ko na
wala palang sinabi si Sam kay Manang. Secretly, napailing nalang ako. I never
thought na Sam could be this naughty.

Natapos na ang practice namin ni Lian. Hey! Walang nangyari as in practice lang
talaga. No physical contacts.

Pumunta na ko kay Dino, madilim na kasi sa labas and kakain na. Pero hinahanap ko
siya wala siya. Pati yung ibang staff wala rin. Nakita ko naman si Manang Baby na
nakatayo sa may pinto na parang may hinihintay. So lumapit ako.

�Manang, nakita niyo po ba sila Dino?� tanong ko.

�Wala po sila sir, lumabas po hinahanap si Sam.� sagot nito. Sila siguro ang
hinihintay ni manang dumating.

�Bakit po? Asan po ba si Sam?�

�Ayun nga po sir, nakita ko kasi siyang lumabas kaninang hapon parang inis pa nga
po eh. Pero nung mga bandang 6:30pm na po wala pa siya kaya po sinabi ko kay sir
Dino, ayun po nagpasama sa ibang staff para hanapin, may nakapagsabi po na nasa
forest trail daw po siya pumunta, pero delikado na po sa forest trail kapag gabi na
dahil po madilim masyado at wala pong ilaw doon. Tapos bumuhos pa po ang ulan,
madulas na tiyak doon. Nag-aalala na nga po ako sa batang iiyon eh.� mahabang
paliwanag ni Manang.

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Siguro kung ako ang sinabihan ni Manang na nawawala
din si Sam ganon din ang gagawin ko. Mapapasugod din ako. Tulad ni Dino, kilala
namin si Sam. Takot siya sa madilim at napakaclumsy. Kaya siguro ganoon din ang
pag-aalala ni Dino.

Don't get me wrong with what am I saying. Inaamin ko, I still care for Sam. Kahit
sino naman eh. But not as the way before, but just an old friend.

Lalabas na sana ako para tumulong sa paghahanap ng biglang lumabas si Lian na


nakasando and short shorts. Agad naman pumulupot ito sa braso ko.

�What's wrong?� tanong nito.

�Uhm, nothing, lalabas lang ako saglit.�

Bibitaw na sana ako sa yakap niya pero hindi ko na natuloy dahil dumating na ang
hahanapin ko sana. Soaking wet, water is dripping on the floor. She's shaking
because it's cold. Nakatingin siya sakin then bumaba ang tingin sa braso ko wherein
nakapulupot si Lian sakin.

�What happened to you?� tanong ni Lian.

�Naglaro sa ulan, masaya. Try mo! Labas na!� pagkatapos sumagot ni Sam she just
passed me. Na parang hindi ako nag eexist.

=====-------======

SAM'S POV

�SAAAAMM!!�

Brye? Siya ba yung tumatawag sakin? Is he here to rescue me? Hindi naman masama
kung mag-assume ako di ba? So I shouted back.

�HEREEE!�

Pero nadismaya ako when Dino came out of nowhere with other staffs. Nalungkot ako
bigla kasi hindi si Brye ang nandito. That made me think na wala na talaga siyang
pakialam sakin. Na kahit mamatay ako dito he doesn't care anymore.

�Sam, oh my ghash! Kanina ka pa namin hinahanap. You're soaking wet. Let's go back
baka magkasakit ka pa.�

Pinulupot naman ng isang staff ang tuwalya sakin para hindi ako lamigin. Then we
headed back sa lodge house. Pero sana hindi muna kami bumalik kasi ang panget ng
nakikita ko ngayon. Si Brye and Lian. She's standing beside Brye and naapulupot pa
ito sa braso ng lalaki. At ang suot niya! Napakaikli. Yung tippong kapag yumuko eh
kita ang ano. Basta! Tapos nakasando na halos lumuwa na ang dibdib. I can't stop
what's running on my mind right now. And it hurts like hell. Pinilit kong wag
magpaapekto sa nakita ko.
�What happened to you?� tanong ni dikya sakin. I can see na natatawa siya sa itsura
ko ngayon. Pakyu b*tch!

�Naglaro sa ulan, masaya. Try mo! Labas na!� akala mo papatalo ako sayo ha! Hindi
ko na siya hinintay na magsalita.

I immediately went to my room. Tinanong pa ako ni Dino kung okay lang ba ako sabi
ko nalang na okay ako para hindi humaba ang usapan. I said my thank you�s sa ibang
staff na kasama ni Dino then nilock ko na ang pinto.

Napasandal ako sa pinto and sat there. From there, nag-uunahan na sa pagpatak ang
mga luha ko.

I cried silently para walang makarinig. Pagkatapos humiga nalang ako sa couch. I'm
so exhausted. Para akong nagbuhat ng 10 sako ng bigas. Basta ang bigat ng
pakiramdam ko. Nakatulog ako nang hindi na nakakain at nakapagbanlaw.
YNO#12

DINO'S POV

Okay first of all. Let's clap because first time ko magkaPOV.

Kilala niyo naman na ako di ba? Ako lang naman ang pinakamaganda at pinakamayamang
juding sa balat ng tinakluban.

So I was saying, Hay! Kalokanes ang peg ng ex lovebirds.

Kung bakit naman kasi nakipaglandian sa harap ni Sam si Brye ayan tuloy naglayas
ang bruha. At sa dami dami ng pwedeng puntahan sa forest trail pa! Walangjo!
Delikado at katakot kaya doon.

I know Sam. She is super afraid of the dark kaya nga pag natutulog yan hindi
pwedeng walang ilaw na masilayan. She has a phobia sa mga madidilim na lugar kaya
nang malaman ko na nawawala siya at gabi na. Aba! Wonderwoman na agad ang drama ko!
Ayoko ng Darna! Local eh pang international ang beauty ko.

Tapos etong si Brye! Di manlang nag-abala na tumulong ayan tuloy nang makita sila
ni Sam na nakatayo lang doon at nakakawit pa ang braso ni Lian sakanya alam ko na
na-hurt nanaman siya.

I'm a big fan of their loveteam ever since kaya nanghihinayang talaga ako sakanila.
Gusto ko sundan si Sam sa kwarto niya, you know?! To comfort her pero I chose not
to. Alam ko she needs space.

�Kamusta siya Dins?� tanong ni Brye na kapapasok lang sa kwarto ko.

Hindi ako sumagot instead I just shrugged my shoulders.

�Anong ewan? Hindi mo alam? Eh ikaw ang kasama niya at nagligtas!�

Aba! Aba! Aba! Medyo napataas ang boses niya ha! How dare him!
�Hoy, Mr. Flirt with a girl named Lian, wag mo ko pagtaasan ng boses. Eh sa hindi
ko naman talaga alam eh. Ayaw niya buksan yung pinto, ni ayaw nga niya kumain eh. I
knocked at her room several times noh! At hello! Wag mo nga ko pagalitan, ako
niligtas ko siya, eh you! You just stood there flirting with a girl na hindi mo
alam kung nagpasex change or what! Imbyerna ka!�

Kainis. Ang haba tuloy ng nasabi ko. Kapagod!

�I'm not flirting with her. Hindi ko lang alam kung paano ko siya tatanggihan ng
hindi nakaka-offend.� depensa niya sa kanyang sarili.

�Like hello! You could just say NO. Is that even a big deal! Geez.�

Napahawak nalang ako sa sentido ko. Hindi pa ko nagkakaroon ng ganitong sakit sa


ulo.

�Okay, you win. Pero wag muna natin pag-usapan si Lian. I wanna know about Sam,
what do you mean hindi pa siya kumakain?�

Wait. Hold up! Did you hear what I hear? Nag-aalala siya kay Sam? Oh My God. This
is cool.

*ting *

A bright idea just came out of my mind.

�Yes, ayaw niya kumain. Ilang katok na nga ako sa kwarto niya pero ayaw talaga niya
buksan. She just shouted at me. Tapos ewan basta may kakaiba eh. Mamaya maingay sa
loob ng kwarto niya tapos mamaya wala. As in silent na.�

Hahahahaha! Pigil na pigil na ako sa tawa. Kasi kumunot at lumukot ang mukha niya!
Makikita mo na sobrang nag-aalala siya. Hindi naman totoo ang sinabi ko eh. Ang
totoo lang doon is ayaw niya kumain talaga. I knocked yes. Pero hindi madami. Yun
lang and the rest was a lie. HAHA.

At alam niyo ang mas nakakatawa???

Ayun siya! Bigla nalang tumakbo palabas ng kwarto! Parang si Flash! Haha!

I called him pero wa epek. Sumilip ako sa labas ng kwarto ko, looks like tumugma
ang plano ko. He is heading to Sam's room.

I'm so brilliant and beautiful. >:))))

======-----------------=======
BRYE'S POV

Lintek! Bigla akong napatakbo sa sinabi ni Dino. Kinabahan ako. Baka ano na
nangyayari kay Sam sa loob ng kwarto.

Nang marating ko ang kwarto niya. I immediately knocked.

�Sam! Open this door.�

Nakakailang katok na ko wala paring sumasagot. Sinubukan kong pakinggan ang loob ng
kwarto. Tahimik. Parang nga walang tao sa loob eh.

Malakas na ang katok ko, full force na pero wala parin. Wala paring sumasagot.
Naiinis na ko kaya tinatadyakan ko narin ang pinto.

�SAM! OPEN THIS F*CKING DOOR! ISA!�

�DALAWA!�

Wala parin sumasagot.

Umalis na ako ng lodge house niya. Hinanap ko ang katiwala ng mga lodge houses
dito.

�Pwede ba mahiram saglit yung mga susi ng lodge house 2?�

Agad naman niya binigay sakin at patakbo akong bumalik.

Hinanap ko ang susi ng kwarto ni Sam. At nang mahanap ko agad ko itong binuksan.

�Sam?!!� sigaw ko.

Malaki kasi ang mga kwarto sa lodge house 2. Wala siya sa kusina, pati sa kwarto
niya. Chi-neck ko din ang banyo at verandah pero wala. Papunta ako sa sala at doon
nakita ko siya na nakahiga sa may sofa.

Agad ko siyang pinuntahan. Niyugyog ko siya para magising. Pero naramdaman ko na


mainit siya. Sinalat ko ang noo at leeg niya at tama ako ang taas ng lagnat niya.
Napansin ko din na hindi siya nagbanlaw. Medyo basa pa siya ng ulan, nanginginig
siya sa lamig.
�Sam, can you get up? Sam.�

Minulat niya ng konti ang mata niya.

�Brye..� mahinang sabi niya. Pagkatapos pumikit ulit siya.

�Ssh.. I'll take you to your room.�

Agad ko siyang binuhat at dinala sa kwarto niya. Dahan dahan ko siyang inihiga sa
kama niya. Iniwan ko siya saglit para kumuha ng tap water at towel. Tapos pumunta
ako sa cabinet niya para kumuha ng damit pampalit niya.

At dun ako natigil. Paano ko nga pala siya papalitan? Tinignan ko naman si Sam na
nakahiga na nanginginig na sa lamig.

�Bahala na.� sabi ko.

Syempre, may respeto ako sa babae. Lalo na kay Sam. I mean, she's my old friend.
Okay, I'll admit. We had sex before nung kami pa kaya nakita ko na ang kabuuan
niya. Pero syempre that was before. Iba ang noon sa ngayon!

Pero gagawin ko ito para sakanya. Baka mamatay pa siya sa lamig.

Lumunok muna ako bago ako pumunta sa tabi niya.

Dahan dahan kong tinanggal ang blouse niya. Napatitig ako sakanya. She's still the
sam Sam. Pero her breasts are more fuller now. Teka, ano ba ito! Bibilisan ko na
nga ang pagbibihis sakanya.

Sinuot ko ang tshirt na nakita ko sa cabinet niya. Pagkasuot ko, I clasped her bra.
Pero nakasuot na siya ng shirt. Pinasok ko lang ang kamay ko sa likod niya para
hindi ko makita ang alam niyo na. Strapless naman ang bra niya kaya madaling
mahubad.

Next, kinumutan ko siys then tinanggal ko ang pants niya and undies. I replaced it
with new ones. Wala akong nakita dahil nakakumot siya. Wala rin akong nahawakan
dahil maingat at dahan dahan ko itong ginawa.

Next is, pinunasan ko siya, sa mukha sa braso at hita. Para mawala ang lagnat niya.

Lumabas ako muna saglit para pumunta kay Manang Baby. Siya kasi ang katiwala ng
lodge house namin.
Nakita ko naman siya na naghughugas ng mga pinagkainan namin. Nakita naman niya ko.

�Manang, may soup po ba tayo diyan?� tanong ko.

�Oo, ayan oh, may natira pa diyan sa lamesa. Mainit init pa iyan para kay Sam sana
kaya lang hindi kumain ang batang iyon. Sige na dalhin mo na.�

Kinuha ko naman ito, at kumuha rin ako ng tubig, nilagay ko ito sa maliit na tray.
Dumaan muna ako sa kwarto ko para kumuha ng gamot. I have stocks of medicines just
in case. Sa trabaho ko kasi dapat hindi ako nagkakasakit kaya hanggat maaga
inaagapan ko na agad.

Bumalik na ako sa kwarto ni Sam, at ginising siya. Gumising naman siya, pero
nakapikit.

�You have to eat, tapos inom ka ng gamot para gumaling ka.� sabi ko sakanya.

Tumango lang siya. Somehow I smiled kasi nakakatawa siya. First time ko inalagaan
siya pag may sakit. Dati kasi ayaw niya na puntahan ko siya pag may sakit siya
dahil baka daw mahawa ako. Ganito pala siya pag may sakit, parang half awake at
half asleep.

Pagkatapos kumain pinainom ko siya ng gamot. At pinahiga ko na. Hindi ako umalis sa
tabi niya hangga't hindi bumaba ang lagnat niya. Tuloy lang ako sa pagpunas
sakanya. Nang tuluyang bumaba ang lagnat niya. Niligpit ko na ang tap water at
towel. Pati ang pinagkainan niya.

Hinaplos ko ang buhok niya. Then I kissed her forehead. I don't know what's got in
to me pero nagulat nalang din ako sa ginawa ko.

Sakto pagkahalik ko sakanya nagising siya.

�Brye?�

�Hmm. Pagaling ka na. I'll let you rest.�

Aalis na sana ako pero she pulled me and kissed me fully on the lips.

I was shocked pero nakabawi agad


Di ko namalayan na tinutugon ko na ang halik niya.
YNO#13

SAM'S POV

Kagigising ko lang ngayon at ang sama ng pakiramdam pero hindi na gaano. Pumunta
muna ako ng banyo para makapaghilamos at nang makakain na.

Pero laking gulat ko na iba na ang damit na suot ko. Natatandaan ko na pumasok ako
ng kwarto ko na umiiyak at nakatulog sa sofa na basang basa. Pero paano ako
nakapagpalit ng damit? Hindi kaya wala sa sarili na nagpalit ako na damit? Pero
imposible eh.

Pero ang mas pinagtataka ko eh paano ako napunta sa kama?!! eh di ba nga nasa sofa
ako nakatulog?. O di ba? Alam niyo ba kung paano ako napunta dun? Haaayyy. Ang
sakit sa brain kakaisip lalo na wala ka naman talaga maalala.

Pero may isa pang bumabagabag sa akin.. yun yung.. Pero imposible eh. Hindi,
naghahallucinate lang sigguro ako.

Pumunta ako sa may kitchen counter sa may kwarto ko at naghanap ng makakain pero
nagtaka ako kasi meron ng pagkain sa lamesa ko. Nilapitan ko ito at napag-alaman na
lugaw ito at medyo mainit pa kasi umuusok pa. May gamot din sa tabi nito at isang
papel na nakapatong rito.

Kinuha ko ang papel at binasa.

Sam, kumain ka muna at tsaka uminom ka ng gamot mo. Wag ka narin muna magtrabaho
ngayon and just take a rest.

Huh? Kanino galing ito?

Soooo.... ibig sabihin may kasama nga ako kagabi dito. Ibig sabihin meron ngang
nagdala sakin sa kama at nagbihis sakin???? Waaaahhhh!!!! Paano kung sino lang
lalaki ang nagdala sakin dito. Imbis na mag-isip eh kinain ko nalang ang lugaw.

At infairness, masarap naman. Pagkatapos uminom na ako ng gamot at naligo na ako.


Hindi ako pwedeng umabsent lalo na kailangan ako ni Brye ngayon at first day ng
shooting nila. Kaya kahit medyo hilo pa ako at masakit ang ulo, hindi ko nalang ito
pinansin at tuloy lang sa paliligo.

====-----=====

Pagkatapos maligo, lumabas na ako at pumunta na sa location ng shoot sa may


waterfalls. Malapit lang din ito sa forest trail, kaya madaling hanapin. Maganda
ang location dahil napakalinaw ng tubig at madaming mga malalaking bato na pwedeng
upuan. May mga floating cottages din.

Pagkadating ko doon, nagsisimula na sila mag-shoot. Late na pala ako. Nako, lumapit
na ako sa kinaroroonan nila Dino.

�Hey Dins, sorry late ako ha. Salamat pala kahapon.� bulong ko sakanya. Bawal kasi
mag-ingay kapag nagshu-shooting na dahil maririnig sa background ito.

�Waleys yun. Okay lang, tsaka sana nagpahinga ka nalang.� sagot naman niya.

�Uhm, Dins. Ikaw ba ang kasama ko kagabi sa kwarto?�

�Huh? What do you mean sister? As far as I remember hindi na kita nasight nang
magkulong ka sa kwarto mo.�

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Kung hindi si Dino tama kaya ang hinala ko? Siya
ba talaga ang nakita ko nung nagising ako.

Tinignan ko ang lalaking nagpapalakas ng tibok ng puso ko lagi. Brye is so amazing


with his acting. Kasalukuyang scene is naglalaro sa tubig sina Brye and Lian. They
look happy. Nagtatawanan pa sila. Those smile I missed it so much. But those
laughter, will I ever get to here it again? I wish so.

Kung tama nga ang hinala ko na si Brye nga ang nag-alaga sakin kagabi, ibig sabihin
totoo na nahalikan ko siya? If that really happened. I will be so much happy.

�CUT!� sigaw ng director.

Awtomatikong kinuha ko ang malaking towel at sinalubong naman si Brye. Pinulupot ko


sakanya ito. Alam ko din na masama na ang tingin sakin ni Lian na kasalukuyan ding
pinupunasan ng PA niya.

�Oh..� binigay ko sakanya ang isang maliit na towel. �tuyuin mo ang buhok mo, baka
magkasakit ka. Gusto mo kape?� tanong ko kay Brye.
Pinupunasan ko ang braso,leeg at mukha niya. Napansin kong ang tagal niya sumagot
sa tanong ko kaya tiningala ko siya. Pero parang titigil ang hininga ko kasi titig
na titig siya sakin habang nakapatong sa ulo niya ang maliit na towel.

�B-Bakit? May problema ba?� nauutal pa ko. Hmmmmppp!

Pero hindi nanaman siya sumagot instead hinawakan niya ang wrist ko at hinila
papunta sa tent na naka-assign sakanya. Iniupo niya ko sa upuan katabi niya.
Nagtataka man pero hindi ko itatanggi na natutuwa ako ngayon. As if, he is showing
me that he cares for me still. And there goes my heartbeat again. Parang hindi
normal. I feel like in any time it will come out of my chest sa sobrang lakas ng
tibok.

Hindi parin kami nag-iimikan. Nagtutuyo parin siya ng buhok. Napansin ko na basa
pala ang damit niya kaya naisipan kong tumayo at kumuha ng bagong damit. Pero
tatayo palang sana ako ng nagsalita siya.

�Just sit.� utos niya.

�Pero basang basa ka. Kailangan mong magpalit ng damit.� katwiran ko naman.

Tinawag niya si Dino na nakatayo di kalayuan samin at nagmamasid lang. Nakangisi


itong lumapit kay Brye.

�Yes my dear?� tanong nito.

�Dins, pwede mo ba akong ikuha ng shirt?�

�Aba, kelan pa taga kuha ng shirt ang maganda mong manager. Pero sige, susundin
kita cause I like what I see.� pagkatapos sabihin ni Dino, tatawa-tawang umalis
ito.

Ayan nanaman. Katahimikan. It kills me. Haaayyyy. Buti nalang, maya maya nandyan na
si Dino dala dala ang damit.

�Oh.. ayan na. Aalis na muna ako at kakausapin ako ni Direk. Sumunod nalang kayo sa
next location.� pagkasabi nun eh umalis na si Dino.

Nagpalit na si Brye ng damit at sa harap ko pa!!!!!!!!!!

MY GOLLLYYY WOW WOW!

ABS ALERT!
ABS ALERT!

ABS ALERT!

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang * gulp* abs niya! Hindi ko inexpect ito.
Naalala ko nung dati medyo chubby pa siya kaya nga babs ang tawag ko sakanya noon.
Ganoon na ba kami katagal na nagkawalay? Ni hindi ko alam na may tumutubong
pandesal na pala sa tiyan ng Brye na ito. Parang lalo ata ako naging mainit ah.
Lalo ata tumaas ang temperatura ko. Magkakasakit ata lalo ako. Gosh!

Natauhan ako ng magsalita siya.

�Let's go.�

Sumunod nalang ako ng tahimik sakanya. Saan kaya ang sunod na location ng shoot?
Tumigil kami sa lodge house namin. Nagtaka naman ako.

�Dito kayo magshu-shoot?� tanong ko sakanya.

�No, maiwan ka rito.� sabi niya.

�Why? Bakit ayaw mo ko isama sa shoot? May nagawa ba ko na hindi mo nagustuhan?�

�Hindi ba may sakit ka? Magpahinga ka muna,. Baka imbis na makatulong eh makaabala
ka pa doon. Go to work if you are really cured.�

Teka, pano niya nalaman na may sakit ako kagabi? So tama nga. Siya nga ang nag-
alaga sakin kagabi?

Somehow I am happy, okay lang sakin na siya ang nagpalit ng damit ko kasi alam ko
hindi siya gagawa ng masama. The thought of mine na inaalagaan gave me hope na
pwede pa kaming maging okay.

�Bakit mo alam na may sakit ako kagabi? Ikaw ba ang nagiwan ng pagkain at gamot sa
lamesa kanina?�

Halatang nagulat siya pero nakabawi din siya agad. Kumunot naman ang noo niya.

�What are you saying? May nakapagsabi lang sakin na may sakit ka nga kanina. Si
Manang Baby. Naabutan ko kasing naglulluto siya kanina ng lugaw. Kaya wag ka na
mag-ilusyon Samantha.�

Kung kanina mabilis akong napasaya sa akalang siya ang kasama ko kagabi ngayon
ganoon din kabilis na naglaho ang sayang iyon.
�Sige, aalis na ko.�

Agad naman akong naalarma. Hindi ako papayag na hindi ako kasama, lalong lalo na na
nandoon si Lian. Kay Brye my tiwala ako eh pero for that dikya girl. WALA!

�Sasama ako!� hinabol ko siya at umagapay sa paglalakad niya.

=====--------=====

Nandito kami sa may garden. Sobrang romantic ng place kasi ang gaganda ng mga
bulaklak. Walang nagawa si Brye kundi ayunan nalang na sumama ako. Wel, magaling
ako eh. Pero sa totoo lang, masama na talaga ang pakiramdam ko. Nahihilo na ako.
Napahawak ako sa sentido ko at hinilot ito. Napansin naman ako ni Dino kaya agad
akong nilapitan.

�Huy, sister. Okay ka lang ba? You know magpahinga ka na kaya, namumutla ka na oh.�

�Okay lang ako nuh. Don't mind me. Shhh na. Magsta-start na ang shooting.�

�Bumalik ka na kaya. Hindi mo magugustuhan ang eksena ngayon eh.�

�Bakit naman?�

�Kasi puro ki---�

�Action!� naputol ang sasabihin sakin ni Dino sa lakas ng sigaw nito. Agad naman
ako napatingin sa mga umaarte.

O.O
Nanlaki ang mata ko, dahil naghahalikan ngayon si Brye at Lian. It was a passionate
kiss. Ilang segundo nagbabakbakan ang mga labi nila. Bawat segundong lumilipas na
nakikita ko na magkadikit ang labi nila, parang nawawalan ako ng buhay.

�aaannddd CUT!� sigaw ng director. Pero hindi parin naghihiwalay ang mga labi nila.
Siguro nagextend sila ng 5 seconds at nagtitigan nalang. Hindi ko namalayan na
umiiyak na pala ako.

�Dins, magpapahinga na muna ako. Masama na talaga ang pakiramdam ko.�

�Sam..� sabi ni Dino. Kita ko sakanya na nag-aalala siya.

Sa totoo lang, lalo pang sumakit ang ulo ko at lalo akong nahilo. Naglalakad palang
ako ng nakaramdam ako ng sobrang pagkahilo na nagpagewang gewang ako. Nabunggo ko
ang isang staff at tumilapon ang mga hawak nitong towels.

�SAAAAAAAAMMMM!�

Narinig ko pa ang mga sigaw nila. The next thing is everything went black.
YNO#14

SAM's POV
Kagigising ko lang at same as always natagpuan ko ang sarili ko sa kama ko. Mga
kaibigan kasalukuyan po akong sinesermunan ni Dino kaya heto ako ngayon nakaupo na
parang bata sa kama at nakayuko.

�Ikaw naman kasi! Ang hard ng headlaks mo! Gusto mo iumpog ko pa para lalong
summakit! Alam mo naman na masama na ang nararamdaman mo eh gogogodilaks ka parin!
Kulit!�

Nagi-guilty naman ako kasi ako naman talaga ang may kasalanan. Ako ang nagpumilit
na magtrabaho imbes na magpahinga pa. Ayan tuloy, mas lalong lumala ang sakit ko.
Sabi ng doctor na tumingen sakin eh total bed rest for 2 days daw ako tsaka
madaming bawal na pagkain dahil mababa ang BP ko. So wala akong choice para
sumunod.

�Dins, sorry na. Gusto ko lang naman kasi makita kung paano magtrabaho si Brye,
tsaka hindi ko siya pwede iwan. PA niya ko kaya kailangan nandoon ako para alalayan
siya.� katwiran ko naman kay Dino.

�Ayan! Ayan ang problema sayo! Brye ka ng Brye! Sana naman paminsan minsan sabihin
mo diyan sa utak mo na SAM naman ang isipin. Kita mo, sa kaka-Brye mo ayan gumawa
ka na mala FAMAS award na pagkahimatay.�

Naghi-hysterical na ito si Dino. Sanay na ko sa kanya dahil matagal na kaming


magkaibigan, ganyan talaga siya kapag nag-aalala akala mo galit pero ang totoo
concerned lang talaga siya sayo.

�So- sorry Dins, hindi na mauulit.� naiiyak na ko. Kasi ayoko sa lahat eh yung alam
ko na may nadidissapoint o may tao akong pinag-aalala.

Lumapit naman sakin si Dino at pinat ako sa ulo. Tiningala ko naman siya at ngumiti
naman ito. Nakahinga ako ng maluwag dahil alam ko na napapawi na ang
pagkahysterical niya. Tumabi naman siya sakin.

�Okay, but next time Sam, unahin mo ang sarili mo bago ang iba. Matuto kang umayaw
kapag hindi mo na kaya. Kasi ayang pasugod sugod na habit mo rin ang magpapahamak
sayo. Kung alam mo lang kung gaano kami nag-alala sayo nung mga oras na iyon. Sila
direk,ako,yung mga staff natin pati na si Brye.� pagkatapos niya sabihin ang
pangalan ni Brye ngumiti siya. Tinignan ko siya ng �what-are-you-talking-about�
look ko tila naman naintindihan niya kaya nagsalita ullit siya.

�Grabe kaya reaction ng gagung iyon. Di ba nga nahimatay ka kaming lahat nakalapit
na sayo pati nga si Lian iniwan si Brye para lapitan ka at makiusyoso pero si
Brye?..� binitin niya ng sasabihin at tumawa muna ng konti at tsaka itinuloy ang
pagkekwento. � ayun, hindi natinag sa kinatatayuan, kami ay gulong-gulo kung ano
ang gagawin namin siya sayo tapos siya andun nakatayo lang at nakatitig sayo.�

Binitin nanaman ako ni Dino. Tinignan niya kasi ako kasi ang mukha ko ay parang sa
taong nagluluksa. Base sa kwento kasi ni Dino parang walang pake sakin si Brye eh.
Hindi man lang nag-alala ang walanghiya. Pero nagpatuloy bigla si Dino.

�Pero alam mo ba ang susunod na ginawa niya? Astig, kasi siguro mga 5.99 seconds
bago siya matauhan sa nangyayari. Ayun, bigla nalang siyang sumigaw ng �TABI KAYO�
tapos mabilis na tumakbo sayo. Tinulak pa nga niya yung mga nakaharang pa eh.
Mabilis ka din niyang binuhat papunta dito sa kwarto mo tapos agad na nagpatawag ng
doctor.�

Si Brye? Ginawa niya lahat ng iyon? Hindi ako nakapagsalita. Sobrang saya ko kasi
akalain niyo yun? Si Brye? Gagawin ang mga bagay na iniiwasan niya na gawin sakin?

�T-totoo ba ang mga sinasabi mo Dins?� tanong ko. Hindi parin kasi ako makapaniwala
na ginawa iyon ni Gabryell Seth Lee, ang tanging lalaking minahal ko at pilit na
binabalikan kahit na madaming beses na akong inayawan at ipinagtabuyan.

Tumango naman si Dino. �Kitang kita ko sa mga mata niya ang sobrang pag-
aalala,Sam.Nang dumating nga ang doctor eh ang daming tinatanong kesyo ano daw ba
sakit mo, ano dapat kainin ano dapat ganito ganyan. Daig pa ang mga peyrentistas
mo. Pero girl eto lang ang mase-say ko sayo..� napakaseryoso ng itsura ni Dino
mukhang importante ang sasabihin.

�Ano?�

�Sam, ngayon lang ako nakakita ng eleganteng pagkahimatay ha! Award ka dun. Ganito
nga yung scene eh.� tumayo naman ito at in-acting ang mga pangyayari. Natawa naman
ako sa ginagawa ng loka-lokang ito. Natigil lang kami sa pagkukulitan nang may
kumatok. It was Brye. He's standing beside the door holding a tray on both hands.
Pumasok naman ito at inilapag ang tray sa bedside table ko.

�Hindi ba dapat nagpapahinga ka Samantha?� seryosong tanong nito. Nakacross-arms pa


ito just imagine how cool and hot he is when he do that.

�Nagkakatuwaan lang naman kami ni Dino eh� I shyly answered.

Hindi niya ako sinagot bagkus si Dino ang hinarap. �Hinahanap ka na ni Direk Dino,
pumunta ka na doon. Mamaya mag-uusap tayo.�

Grabe, sa oras na ito I felt like Brye was the manager and Dino is the artist. Kasi
sa pagkakasabi ni Brye ay puno ito ng awtoridad. Tumayo naman si Dino at nagpaalam
na sakin at lumabas na may pakanta-kanta effect pa na parang nag-iinis talaga.

Ngayong kaming dalawa nalang ni Brye, expect the expected.

KATAHIMIKAN.

*kuliglig sound effects *

Walang nagsasalita talaga. Busy ako sa paglalaro ng kumot ko habang siya, ewan ko.
Nakayuko kasi ako, nahihiya ako sakanya, malay ko kung bakit. Pero feeling ko
nakatingin siya sakin ngayon. Ganda ko shett!
Pero nasira ang ilusyon ko nang nagsimula na ito magbunganga sakin. OO!

You heard it right, who would have thought that the famous superstar na si Brye Lee
na may pinakamalaking fanbase all over the world ay magbubunganga sa taong
nahimatay?!!! Nakakatawa di ba? Kung kayo natatawa... pwes! AKO HINDI! Tae,
nanginginig na ko sa takot. Hindi naman ganito si Brye nung kami pa, well hindi ko
alam pala na may side siya na ganito. Bihira lang naman kami mag-away dati ni Brye
eh. Kung meron man ako ang unang nagso-sorry. Ma-pride po kasi siya.

�Sinabi ko naman kasi sayo na huwag ka nang sumunod sa next shoot mo pero anong
ginawa mo? Sumunod ka parin! Ang tigas ng ulo mo. Oh, tignan mo nangyari sayo
nahimatay ka pa. Ang daming nag-alala at nataranta dahil sa ginawa mo. Na-delay pa
ang shoot namin ng dahil sayo. Madami kang naperwisyo dahil diyan sa pagiging
makasarili mo. Huwag mo na kasi ipilit ang hindi na pwede! Naiintindihan mo ba iyon
Sam??? Hindi lahat ng gusto mo pwede mong gawin o makuha. Sana itatak mo iyan sa
kukote mo.�

Nakayuko parin ako. Naikuyom ko ang mga kamay ko, sobra na siya. Alam ko na mali
ako pero kailangan bang ipamukha sakin ito? It's unfair. Tears kept falling from my
eyes. I can't take it anymore.

�SO SINISISI MO AKO GANOON? OO NA! INAAMIN KO NA MALI ANG GINAWA KO. AKO NA ANG MAY
KASALANAN NG LAHAT. AKO NA ANG DAHILAN KUNG BAKIT NADELAY ANG SHOOT MO, SAKIN MO
NARIN ISISI LAHAT NG BAGAY NA MAY KINALAMAN SA DELAY. AKO NA ANG MAY KASALANAN. O
AYAN! MASAYA KA NA? INAMIN KO NA. ALAM KO NAMAN EH, HINDI MO NAMAN KAILANGANG
IPAMUKHA PA SAKIN ANG KATANGAHAN KO.�

Tumigil muna ako sa pagsasalita. Hiningal ako eh. Nakakapagod pala ang sumigaw ng
dire-diretso.

I am looking straight into those dark brown eyes of his. Blanko ang expression niya
pero I don't give a sh*t for now. Sorry for my term but I am so damn pissed.

�Pero Brye, ginawa ko lang naman iyon para sayo eh. Nag-alala kasi ako na baka
walang umasikaso sayo kung hihilata lang ang PA mo di ba? Nakakatawa, kasi parehong
pareho kayo ng sermon sakin ni Dino pero iyong sakanya puno ng pag-aalala pero sayo
wala akong makita kahit katiting. All I see is blame. Puro panunumbat ang
nararamdaman ko sa mga sinabi mo. Hahaha! Sa bagay, bakit ka pala mag-aalala para
sakin eh di hamak na ex girlfriend mo lang naman ako na nang-iwan sayo ng walang
dahilan at ngayon PA mo na. I'm sorry if I troubled everyone hayaan mo hihingi ako
sakanilang lahat ng apology. So I'll start with you. Sorry Brye. Truly I am. Sorry
kasi imbis na malaking tulong ang maibigay ko sayo puro kunsumisyon at problema pa
ang naibahagi ko. Sorry.�
Pagkasabi ko nun, I got up from my bed. Lalabas na sana ako ng kwarto when he
grabbed my arm. Ramdam ko na nakatingin siya sakin pero I refrain to look at him. I
don't want him to see how miserable I am. Nakayuko parin ako ng magsalita. �Bakit?�

�Uhm.. ano.. kumain ka na dinalhan kita ng sopas.� sabi niya.

�Thanks, but I'm not hungry.� tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak parin sa
braso ko. Nang makawala ako lumayo muna ako sakanya.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya mas pinili ko nalang na pumunta sa may
lakeside and there I showered myself tears that were also mine.
YNO#15

SAM'S POV

=====-------=====

Kumakain kami ngayon ng sabay-sabay. Katabi ko si Dino at yung make up artist ni


Brye na si Mila. Nasa tapat ko naman si Brye at Lian at etong si Lian lagay ng
lagay ng pagkain sa plato ni Brye.

�Here Brye, try this. Masarap iyan, teka ipaghihimay kita.� sabi niya. At hinimay
na ang pritong tilapia.

Si Brye naman hindi pinapansin si Lian at nakatingin lang sakin. Kaya nga kanina pa
ko hindi makatingin sakanya eh. Nakakailang. Kaninang nagwalk out ako at pumunta sa
lakeside iniyak ko lang ang sama ng loob ko. Pagkatapos nun, umalis na ako at
bumalik sa lodge house. Napagisip ko kasi na naging immature ako. Kasalanan ko
naman kasi talaga in the first place eh. Napasobra ata ang pag dadrama ko kanina.
Hindi ko namna kasi talaga gustong sigawan at patulan si Brye kaya lang kasi nag
assume ako na nag-aalala siya sakin kaya siya ang bumuhat saakin ayun pala hindi.
Dahil lang naiistorbo ko ang shoot nila.

Pagkabalik ko kanina sa lodge house, kinamusta lang ako ni Dino. Narinig niya pala
ang pinag-uusapan namin ni Brye sa kwarto ko. Napakatsismosa talaga ng beki na ito.
Tapos hindi kami nagpapansinan ni Brye. Kelan pa ba di ba?

Ngayon, gusto ko nang kainin ako ng kinauupuan ko dahil feeling ko malulusaw na


ako, sa mga titig ni Brye. Kanina pa iyan, kahit na kakausapin siya ng iba sasagot
naman siya pero saakin nakatingin. Kaya hindi ko maiangat ang ulo ko eh. Ayokong
salubungin ang mga titig niya dahil nahihiya ako sa ginawa ko. >.<

Kahit naman na nakayuko ako, ramdam ko na nakatitig siya eh. Basta! Special powers
ko iyon. Hehe.

Haaaayyy. Sa wakas natapos din ang dinner. Nagpaiwan muna ako sa kusina kasama ni
Manang Baby. Tinulungan ko siyang maglinis at magligpit ng mga pinagkainan namin.

Habang tinutulungan ko siya, bigla nalang siya nagsalita.

�Sam, hija. May problema ba kayo ni Brye?� tanong niya.

Napatigil ako sa pagpunas ng lamesa at lumingon sakanya na naghuhugas ng mga


pinggan. Nakatalikod sa akin si Manang Baby, kaya lumapit ako sakanya at tumabi.

�Bakit niyo naman po iyon nasabi Manang?� nakanngiti kong sagot.

Itinigil na niya muna ang paghuhugas at tsaka humarap sa akin.


�Narinig ko kasi kayo kanina na nagtatalo. Kung hindi mo mamasamain anak, may
relasyon ba kayo ni Brye?�

Nagulat ako sa tinanong ni Manang Baby. Chismosa naman din pala si Manang, hindi
halata. Para kasing walang alam sa shwbiz showbiz itong si Manang eh. Yung tono
naman ng pagsasalita niya hindi naman yung nangiintriga, para bang wala lang. Yung
bang out of the blue nya lang nasabi.

�W-wala po manang, PA niya lang po ako.� kaila ko naman.

Ngumito si manang at umiling-uling. Hala! May alam ata itong si Manang. Grabe.

�Sam, siguro iniisip mo na tsismis lang ito, pero hindi nuh. Iyang kasi si Brye,
madalas dito iyan kaya kilalang-kilala ko na iyang batang iyan.�

Madalas dito si Brye? Eh di ba, sa Korea at US siya nakabase. Paanong madalas siya
dito?

Mukha naman nagets ni Manang kung bakit parang nalilito ako.

�Once a month siya pumupunta dito. Palagi siya may 1 week break sa isang buwan at
dito niya iyon pinapalipas. Sekreto lang ang paglipad niya dito kaya waalang
nakakaalam.�

�Ahhh.. ganoon po pala. Pero Manang, wala po talaga kaming relasyon ni Brye.�

Totoo naman kasi eh! Wala naman talaga kami relasyon. Tsssk!

�Kung wala, edi gusto ka ni Brye.� sabi ni manang na ngi-ngiti-ngiti pa.

Nanlaki naman ang mata ko doon. Gusto?! Kung SUKLAM o kaya KINAMUMUHIAN pwede pa.
Pero ang GUSTO????!!!! ASA PA KO!!

�Paano niyo naman po nasabi iyan Manang, ikaw ha! Tsismis ka.� pabiro kong sabi.

�Eh kasi, labis nalang ang pag-aalala niya sa iyo. Noong nawawala ka at umulan ng
malakas, siya ang nag-alaga sayo ng magdamag. Halos gibain na niya ang pintuan mo
sa labis na pag-aalala. Nagpaturo pa nga sa akin iyan magluto ng lugaw eh. Kaya
lang palpak siya, kaya ako nalang ang nagluto nun. Masarap ba?�

Kung ganon. Si Brye nga ang nagalaga sakin, at nagiwan ng note na magpahinga nalang
ako. Ibig bang sabihin nun, eh may pakelam parin siya saakin?

�Ah,, o-opo.� sabi ko nalang.

�Tapos, nung nahimatay ka naman, nagpaluto ulit siya sakin ng sopas. Kapag naman
tinatanong ko siya kung anong meron sainyo, isang tipid na ngiti lang ang sagot.
Nako, ang mga kabataan nga naman. Ibang iba sa mga panahon ko noon.� pagtatapos ni
Manang sa sinasabi niya. Tsaka niya binalikan ang paghuhugas.
Ako naman, nagsimulang balikan ang lamesa at pinunasan iyon. Nakatulala pa nga ako
habang pinupunasan ito eh.

Nang matapos na ako pumunta ako sa kwarto ko muna at umupo sa may rattan chair sa
verandah.
Sa dami ng gumugulo sa isip ko, hindi ko na alam kung ano ang totoo. Tama pa ba
kaya tong pinasok ko? Hindi ko na alam.
Gabryell Seth Lee, ano ba talaga ang totoo? Mahal mo pa ba ako? O napipilitan ka
lang pakisamahan ako?
MAGULO!!!
YNO#16

SAM'S POV

===---===

Mag iisang oras na ata ako nakatunganga dito sa verandah. Wala talaga akong maisip
na sagot sa mga katanungan na bumabagabag sa aking isipan. At bakit ba ang lalalim
ng mga salitang ginagamit ko?

Haaayy. Napakamot nalang ako sa ulo ko kasi sumasakit na eh. Kakaisip. Tumingin ako
sa wristwatch ko.

O.O Whoaaah. 11Pm na pala. Grabe, ganoon na ako katagal na nakatunganga?

*grrr *

Tunog iyon ng tiyan ko ah. Gutom na ko. Hindi naman kasi ako nakakain ng maayos
kanina kasi nga di ba kung makatitig si Brye sakin. Sarap halikan. Oo na, inaamin
ko. Kinilig naman ako kasi nga kahit na alagang-alaga siya ni Lian eh, hindi niya
ito pinapansin tapos sakin lang nakatingin. Sino ba ang hindi kikiligin doon di ba?

*grrrrrrrrrr *

Pero bago muna ako kiligin, kakalmahin ko muna ang tiyan ko. Tumayo na ko sa
kinauupuan ko at pupunta sa kusina. Paglabas ko ng kwarto ko, naglakad na ko pababa
ng hagdan pero biglang may humatak sakin at pinasok sa isang kwarto.

Hindi ako makapalag, kasi hawak niya ang dalawa kong braso ng isang kamay tapos ang
isang kamay naman niya ay nakatakip sa bibig ko. Narinig ko naman ang pagsipa niya
sa pinto at ito'y nasara na. Pagkasara niya ng pinto tsaka niya lang ako binitawan.
Naiinis ako, lalo na pag ganitong gutom ako!

�Hoy, sira ulo ka ba, sino ka bang walanghiyang kumag ka na----� sinasabi ko iyan
habang hinaharap siya. Napatigil nalang ako sa mga litanya ko ng malaman ko kung
sino ang kidnapper ko.

Oh, huhulaan niyo pa ba? Mukha namang alam niyo na eh.


YES. The kidnapper is Brye. Siya ang humatak sakin. Nasa kwarto niya kami.
Madadaanan ko kasi ang kwarto niya kapag bababa ng hagdan eh. Kaya ayun, wushung!
Nahila niya ako sa kwarto niya.

So ayun nga, napatigil ako sa pagdadakdak dahil tumambad sakin ang napakagwapong
mukha ng Brye KO! He's standing there in front of me, with a smirk on his face.

�Tapos ka na bang titigan ako?�

BOOM! Doon na ako natauhan. Inayos ko ang sarili ko, pasimple kong pinunasan ang
mga gilid ng labi ko na baka may laway na nakawala. Buti nalang wala. Pinilit kong
maging pormal sakanya. Syempre nandoon parin ang inis ko sankanya sa mga
pinagbibintang niya sa akin pero mas malaki yung hiya kasi I was overboard kanina.

�Eh bakit ka kasi nanghihila! Pwede namang tawagin mo nalang ako ng maayos
kailangan pa ng pahatak hatak tapos patakip takip pa ng bibig. Kidnapper effect pa
ang gusto mo.�

�Para cool. Ayaw mo ba nun ako kidnapper mo?�

�Gusto ko----� napatigil ako sa pagsasalita. Tae!! bakit ko naman agad agad nasabi
iyon. Nakita ko naman na ngumiti ng nakakaloko itong sira ulong ito.

�t-teka nga! Bakit mo ba kasi ako hinila papasok dito. Kung wala ka naman sasabihin
aalis na ako.�

Naglakad na ako papuntang pinto ng magsalita siya.

�Let's eat.�

EAT! Oh! My stomach! Kawawa naman. Ano? Sasabay ba ko sakanya kumain? Eh siya nga
itong dahilan kung bakit hindi ako makakain kanina eh.

*grrrrrrrrrrrrrrrrrr *

Shet! Ang lakas ng tunog na iyon ah. Napalingon naman ako kay Brye na nakaingin
lang sakin. Natatawa na kasi ito eh. Tinignan ko nga siya ng masama. <.<

�Looks like your stomach wants to eat. C'mon, may pagkain ako dito. Alam ko hindi
ka nakakain kanina�

�Aba ang ka--�

Hindi nanaman ako natapos sa sasabihin ko kasi pumasok siya sa isang part ng kwarto
niya. So ako naman sumunod nalang ako, eh nandito na ko. Baback out pa ba ko.
Habang sinusundan siya, hindi ko mapigilang mamangha sa kwarto niya. Di hamak na
mas malaki nga ito sa kwarto ko. To think na malaki na ang kwarto ko ha. Eh
sakanya, as in bongga.

Cozy. Yun ang maidedescribe ko sa kwarto niya. Gusto niya kasi na kahit nasan man
siya gusto niya yung feeling na parang nasa sariling bahay niya lang ito. I read it
once sa isang magazine kung saan si Brye ang cover nito. Di ba nga number one fan
ako ni Brye kaya lahat ng balita sakanya mapa good man or bad eh pinapatos ko.

So, sa pagsunod ko kay Brye, dun pala siya sa mini sala pumunta. Nakasalampak ito
sa carpet tapos may maliit na glass table na bilog sa gitna. Inilalabas na niya isa
isa ang mga pagkain sa plastic. Bigla akong natakam sa mga nakita ko. My favorites!
Nilabas niya ang mga sugpo. Wwaaaahhh! Lumakad na ko papunta sa tabi niya tsaka
kumuha ng plato.

Sumandok ako ng kanin at kumuha ng sugpo. Nagkamay na ko para masarap ang feeling.
Maya maya tumayo si Brye. San kaya pupunta yun?? ah basta ako kumakain muna, mamaya
ko na siya papansinin.

Pero nakakadalawang sugpo na pala ako ng mapansin ko na walang PATIS! Nung patayo
na sana ako saktong bumalik naman si Brye na may dalang patis. Hindi ko naman
mapigilang mapangiti kasi hindi niya parin nakakalimutan ang favorite food ko.
Umupo naman siya sa harap ko. Pansin ko na hindi siya kumakain.

�Bakit hindi ka kumakain?� tanong ko sakanya habang patuloy sa pagsubo ng kanin at


sugpo.

�I'm not hungry. Para sayo talaga iyan. Paborito mo iyan di ba?�

Tumango naman ako na nakangiti. Tuloy lang ako sa pagkain ko. Nagulat ako sa ginawa
ni Brye kasi kumuha siya ng sugpo at ipinagbalat ako. May naalala tuloy ako. Parang
deja vu itong nangyayari samin ngayon.

FLASHBACK

�SAAAAMMMM�

Lumingon ako kung sino yung tumatawag sakin. Nakita ko naman ang lalaking mahal na
mahal ko. Kasasagot ko lang sakanya last month at oo, ngayon ang first monthsary
namin. Lumapit naman siya sakin, nakaupo kasi ako sa isang bench dito sa field ng
university namin. Humalik siya sa cheeks ko tapos inakbayan pa ako.

�Nandito ka lang pala, alam mo ba kung saan saan ako naghanap.�

�Yiie. Namimiss niya ako oh.� kinurot ko siya sa pisngi.

�A-aaraaayyyy!� daing niya. Nang bitawan ko siya hinimas himas niya pa yung
magkabilang pisngi niya na ppinanggigilan ko.

�Masakit iyon ah.� tinawanan ko lang siya at tsaka hinalikan siya sa lips. Smack
lang naman.

�Sorry po.� sabi ko.

�Hindi kita mapapatawad. Kailangan pa ng isa pang kiss.� tapos ngumuso naman siya
na hinihintay ang kiss ko. Pinagbigyan ko naman siya pero akala ko smack lang ullit
pero pinatagal niya ito. We kissed romantically.

Pagkabitaw niya sa mga labi ko, pinagdikit niya ang mga noo namin. Nakapikit siya
at nakangiti. Ako naman nakatingin sa mukha niya. Napangiti naman ako, hindi ko
aakalain na magmamahal ako ng ganito at masaya ako na siya ang napili ng puso ko.
Hinalikan ko naman siya sa tungki ng ilong niya. Dumilat siya at nakangiti parin.

�Happy Monthdary babs! I love you so much.� then I kissed him again on his nose.

�Happy Monthsary din lamps! Mahal na mahal din kita... ay teka!� bumitaw siya sakin
at hinalungkat ang bag niya.

�Naglunch ka na ba?� tanong niya sakin.

Umiling ako, kasi hindi pa ko naglalunch. Hinihintay ko kasi siya.

�Hindi pa? Good. Kasi may regalo ako oh.� nilabas niya ang isang Tupperware at
binuksan ito. �Chenen!!�

�Wow! Sugpo. My favorite!!!�

�Kain na.� binigyan naman niya ako ng spoon and fork. Pero gusto ko maglambing.

�Ehhh. Brye, pagbalat mo ko please!! :))� nagbeautiful eyes pa ko sakanya niyan.


Siyempre naman hindi siya tumanggi. Pinagbalat niya ko tapos sinusubo ito saakin.

END OF FLASHBACK

Pinagmamasdan ko si Brye habang seryosong nagbabalat ng sugpo. Hindi ko maiwasang


malungkot kasi naalala ko yung araw na iyon. Sobrang saya namin noon kahit na sa
simpleng paraan lang namin sinelebrate ang monthsary namin masaya kami.

�Sorry Brye ha.� bigla ko nalang nasabi.

Tumingin naman saakin si Brye nagtataka ang itsura niya.

�Sorry sa mga nasabi ko kanina. I didn't mean them. Oo, inaamin ko asabi ko iiyon
kasi nasaktan ako. Mahal kasi kita Brye, kaya hindi ko makaya na galit ka sakin.�
Tumigil siya sa pagbabalat ng mga sugpo. Pinunasan niya ng basang tuwalya ang mga
kamya niya.
�Di mo kailangang mag-sorry Sam, actually kaya kita hinila dito para makapgsorry.
Alam ko nasaktan ka sa mga nasabi ko kanina. I know, what I've said earlier was
wrong. Nag-alala lang ako. Hindi naman maiiwasan yun eh. Kahit papano, may
pinagsamahan tayong dalawa.�

�Ibig sabihin hindi ka na galit sa akin?� hopeful na tanong ko.

�Sam, hindi ako galit sayo dahil sa hinimatay ka. Wala iyon. Pero Sam, sana
maintindihan mo na hindi ko parin matanggap ang mga ginawa mo noon. Sa sinabi mong
mahal mo ko. Sorry Sam, but it's too late for that. For me, it's over. Sana
makamove on ka na. I'll forget the past, I will also forget the thing I said for
being formal to each other. Babawiin ko iyon, in fact. I want us to be friends, but
being back again like the days before.. I'm sorry Sam, pero hindi ko magagawa
iyon.�
YNO#17

�Bakit ka pumayag?!! Tanga ka ba talaga? O sadyang bobo lang? Ano? Mamili ka sa


dalawa. Pwede ing both! Kainis ka naman eh!!�

Napatakip nalang ako sa tenga ko kasi ang lapit lapit lang naman sakin, kailangan
talaga ng sumisigaw. Nakauwi na kami kanina lang. Nagndito ako ngayon sa twisted
hangout kung saan kami ni Weng ang may-ari at nagpalago.

Kinwento ko kay Weng ang nangyari nung nasa shooting kami. Kaya ayan siya ngayon,
nagdadadakdak at sinesermunan ako. Kaya bagay talaga sila ni Dino magsama eh.
Parehing megaphone ang bunganga.

�Hoy babae! Sumagot ka! Ano bang pumasok diyan sa kukote mo at pumayag ka?
Masokista ka ba ha? Bakit hindi mo ginamit iyang mataba mong utak? Nakakainis ka
talaga! Kahit bestfriend kita nakakainis ka pa rin!�

�Weng, easy ka nga lang. Anong magagawa ko eh siya na ang tumapos.� malungkot kong
sabi.

Nung isang gabi kami nag-usap ni Brye, nalungkot talaga ako sa sinabi niya. Hindi.
Hindi pala ako nalungkot, I was wrecked into pieces. Pero pinilit kong hindi umiyak
sa harap niya. I remained composed that time.

FLASHBACK.

�Sam, hindi ako galit sayo dahil sa hinimatay ka. Wala iyon. Pero Sam, sana
maintindihan mo na hindi ko parin matanggap ang mga ginawa mo noon. Sa sinabi mong
mahal mo ko. Sorry Sam, but it's too late for that. For me, it's over. Sana
makamove on ka na. I'll forget the past, I will also forget the thing I said for
being formal to each other. Babawiin ko iyon, in fact. I want us to be friends, but
being back again like the days before.. I'm sorry Sam, pero hindi ko magagawa
iyon.�

Natigilan ako sa pagkain nung narinig ko ang mga huling salitang binitawan niya. I
stared at him. Hindi ko na mabasa ang nasa isip niya. Dati naman, isang tingin ko
lang sakanya alam ko na ang nasa isip niya o kaya ang nararamdaman niya, pero
ngayon wala akong ka-ide-ideya kung ano ang iniisip niya.

�Sam, I know you want to make things right. Pero huli na. Don't do this. Let's just
be friends. I think it's for the best. Lalo na ngayon, you work for me. I think mas
maganda kung maging magkaibigan tayo. Wala nang samaan ng loob. I'm sorry Sam, but
this is all I can offer. Hindi na pwedeng lumagpas pa.�

Masakit pakinggan na ayaw na sayo ng mahal mo. Pero wala naman akong magagawa di
ba? I will just have to accept it.

�Okay. In one condition.� I said with a fake smile.

�Ano iyon?�

�Ayoko ng friends lang, pwede bang bestfriend nalang? Iyon lang Brye, pagbigyan mo
na ako.�

Matagal bago siya sumagot, but in the end he agreed and smiled at me.

�Okay... bestfriend.�

He's smiling when he said that.

END OF FLASHBACK.

�Meron kang magagawa tongak!� nakuha nanaman ni Weng ang atensyon ko.

�At ano naman ha?�

�Pwede ka namang tumanggi eeh! Chance mo na nga iyon para masabi sakanya ang
nangyari kaya ka nakipaghiwalay. I'm sure maiintindihan niya iyon. Pero hindi mo
naman sinabi. Ano nangyari? Ano ending. Friends nalang kayo.�

Nakacrossed arms pa siya at umiikot sakin habang sinasabi iyon. Umupo naman ito sa
tapat ko.

�Bestfriends.� pagtatama ko sakanya.

�Huh! Bestfriends my ass! Eh pinilit mo lang naman siya tungkol diyan sa


bestfriends bestfriends mo. Hello! I'm your bestfriend kaya! Tatakwil mo pa ko.
Hmppp!�

�Ano magagawa ko? Siya na ang tumapos, siya na ang nagsabi na wala nang lumagpas pa
sa friendship na inooffer niya. Weng, masakit sakin. Hindi ko lang kayang tanggihan
siya, mahal na mahal ko siya. At tsaka, what's the use of telling him my reason for
leaving him kung ayaw na nga niya. Wala naman ding magbabago. Masaya na ko na okay
kami as friends. I think, I can live with that setup.�

�Eh kung ganoon naman pala, what's the use of being his PA pa? Quit the job. You
can be friends naman kahit na hindi ka niya PA eh.�

�No, I'm still keeping my job. I want to be close to him. Ngayon pa na okay na kami
di ba. Tsaka 3 months lang naman niya ko magiging PA lulubus-lubusin ko na. Kaya
suportahan mo nalang ako bebs. Alam ko naman na hindi mo ako matitiis eh, please!!�
I said. Nagpapacute pa ko para naman pumayag siya.
Huminga muna ng malalim si Weng bago nagsalita. �Haaaayy! Ano pa ba magagawa ko?
Edi support nalang sa kabaliwan mong iyan. Pero Sam ha! Umayos ka. Hindi ako
nagkulang g paalala sa iyo. Sinasabi ko sayo, pag sinaktan ka niyang si Brye na
iyan for the nth time, bubunutin ko na ang vocal cords niyan.�

Natawa naman ako sa sinabi ni Weng. Di naman siya may pagka brutal nuh? Haha.
Niyakap ko nalang siya ng mahigpit. I missed my girl bestfriend. Bukas naman
makikita ko na si boy bestfriend. Hehehehehe.

======---------=====

WENG'S POV

Matapos namin mag-usap ng baliw kong bestfriend nagpaalam muna ako at pupunta ako
sa mall kaya si Sam muna ang naiwan sa Twisted Hangout.

Nakakainis talaga ang ginawa ni Sam, kung alam niyo lang lahat ng pinagdaanan niya.
Naawa na ko sakanya kasi she deserves to be happy not to be treated like this.
Bumibingo na sakin yang si Brye na iyan ha. For now, hahayaan ko muna si Sam sa mga
gusto niya kasi nakikita ko naman na masaya siya sa mga desisyon niya eh pero iyong
desisyon din niyang yon ay ang nagbibigay sakanya ng kalungkutan.

Nandito ako ngayon sa mall, specifically sa grocery store. Bibili kasi ako ng mga
gamit pa para sa bar cafe namin ni Sam. Nagkukulang na kasi kami sa mga supplies
kasi parami ng parami na ang mga nagiging customers namin. I'm so proud sa
naitaguyod namin ni Sam, dugo at pawis ang pinuhunan namin diyan.

Naglalakad ako pushing my cart pero nakatingin ako sa mga display goods kaya hindi
ko namalayan na may nagulungan na pala ako ng paa.

�ARRRAYYY. OUCH.. OH MY GHAD., MY PRECIOUS FOOT. WHAT WHERE YOU'RE GOING WOMAN.�
sigaw nung nagulungan ng cart ko.

Nagtatatalon siya sa sakit siguro. Ako naman, nagulat at napapakagat labi kasi
mukhang patay ata ako.

�Naku, sorry po talaga. Hindi ko po kasi nakita ang paa ninyo. Nako,okay lang po ba
kayo.�

yumuyuko ako para makita yung paa nung lalaki, pero nakita ko mukha niya.

�DINO??�

Humarap naman sakin yung lalaki at oo nga! Tama ako. Si Dino nga iyon. Mukha naman
nakilala niya ko, kaya tumigil siya sa paghihimas ng nagulungang paa niya.

�Weng?�

Dinambahan ko na agad siya ng yakap.

�Oh my ghad!! It's really you. Ang galing galing galing!!!!! Dino, I've missed
you.!!!�
Nagtatatalon kami doon habang kayakap ko siya. Mukha na nga kaming tangang dalawa
at pinagtitinginan ng mga tao pero I don't care. Mayaman naman ako. Hahah!

�H-Hey.. weng. Bitaw! Kalma. Okay, easy.�

Bumitaw naman na ako sa pagkakayakap niya at hinarap siya.

�So, how are you?� tanong ko.

�Tinatanong ba yan? Kaloka ka. Papatayin mo ba ang magandang paa ko. Alam mo bang
linggo linggo ako nagpapafoot spa para lang diyan tapos gugulungan mo lang ng cart
mo.�

Natawa ako sa sinabi niya, same old Dino maarte paring bakla.

�Sorry na. Patawarin mo na ko. Treat nalang kita ng Lunch.� pakonswelo ko sakanya.

�Mayaman ako nuh, pero sige treat mo ko. Gusto ko sa pinakamahal na restaurant ha.
Kawawa naman ang paa ko.�

�Sure, mayaman naman din ako eh.�

Nagkatinginan nalang kami ni Dino, at sabay na tumawa.

�Hahahahaha! Nakakatawa talaga tayo. I missed you too, Weng�

Nginitian ko nalang siya. Dino was my gay bestfriend. Sakin yan unang umamin na
baklita siya. Ako ang nagpakilala sakanya kay Sam, at si Dino naman ang nagpakilala
kay Brye samin ni Sam. Kaya doon nabuo ang barkada namin noon. I missed those days
na ang pinoproblema lang namin eh kung paano papasa sa mga exams. Pero ngayon,
malaking malaki na ang nagbago lalo na kela Sam at Brye.

Pagkatapos namin mag-grocery dumiretso na kami sa isang Japanese restaurant.


Pagkatake ng waiter ng order namin, nag-usap na kami ni Dino. Una nagkamustahan
lang kami hanggang sa mapadpad ang usapan namin sa dalawa. Kina Brye at Sam.

�Nalulungkot talaga ako sa mga nangyayari.� sabi ko kay Dino sabay subo ng sushi.

�Ako din nuh. Alam mo naman, ako ang cupid nang dalawang iyon. Sayang lang, pero
feeling ko naman, mahal pa ni Brye si Sam eh. Natatakot lang siguro masaktan ulit.�

�How do you say that? Sinabi ba sayo ni Brye? What makes you think na mahal pa niya
si Sam, eh puro sakit na lang ang binibigay niya kay Sam.� hindi ko naitago ang
galit na nararamdaman ko.

�Wag mo naman isisi kay Brye ang lahat. Nasaktan din siya sa ginawa ni Sam.�
depensa naman ni Dino.

�Ginawa iyon ni Sam dahil---�

Di na natapos ang sasabihin ko nang pangunahan ako ni Dino.


�Dahil may dahilan siya. Na ang dahilan niya ay.....� sinabi sakin ni Dino lahat.
Nagulat ako kasi alam niya. Paano niya ito nalaman?

�Sinabi sakin ni Sam iyan dati. Kaya nga lahat ng paraan para magkalapit sila ni
Brye ginawa ko. I also plotted the PA thing. Sinuggest ko siya sa CEO ng
entertainment namin para gawing PA. I;m making ways for them to reconcile pero wa
epek ang beuatiful ideas ko. Matigas parin si Brye.�

Natahimik nalang kaming dalawa.

�Did you know, Brye offered Sam friendship? Actually bestfriends pa nga eh.�

�I didn't know that. Edi maganda. Meaning, binubuksan na ni Brye ang pinto para
makapasok si Sam ulit sa buhay niya.� sabi ni Dino na ngumiti pa.
�Yes, that's true.. pero iyon lang daw ang maii-offer ni Brye. Hanggang doon lang.
Nung kinwento nga sakin ni Sam iyan, nainis ako sakanya kasi siya pa ang gumawa ng
dahilan para mas lalo siyang masaktan.�

�I don't think so. Magandang simula na ito,. Sa friendship naman nagsisimula ang
lahat di ba?�

Nakatingin lang ako kay Dino na nagtataka. Siya naman ngumiti at pinataas baba pa
ang dalawang kilay. And then POOF! Naiintindihan ko na ag kanyang pinahihiwatig.

�I'll leave this to you Dino. I trust you. Make her say it to him. Doon lang ako
matatahimik.�

Kaya lang ganyan si Brye kay Sam kasi akala niya inayawan lang talaga siya ni Sam.
Pero kung sasabihin ni Sam ang lahat lahat kay Brye may chance na lumambot si Brye.
Pero kung hindi parin, doon lang ako matatahimik at doon ko lang tatanggapin na
wala na talaga.
YNO#18

SAM'S POV

Ayoko na! Hingal na hingal na ko! Suko na ko!

Tama pa ba ang naging desisyon ko? Parang nagsisisi na ako ah!

Hindi ko na kaya na ipagpatuloy pa ito. Aaaaaahhhh! Shit. Ang sakit!

�Bwisit na batong iyan. Nadapa pa ko! Shit! Aruuuuyy. Ang sakit naman.� hinipan
hipan ko pa ang sugat sa siko ko. Wala na! Katapusan na ng mundo. My flawless skin!
Huhuhu. Ang hapdi.
*Ring ring *

Ang aking phone. Kinuha ko ang phone ko tapos tinignan ang caller. Napasimangot ako
kasi mamadaliin nanaman ako nito. Sinagot ko na.

(Sam, asan na ang kape ko? Tagal.. malapit na magstart ang show I need my coffee.)

�Eto na ho, mahal na hari!� sigaw ko tsaka binaba ang phone.

Kainis, babalik nanaman ako sa Figaro. Napakasosyal naman kasi ng bakulaw na iyon
eh! Sa Figaro pa gusto eh ang bagal bagal ng crew dun!

Wala naman akong choice kaya bumili parin ako at naghintay nung kape na inorder ko.
Walking distance lang naman ito sa building na pupuntahan ko kaya okay lang na
maglakad kaya lang... minamadali ako ng lechugas na alien na yun kaya natataranta
ako, ayan tuloy nagkasugat pa ko.

Nang makuha ko na ang kape, naglakad na ko papuntang building. Bahala siya kung
hindi siya makainom ng kape niya, nagkasugat kaya ako, kaya quits tayo boy!

Pagkarating ko, naningkit ang mata ko kasi andun siya nakaupo. Sitting handsome pa
nga na nakataas pa ang dalawang paa sa lamesa.

Nilapag ko ng padabog ang kape niya.

�Oh! Akala ko ba magsta-start na ang show?�

�Nadelay, mga 2 hours pa daw.�

Pakiramdam ko, napunta lahat ng dugo ko sa ulo at sasabog na iyon na parang


volcano. Nakakainis, eh ba't niya pa ko minadali. Gusto ko siyang sakalin pero
hindi naman pwede!

�Ano pang tinitingin tingin mo diyan? Kunin mo script ko. Ayun oh.� sabi niya,
tinignan ko naman kung ano ang nginuso niya.
Putakteng lecheng gorilla! Pinapa-abot niya pa sakin yung putragis na script eh
nasa tabi niya lang! Nakakainis na talaga!

Kinuha ko ito at binigay sakanya pero sa isinalmpak ko ito sa mukha niya.

�The hell!� sigaw niya.

�Hell mo mukha mo! Leche!�

Lumabas ako ng dressing room niya. The nerve of that guy. Nakakainis, ewan ko ba!
Pero akala ko magkaibigan na kami, bestfriends pa nga to think eh. Ganito ba
magtratuhan ang magkaibigan?!
Oo, si Brye po iyon mga readers. Akala ko nakalinawan na kami. Kaibigan daw, eh
siguro mga 3 days siyang mabait saakin pagkatapos nun, inaasar at pinagtitripan
niya na ako palagi. Sarap lang sapakin. Kahit mahal ko iyon, nawawalan naman din
ako ng pasensya.

Ewan ko ba, nag-iba na ang tratuhan namin. Parang aso't pusa kami, nag-aasaran kami
palagi. Hindi ko alam, pero nageenjoy naman ako sa mga nangyayari. Wala na ngang
ilangan sa pagitan namin,. Napalitan nama ng inis sa pagmumukha ng isat isa. Haha!

1 month na kaming ganito. Yep, 1 month na kong PA niya. Meaning, 2 months nalang
aalis na siya ulit at balik dati na ang aking buhay. Mukha atang nilulubos ng loko
ang 3 months at pinahihirapan ako.

Pumunta ako sa cafeteria ng building at umorder ng ice cream. Kailangan kong


magpalamig ng ulo noh! Sakto naman, dumating si Dino kaya may nakausap ako.

�Problem my dear?� tanong niya.

�Oo, mukha ba?� iritadong sagot ko.

�Brye. Haha. Ang cute niyo talagang dalawa.�

�Tss. Naku Dino, tigilan mo ko. Kainis na mga trip niya. Sarap ng sapakin. Konti
nalang mapapalitan na ng pagkamuhi ang pagmamahal ko sakanya.�

�Easy lang. Alam mo namang gustong gusto kang asari ni Brye. Nagpapapansin lang yun
sayo.�

�Naku, ewan ko sayo. Diyan ka na nga. Gagamutin ko pa itong sugat ko.�

�San mo nakuha iyan? Ang laki ah. Dumudugo pa oh.�

�Itanong mo sa alaga mong mongoloid. Madaliin ba naman ako, ayan nadapa tuloy ako.�
pagkasabi ko nun, kinuha ko ang ice cream ko at dumiretso sa kotse ko kasi may
first aid ako dun kaya ginamot ko na sugat ko.

--000----

DINO'S POV

Pagkatapos namin mag-usap ni Sam, pumunta naman ako sa dressing room ni Brye.
Nakita ko siyang nagbabasa ng script niya pero nahalata ko na hindi naman siya
nakatingin dito kundi sa kape na nasa harap niya.

�Ngiting ulol ka ha� halatang nagulat siya sa presensiya ko.


�Knock first Dino. You scared me.�

�Ayokong kumatok, nakakapagod iyon. Anyways, what did you do this time Brye?�

�What?� pagmamaang-maangan niya. Alam naman niya kung ano ang tinutukoy ko.

�Brye, tigilan mo na nga ang pantitrip kay Sam. Dati, nilagyan mo ng pekeng butiki
ang bag niya eh alam mo namang takot iyon sa butiki, tapos one time pinalitan mo ng
harina ang powder niya, tapos ngayon pinabili mo ng kape at minadali mo pa eh alam
mo naman na 2 hours pa ang shoot mo and most importantly, hindi ka umiinom ng kape
sa FIGARO!�

�Eh masarap siya pagtripan eh. Boy,..�

�Ehem, girl ako. Continue!� putol ko sa sinabi niya.

�Okay, as I was saying masarap siya pagtripan, you could have seen her face.
Nakakatwa.�

�Nakakatawa pala?�

Nagulat kaming pareho sa nagsalita, it was Sam. Standing in front of the door. Oh
boy, kita sa mukha niya ang pagkainis.

�Are you happy Brye? Masaya ka na. I became your laughing stock. Sana makarma kang
ulol ka! I hate you!� sigaw niya tapos tumakbo na siya.

I faced Brye, na hindi na maipinta ang mukha. Tsk.

�Tsk, tsk.. you have crossed the line this time lover boy. Lagot ka.� sabi ko
sakanya.

�What? Bahala siya. May choice naman siya kung hindi niya susundin ang mga utos ko
eh.� katwiran ng loko.

�Hello! Tanga ka? Bobo lang koya? Baka nakakalimutan mo PA mo siya. Meaning amo ka
niya, may tao bang hindi sumusunod sa amo? Look Brye, alam mo bang nagkanda-dapa
dapa pa yan si Sam para lang maihatid sayo ang precious Figaro coffee mo na hindi
ka naman umiinom? Minsan limit your actions okay?�

Pagkasabi ko nun. Umalis na ako.

Maganda ang pangongonsensya ko kay Brye. Tumpak sa plano namin ni Weng. We need
this two to have their alone time, para mapag-usapan nila ang nakaraan. So ang role
ko lang is gumawa ng ways para maglapit ang dalawa. Sa pangongonsensya ko kay Brye
I'm sure susuyudin niya ang Earth para lang makapsorry kay Sam. Bwahaha. * evil
laugh*
I'm so smart and pretty of course!
==--===
BRYE'S POV

Oo na. GUILTY na ko!


YNO#19.1

SAM'S POV

Gagong Brye yun. Gago siya. Basta lahat ng masasamang salita, siya yun!

Ay, hindi naman siguro lahat. Konti nalang. Bakit kaya ganito ako? Kahit na harap
harapan kong nakita na wala siyang pakelam sakin ke kaibigan nalang ako hindi ko
parin magawang magtanim ng sama ng loob sakanya..

Mahal mo nga kasi!

Shattap mind! Oo na, hindi ko naman dineny kahit kailan na hindi ko siya mahal ah?
Pero ewan, siguro tama na. Gusto ko pa siyang mahalin pero tama nang hindi na.
Naawa naman din ako sa sarili ko nuh!

Umuwi nalang ako sa condo ko. Nakakainis kasi eh. Ako naman tong si tanga,
nagpauto... pero PA niya ko kaya dapat lang naman ako sumunod sakanyang mga utos.

Ah, basta! Bahala siya. Mabubuhay naman siya kung wala siyang PA eh.

Inaantok ako, itutulog ko nalang ito. Pero bwisit, kasi bigla naman nagring yung
cellphone ko.

Tinignan ko kung sino ang istorbo sa naudlot na paghimbig ko.

Ang salarin---DINO.

�Bakit?� bungad ko sakanya.

�Punta ka dito.� sabi niya.

�Bakit?�

�Basta.�

�Bakit???� naiirita na ko ha.

�Wala ka na bang ibang sasabihin kundi bakit?�

�Meron. Why?�

�Alam mo gurl, labs kita eh. Pero kung maabot lang kita ngayon, baka namatay ka na
sa sakal ko na pagkahigpit. Basta pumunta ka dito sa broadcasting building okay!
Babush!�

Syempre, hindi na ko nakaapila eh binabaan na ko. Kaya ni choice, pumunta nalang


ako. Si Dino lang naman iyan eh.

Pagdating ko sa tapat ng building, may sumalubong saking lalaki.

�Ms. Benitez?� tanong niya.

Kumunot naman ang noo ko. Di ko siya kilala eh I DON'T TALK TO STRANGERS aang peg
ko.

Mukha naman nahalata niya ang iniisip ko kaya nagsalita na siya.

�Umalis si Dino, may emergency lang. Sabi niya, ihatid nalang daw kita kung nasan
siya. Don't worry tawagan ko siya para maconfirm mo na hindi ako nagsisinungaling.�

Pagkasabi naman niya nun, tinawagan nga niya si Dino at oo, hindi siya
nagsisinungaling kaya naman sumama na ko. Hindi na ko nagtanong pa kung saang
lupalop niya ko dadalin kasi wala ako sa mood.

Siguro mga 10 minutes, lumiko kami sa isang private residence. Grabe, parang hindi
na Pilipinas ito. I feel lika were on paradise. Ang gagana kasi ng mga bahay,
modern styles. Pangmayaman talaga. Maya maya tumigil kami sa isang malaking bahay.
Ang ganda lang.

Alam niyo yung nga nga???? Basta. Ayun na yun. Shocks. Ang yaman ni Dino. Sosyalin
ang bahay.
-----=----------==

(EPAL! ALERT. [AN] House on the multimedia :)))

==---------===========---

Ang cozy nung house.. ganong bahay ang gusto ko simula nung bata ako. Nakaklungkot
kasi hindi ko nagawa pero nag-iipon naman ako para magpagawa. Sa ngayon, stay put
muna ako sa condo unit ko.

�Pasok nalang po kayo, bukas daw ang pinto diyan. Sige po ma'am�

Pagkababa ko, nagpaalam na yung naghatid sakin.

Pumasok ako sa bahay, ang daming pinto. Hindi ko alam kung saan ako lulusot until I
heard something.

Tunog iyon ng piano ah. I followed the sound of that melodious harmony. Seems like
I'm getting nearer.
====---------=======

[AN] Epal ulit ako. Play niyo yung vid sa kanan. Ang galing ni Dr. Jay. :D

========-----===========

Nang mahanap ko kung saang nanggagaling ang tunog, I was mesmerized.

Brye, sitting in front of the piano with his eyes closed. Natulala ako sakanya,
nakatagilid siya sakin. I can sense na hindi niya naramdaman ang pagdating ko kasi
patuloy parin siya sa pagtipa ng mga keys sa piano.

You could see that he is in another world. Ganoon si Brye, pagdating sa musika niya
para siyang inililipat sa sarili nitong mundo. Doon siya nagkakaroon ng
kapanatagan. I know it very well.

I am a fan of course.
Nandoon lang ako sa may pinto, pinapanood siya. Somehow, I also feel relaxed to the
way he plays the piano. He's a superstar so what do you expect.

�Sorry.�

Doon lang ako natauhan nang magsalit siya. Tapos na pala siya tumugtog, hindi ko
man lang napansin. I was really caught by the way he played.

�Sorry?� bakit kaya siya nag sosorry?

�Sorry, kasi I went overboard this time.�

Ah, doon sa narinig ko kanina. Oo nga pala may kasalanan pala siya sakin.
Nakalimutan ko pansamantala iyon ah. Tsk. Pero, akalain mo yun nagsorry siya.

�Sorry Sam, mukhang nasaktan ka pa dahil sa trip ko.�

�Nasaktan talaga ako nuh!�

�Kaya nga eh..� nagkamot pa siya sa ulo. Ang cute niya.

See.. ayan ang problema ko. Hindi ko siya matiis. >.<

�Kaya sorry talaga Sam, hindi na mauulit. Patawarin mo na ko please. Bestfriend.�

At nagpuppy eyes pa ang loko. Lumapit naman ako sakanya.

�Sige, patatawarin kita sa isang kondisyon.� I said smiling.

�Sure, gagawin ko kahit ano.�

�Kahit ano?� tanong ko.

�Eto naman di ka majoke. Syempre depende sa hihingin mo, mabuti nang nag-iingat.
Hehe. Ano ba iyon?�

Naglabas ako ng notepad at ballpen na iba't ibang kulay sa bag ko tsaka nilapag sa
may piano.
�Pa-autograph!�

�Ano? Authograph?�

�Oo! Ang galing mo kaya mag-piano. Grabe, partida hindi ka pa kumakanta nun ha.
Nailove lalo ako sayo..� natigilan naman ako sa sinabi ko. Usapan nga pala namin
kaibigan nalang.. �.. ahhm, what I mean is, nainlove lalo ako sa talent mo. Yon
tama! Ang galing galing mo talaga kasi eh. Kaya idol sige na authograph na dali.�

Natawa naman siya. Ang cute lang niya tumawa, bihira ko nalang siya makitang tumawa
ngayon, I'm happy na kahit papano nakita ko ulit siyang tumawa.

�Fan ba kita? Baka naman mamaya ibenta mo itong authograph ko sa online ha.�

�Hoy, ano tingin mo sakin. Fan mo nga ko. Number 1 fan pa eh! Pakita ko pa yung mga
posters mo na tinago ko eh. Pati mga albums and movies mo kahit na nga extra ka
lang dun, tinago ko talaga. Dali na pirmmahan mo na!�

Kinuha naman niya ang ballpen at notepad na iiling-iling. Pinirmahan naman niya
ito. Nang tignan ko, napasimangot ako.

�Oh bakit?.. pinirmahan ko na ah.�

�Ayaw ko, masyadong simple. Isa pa, dito ilagay mo TO MY NUMBER ONE FAN. Color red
gamitin mo ha, tapos dito sa next page naman PARA SA NAPAKAGANDANG SI SAM tapos
pirma ka sa baba color pink naman ang gamitin mo.�

�Alam mo sa lahat ng fans ko, ikaw ang demanding. Akin na nga. Pasalamat ka
nagsosorry ako sayo.�

�Salamat.� I said.
YNO#19.2

SAM'S POV

�Salamat.� I said.

�Pilosopo ka talaga. O ayan na ang authograph mo.� pagkabigay niya sakin, tumayo na
siya at pumunta sa kusina.

Sumunod naman ako sakanya. Umupo ako sa isang chair stool sa may kitchen counter at
itinago ko na ang notepad ko. Kaya lang bigla akong may naalala.

�Brye, nasaan si Dino?� tanong ko kay Brye na naghahalungkat sa refrigerator.

Nang makakuha siya ng hindi ko alam sa ref humarap na siya sakin na para bang
nagtataka.

�Dino? Ewan, baka may ka-date na kano. Bakit mo hinahanap si Dino?�

�Ano? Eh tinawagan niya kasi ako sabi niya puntahan ko daw siya. Tapos bigla nalang
may naghatid sakin dito.�
�Alam mo, tinawagan din ako ni Dino, sabi niya pupunta ka daw dito kasi may
ibibigay ka daw. Ano nga pala ibibigay mo?�

Naguluhan na ako sa mga nangyayari. Tsk. Naisahan nanaman kami ni Dino. Sira ulo
talaga iyong baklang iyon!

�Ha? Wala, ang alam ko nga si Dino ang makikita ko dito eh.�

�That's impossible because I own this house.�

Woah, this beautiful house belongs to him? Spell WOW.

Ganoon na kayaman si Brye. My ghassshh. My Brye made a long long way. I'm so proud
of him.

�Tsk, Dino set this up. Wala talagang magawa yun.� sabi ni Brye.

�Okay na yun. At least nag sorry ka.�

�I wasn't really expecting you to come until Dino said you will kaya sabi ko mag-
sosorry na ko sayo. Ayoko nga mabagabag ng konsensya ko.�

�Wow, may konsensya ka pala.� biro ko sakanya.

Tinignan naman niya ko ng masama. �Mas mabait naman ako kesa sayo, hindi ako basta
batsa nanakit..�
Bigla siyang tumigil sa sinasabi niya. Ano ba dapat ang sasabihin niya, na hindi
siya nanakit ng ibang tao? Bigla ata akong tinapakan doon ah, pinaalala nanaman
niya ang kasalanan ko sakanya.

�Brye, I didn't mean to hu--� pero bago pa ko makapag-explain pinutol niya na ang
sasabihin niya sakin.

�Yung sugat, okay na ba yang sugat mo?� iniba na niya ang topic. I guess ayaw na
talaga niya pag-usapan pa iyon.

�Ito ba..� tinaas ko ang siko ko na may sugat at gasgas pa. �.. okay na yan,
mawawala din iyan. No big deal.�

�Buti naman.�

Okay... SILENCE. Pagkatapos nun, pumunta ulit siya sa mga kitchen cabinets at
halungkat ng halungkat doon.

I was just looking at him. Masaya na ko na kaibigan na kami, okay na yun. I can
deal with that.

�Okay lang ba sayo ang pasta? Wala ko masyadong stock kasi ngayon eh.�

�Nagluluto ka na?�
Hindi naman kasi sanay magluto si Brye, kumbaga kahit na magaling na siya sa lahat
ang pagluluto ang hindi niya makasundo. Kaya nakakagulat na magluluto siya.

�Yeah, I need to learn. Sa Korea kasi mag-isa lang ako sa apartment dati kaya
kailangang matuto.� natawa pa siya habang nagkekwento.

Hindi ako sumagot. Naging independent na siya simula nung lumuwas siya papunta sa
Korea. Nakakalungkot kasi hindi ako nakasama sakanya nun.

�Kung inaalala mo na baka masama lasa ng pasta ko, huwag ka mag-alala expert na ko
sa pagluluto kaya baguhin mo na yang expression sa mukha mo.� pagkasabi niya nun
lumapit siya sakin at ginulo ang buhok ko.
�Siguraduhin mo lang masarap iyan, mag-iikot muna ko sa bahay mo ha?�

Di ko na siya hinintay sumagot tumayo na ko at nagsimula na mag house tour.


Sinimulan ko sa may garden niya, may pool at tanaw doon ang papalubog na araw. Ang
ganda naman ng pwesto ng bahay niya, parang nasa paraiso ka, pumasok naman ako sa
may living room niya, malaki. Hindi naman ganoon kalaki katamtaman lang, nakikita
ko na halos lahat ng kulay ay puti. Kahit kailan hindi talaga siya nag-iiba ng
taste. Gusto niya kasi ng puti kasi feeling niya walang problema pag napapalibutan
siya ng puti. Hahaha. Weird.

Yung grand piano pala niya na ehem na puti din ang kulay ay nasa may gitnang
hallway ng bahay niya. Naglibot pa ko, may music room din siya. May sariling studio
din siya doon. At may bathroom din! Hahaha. Pero may isang kwarto na nakalock.
Kwaro niya siguro yun.

Nang bumaba na ko, ready na yung pagkain. Sa kitchen counter parin ako umupo kaya
dun nalang niya sinerve yung pagkain. Nagsimula na ko kumain. Sumabay narin siya
sakin, magkaharap kami.

�Hmm. Infairness, masarap nga.�

�O diba, sabi sayo eh. Gusto mo pa?� alok niya.

�Hindi na. I'm full.� tanggi ko sakanya.

�Kelan ka pa natutong mag-diet? Eto pa, ubusin mo iyan.�

Ang dami niyang nilagay sa plato ko. Pangtatlong tao ata iyon.

�Brye ang dami nitong bi--�

�Ubusin mo iyan. Kaya mo iyan, ikaw pa. Kilala kita masiba ka sa pagkain.�
natatawang sabi niya.

Pinaningkitan ko siya ng mata. Kinain ko nalang yung binigay niya kahit na feeling
ko bundat na bundat na ko. Nang matapos kami kumain, nag-alok ako na ako na ang
maghuhugas pero hindi siya pumayag kaya andito ako ngayon sa living room niya
nakatayo, nakatingin sa magandang front garden niya. Salamin lang kasi ang wall
niya sa living room.

�Nabusog ka ba?�
Nilingon ko siya, palapit na siya sakin habang pinupunasan ag basang kamay niya.

�Sobra, ang dami kasi ng pinalamon mo sakin. Parang pang anim na tao.� hinimas
himas ko pa ang tiyan ko. Grabe, baka matae ako ng wala sa oras ah.

�Hindi ka ba malungkot dito? Wala kang kapitbahay oh. Baka mamaya may lumabas na
multo basta basta. Iiieehhh! Kakatakot.�

Tumawa lang siya sa sinabi ko. Tapos umupo sa sofa niya, �Ang laki mo na multo
parin iyang iniisip mo. Haha. Gusto ko kasi tahimik, matagal ko na pinagawa itong
bahay at perfect para sakin ang kinalabasan. Ayoko kasi ng istorbo lalo na pag
nagpapahinga ako. Did you like my house?�

�Oo, ang ganda. Lalo na yung view sa back garden mo. I feel like I'm in paradise.
Kaya lang, di ko natour ng 100% eh.�

�Bakit?�

�Hindi ko napasok ang kwarto mo. Hahaha.�

�Sorry, ako lang pwede pumasok doon nuh.� nakitawa narin siya sakin.

Napatingin naman ako sa wall clock niya. �Naku, Brye.. 9pm na pala. Kailangan ko na
umuwi, may taxi bang dumadaan dito?�

�Wala eh. Bawal ang mga public vehicles dito.. kaya lahat ng resident owners ay may
kotse. Ako nalang maghahatid sayo.� umalis siya para kunin daw ang susi niya.

Pumayag nalang ako. May choice pa ba ko? Maya maya bumalik na siya.

�I forgot, pinacar-wash ko pala yung kotse ko. Sabi kasi ni Dino madumi na daw kaya
piancarwash ko sakanya ito. Wait, i'll just call him.�

Pagkatapos niyang tawagan si Dino, pinuntahan niya ko sa may front porch ng bahay
niya.

�Dino is not picking up. Pati yung ibang staffs hindi rin sinasagot ang mga phones
nila.�

�Tsk. Paano iyan, kailangan ko nang umuwi. Maybe I could walk?�

�Sige, samahan na kita.�

Pero sa kinamalas malasan biglang umulan at ayun wala akong payong pati si Brye
wala ring payong.

�Ugh. Great! Haaayy.� basang basa kami ni Brye, paano, naglalakad na kami nang
biglang lumuha ang kalangitan.
�Tara na sa loob. Baka magkasakit ka pa. Dito ka na magpalipas ng gabi, may guest
room naman ako.�

�Pero kailangan ko na talaga makauwi, may gagawin pa kasi akong inventory sa


business namin ni Weng eh. Try mo paring tawagan si Dino, kahit madaling araw basta
makauwi ako.�

�Okay siige, but now. Change first.�

�Okay, and Brye.. remind me to strangle Dino when I get home.�

Kumunot naman ang noo niya kasi nagtataka opkors. Pero tumango nalang siya. Lalakad
na siya papasok ng bahay ng pigilan ko ulit siya.

�And Brye! ..�

�Hmm?�

�Thank You. *muah *� pagkahalik ko sa pisngi niya, I quickly went inside of his
house. Naka-score nanaman ako. PEACE.

======----===

BRYE'S POV

�Thank You. *muah *� � SAM.

MY REACTION: SHOCKED-----> SMILES.

====------=====

DINO'S POV

YEAH. I'm a scheming goddess. Plano ko lahat ng ito para magkasama sila sa isang
bahay. Muahahaha! I'm so damn genius. >:)))
YNO#20

SAM'S POV

Hindi parin tumitila ang ulan, may bagyo ba? Hindi kasi ako palanood ng TV ngayon
eh. Wag niyo na din asahan na nagbabasa din ako ng diyaryo dahil wala din mapapala.
Lalo naman ang makinig sa radyo. Puro kasi ako trabaho, masipag magpayaman eh.
Hahah!

Nandito ako sa may living room. Pinahiram ako ni Brye ng shirt niya at pajamas.
Akala ko nga boxers papahiram sakin eh, trip ko eh nu? Pero joke lang yun. Hindi ko
alam kung matutuwa ba ko kasi dito ako matutulog o maiinis kasi tambak trabaho ko
bukas?

Pero hindi ko trip mainis kaya matutuwa nalang ako. Bwahaha! Magkasama kami ni Brye
sa iisang bahay! Ano kaya pwedeng gawin? Huwag kayong green ha. Mga utak niyo oh.
Maya maya nagring ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag.

Naku! Patay kang bata ka! Si Weng. Sinagot ko na.

(Hoy Samantha Allaine Benitez, wala ka bang balak pumunta sa negosyo mo? Aba! Baka
nakakalimutan mo dalawa tayong nagpapatakbo nito. Baka gusto mo naman akong
tulungan, yung mga inventory! Nasaan na bruha ka! Pati yung list ng bagong menu
natin, inako mo yun ah. Sabi mo ngayon mo ibibigay, hoy lukaret! Sumagot ka na,
pwede ka nang magsalita!)

Hindi pa ko nakaka-hello sakanya niyan ah. Alam ko na ganoon ang bungad sakin ni
Weng, kaya inihanda ko na ang mga tenga ko sa bunganga niya. Talak kasi ng talak
iyan. Paano na iyan, eh hindi ko pa nga nauumpisahan yung inventory eh.

�Ah,ano Weng, easy ka muna. Bukas promise ibibigay ko. Ang lakas kaya ng ulan kaya
bukas nalang ha. Sige na bestfriend, babawi ako promise!�

(Haaay. Ano pa bang magagawa ko di ba. As if I have a choice, basta siguraduhin mo


bukas ha. At tsaka yu--)

�Sam, gusto mo ng hot chocolate?�

Naku patay si Brye! Bakit naman bigla bigla sumigaw iyong lalaking iyon.

(HOY! SAMANTHA! SINO YUNG LALAKING IYON????? WAG MONG SABIHING--)

Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya kasi dinedemonyo nanaman ang utak ng
isang iyon.

�HEP! Hindi nu! Si Brye iyon! BRYE! Hindi ko kasi dala kotse ko eh wala din siyang
kotse kaya dito ko nagpalipas kasi nga ang lakas ng ulan oh.�

(Pwede naman magtaxi ha!!)

Sabi na nga eh, ang hirap kumbinsihin ng babaeng ito. Kaya pinaliwanag ko sakanya
lahat ng nangyari na si DINO ang may pakana ng lahat.

(Okay okay, sige na. Hindi naman ako nagagalit, nagtataka is the best word. Bakit
naman ako magagalit eh si Brye naman pala iyan. Basta ingat din bebs ha? Bukas mo
nalang bigay yung inventory and menu. Enjoyyyy!)

Aapila pa sana ako pero agad naman niya binaba iyon. Pagkalingon ko sa may sofa
saktong nilalapag ni Brye ang isang basong hot chocolate. Kinuha ko naman iyon at
sumimsim and then naupo na ako sa sofa.

�Ayaw mo?� tanong ko kay Brye.


Napansin ko kasi na isa lang talaga ang itinimpla niya.

�Nah. Sige na inumin mo na.�

Nagkibit-balikat nalang ako at ininom ang hot chocolate.

�Mukhang malakas talaga ang bagyo ah. Okay na si Weng?�

�Paano mo nalamang si Weng yung kausap ko?� takang tanong ko namn sakanya.

�Sus, ang lakas kaya ng boses. Hahaha. Partida hindi pa nakaloud speaker yung phone
mo ha. Hindi parin talaga nagbabago.� iiling-iling na sabi ni Brye.

Natawa naman ako sa sinabi niya. Totoo din kasi. Hindi parin nagbabago si Weng
bungangera forever!

�Isusumbong kita akala mo. Patay ka dun.� takot ko sakanya.

�Haha. Joke lang, eto di mabiro. Di ka na ba nilalamig?�

Umiling lang ako tapos inubos ko na ang hot chocolate na itinimpla niya.

�Inayos ko narin yung guest room.�

�Sige, salamat.�

Pumunta ako sa kusina para ilapag ang baso sa lababo. Tapos napadako ako sa mga
shelves sa may living room ni Brye, wow! Ang daming trophies and plaques. Ang dami
ding libro. Bookworm pala si Brye? Naah. Display lang siguro niya yan.

Pagkatapos kong usisain ang mga gamit niya umupo na ulit ako sa sofa. Si Brye naman
prenteng nakasandal sa single sofa at nanunuod ng TV.

Tumatawa siya sa pinapanood niya kaya tinignan ko kung ano iyon. Korean channel
pala iyon tapos Running Man ang palabas. I once watched that show nung guest nila
si Brye.

Siyempre hindi ko naman pagtiyatiyagaan na magbasa ng subtitles kung hindi si Brye


ang papanuorin ko di ba?

Indeed, nakakatawa nga ang show na iyon. Nakatitig lang ako kay Brye. Ang saya niya
tignan. His laughter echoing inside the living room. His sweet,sweet laughter.
Napatingin naman siya sakin.

�Ahm. Bakit Sam?� tanong niya. Hininaan din niya ang volume ng TV.

Umiling lang ako and smiled at him.

No, magkaibigan na kami. Okay na yun Sam.

�Are you sure?� nag-aalalang tanong niya.

Tumango nalang ako.


�Okay. If you say so.� pagkatapos he smiled at me.

A smile na hindi pilit. A smile na hindi tipid. A smile that melted my heart.

And then all of a sudden, I realized one thing.

One thing that I am sure of. One thing na sigurado na akong gagawin ko.

One thing that I know will make me happy.

That smile made me realized I should not give up.

That smile made me realized how long I've waited for him.

That smile made me realized how much I love him.

That smile made me realized how my life would not be complete without him.

Ugh, too much revelations! My head hurts!.

�Brye..� I called him.

�Hmm?� hininaan niya ulit ang TV at nilingon ako. �Yes?�

Tama. Wala na kong pakelam kung ano pa ang maging reaksyon niya, ito ang gusto ko.

�I want you back.�


YNO#21

BRYE'S POV

�I want you back.�

What the hell? NAGULAT AKO. PERIOD.

=====-----====

SAM'S POV

�I want you back.�

Kitang kita ko ang pagbabago sa ekspresyon ni Brye. Nagulat siya, and doon na niya
tuluyang pinatay ang TV.

�Sam, anong joke iyan? Di ba napag-usapan na natin ito.� matigas na pagkasabi niya.

�I know Brye, pero na-realized ko na I won't settle this arrangement. Hindi ako
kuntento na friendship nalang ang ending natin.�

This time, tila napuno na si Brye dahil nakikita ko na naiirita na siya sa mga
pinagsasasabi ko sakanya.

�Ilang beses ko pa ba dapat ulitin sayo na wala na tayo ha! Wala na, wala ka nang
aasahan sakin. I thought na nagkalinawan na tayo pero as I can see hindi pa pala.�

�Look Brye, hindi mo naman ako masisisi eh. Mahal lang talaga kita. I don't know
pero as of now, this is what I want to do.�

�Mahal? What do you know about love huh??? Kaya ba iniwan mo nalang ako basta basta
noon. Sam! Kinalimutan ko iyong mga kasalanan mo sakin. Lahat iyon! Para lang kahit
papano maging magkaibigan man lang tayo, pero sa ginagawa mo ngayon tinatapon mo
nalang iyong pagkakataong iyon.� sumisigaw na siya.

Tumayo na si Brye at naglakad na papasok ng kwarto niya. Sinundan ko naman siya.

�Brye, bakit kasi ayaw mo makinig sa explanation ko? Just hear me out. Just this
once.�

Pero hindi siya sumagot. Nang makarating na kami sa tapat ng kwarto niya tsaka niya
ko hinarap.

�I don't need your explanations dahil wala nang mababago. Second, no more chances.
Balik tayo sa dati. Amo mo ko at PA lang kita. Third, go to sleep.�

Pero bago siya makapasok ay nagsalita na ako.

�I will get you back, Brye.� puno ng determinasyon na sabi ko.

After what I've said he turne to me. I think I saw amusement in his eyes. Parang
lang naman. Ang nasa isip ko lang ngayon is to let Brye know na hindi ako nagbago.
Na ako parin si Sam na minahal niya dati.

�Well, good luck then.� sarkastikong sabi niya then he went inside his room.

Siya naman ngi-ngiti ngiting pumasok na rin sa kwarto niya and slept with
contentment. Now there's no turning back.
====------====

�Loka loka ka talaga! Mas lalo mo lang pinahirapan sarili mo! Ayyy. Dino kaw
kumausap diyan sa babaeng iyan! Nako.�

Okay, bunganga nanaman po iyon ni Weng. Nandito ako ngayon sa Bar cafe namin. Mga
7am ginising ako ni Brye at nakita kong may taxing naghihintay sakin.

Psh. Hindi manlang ako hinatid eh. Napaka gentleman. Pero okay lang, alam ko namang
pinahihirapan niya lang ako eh.

So back to present. Andito nga ko sa Twisted Hangout. Dito ko na tinapos yung


inventory at yung bagong menu for our Bar cafe. Nagulat nga din ako kasi pagdating
ko nandito din si Dino. At napag-alaman ko na sila ni Weng ang may pakana kung
bakit na stranded ako sa bahay ni Brye. Tatawag tawag pa alam naman pala kung
nasaan ako. Tsss.

Kinwento ko sakanila ang nangyari kagabi at ang naging desisyon ko. At iyon, todo
react ang mga pasimuno.

�I'll handle this.� sabi ni Dino sa mahinahong boses. Hinawi niya si Weng at umupo
naman sa tapat ko.

Nandito kami sa may private office namin. Buti nalang tumigila na si Weng, alam ko
si Dino maiintindihan ako ng bading na ito.

Humarap na siya sakin.

�Dino, alam ko na--�

�KALOKA KANG SAMANTHA KA! SAYANG ANG EFFORT NAMIN NI WENG. LALO NA AKO! JUSKO.
KALERKEYYY KA. NAALOG BA YANG UTAKNESS MO? HA? SUMAGOT KA. LALO MONG PUNAHIRAPAN
SARILI MO. PUTAKTE. PUPUTAKTEHIN TALAGA KITA. HANEP! WHOOO! BAHALA KA NA SA BUHAY
MO. BASTA AKO MANONOOD NALANG SA MGA GAGAWIN MO. WENG!!! IKAW NGA JAN SA KAIBIGAN
MONG LOKA LOKA. MAGSAMA KAYO! HAAAYYY! I NEED TO RELAX. MY WRINKLES. EEEWWW!�

Yan. Ganyan kahinahon si Brye ngayon. Ang sakit ng tenga ko. Si Weng, napanganga
nalang. Ang peg ni mama Dins ayun nagwalk out na.

�Si Dino ba talaga iyon?� tanong ko kay Weng.

Pero Weng just shrugged her shoulders.


�Sam, bahala ka na. Malaki ka na. Siguraduhin mo lang na maganda iyang plano mo.�

�I can handle it. Seat back and relax nalang kayo.�

�Psh. Okay. Bahala ka. Magtrabaho ka na!�


YNO#22

SAM'S POV

After nung pagbabalik misyon ko kay Brye 2 weeks ago, nagbalik narin siya sa dati
niyang trato sakin. Masungit nanaman siya sakin at hindi niya ako pinapansin.
Nakakainis na. Pero hindi na ako susuko ngayon. Go lang ng go.

Nandito nga pala kami sa Bukidnon. Kanina lang kami nakarating. 1 week din ata kami
dito? Ewan. May shooting kasi si Brye para sa movie niya. Malapit na kasi matapos,
kaya yung mga last scenes dito na daw gagawin.

Nakakatuwa nga kasi ang daming activities pala na pwedeng gawin dito. May mga
ziplines and other extreme sports. Gusto ko iyon i-try kaya lang marami pa akong
trabaho. Huhu. :(

�Iwan mo nalang ang mga gamit ko diyan then leave.�

Sinunod ko naman ang amo ko. Syempre hindi pwedeng suwayin, baka tuluyan na ako
mabasted. :D

�Okay, tawagin mo nalang ako pag may kailangan ka ha?� I said sweetly, pero he just
ignored me. Pinasakan niya lang ng earphone ang tenga niya.

Pumunta nalang ako sa kwarto ko. Pagkabukas ko ng pinto, nahulog ata mga panga ko.
Ang ganda nanaman ng kwarto ko. Kahit walang aircon, mahangin siya. Overviewing ang
mga bundok sa kwarto ko. Tapos halatang mamahaling kahoy ang mga materyales na
ginamit. Nakita naman niya ang mukhang malambot na kama sa isang sulok kaya agad
niya itong dinambahan ng higa.

�Woooow! Ang lambot! Hindi naman pala masama eh, akala ko puro tanim at bundok lang
ang makikita ko dito. Tila paraiso!� sabi niya sa sarili niya.

May narinig naman siyang tumawa sa may pinto kaya napatayo agad siya. Nakita niya
si Nate na nakatingin sakanya. Si Nate ay kasama sa staff . Production manager
siya. Ewan ko kung ano ginagawa nun.

�Mukhang masaya ka sa kwarto mo ah.� sabi niya.

�Ah, oo! Ang ganda. Grabe, hindi ba masyadong malaki at bongga itong kwarto na ito
para sakin? I mean PA lang naman ako oh.�
�Lahat ng staff at crew ay ganito rin ang mga kwarto. Yun nga lang, magkakasama
sila sa isang kwarto. Native style siya, mafi-feel mo talaga ang relaxation na
hinahanap ng katawan mo.�

�Hala, ganoon ba? Eh makisama nalang din kaya ako sa iba? Baka kasi sabihin pa na
pa-special ako.�

�Haha. You are really funny. Alam mo bang si Brye mismo ang pumili nitong kwarto
mo?�

Nagulat naman ako doon. At napangiti nalang ng bigla. Halllaaaa! Lumalantod nanaman
ako. Haba hair beybe!

�Weh? Totoo? Si Brye talaga?�

�Oo nga. Kulit. Pero secret lang na sinabi ko ha. Baka patayin ako nun. Ayaw niya
kasi ipasabi eh.�

�Sure. Secret's safe with me.�

Inilibot ko ulit ang tingin ko sa paligid ng kwarto. Pero nagsalita ullit si Nate.

�May itatanong ako Sam, kung pwede sana.�

Binalingan ko na siya. �Sure, ano iyon?�

�Anong meron sainyo ni Brye? I mean, PA ka lang ba talaga niya?�

Napakausisero naman nito. Sayang, gwapo pa naman. Haha! Pero si Brye lang ang
pinakagwapo. Walang kupas, aw!

�Hindi. Fan niya ko... ay mali! Number One fan niya ko!� pagmamalaki kong sabi
sakanya. Pilipino ata ito, taas noo!

�Weh, I think may mas malalim pa kayong pinagsamahan eh.�

�A-Anong ibig mong sabihin?� naman eh!Wala naman ako sa Showbiz central, ay mali.
HOT TV pala, tapos na pala ang showbiz central. Wala naman din ako sa The Buzz,
bakit ganito itomagtanong daig pa si Boy Abunda the shiny head. Tssssssss.

�Napapansin kasi naming mga staff na palagi kang nakatitig kay Brye pag hindi siya
nakatingin, tapos pag ikaw naman ang hindi nakatingin, para ka naman niya papatayin
sa mga titig niya. Take note, nakakunot pa ang noo niya ha. Tapos bigla bigla
nalang siya magagalit. Nakakatakot kaya, ngayon lang iyan. Mabait naman dati si
Brye eh.�
Naknang. Talagang gusto na ko patayin ng mokong na iyon ah. Pwes! Hindi siya
magtatagumpay. Hahaha.

�May past kayo no?..�

Nanlaki naman ang mga mata ko sa rebelasyon niyang iyan. �A-Ano, hindi ah!
Napakatsismoso mo talaga. Haha� dinaan ko nalang sa tawa, sana madaan siya.

�Joke lang! Ikaw oh. Pero bagay kayo. Matagal tagal ko narin kayo nakakasama sa
shooting and judging how you both treat each other parang matagal na kayong
magkakilala.�

Hear that! OWYEAH! Bagay daw tayo Brye. HAHAHA.

Tumawa naman ako sa sinabi niya, ang sarap naman kausap nitong si Nate, nakakatuwa.
Hindi mo alam kung straught o may pagka eh, kung makaintriga kasi wagas. Daig pa si
sweet lapus.

�Ehem� napatigil naman kami sa pagtawa ni Nate nang malingunan namin ang taong
umeksena sa eksena namin.

At ayun, ang hot topic. Nakasandal sa hamba ng pinto, nakakunot nanaman ang noo.
Haaay. Pero inpernes! Poging pogi parin ang mahal ko. <3

�Sige, alis na ko Sam, mukhang masama nanaman ang timpla ng boss mo. Goodluck!�

Umalis na si Nate kaya lumapit na ko kay Brye.

�May iuutos ka ba Brye?� tanong ko sakanya.

�Sam, sino boss mo?�

Nagtaka man ako sa tanong niya pero sinagot ko parin. �Ikaw, why did you asked?�

�Why are you flirting with one of the staff? Production manager pa.� naku po.
Sermon ang tanghalian ko ah. Yum yum yum!

�Ano bang pinagsasabi mo. Nag-uusap lang kami nuh.� depensa ko naman syempre.

�Anong nag-uusap, kung makangiti at makatawa ka parang wala nang bukas ah. Paano
nalang kung may makakita sainyo, edi mapapasama image ko. PA kita Sam, baka
nakakalimutan mo.Pero ibang lalaki inaatupag mo.�

Patay, nagalit nanaman siya. Dapat nga eh mabighani na siya sakin, pero pinalala ko
pa ngayon. Hayyyy. Buhayyyy.
�Hoy, grabe ka naman Brye, don't accuse me ha. Sabi ko nga na nag-uusap lang kami
walang masama doon. At----� Wait a minute kapeng mainit. That moment, I faced Brye,
I grin pop out on my face. �Nagseselos ka noh?�

Nanggilas naman ito. Parang natauhan sa mga pinagsasasabi niya kanina sakin. Parang
may biglang bumatok sakanya. Namumula na si Brye sa sobrang pagkainis siguro.

�Ako? Nagseselos? Ako na si Gabryell Seth Lee na isang international superstar na


sold out palagi ang concerts worlwide at hit ang mga movies at kanta. Ako
magseselos? Asa ka Sam. I'm just protecting my inage. That's all.�

�Eh bakit defensive ka. Wala namang masama kung aamin ka eh. Uuuy. Nagseselos.�
dinutdot dutdot ko ang tagiliran niya.

Umiiwas naman siya kasi alam ko na may kiliti siya dun.

�Tigilan mo ko Sam, hindi nga sabi ako nagseselos.�

�Hindi talaga?�

�Hindi.�

�Promise?�

�Oo.�

�Last chance, hindi ka talaga nagseselos?�

�I said no!�

Umayos na ko ng tayo, at tinigilan ko na ang pangungulit sakanya.

�Okay, sabi mo iyan ah.� then I walked passed him at lumingon sa kanang hallway.

Ayun nakita ko!

�NATE! TARA USAP PA TAYO, WALA NAMANG UUTOS ANG AMO KO EH.�

Tatakbo na sana ako papunta kay Nate na hindi ata ako narinig pero hinatak na ko ni
Brye papunta sa kwartong katapat ng akin.

�Stubborn woman!� he hissed and closed the door.


YNO#23
SAM'S POV

Napagalaman ko na kwarto pala ni Brye etong pinagdalhan ako. Ang sakit ng pagkahila
niya ah. I surveyed the room, ang ganda. Parang yung akin lang pero what caught my
attention is the guitar beside the sofa. Nakalagay ito sa stand niya, I don't know
pero simula nang una ko siyang marinig na tumugtog ng gitara, I fell inlove with
music most especially with guitars on it.

�Look Sam, I just want to clear this up, hindi ako nagseselos.�

Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya kasi nakatingin parin ako sa gitara. Ang
ganda, mukhang mamahalin.

Naalala ko tuloy, nasa kanya pa kaya yung iniregalo ko sakanya nung birthday niya?
Yung gitara? (Refer to YNO#2)

�Sam, nakikinig ka ba. Hindi nga sabi ako nagseselos.�

Iwinasiwas ko ang kamay ko na sinasabi wag ka maingay.

�Oo na, hindi na. Brye, sayo ba yun?� tumingin naman ako sakanya tapos tinuro ko
yung gitara.

�Oo, nasa kwarto ko nga di ba?�

Hindi ko ulit pinansin ang pambabara niya sakin. Nilapitan ko yung gitara tapos
hinaplos ko ito. Ang ganda talaga.

�Ito lang ba ang gitara mo?� tanong ko.

�Hindi, madami pa sa bahay. I think 15+ na ang mga gitara ko.�

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Hinahaplos ko parin ang gitara niya. Maya maya
naramdaman ko na ang pagtulo ng mga luha ko. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang
naturang instrumento. Hindi ko inakala na mapapaiyak ako sa kasiyahang nararamdaman
ko.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Brye sakin at nasa harapan ko na.


Pinunasan niya ang mga luha ko. Napakislot naman ako sa ginawa niya.

�Why are you crying,Sam?� halata sa boses nito ang pag-aalala.

�Wala. Masaya lang ako. Naalala ko kasi dati na hanggang tingin lang tayo sa mga
ganitong kamahal na instrumento. Kinakailangan pa talaga natin mag-ipon noon para
lang makabili kahit na second hand lang.�

Tila nagkaroon ng rewind button, naalala ko kasi dati na ang mga ganitong kaganda
at kamahal na instrumento ay hanggang tingin nalang. Pero ngayon, kahit 10 kaya
nang bilin ni Brye.

�I'm just very happy right now, happy for you.� tapos tumingin ako sakanya na
nakatingin lang din sa akin. Nginitian ko siya. Hindi pa rin siya sumasagot.
Pinahid ko na ang mga luha ko at umupo sa tabi ng gitara, kumbaga ka level ko lang
ang gitara.

�Could you play it Brye?�

�No. Lumabas ka na Sam, kakain na ata. Pakidalhan nalang ako dito sa kwarto.�

�Osige, pero mamaya tugtugan mo ko ha?�

�Hindi nga sabi! Lumabas ka na at nagugutom na ko!�

Hinaklit niya ulit ako sa braso at hinila palabas ng kwarto niya. Hihirit pa sana
ako pero bigla nalang niya binagsak yung pinto.

Nagulat ako sa mga akto niya. This time, he acted a bit harsh. Nalungkot ako sa
ginawa niya. Ano bang masama sa pagtugtog para sakin?

Pumunta nalang ako sa kusina at kumain na.


YNO#24

Pagkatapos kong kumain, inihanda ko na ang pagkain na dadalin ko kay Brye. Pero
nakalimutan ko na hindi pala siya kumakain nitong ulam na ito. Kare-kare kasi ang
naluto eh. Eh nakalimutan ko na ayaw pala ni Brye noon kasi ayaw niya daw nung
tuwalya ba yun, wala daw siyang nakakain.

Kaya pumunta ako sa may kitchen tapos tinanong yung chef doon kung walang ibang
ulam. Eh wala na daw, kaya nagtanong ako kung pwedeng ako nalang ang magluto
pumayag naman ito kasi para naman kay Brye eh. Haha.

So, inihanda ko na ang ingredients. Naku, matutuwa neto si Brye kasi paborito niya
itong niluto ko. Chicken curry na medyo maanghang. Ako lang ang nakakakuha ng
timpla na gusto niya kaya dati palagi siyang nagpapaluto sakin nito.

After kong makaluto, inihanda ko na ito at nilagay sa tray, pumunta na ko sa kwarto


niya.

*tok tok *

�Pasok� narinig kong sigaw niya.

�Eto na ang pagkain mo.�

�Finally! Gutom na gutom na ko.!� hawak niya pala yung gitara niya. Nilapag niya
iyon sa stand nito at umupo na sa sofa. Nilapag ko naman sa center table yung
pagkain niya.

�Pasensya ka na kung natagalan, Kare-kare kasi yung ulam, eh alam kong ayaw mo nun
kaya nagluto muna ko ng paborito mo.�

Binuksan ko na ang lid ng mangkok, at nagsilabasan ang mga usok na galing sa bagong
luto na chicken curry.

Namilog naman ang mga mata ni Brye, agad siyang kumuha ng ulam at inilagay sa kanin
niya.
Hallaa.. ang takaw, parang hindi nakakain n samung araw.

�Masarap ba?� tanong ko sakanya.

�Pwede na.� sagot niya.

Hinintay ko nalang siyang matapos. Kung gaano siya kabilis sumubo ganoon in kabilis
niyang naubos. Simot na simot. Parang dinilaan ng pusa.

�Sarap!� bigla niyang sinabi.

�Uyy. Nasarapan.. sabi mo iyan ha! Kuha ko parin pala ang timpla.�

�Pasalamat ka gutom ako.� palusot niya at kinuha na ulit ang gitara niya.

�Tutugtugan mo na ba ako?� tanong ko. Binaba ko muna ang mga pinagkainan niya tapos
umupo sa tabi niya.

�Hoy, Alis na. Iligpit mo na iyan, hinding hindi kita tutugtuan noh!�

�Napakadamot mo talaga! Nasarapan ka naman sa luto ko eh! Sige na, bayad mo na sa


masarap kong curry!�

�Sineswelduhan kita. Alis na. May press conference pa ko!�

�Isang kanta lang naman eh! Dali na Brye!� pinipilit ko talaga siya. Kumapit pa nga
ko sa braso niya at niyuyugyog iyon, pero mukhang napasobra ata ako sa yugyog kasi
nabitawan niya yung gitara at bumagsak sa sahig.

Naku!!! nagkagasgas ata!

�F*ck! Sam! Tignan mo ngayon! BAKIT KASI ANG KULIT MO! HINDI KA MAKAINTINDI. TIGNAN
MO NGAYON ANG NANGYARI! UMALIS KA NA NGA! PA LANG KITA HA, KAYA SUMUNOD KA. KAHIT
KAILAN HINDI KITA TUTUGTUGAN. OKAY!!�

Ang lakas ng sigaw niya. Palpak nanaman ako. Ano ba yan! Nakakainis. Kasalanan ko
naman kasi talaga eh.

Pinulot niya yung gitara at chineck ata kung may sira. Tapos tinignan niya ko ng
masama.

�Ano pang tinatayo-tayo mo jan? Alis!�

Niligpit ko na ang mga pinagkainan niya. Tsaka nagmadaling umalis. Hindi ako iiyak!
Hindi gitara ang sisira sa gusto kong mangyari.
===-----===

3PM na, naayos ko na ang damit na susuotin ni Brye sa press conference. Nandito ako
sa labas ng kwarto niya, kasama ko si Dino na busy sa kakatingin sa salamin.

Maya maya lumabas na si Dino at pumunta na kami kung saan gaganapin ang press
conference niya.

Nandoon kami ni Dino sa gilid. Si Brye naman, umupo na sa tabi ng ibang cast ng
movie. Maya maya nagsimula na ang conference.

Puro tungkol sa movie naman ang tinanatanong kesyo ano ang aasahan ng mga
manonood,nahirapan bang gawin ang movie,mga ganoong kaeklabuhan.

Brye was sitting at the middle of the table,masaya siyang nakikitawa sa iba pang
casts and reporters dahil nagjoke ang isa sa mga ito. Madami ding mga fans ng mga
casts ang pumunta dito lalong lalo na si Brye.

�Sam, excuse me. I need to pee.� paalam ni Dino.

�Okay.� sagot ko dito.

�Mr. Brye, you're 25 years old already may girlfriend o nililigawan na po ba kayo
ngayon?� ayos tong reporter na bading na ito ah. Biglang nang-intriga. Pero syempre
na curious ako sa sasabihin ni Brye.

�Hmm. Wala eh, pero I'm open for those who want to apply.� tapos sinabayan niya ito
ng tawa.

Nagtilian naman ang mga fans niya,ang sakit sa tenga kasi nasa likod ko lang sila.

�Pero Mr. Brye, ano itong tsismis na nasagap namin na mayroon ka lamang daw na
hinihintay na someone.�

That made the room silent. As if, everyone is anticipating his answer. Luminga
linga naman si Brye na para bang may hinahanap. Kumunot ang noo niya sa direksyon
ko, hinahanap niya siguro si Dino. Kaya pala nagCR ang baklita, siya siguro yung
nagsabi ng tsismis na iyon.

Pero nang sumagot na si Brye, he answered with a smile.

�Past is past. Kung sino o ano man ang naiwan ko dito, hindi ko na iyon babalikan.
Wala na iyong puwang sa puso o buhay ko ngayon. I'm happy of what I am now. At
tsaka hindi naman ako nagmamadali eh, i'm still young. Tsaka nandiyan naman ang mga
fans ko.� even though na nakangiti siya, I can sense the bitterness in his voice.

Nagtilian nanaman ang mga fans niya. Lumabas nalang ako ng conference, nakita ko
naman si Dino na papasok na sa loob.

�Oh, Sam, saan ka pupunta?�

�Magpapahangin lang. Lagot ka kay Brye, hinahanap ka ata.�


�Hayaan mo siya. Haha. O sige, bumalik ka din kagad. Ingat.�

Tumango nalang ako at naglakad na ko.

Nakita ko naman si Nate na kalalabas ng CR. Nakita niya ko kaya nilapitan niya ko.

�Oh, tapos na ba ang conference?� tanong niya.

�Hindi pa, ang ingay sa loob eh. Magpapahangin lang ako.�

�May problema ka eh. Si Brye nanaman ba?�

Tinignan ko lang siya, nagtataka ako, may alam kaya itong mokong na ito?
�Si Brye nga. Mapagkakatiwalaan mo ko Sam. Alam ko naman na may kakaiba sainyo ni
Brye eh.�

Tahimik lang ako. Nag-uusap kami habang naglalakad. Hindi ko alam kung saan kami
pupunta, sinasabayan ko nalang kasi siya.

Maya maya, nandito kami sa isang mini park, umupo ako sa swing. Umupo naman din
siya sa tabing swing.

�Nakakagaan ng loob ang magkwento. You can trust me. Since alam ko naman talaga.�

�What do you mean?�

�Na mag ex kayo ni Brye? Hehe. Nung una hindi ako naniwala kay Dino. Nadulas kasi
siya sakin one time nang pag-usapan namin kayo. Pero judging sa mga kilos niyong
dalawa, naniwala na ako. But don't worry, wala akong sasabihan. May konsensya naman
ako nuh.�

Huminga muna ako ng malalim bago ako magkwento sakanya. Tutal, tama naman siya na
nakakagaan ng loob ang magkwento.

Nang matapos kong ikwento sakanya ang lahat lahat. Natawa lang siya.

�Bakit ka tumatawa? Emo na nga ako dito tapos may gana ka pang tumawa.� inis na
sabi ko.

�Eh kasi nakakatawa kayo! Haha. Alam mo Sam, lalaki ako. At sinasabi ko sayo
konting lambing nalang ang kailangan mo para diyan kay Brye.�

�Anong ibig mong sabihin?� tanong ko sakanya.

�Basta, ako bahala. Oh, tara na! Gabi na oh. Haba ng lovestory niyo eh. Smile ka
na.�

Automatic naman akong napangiti sakanya, sayang kung hindi ko lang mahal si Brye at
kung hindi lang engaged itong si Nate, pinatulan ko na ito eh.

�Gutom na ko. Libre mo muna ako ice cream.� sabi niya.


Tapos hinatak ako sa nagtitinda non.

Bumalik kami sa hotel nang tumatawa.


YNO#25
BRYE'S POV

�Hindi nga ako ang nagsabi sa press tungkol sa nakaraan mo. Kulit!�

Katatapos lang ng presscon namin. Sinesermunan ko si Dino dahil alam ko namang siya
lang ang magsasabi ng mga balita tungkol sa nakaraan ko. Nagulat ako sa naging
tanong ng reporter kanina buti nalang nakabawi na ako. Nasabi ko ang mga iyon dahil
iyon ang gusto kong mangyari.

�Bahala ka na nga. Asan na ba ang PA ko?� tanong ko kay Dino.

�Sabi niya magpapahangin lang daw siya saglit eh. Oo nga nu, asan na kaya iyon?
Kanina pa iyon lumabas eh.�

Asan nanaman kaya iyong babaeng iyon? Hanapin ko kaya? The last time na umalis iyon
nawala pa siya. Hinanap pa tuloy siya. Gabi na oh, asan na kaya iyon?

�Tsk. Hanapin na nga natin siya Dino.� sabi ko kay Dino.

�Uuy. Bakit? Concerned ka nuh? Heheheheh..� tukso pa sige!

Tinignan ko naman siya ng masama.

�Eto naman hindi na mabiro. Tara na nga hanapin na natin siya.� aya niya sakin.

Hindi pa kami nakakalayo sa paglalakad, nakita ko na siya.

Naningkit ang mga mata ko. Bale-wala lang naman pala ang gagawin naming paghahanap
sakanya eh. Mukhang nahanap na siya ng ibang tao.

�Ayan na pala si Sam eh. Teka. SAM!� tinawag ni Dino.

Lumingon naman siya tapos kumaway, lalong naningkit ang mga mata ko ng makiita kong
niyakap niya ang kasama niya.

Patay ka sakin!!

===----===

NATE'S POV

�So sa isang araw na birthday mo? Wow. Advanced!� bati ko kay Sam. Pabalik na kami
sa hotel.

�Yup, huwag mo nalang ipagsabi, wala akong panghanda. Haha.�

�Sus, kuripot. Haha.� tumawa naman din siya. Nang nasa lobby na kami ng hotel,
nakita ko kaagad si Brye na nakatingin samin. Ang sama nga ng tingin eh. Kaya may
naisip ako!!
===----===

SAM'S POV

�SAM!� narinig kong may tumawag sakin. Nilingon ko naman kung sino iyon. Nakita ko
si Dino kasama si Brye. Ano nanaman kaya problema nung lalaking iyon? Nakakunot
nanaman kasi iyong noo niya eh!

Kinawayan ko nalang muna sila, tapos nagpaalam na kay Nate,

�Sige ah. Nakabusangot nanaman kasi amo ko eh. Salamat sa pagsama sakin. Secret
lang natin iiyong mga kinwento ko sayo ha. Bbye!�
�Babye din!� tapos niyakap nalang ako bigla ni Nate. Naisip ko na baka sanay lang
siya na kapag nag babye eh yumayakap kaya yumakap nalang din ako. Wala namang
malisya eh. Alam ko naman na may fianc� na siya tapos alam niya naman kung sino ang
mahal ko.

Tapos may binulong pa siya saakin.

�Goodluck sayo Sam.� tapos impit pa siyang tumawa.

Nang bitawan niya ko, nagtataka ako kung bakit siya nag-goodluck sakin.

�Ano? Bakit?� tanong ko sakanya.

Tumingin muna siya sa gawi nila Brye, tapos sakin.

�Wala. Sige na, mukhang mainit nanaman ang timpla ni Brye. Advance happy birthday
ulit� kumaway na siya sakin at umalis na. Lumapit naman ako kela Brye.

�San ka ba nagsususuot girl?� tanong sakin ni Dino.

�Diyan diyan lang.� nginitian ko nalang siya pati si Brye pero dedma ang beauty ko
sakanya.

�Ah. Sino yung papa hunkable na kasama mo? Di ba siya yung production manager?
Close kayo te?�

Ang dami namang tanong nitong baklitang ito. Halatang type si Nate. Haha.

�Nate ang pangalan, oo siya nga yung P.M. Pwede naring tawagin na close kami, at
wag mo na subukang patulan iyon Dino. Any more questions?�

�Oo, bakit kayo ba? Ba't binabakuran mo na ata iyong papa hunk na iyon?�

Eh kasi nga ikakasal na yung tao. Jusmiyo, alam naman niyang sino ang gusto kong
bakuran pero hindi ko naman kasi magawa di ba.

�Hoy, hin--�

�Umalis na nga tayo, nagugutom na ko. Puro tsismisan! Nakakainis!� bigla namang
singit ni Brye. Anong problema nang lalaking iyon? Walk out ang peg. Tinignan ko
naman si Dino, pero nagkibit baikat lang tsaka ngumisi tapos sumunod na kay Brye.
Ako? Eh ano pa ba, edi sumunod narin ako sakanila. Nagpunta na kami sa may
restaurant dito. Reserved ang buong restaurant na ito sa amin ngayong oras kasi
marami-rami naman din kami.

Katapat ko si Brye, napansin ko na ang tahimik lang niya tapos pag kakausapin naman
siya puro tango at iling lang. Nakakunot din ang noo. Mukhang badtrip nanaman.
Haaayy.

Nang matapos na kami kumain, nagsibalikan na ang lahat sa kanilang mga kwarto.

Pagtayo ko ng upuan, binati naman ako ni Nate. Nasa kabilang table lang siya.

�Kamusta?� tanong niya.

�Parang kakakita lang natin kanina. Miss mo na ko?� biro ko naman sa kanya.

Tumawa naman siya sa joke ko. Tapos ginulo niya ang buhok ko.

Nagkwentuhan lang kami saglit tapos biglang may humawak sa pulso ko.

�Sorry pare, pero kailangan ko na ang PA ko.�

Ang higpit ng hawak niya sa pulso ko. Nasasaktan na ko, pilit ko naman inaalis yung
pagkakahawak niya. Pero lalo niya lang hinigpitan.

�Pare, nasasaktan na si Sam sa ginagawa mo. At tsaka nagkekwentuhan lang kami


hanggang ngayon parin ba pinagtatrabaho mo pa siya?�

Tinignan ko si Brye, nagbabaga na ang mga mata niya. I can feel his tension pero si
Nate, parang cool lang. Parang wala lang sa kanya na anytime patayin siya ni Brye.

�Wala ka nang pakelam doon. Ako ang amo niya kaya ako parin ang may desisyon.�
mariing sabi niya. Mahina lang ang pagpapalitan nila ng linya para di halatang may
something na.

Sasagot pa sana si Nate pero inunahan ko na siya.

�A-ah, ano sige Nate! Una na kami.. Pasensiya ka na ha.�


�Bakit ka humihinga ng pasensya???!!!!� galit na sabi sakin ni Brye.

�Tssk. Tama na Brye, sige Nate. Pasensya na ulit. Salam---�

hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla na akong hinatak nitong si Brye.

�A-Ano ba Brye! Nasasaktan ako! Dahan dahan lang naman!�

Pero hindi niya ko pinansin. Ang sakit na talaga ng hawak niya, dinala nanaman niya
ko sa kwarto niya at binaibag sa may sofa doon. Hinimas ko naman yung pulso ko.
Grabe namumula na. Nainis na ko.
�ANO BANG PROBLEMA MO??? FLIRTING AGAIN WITH THAT PRODUCTION MANAGER. DI BA SABI KO
HUWAG KANG GAGAWA NA IKAPAPAHIYA KO RIN!!!�

�What are you talking about Brye? Magkaibigan lang kami ni Nate.�

�Magkaibigan? Ganoon na pala ang magkaibigan!? Kung makangiti parang end of the
world na! Tapos may payakap yakap pa, tapos bulong bulungan! Lecheng pagkakaibigan
iyan! And don't you dare think na nagseselos ako! Dahil hindi. Naiinis ako kasi
sinabihan na kita na tungkol diyan pero hindi ka nakikinig! Wag kang malandi Sam!
Tsaka ka na lumandi kapag tapos na ang kontrata mo sakin!�

*Pak *

Naluluha na ako sa mga sinabi niya. Sinampal ko na siya. I think he deserves that
slap judging the way he talked to me. Hindi porket mahal ko siya and announced to
him that I want him back, doesn't mean na dapat niya na akong bastusin at husgahan.

�Ganyan na pala tingin mo sakin Brye? Uulitin ko. Magkaibigan lang kami ni Nate.
Bahala ka na kung maniniwala ka o hindi.�

Pinipigilan ko ang mga luha kong pabagsak na. Pinipilit ko ding maging mahinahon
ang boses ko.

�Matulog ka na Brye, maaga pa shoot mo bukas. Ako nalang magdedeliver ng breakfast


mo bukas. Goodnight.�

I managed to be still. Nang makalayo na ako sakanya tsaka ko lang inilabas ang mga
luha kong kanina pang gustong umeksena.
YNO#26

SAM'S POV

Napadpad ako sa park na napuntahan namin ni Nate kanina. Ewan ko, pero ang tahimik
talaga dito sa lugar na ito. Nakakarelax. Nagsiswing lang ako dito. Tumingala ako
sa langit. Konti lang ang mga bituin. Tapos medyo hindi malinaw ang langit.

Tumayo na ako at plano ko nang umuwi until I saw someone running. Nang makalapit
siya sa akin, namukhaan ko na siya and he was Brye. Dala dala niya ang gitara niya.
Hingal na hingal siyang lumapit sa kin.

�Anong ginagawa mo dito Brye?� tanong ko sakanya. Nagtataka kasi ako.

�Pwede .. ba.. umupo muna... tayo..?� hingal na hingal na sagot niya.

Umupo naman kami sa isang bench doon. Hinintay ko nalang siya magsalita. Hindi
parin kasi ako ayos sa nangyari kanina.

�First of all, I'm sorry Sam.�

Hindi ako nagsasalita. Diretso lang ang tingin ko. I just let him speak.
�Alam ko mali ang mga salitang nabitawan ko. Maling-mali. Hindi ko iyon intensyon.
Can you at least look at me?�

Hindi ko sinunod ang gusto niyang mangyari. Bahala siya sa buhay niya.

Maya maya narinig ko nalang ang pag-strum niya ng gitara niya. Nagsimula na siyang
kumanta.
==========-------====

(Play the vid to feel the mood!) ?

======-------======

There are times when I just want to look at your face


With the stars in the night
There are times when I just want to feel your embrace
In the cold night

Napatangin ako kaagad sakanya. Nakatingala siya sa kalangitan. He's playing my


favorite song. Palagi ko iyon kinakanta dati. Palagi ko din iyon nirerequest
sakanya dati na kantahin niya para sakin. We were so inlove back then. Bigla naman
siya humarap sakin at tinignan ako ng direstso sa mata. I am sure I saw longing in
his eyes.

I just can't believe that you are mine now


You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with anything in this world
You're all I need to be here with forevermore

I don't know pero ang saya saya ko ngayon. He is singing for me once again. God
knows how I missed his voice, his face,his touch,his kiss. Him. Sobrang laki ng
tiniis ko para lang makita ko ulit siya.

All those years, I've longed to hold you in my arms


I've been dreaming of you
Every night, I've been watching all the stars that fall down
Wishing you would be mine

I just can't believe that you are mine now


You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with anything in this world
You're all I need to be here with forevermore

Nagsimula nanaman ang pagtulo ng mga luha ko, pero this time hindi dahil sa
nasasaktan ako kundi dahil sa nangyayari. I love him so much. I cupped his face at
hindi naman siya tumanggi sa paghaplos ko sa mukha niya. Ngumiti siya sakin. That
smile, I don't think that I could live without that smile of his. Nginitian ko din
siya.

Time and again


There are these changes that we cannot end
As sure as time keeps going on and on
My love for you will be forevermore
Wishing you would be mine

I just can't believe that you are mine now


You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with anything in this world
As endless as forever
Our love will stay together
You're all I need to be here with forever more
(As endless as forever
Our love will stay together)
You're all I need
To be here with forevermore...

Matapos niyang kumanta. We just stared at each other. Hindi namin alam kung sino
ang magsasalita o sino ang unang babasag sa katahimikan. Nilagay niya ang gitara
niya sa gilid ng bench at bigla nalang akong kinabig at niyakap ng mahigpit.

Nagulat ako siyempre pero agad ko naman din siyang niyakap. I'm so happy right now,
ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito na mayakap ulit siya. I want us to
stay like this forever. Kung pwede ko lang itigil ang oras ititigil ko para lang
tumagal ang pagkakatong ito.

�I'm sorry Sam. I'm sorry dahil nasaktan nanaman kita. Hindi ko iyon sinasadya. I
was just pissed off when I saw you with that Nate.�

Kumalas naman siya sa yakap at pinahid ang mga luha ko. Hinalikan niya ko sa noo.

�Akala ko nabura na kita sa isip at puso ko pero iba talaga ang powers mo eh. Hindi
ka pala nawala, nagpahinga ka lang. Nang makita kita ulit galit na galit ako sayo,
pero a part of me was happy that I saw you again. Tapos ikaw pa nanalo sa contest
at ngayon PA pa kita. Pilit kong itinatanggi ang mga nararamdaman ko sayo. Pilit
kong tinataboy ang pagmamahal ko sayo pero wala eh. Kahit anong gawin kong
pagsusungit at pag iwas sayo, sa bandang huli ikaw parin ang hinahanap ko..�

�Brye..�

�Seeing you cry awhile ago hurt me. Seeing you run away from me made me realized na
hindi ko na hahayaang mangyari ulit iyon. Inaamin ko nagselos nga ako kasi I was
intimidated by Nate. He also makes you laugh and smile.�

�Ano ka ba. Engaged na yun noh. Tsaka ikaw lang ang mahal ko. Magpapakahirap ba
kong magtiis ang ugali mo kung hindi kita mahal?�

Natawa naman ito at napailing.

�I didn't know.�

�So.. ano na mangyayari sa atin?�


�I have to be honest to you Sam. I want to take things slow. You know, masakit
parin kasi ang nangyari 4 years ago..�

Nakita ko nanaman ang sakit sa mga mata niya.

�Brye, sa nagngyari dati kasi..�


But he placed his finger on my lips to stop me from talking.

�Sssh. Let's forget it. Let's forget all the bad things happened in the past. Let's
make new ones. Happy ones. Right now, let's just be like this. Babalik din tayo sa
dati. Maghintay lang tayo.. okay?�

Tumango nalang ako at ngumiti sakanya. �Okay.�

Ngumiti din siya at unti unting lumalapit ang mukha niya sakin. Is he gonna kiss
me?

Ayan na malapit na. I closed my eyes the moment our lips touched. It's not just a
peck on the lips, it's a romantic kiss. I cling on to his neck as he pulled me
closer to him.

I can feel the love and longing saming dalawa. We missed each other theres no doubt
to that. Suddenly, he then broke the kiss.

Hinahabol naming pareho ang aming hininga. �I missed your kiss Brye.� amin ko
sakanya.

�I didn't cause it's your second kiss to me.� he then brush his fingers on my lips.
Magsasalita pa sana ko kung bakit naging pangalawang halik ko iyon sakanya. Pero
inangkin nanaman niya ang labi ko. Were kissing as if we own the park.

Pero maya maya nagsimula nang pumatak ang ulan. Napaigtad kaming dalawa at natawa.

�Oh no! Brye ang gitara mo!� sabi ko at pupuntahan sana ang gitara niya para
isilong pero hinatak ako ni Brye at tumakbo.

�Huy, yung gitara mo! Masisira iyon!� sigaw ko sakanya.

�Hayaan mo na iyon, mas importante ka sakin! Baka magkasakit ka pa. Let's go.�

We were running in the rain like we were a bunch of teenagers. Wala na kong ibang
iisipin basta ngayon, binuksan na ulit ni Brye ang puso niya para sakin and I won't
missed this chance.
YNO#27

BRYE'S POV

�Sino nga yung isa pang na-link sayo? Yung Kristine Yoon? Yung Korean na model?�
Pagkatapos namin maligo sa ulan nito ni Sam eto siya tumambay sa kwarto ko matapos
niyang maligo. Kanina pa siya kulit ng kulit sakin tungkol sa mga babaeng naugnay
sakin. Natatawa na lang ako kasi halatang naiinis naman siya.

Masaya na ako dahil naibabalik na namin ang dati. Inaamin ko na I still care for
her. Sa love naman, medyo mahirap pa at magulo basta alam ko na gusto ko siyang
makasama ulit. Hindi ko na muna iniisip yun.

�Huuuyy! Brye! Di ka na nakasagot diyan. Siguro naging kayo nuh? Tskk.. nakakainis
naman ito eh.�

Ang cute niya talaga. Nakapout pa siya tapos crossed arms. Hinilamos ko nga yung
kamay ko sa mukha niya..

�Wag ka nga bumusangot. Ang cute mo masyado eh. Walang namagitan samin ni Kristine,
tinulungan ko lang siya nun kasi natagusan siya sa damit eh good citizen ako kaya
tinulungan ko. She would rather have a scandal with any artist than to have an
issue having a blood stain on her dress. Kaya wag ka na magtampo diyan okay?�

�Talaga? Wala talaga ha?� paniniyak niya.

�Opo wala po talaga.. kaya wag ka nang magdrama diyan.� inakbayan ko siya at hinila
palapit sakin.

I missed hugging her, kinukulit pa nga rin niya ko kung bakit naging second kiss na
daw niya iyon sakin. Hindi ko nga sinagot, she's half asleep when she did that
kiss. Iyon yung inalagaan ko siya ung nagkasakit siya.

�Pero Brye., wala ka bang ibang naging girlfriend? Just asking.�

Hinarap ko siya sakin. �Sam, di ba sabi ko sayo leave the past alone. Focus on the
present. Okay?� then I kissed her on her forehead.

She just smiled and nod. Nakatulog siya in my arms siguro dahil sa pagod. I carried
her inside my room and tucked her into bed.

�I missed you so much.�

Then I gave her a peck on the lips.

===----====

SAM'S POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Nakatulog pala ako.

Nandito din ako sa kwarto ni Brye.. Magkatabi kaya kami natulog? Iniisip ko palang
yun kinikilig na ko. Napansin ko naman ang breakfast sa bedside table. Napangiti
naman ako sa kaisipang si Brye ang nag-iwan nito sakin.

Napansin ko naman din ang note na kasama ng breakfast. Binasa ko ito.

Goodmorning beautiful, eat your breakfast. :)


�Beautiful daw. Okay ako na mahaba hair.� sabi ko sa sarili ko. Kinikilig na talaga
ako.

Kumain na ako then went to my room para maligo at magbihis. Kahit na okay na kami
ni Brye PA niya parin ako. And mas gusto ko pa siyang alagaan at asikasuhin lalo na
okay na kami.

Pagkatapos kong maligo, I went to the shooting site. There I saw Brye shooting a
scene with his co-actor.

Pumunta ako sa tent niya tapos binati naman ang ibang staffs at si Dino.

�Bakla! Late ka.. naku. Baka maputukan ka nanaman niyan ni Brye.� bungad sakin ni
Dino.

Nginitian ko nalang siya at inasikaso ang mga gagamiitin ni Brye para sa next
scene.

�CUT! Good Job. Be ready for the next scene.� narinig kong sigaw ng director.

Nakita ko nang papalapit si Brye samin.

�Goodmorning!� bati ko sakanya.

�Goodmorning din, nakatulog ka ba ng maayos?� tanong niya.

�Yes.. ah. Eto pala ang damit mo next scene. Bihis na.� tapos tinulak ko siya para
magbihis.

Natawa nalang siya. When I got back at the tent napansin kong kakaiba ang tingin ni
Dino. Inikutan niya pa ako na para akong isang preso na ini- interrogate.

�Hindi ka tinarayan ni Brye.. he even smiled at you.. ni-rape mo siya noh!!!� akusa
sakin ni Dino. Binatukan ko nga, kung anu-ano kasi ang iniisip eh.

�Napakaloka-loka mo talaga. Bawal magbati?�

�Aray a-a-arayy!! Aray ko. Kaloka, hindi mabiro? Kelan pa kayo okay ha?�

�Hmm. Secret!.... Aray!� sinabunutan ba naman ako. Ang sakit nun ha.

�Secret ka pa diyan! Spill bitch!� sabi ni Dino.

�Kagabi lang, hindi pwedeng magpasuspense. Nanabunot kagad? Tsk.�

�Waaaaaaahhhh!!! I'm so happy for both of you!� tapos niyakap niya pa ako.
�Anong meron?� sabi ni Brye, kakalabas lang pala nito at tapos na magbihis. Bigla
naman siyang dinambahan ni Dino ng yakap.

�Ikaw, okay na pala kayo di ka manlang nagkekwento. You silly brat! Ang sneaky mo.
Nilihim mo pa sakin.� dakdak ni Dino. Tinignan naman ako ni Brye confirming kung
sinabi ko nga.

I shrugged my shoulders and touched my hair. �Sinabunutan ako eh. I have to say it
bago pa malagas ang buhok ko.� sumbong ko.

Kumalas naman si Brye kay Dino. �Sinabunutan mo si Sam, ikaw talaga Dino.� then he
came to me at hinaplos ang ulo ko. �Okay ka lang ba? Masakit ba?�

Ghadddd!! Take me now! Sobrang kinikilig na ako dito.

�OA ka! Hindi naman nakakamatay ang sabunot tsaka mahina lang iyon. Haayy. Pero i'm
happy talaga!� sabi ni Dino.

�I'm okay Brye,hindi naman masyadong masakit.� Inayos ko ang collar ng suot niyang
polo shirt. �Sige na, take niyo na. Goodluck!� I kissed him on the cheeks.

�Okay.. bukas alis tayo ha. Day-off bukas eh.�

�Okay? San tayo pupunta?� tanong ko.

�Basta.� then he also gave me a quick kiss. Walang nakakita nun kundi si Dino lang
kasi closed tent naman ito. Nang makalabas na si Brye sa tent nagkatinginan kami ni
Dino and at the count of three sabay kaming nagtititili at nagtatatalon.

I have a date with Brye tomorrow!


YNO#28

SAM'S POV

�Brye saan mo ba ko dadalhin? It's 6am in the morning. Inaantok pa ko.�

Paano naman kasi, madaling araw na ako nakatulog kagabi kasi nga iniisip ko kung
anong mangyayari sa date namin ni Brye, eeh hindi ko namang inakala na ganito kaaga
niya ako gigisingin. Basta pinagsuot niya lang ako kung saan ako komportable kaya
naka loose shirt at leggings lang ako then a pair of my favorite sneakers.

Siya naka white shirt na hapit na hapit sa katawan niya. So hot. Kitang kita yung
mga perfect muscles niya. Tapos nakacasual cargo short lang siya and sneakers too.
Kahit siguro anong isuot ng lalaking ito bagay rito. Nakashades din siya and
bonnet.

�You'll see. Umidlip ka muna kung gusto mo gigisingin nalang kita when we get
there.�

Sinunod ko naman ang sinabi niya kasi inaantok pa talaga ako. Then he started the
car and drove off.

===----===
�Sam, wake up. Nandito na tayo.�

�Hmmm..asdfghjkl... hmm� I murmered. Tinatapik tapik niya pa kasi ako. �Hmm..


inaantok pa ko. 5 minutes..�
�Ayaw mo magising ha.� narinig kong sabi niya.

Maya maya narinig ko na binuksan niya ang pintuan sa car passenger seat at
naramdaman ko nalang na binuhat niya ko naparang sako ng bigas.

�Ahhh! Brye! Put me down nahihilo ako! Aray! Bakit mo ko pinalo?!!!� sita ko
sakanya.

�Bad girl. Dapat sayo pinapalo kasi hindi ka sumusunod eh.� again he slapped my
butt.

Natawa na ako sa ginagawa niya. Yung mga ibang tao, tinitignan na kami at natatawa
na sa ginagawa namin.

�Hahaha. Okay, gising na ko. Put me down, I swear nahihilo na talaga ako.�

Binaba naman na niya ako. �Whooo! I think I need water.� sabi ko.

Inayos naman ni Brye ang hibla ng buhok ko na tumatabing sa mukha ko. Nakatingin
lang ako sakanya. I can't see his eyes kasi naka shades siya but I perfectly know
na nakatingin siya sakin.

�I don't think water is what you needed.�

�Huh?�

�Kasi ito ang kailangan mo.� then he gave me a quick peck on the lips tapos
naglakas na siya. Naestatwa naman ako sa kinatatayuan ko. Eh nakakainis naman eh,
hindi ako ready. Nagulat ako. Tama nga siya, kiss lang niya nawala hilo ko. Okay,
Landi.

Agad naman ako sumunod sa kanya at kumapit sa braso niya.

�Nasaan nga pala tayo?� tanong ko sakanya.

�Dahilayan.� simpleng sagot niya.

�Dahilayan? As in? Oh my God! Excited na ko!�

�Let's eat first, alam ko na magiging hyper ka.�

Dahilayan Asventure Park is one of the main attractions of Bukidnon. Dito kasi
madaming mga activities. Eh mahilig pa naman kami ni Brye sa mga extreme rides or
activities. Dati nga ni-rape namin ang space shuttle ng EK eh.
Pumunta muna kami sa Dahilayan Forest Park at kumain sa Forest Cafe nila. Light
meal lang ang kinain namin kasi baka mamaya magkanda suka suka kami. Nagpahinga
muna kami ng almost 30 minutes before we start the day.

�Where do you want to go?� tanong sakin ni Brye.

�Hmm.. I want to go Bungee Bounce, tapos yung ATV and Buggy Trail.. oh and zipline
of course and mag treetop aadventure tayo and zorbit! Basta lahat!� excited na sabi
ko.

Natawa naman si Brye sa sobrang halata ang excitement ko.

�Don't worry, we have the whole day. Lahat iyan masasakyan natin. Hmm? Mag buggy
trail muna tayo. Let's go?� then he let out his hand.

Inabot ko naman ito. He clasped our fingers and walked head towards the buggy
trail.

ATV and Buggy Trail ang una naming ginawa, ito yung sasakay ka sa 4-wheeled motor
na may special wheels para sa mga malulubak na lupa. It's very awesome kasi
kailangan maingat ka din at the same time.

Next na ginawa namin is yung Zorbit. Ito naman yung malaking bola tapos papasok ka
sa loob. Then papagulungin nila iyon pababa sa small hill. Nauna si Brye sumakay
then iintayin nalang niya ko doon sa baba..

Nang ako na, I was screaming and shouting all the way. Pagkalabas ko dun sa
malaking bola, inalalayan ako ni Brye.

�Are you okay?� tanong niya sakin.

�Yeah, mejo nahilo lang ako but I'm fine.� then I smiled at him.

�Let's rest first okay? Bibili lang ako ng tubig.�

�No, pagkatapos nalang ng Treetop adventure.�

�Are you sure?�

�Yes. Let's gooo!!� hila ko siya.

Pinakamaganda ang treetop adventure dahil bawat puno ay may special course kang
gagawin. Merong tatawid ka sa lubid, tutulay ka sa mga makitid na trunks, then
skatebording sa mga lubid. May wall climbing din.

Sa kabuuan ng treetop adventure hindi binitawan ni Brye ang kamay ko. I felt safe
when I'm with him. I'm glad that we got to spend the whole day together. Hindi
naman din siya nakikilala dito kasi bukod sa nakashades and bonnet siya busy din
ang mga tao sa mga activities dito.

Pagkatapos sa treetop adventure. Nagpahinga na kami ni Brye, Bumili kami ng lunch


and pumunta sa Picnic Ground. Naglatag siya ng blanket na nirent niya then doon na
kami kumain. Pinagbabalat niya ako ng paborito kong sugpo tapos sinusubuan ko naman
siya ng pagkain. Kung titignan para kaming magkasintahan na talaga. Although na
hindi pa kami official ni Brye, we just take it slowly.

Napansin kong pawis siya kaya kinuha ko yung towel ko then pinunasan ko ang pawis
niya sa leeg at sa mukha.

�Thank you.� sabi niya.

�Pawis na pawis ka ah. Mukhang pagod ka na.� lumipat ako sa bandang likod niya and
pinunasan ang likod niya. �Tssk. Pawis ang likod, wala ka pang baong towel. Di ka
na talaga nagbago.�

�Ikaw din, di ka parin nagbago.�


Pagkatapos kong punasan siya, tumabi naman ako sakanya.

�I missed this Sam. Etong pagbabalat ko ng sugpo sayo, pagpupunas mo sa pawis ko.
How you take care of me, I missed all of it.�

�Sus, pwede namang sabihin na ako ang namiss mo.�

Nginitian naman niya ko. �Yeah.. I missed you!� then he pinched my nose.

�Brye! Amoy sugpo ang kamay mo!�

�Hahaha. Ayaw mo nun, kaamoy mo na ang paborito mong ulam?�

�Kainis ka naman eh!�

Nagharutan lang kami ni Brye. After an hour and a half, tinapos na namin ang mga
activities.

Last stop namin ay ang Asia's longest dual zipline. Dalawang 840m na ziplines with
a drop of 100meters. Just imagine kung gaano kahaba at gaano kataas nun. Sineset-up
na kami ni Brye. Sabay kami kaya nga dual eh.
�Naiihi na ako Brye.� biro ko sakanya.

�Sa zipline ka nalang umihi,� sabi naman niya.

Natawa nalang kami pareho pati ang mga nag-aayos samin. Nang ready na kami nag
countdown pa sila when it reached three sabay kaming binitawan and started
ziplining. Sigaw kami ng sigaw. I spread my arms, na para akong lumilipad tapos si
Brye naman parang si Superman.

Pagkatapos ng zipine, bumili lang kami ng ilang souvenirs. Then we went home.

�Thank you Brye for this day, I realy had fun with you.� sabi ko nang maihatid niya
ko sa kwarto ko.

�Thank you rin, I never thought that I would be this happy again. Magpahinga ka na
ha? Goodnight.�

And again, his lips collided mine. We shared a feverish kiss that could melt my
knees.

�Goodnight. Pasok ka na.� sabi niya when he broke the kiss.

Dali-dali naman akong pumasok sa kwarto. Wow. That was awesome


YNO#29

SAM'S POV

Naligo na ako matapos akong ihatid ni Brye sa kwarto ko. Umupo ako sa may veranda
at nagpatuyo ng buhok. Ang saya ko ngayong araw! Hindi ko maidescribe ang sobrang
kasiyahang nararamdaman ko ngayon.

Papasok na sana ako ng kwarto ng may narinig akong kaluskos sa labas.

�Sino iyan?�
Pero walang sumagot.. natatakot na ko kasi palakas ng palakas ang kaluskos. Takot
pa naman ako sa multo, o kaya baka rapist ito. Nako! Si Brye lang ang may karapatan
sa katawan ko! NOOO!!!

May ilaw akong nakikita, parang sindi ng kandila. Patay na ba ko? Bakit parang may
sumusundo na sakin.

Then I heard music, strums of guitar to be exact. Palapit na sila ng palapit


sakin.. Waahh! Madami sila. Tumalikod na ako at naglakad papasok sa kwarto ko pero
napatigil ako nang kumanta sila.

Happy Birthday to you.. Happy birthday to you.. happy birthday dear Samantha..
happy birthday to you..

Unti-unti akong lumingon sa mga kumakanta and there I saw the staffs and crew na
may hawak na mga balloons. Nandoon din ang mga co-actors ni Brye tapos pati ag
director. Kumaway naman sakin si Nate. Nakita ko din si Dino na pumapalakpak pa
habang kumakanta.

Pero napako lang ag tingin ko sa may hawak na cake na may mga kandilang nakasindi.
Lumapit naman siya sakin since ka-level lang niya yung veranda.

�Happy Birthday, make a wish.� sabi niya.

I closed my eyes and started to make a wish.

�Lord, thank you for another year you added in my life. Thank you for bringing Brye
back to me. I wish to be happy with him always, and I wish that you will make him
happy forever.� sabi ko sa isip ko.

After making my wish, I blew all the candles. Nagpalakpakan naman silang lahat.

�Party time!� sabi naman ni Dino. And sakto, nagbukas ang mga ilaw sa garden. Ang
daming handa, lahat planado. I looked up to Dino with eyes questioning him but he
just smiled and shrugged his shoulders.

We partied all night. May mga sumasayaw at may umiinom din, hindi naman heavy
drinks ang nakahanda dahil may trabaho pa kinabukasan. Mamaya maya nilapitan ako ni
Nate.

�O, happy birthday!� sabi niya habang inaabot ang isang small box.

Binuksan ko naman ito at isang bracelet iyon na halatang hand-made.

�Ginawa iyan ng fianc� ko. Sabi niya happy birthday daw, naikekwento kasi kita
sakanya. Punta ka sa kasal ko ha? 3 months from now pa naman iiyon.� sabi niya.

�Oo naman, asahan mo ko dun. Pakisabi sa fianc� mo salamat ha. Salamat din sayo.�

Nagyakap kami tapos nagpaalam na siya kasi sasayaw pa daw siya. Sira-ulo lang
talaga yung taong iyon.

�Kailangan may yakap talaga?�

Nilingon ko naman ang halatang nagseselos na si Brye.


�Friendly hug.�

�Psh! Friendly hug daw.�

�Nagseselos ka nanaman ba? May fianc� na yung tao.�

�Tsk. Oo na. May pabor naman siyang ginawa para sakin eh.�

�Pabor? Ano yun?�

�Tara, punta tayo sa kwarto ko may ibibigay ako sayo.�

Tumalima naman ako sakanya. Pumunta kami sa kwarto niya. Pinaupo niya ko sa sofa at
pumunta siya sa may kinalkal siya sa bag niya.

�Here.�

�Ano ito?� tanong ko. Binigay niya kasi ay isang red bracelet that is made from a
string.

�It's an akai ito bracelet. Sa Japan ko iyan inorder. It's a bracelet that connects
two people. Ibig sabihin ng akai ito na ito ay soulmate or destiny. It's also
called red string of fate. I want to give this to you because I know you are my
soulmate.�

Kinuha niya sakin ang bracelet at isinuot niya iyon sa akin.

Tinaas naman din niya ang isa niyang braso. At nakita ko meron din siyang akai ito
bracelet.

�Look.� pinagdikit niya ang bracelet namin at may magnet na nagdikit.

�Ang galing. Nagdikit sila.� sabi ko.

�Because you are my akai ito.�

I looked at him. Wala na yung Brye na puno ng hinanakit dahil sakin, nakikita ko
ngayon ang Brye na una kong minahal.

�Thank you Brye, for everything. Nakalimutan ko ngang birthday ko nga pala eh.
Masyado kasi akong nalibang sa pamamasyal natin kanina.� tatawa-tawang sabi ko.

�Sinadya ko talaga iyon, na libangin ka habang sineset-up nila itong party. I asked
Nate's help though hindi ko siya gusto.�

�Brye, meron na--�

�I know I know.. may fianc� na siya.�

Natawa nalang ako kasi he's being childish. Natigil naman ako sa pagtawa nang
napansin kong nakatitig siya sakin. Unti-unti nang lumalapit ang mukha niya sakin.
Para namang kusa ang mga mata ko sa pagsara.

He's getting closer and closer until..


*Riiiiinnggggggggg *

Napamulat ako agad at kinapa ang cellphone ko. Pahamak na cellphone, hindi
makapaghintay. Andoon na oh! Hindi ko nga pinansin. Kainis eh.

�Sagutin mo na baka importante.� nakangiting sabi ni Brye habang lumalayo siya


sakin. Pinigilan ko siya sa batok.

�Hayaan mo yun, tuloy mo na gagawin mo.�

�Sagutin mo na muna iyang istorbo mo. I will just get some food for you.� sabi niya
tsaka tumayo at lumabas,

Padabog ko ngang sinagot ang phone ko.

�Hello?!!� bulyaw ko.

(Happy Birthday bebs!!!! Sorry wala ako diyan, masyado kasing maramig trabaho kasi
iniwan ako ng kasosyo ko eh,)

�Weng.. alam mo ba wrong timing ka?????�

Kainis naman kasi eh!

(Huh? Bakit dapat ba may oras ang pagbati sayo? Buti nga naalala pa kita sa kabila
ngka-busyhan ko dito dahil ako ang umako ng lahat tapos ganyan lang ang isasagot mo
sakin. Kaka-hurt ka na friend!)

�Sorry na po. Alam mo namang mahal na mahal kita bebs eh. Hayaan mo, babawi ako
pagbalik ko. Sa isang araw na naman ako babalik and magli-leave ako sa trabaho ng 1
week para matulungan na kita. Salamat sa pagbati at pag-uwi ko marami akong
ikekwento�

For sure matutuwa ito kapag nalamang okay na kami ni Brye.

(Sus, sasabihin mo lang okay na kayo ni Papa Brye mo eh. Kinwento na sakin ni Dino,
pero hindi lahat kaya iyon nalang ang ikwento mo sakin. Sige na, marami nang
customers dito. Bye! Muaaa!! :*)

Pagkatapos namin mag-usap napailing nalang ako. Bakit ba ako nagkaroon ng


bestfriend na katulad niya? Hahaha. Lumabas nalang ako at sinundan si Brye. This is
the best birthday I had.

YNO#30

SAM'S POV

�Yiiieee.. Selos lang pala ang katapat ng Gabryell na iyan eh. I'm so happy for you
my friend!!!� sabi ni Weng.

Nandito ako ngayon sa Cafe cum bar namin. Cafe siya sa umaga.. 7am to 4pm then bar
siya during 6pm up to 4am. O diba? Si Weng nakaisip niyan. 11Am palang naman kaya
walang masyadong tao. Dito ako dumiretso matapos naming makauwi galing Bukidnon.
Kinwento ko kay Weng kung paano kami nagkabati ni Brye.
�Basta ang saya ko Weng. Sobrang saya ko.� I took a sip of my Mocha Latte.

�Ako din friend, super saya ko. Pero ayos lang ba kahit hindi niya alam ang mga
nangyari noon?� may bahid na pag-aalala parin ang tono niya.

�I tried to tell him pero ang sabi niya huwag nalang namin pag-usapan ang mga bad
memories sa nakaraan namin. Pumayag nalang ako baka kasi bawiin niya pa eh.�

�Okay, pero yung promise mo ha? 1 week. 1 week mo kong tutulungan dito. Nakakapagod
kasi eh lalo na pag gabi. Ang daming tao.�

�Oo naman. Mamaya nandito na ako. Sige mauna na muna ako, magpapaalam pa ako kela
Dino.� I drank straight my mocha latte then went out to my car.

Pupunta ako ngayon sa office nila Dino dahil alam ko may mga meeting sila tungkol
sa 2 days concert ni Brye dito sa Pilipinas. Pinark ko muna ang kotse ko then
pumasok na sa building.

Hinahanap ko ang phone ko sa bag ko nang may mabangga ako. Nabitawan niya ang hand
bag niya. I helped her of course.

�Sorry miss, hindi kasi ako nakatingin eh. Sorry talaga.� inabot ko na sakanya ang
bag niya.

Kinuha niya lang ito at ngumiti ng tipid tapos umalis na. Nagtaka naman ako, pipi
kaya yun? Sayang ang ganda pa naman niya. Hindi ko nalang pinansin at naglakad na
ko nang maramdaman kong may natapakan ako. Isang singsing. Kakaiba yung singsing.
Siguro sa babaeng nabunggo ko ito pero hindi ko na maibabalik siguro iyon.

Pumunta muna ako sa reception area para kausapin ang nasa front desk.

�Hi. Kapag may babaeng nagpunta dito na may hinahanap na singsing, here's my
calling card.. tawagan nalang niya ako. Okay?�

�Okay po ma'am. Hinihintay na po pala kayo nila Sir Brye.� sagot nito.

Kilala na ko dito syempre araw araw ba naman ako kasama nila Brye eh.

Nasa hallway palang ako rinig ko na parang may sumisigaw sa office ni Dino.

�We have to do something!!!�

Si Brye yun ah.. pinihit ko na ang doorknob at pumasok na ako. Nang makita nila ako
agad na tumigil ang mga ito sa pagsasalita. I can feel something's wrong. Tinignan
ko sila.

�Something wrong?�

�Nothing, may kaunting problema lang sa work but Dino will fix it.� sabi ni Brye.

�Yup, huwag mo nang problemahin iyon.� si Dino naman ang nagsalita at umupo na sa
swivel chair nito. Umupo naman ako sa upuan katapat nito at si Brye naman umupo sa
katapat kong upuan. Para nga kaming nasa principal's office sa ayos namin eh.

�So, ano nga pala ang sasabihin mo sakin Sam?� tanong ni Dino.
�Ah, gusto ko sanang mag-leave ng 1 week sa pagiging PA.�

�What? Bakit?� sabi naman ni Brye.

�I need to help Weng sa negosyo namin. Hindi niya kaya iyon ng mag-isa. 1 week lang
naman eh.�

�Kailangan ba talaga iyon?� dismayadong tanong ni Brye.

�Oo eh. Baka itakbo ni Weng ang lahat ng pera sa sobrang inis kapag hindi ako
tumulong sakanya.� biro ko.

�Okay.. wala naman kaming magagawa. Basta 1 week lang ha?� sabi ni Dino.

�1 week talaga? Baka naman pwedeng 3 days nalang. Papakiusapan ko si Weng.�

�Brye, OA ka. 1 week lang eh. Arte. Tsupi na nga kayong dalawa! Madami pa akong
gagawin! Shoo! Alis.� pagtataboy samin ni Dino.

�Una ka na sa lobby Sam, may sasabihin lang ako kay Dino.�

Tumango nalang ako at pumunta sa lobby. Mukhang may problema talaga sila sa work,
sana maresolba na nila ito.

Maya maya bumaba narin si Brye sa lobby.

�Let's go.� aya niya.

�Where to?�

�Nagugutom ako. Let's eat.�

�Saan?�

�Bakit ba ang dami mong tanong?� natatawang sabi niya.

�Eh kasi baka may makakilala sayo. Ma-issue ka pa. Eh di ba may problema na nga
kayo sa work mo?�

�Huwag mo nang intindihin yung kanina. Natural lang iyon. Tara kain na tayo. Saan
mo gusto?�

�Hmmm. Ako magda-drive. Kotse ko gamitin natin.� sabi ko.

Pumayag naman siya. Kaya umalis na kami.

�Here we are.�

Dinala ko siya sa turo-turo malapit sa university na pinapasukan namin dati.


Madalas kami kumain dito. May mga isaw, pugo, provent, fishball at marami pang iba.

Hindi naman siya nagsasalita.

�Kumakain ka pa ba ng mga iyan? Sorry, tara dun nalang tayo sa restaurant sa


kabilang kanto.�

I was about to start the car nang pigilan niya ko. Nilingon ko siya and he was
smiling.

�Tara nagugutom na ko.� aya niya sakin.

�Pero okay lang sayo?�

�Sam, hindi naman ako nagbago. Hindi porke't nakaangat na ko at isang gwapong
superstar na eh ibig sabihin hindi na ko kumakain ng mga street foods.�

�Okay na sana eh, nagyabang ka lang. Tara na nga.�

Tuhog dito, tuhog doon. Lahat ata ng tindahan dito binilan namin. Ang takaw ni
Brye, halatang ngayon nalang ulit nakakain ng mga ganito.

�Si Brye!!! tara papicture tayo!�

�Oh my God! Brye! I love you!�

�Brye! Pa-autograph!�

Nagsimula nang dumugin si Brye. Hindi na namin napigil ang mga fans niya. Nasiksik
na ako at napunta sa pinakalikod. Pilit kong tinitingala ang si Brye, baka maipit
siya. Kung ano pa mangyari sakanya.

�Brye! Brye!� tawag ko sakanya.

Pero puro tili lang ang mga naririnig ko.

Nakakita ako ng mga pulis na rumoronda. I asked for their help at agad naman nila
akong tinulungan. Nang makalabas si Brye sa mga fans niya, ineskortan siya papasok
sa kotse ko. I thanked the policemen and drove off.

�Are you okay?� tanong sakin ni Brye.

�Anong ako. Dapat ako ang nagtatanong niyan sayo!� tinignan ko siya at nakita kong
may mga kalmot siya sa mukha at braso. �I'm taking you to a clinic para magamot
iyang mga sugat at kalmot mo.�

�Ang OA mo naman. Sanay na ako sa mga ganito.�

�No! Alam mo ba kung gaano mo ko napag-alala?� I stopped the car at itinabi ito sa
kalsada. Naiiyak na ko kasi feeling ko ako may kasalanan kung bakit siya
nagkaganito.

�Hey, why are you crying?� agad naman niyang pinunasan ang mga luha ko.

�I am so worried about what happened. They can do anything with you. Wala kang
proteksyon. And it was all my fault kung hindi kita dinala doon di sana hindi ka
pinagkaguluhan ng mga fans mo.�
He pulled me closer at ikinulong ako sa bisig niya. He kissed the top of my head
and caressed my hair.

�Sorry. Sorry napagalala kita. Sige na, gamutin mo na sugat ko if that will make
you at ease. Just please don't cry. Hmm?�

I hugged him and nod.


Pagkatapos niya akong patahanin. I decided na dalhin siya sa condo ko at ako nalang
ang gumamot sakanya kasi kung sa clinic there is a possibility na baka mangyari
nanaman ang pagdumog sakanya ng mga fans.
YNO#31

SAM'S POV

Pagdating na pagdating namin sa condo ko, pinaupo ko na siya agad sa may sala at
pumunta sa banyo, nandoon kasi ang medicine cabinet ko. Kinuha ko na ang first aid
kit at dumiretso na kay Brye.

Naglagay ako ng gamot sa bulak at dinampi na sa mga kalmot at sugat niya.


Napapansin ko napapaigti siya sa tuwing nadadampian ng gamot ang mga sugat niya,

�Sorry, tiisin mo lang ang sakit.� sabi ko.

Tumango naman siya at sinimulan ko na gamutin ang mga ito. Sandali lang naman ang
paggamot kaya mabilis lang din natapos.

�Dito ka na kumain ng dinner, magluluto ako.�

�Hindi na, nakakahiya naman sayo.�

�I insist. Hindi naman din tayo nakakain ng maayos kanina eh, gwapo kasi ng kasama
ko eh.�

�Hindi naman, gwapong gwapo lang.�

Natawa nalang ako sa biro niya. Nagluto na ako ng pagkain namin at inaya na siya.
Mga 6:30pm na kami nakakain. Wala naman kami masyadong napagkwentuhan. Actually,
parang nagkakailangan parin kami ng konti. Kaya ako na lang ang naunang magsalita.

�Uhm.. ano Brye, may gagawin ka ba bukas?� tanong ko sakanya.

�Hmm. Anong date ba bukas? 14 nu? Hmm.. alam ko may photoshoot ako sa isang
magazine eh. Bakit?�

�Ah.. ano wala! Natanong ko lang.�

February 14 kasi bukas, gusto ko sana siyang ayain kaya lang busy pala siya.
Sayang.
�Ah ganoon ba.�

Natapos na din kami kumain at nagpaalam na siya. Hinatid ko siya sa may parking.

�Salamat sa pagkain. Nabusog ako, salamat din sa paggamot.� sabi niya.

�Hindi nuh, ako kaya may kasalanan sa nangyari sayo.�

Hinawakan naman ni Brye ang kamay ko at pinisil iyon.

�Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi mo kasalanan iyon. Tama na okay? Sige
na, pasok ka na.. mahamog na.�

�Hindi uso sakin ang hamog nuh! Ingat ka. Goodluck bukas sa photoshoot mo.�

Pero nagulat ako ng hinalikan nalang ako ni Brye sa lips. It was a simple peck pero
parang nahilo ata ako.

�Sige na, pasok ka na. Alis na ko. Bye.�

Pero nakatayo parin ako kahit na nakaalis na siya. Bakit ba hindi pa ko masanay na
hinahalikan ako ni Brye ngayon.? Hindi lang siguro ako makapaniwala.

====-----====

Haaayyy. Nakakainis, kahit saan ako tumingin nakakakita ako ng mga lovebirds.
Mapabata,teenagers o kahit na matanda na. Lahat sila may mga bulaklak at chocolates
o kahit simpleng card lang meron parin.

Kaya ayokong lumalabas kapag valentines eh. Pero kasi itong si Weng, nakakainis.
Plano ko kasi magburyo lang sa condo ko, tumawag ba naman pinapapunta ako sa bar.
7Pm na, tiyak na madaming nagdedate parin. Wala naman din kasi akong magagawa..
kaya pumunta na ako.. tutal 1 week naman akong leave sa pagiging PA ko.

Pagdating ko sa bar nagtaka naman ako kasi walang tao! Ano ba naman iyan, ano na
nangyari sa bar?? nalugi na ba kami? Hinanap ko agad si Weng pero hindi ko makita
ang bruha kahit sa office hindi ko makita nang biglang nagbrownout..

�AY SANTISIMA! HOY WENG! SAN KA BA?? KUNG BINIBIRO MO KO HINDI AKO NATUTUWA HA!
PUCHA., WENG.. ALAM MO NAMAN MAHINA AKO SA GANITO DI BA?�

Nagtutubig na ang mga mata ko. Naiiyak na ko., hindi ko kasi alam kung ano
nangyayari. Nagbabayad naman kami sa MERALCO.. advanced pa nga kami kung magabayad
eh.. hindi naman kami nalulugi alam ko iyon kasi ako gumagawa ng inventory eh.

Hindi ako makalakad o makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Wala akong makita. Nang
biglang may spotlight na tumutok sa stage at nakita ko si Brye na may hawak na
ukulele?!!

(Ukelele-yung maliit na hugis gitara pero 4 lang ang strings na gamit.)


==----==

BRYE'S POV

Pinilit kong tapusin ng maaga ang photoshoot sa magazine na ito para makapaghanda
ako sa sorpreso ko kay Sam. Hiningi ko ang tulong ni Dino para magawa ko ang lahat
nang ito.

Pagkatapos na pagkatapos ng shoot dumiretso kami sa Twisted Hangout.

�Hi Weng.� bati ko.

�Oh my gosh! Brye? I-statue? Anong ginagawa mo dito? Wala si Sam dito eh.�

�Ikaw talaga ang sinadya namin dito darling.� sabat naman ni Dino.

�Ako? O, anong meron sakin?�

�I want to rent Twisted Hangout this night.� sabi ko.

At ayon nga, nirentahan ko ang buong bar cafe nila para magawa ko ang balak ko.
Huwag niyo na tanungin kung magkano dahil baka mahimatay lang kayo sa sobrang
mahal. Sugapa talaga itong si Weng wala manlang binigay na discount.

Kinuntsaba narin namin si Weng para walang kawala si Sam. Kaya nagtagumpay naman
kami. Nang marinig ko ang sigaw ni Sam, alam ko na natatakot na siya, takot kasi
iyang babaeng iyan eh. Lalo na pag mag-isa siya sa madilim.

Sinenyasan ko na si Dino na pailawin na ang spotlight at tagumpay! Nakita ko ang


reaksiyon ni Sam nang makita ako. Gusto ko agad siyang yakapin nang makita ko siya
na umiiyak pero masisira ang plano ko. Mamaya ko nalang gagawin iyon.

�Ehem ehem.. hi Sam! Happy Valentines! Sana di pa ako huli.�


YNO#32

SAM'S POV

�Ehem ehem.. hi Sam! Happy Valentines! Sana di pa ako huli.�

Huli saan? Sa Valentines.? Nako hindi pa talaga!

Pero hindi ako makapagsalita. Sobrang nagulat at shocked lang ako. Pareho lang pala
ang meaning nun. Haha! Ganyan ako pag nagugulat.. nagiging tanga.

�Happy Valentines Sam, ang dami kong gustong sabihin sayo pero hindi ko magawa,
nauuna palagi ang takot ko kaya naisipan ko nalang na gumawa ng kanta.. intindihin
mo sana dahil lahat ng gusto kong sabihin sayo, inilagay ko dito sa kantang ito.�

Then he started strumming his ukulele. Haaay, kahit anong instrumentong hawakan
siguro ng lalaking ito ang sarap pakinggan talaga.
(PLAY THE VID AT THE SIDE. I'M SO ADDICTED TO THIS SONG, KAHIT NA SIMPLE LANG AT
PAULIT ULIT. PS: HINDI PO AKO FAN NI DJ, THOUGH POGI NGA SIYA. HAHAHA.)

Nasa 'yo na ang lahat


Minamahal kita 'pagkat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso ko...

Nasa 'yo na ang lahat


Minamahal kitang tapat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso ko...

Oh Oh Oh Ohh Ohhh
Na-nasa 'yo na ang lahat

Oh Oh Oh Ohh Ohhh
Na-nasa 'yo na ang lahat

Minamahal? Ibig sabihin.. ayoko. Ayoko mag conclude kagad. Napapasabay ako sa
rhythm ng kanta, I was bobbing my head up and down ng hindi ko namamalayan.

Lahat na mismo nasa 'yo


Ang ganda, ang bait, ang talino
Inggit lahat sila sa'yo
Kahit pa itapat man kanino

Kaya nung lumapit ka sa'kin


Ay, bigla akong nahilo
Di akalaing sabihin mong ako na 'yon
Ang hinahanap mo...

Ako? Alam ko maganda mabait at matalino ako pero iba parin pag siya ang nagsasabi
sakin nun. Naalala ko tuloy dati na ako talaga ang unang lumapit sakanya at
sinabing crush ko siya. Natawa ako kasi sinama pa niya iyon sa lyrics niya.

Nasa 'yo na ang lahat


Minamahal kita 'pagkat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso ko...

Nasa 'yo na ang lahat


Minamahal kitang tapat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso ko...

Oh Oh Oh Ohh Ohhh
Na-nasa 'yo na ang lahat
Oh Oh Oh Ohh Ohhh
Na-nasa 'yo na ang lahat

Sobrang mahal ko talaga ang lalaking nasa harap ko. Ang saya niyang panuuorin dahil
nakangiti pa talaga siya and he is looking at me directly in the eyes. Sa akin niya
talaga iniaalay ang kanta.

Kinikilig pa rin ako


Ang sarap magmahal 'pag panalo
Nag-iisa sa puso ko
Ito'y kaya 'di na ba magbabago

Ako ang pinili sa dami


Ng ibang nirereto
Hindi akalaing
Sabihin mong ako na lang
Ang kulang sa iyo... Ohh

Hindi na talaga magbabago Brye, dahil ikaw lang naman ang lalaking minahal ko. Sabi
ko sa sarili ko na sana ikaw ang first and last ko. I can't imagine my life without
you. I swear.

Nasa 'yo na ang lahat


Minamahal kita 'pagkat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso kohhh

Nasa 'yo na ang lahat


Minamahal kitang tapat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso kohhh

Oh Oh Oh Ohh Ohhh
Na-nasa 'yo na ang lahat

Oh Oh Oh Ohh Ohhh
Na-nasa 'yo na ang lahat

Nang matapos na ang kanta niya, sobrang lakas ng palakpak ko. Sumisigaw pa ako.
Para akong dumalo sa concert niya pero ang kaibahan ako lang ang audience niya. VIP
kung VIP. Siguro kapag nalaman ng mga fans niya ito, bukas makalawa tigok na ko..
pero ang swerte ko dahil na-experience ko ito.

Ibinaba na ni Brye ang ukulele at kinuha ang isang malaking bouquet of lilies.
Lumapit siya sakin at iniabot ito.

�I know, you don't like roses dahil sabi mo common na ito kaya eto lilies, your
favorite. Bakit kasi ang mahal ng bulaklak na gusto mo, mamumulubi ako sainyo ni
Weng eh. Hindi manlang ako binigyan ng discount sa pagrent ko sa bar cafe niyo.�
biro niya.

Pinalo ko nga sakanya ang bouquet. Mahina lang naman.

�Sana hindi mo nalang ginawa. Brye, okay lang naman kahit wala ang mga ito, batiin
mo nga lang ako ng Happy Valentines oks na sakin iyon. Pero thank you.�
�Gusto kong gawin ito sa iyo Sam, I want to. Nagustuhan mo ba ang kanta?�

Tumango ako kagad. �Oo! Ang galing mo nga eh. Talagang ginawa mo iyon para sakin?�

�Yeah, sayo talaga iyon.�

�Pero bakit?�

Siyempre naguguluhan parin ako sa nangyayari. I need answers, aba hindi ako
manghuhula nuh!

�Because I love you.�

Silence. Silence.

A-ano daw? I love you daw? Nagtititigan lang kaming dalawa ang dilim ng paligid
namin at tanging yung spotlight lang ang nagsisilbing liwanag ng bar. Tama ba ang
narinig ko? Gosh. Ang saya ko!

�You.. you love me?�

Tumango si Brye at ngumiti.

�Wow.. aha. Totoo talaga? Mahal mo ko? Hindi mo ko niloloko?� paninigurado ko.
Hindi talaga kasi ako makapaniwala.

Naging seryoso naman ang mukha ni Brye, kinuha niya yung lilies at inilapag sa
table na malapit samin at tsaka ako hinawakan sa magkabilang braso ko.

�Di ba sabi ko sayo intindihin mo ang kanta? Bakit kasi ang slow mo, mageexplain pa
tuloy ako. Haaayy. Mahal kita Sam, sa kabila ng galit ko sayo, natabunan ito ng
pagmamahal ko sayo, kahit kelan hindi ka nawala sa puso ko. Ano pa bang magagawa
ko? Ikaw talaga eh. Kaya sinasagot na kita Sam.�

Sinasagot? Di ko magets.

�Sinasagot?� tanong ko.

�Di ba nililigawan mo ako? Sabi mo pa nga you will get me back. Kaya i'm yours
again.� tapos tumawa siya ng malakas.

>////////////< Okay, alam kong pulang pula na ako. Kailangan pangalandakan?

�Joke lang, I was just teasing you. I really missed you blush. Ang ganda mo parin.
Tara nga dito.�
Then kinabig niya ako at niyakap ng mahigpit. Ginantihan ko din siyang yakap. Ang
sarap ng feeling, alam mo yung feeling na ligtas ka kapag nasa loob ka ng mga bisig
niya. Ganoon ang nararamdaman ko everytime na niyayakap niya ko. Na handa siyang
protektahan ako sa kahit saan.

�Will you be my girlfriend again Sam?� bulong niya sakin habang nakayakap kami.

�Yes. Of course. Oo.� sabi ko.

Humiwalay siya sakin ng konti and then he kissed me fully on the lips.

Naramdaman ko na ngumiti siya nang nagrespind ako sa halik niya.

Kapag naman hinahalikan niya ko, I feel like I'm on cloud 9. Nararamdaman ko ang
pag-iingat sakanya. His kisses just makes my knees melt.

Nang maghiwalay ang mga labi namin, he showered me little kisses naman. Lahat ng
parte ng mukha ko hindi niya hinayaang walang marka ng halik niya. Natatawa ako sa
ginawa niya dahil ganyang ganyan din siya kapag naglalambing o masaya siya.

�I love you Sam.�

Sabi niya na nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

�I love you too Brye.�

Then again, our lips collide once more.


YNO#33

WENG'S POV

Mukhang nagsisisi ako kung bakit ko pa tinulungan itong dalawang ito. Eto ako
ngayon nag-aalala sa bestfriend ko. Tulala parin kasi eh. Nakakainis, ako tuloy ang
nagkukumahog sa mga orders na kape ng mga customers namin. May mga crew naman kami
kaya lang, madami talaga kaming customers lalo na ngayong umaga kasi nga madalas
dito na nagaalmusal ang mga empleyado sa tapat ng bar cafe namin at tsaka yung mga
estudyante sa universities na malapit dito.

�Eto na po ang Caramel coffee niyo.� sabay abot sa customer.

�Mia, ikaw na nga muna dito.� tawag ko sa isang crew ko. Tsaka ko nilapitan si Sam
na tulalang nakaupo sa isang mataas na stool.

�Hoy.. Earth to Sam.. hello????� tapos kinaway ko pa sa harap ng mukha niya ang
kamay ko.

Pero wala epek! Ah ganon ha? Lumipat ako sa gilid niya at tinapat ko sa tenga niya
ang bibig ko.

�SAAAAAAAAAMMMMMMMMM!!!!!!!!� sigaw ko.


Success, nakuha ko din ang atensyon niya.

�Bakit ba Weng?� iritang sabi niya.

�Kanina ka pa kasi tulala diyan, aba.. nakakainis ka. Sana hindi ko nalang
tinulungan si Brye kung alam ko lang na magkakaganyan ka. Tsk. Malala ka nang
babaeng ka.�

�Sorry naman, hindi lang talaga ako makapaniwala na nagkabalikan na ulit kami ni
Brye.�

�Okay, nandoon na ko.. pero Sam naman, tulungan mo naman ako sa pagtimpla ng mga
kape. Mamaya ka na ulit tumulala jan.�

�Haha. Sorry, tara na madami pa tayong customers.� tapos hinila niya ko.

Napailing nalang ako, inlove na inlove talaga tong kaibigan ko kay Brye sana lang
maging masaya na sila palagi.

----====-----

SAM'S POV

Natawa naman ako sa bestfriend ko.. masyado akong occupied sa nangyari kagabi ni
Brye. I still can't believe na nagawa ko ulit palambutin ang puso ni Brye sakin.

Pero ngayon focused na muna ako sa negosyo namin ayokong magahirap. Hahaha.

�Sam, serve mo nga muna ito sa table 8, dun sa babaeng iyon oh.� sabi ni Weng,

�Nasaan ang mga waiters natin?� tanong ko.

�Ayun oh, lahat may inaasikaso. Sige na serve mo na.�

Wala naman akong magawa kaya sinunod ko naman. Sinerve ko na ang kape niya tapos
tinignan ko siya. Nakayuko lang.

�Uhm, Blueberry Mocha niyo po ma'am.� aalis na sana ako pero pinigilan niya ko.

�Uhm miss?�

Bumalik naman ako sakanya.

�Yes ma'am?�

Di siya sumagot kundi naghalungkat siya sa bag niya.

�Ikaw ba si Samantha Allaine Benitez?�


�Opo ma'am. May kailangan po ba kayo?� tanong ko.

�Uhm, bumalik kasi ako sa building nung nagkabungguan tayo then I was looking for a
lost ring tapos binigay sakin itong calling card mo sabi nasa iyo daw ang
singsing.�

Then it hit me. Siya yung babaeng maganda na nabunggo ko. Kaya pala parang familiar
ang face niya. Yung singsing? Saan ko ba nailagay yung singsing? Patay.

�Ah, yeah. I remember you.. uhm nasa condo ko kasi yung bag na pinaglagyan ko ng
singsing. Kung gusto mo, balik ka dito bukas.�

�Uhm, sorry pero I need the ring now. Maybe we can go to your condo. Kailangang
kailangan ko lang talaga ito.�

�Oh, ganoon ba. Sige, can you wait for me? Magpapaalam lang ako sa kaibigan ko.�

Pinayagan naman ako ni Weng sabi ko naman kasi babalik ako agad matapos ibigay ang
singsing ng babae eh.

Ginamit namin ang kotse niya tapos she will drop me nalang sa bar cafe mamaya. Nang
makarating na kami sa condo ko hinanap ko na agad yung bag na gamit ko nung
nagkabanggaan kami, buti nalang nandoon sa bulsa. Whew!

�Here's the ring.� sabay abot sakanya.

�Oh, thank you talaga. Very important talaga sakin ito.�

�No problem, uhm.. ano pala ang pangalan mo if you don't mind?�

�Ah.. my bad, di pa pala ako nakakapagpakilala sayo. I'm Jackie.�

Tapos nakipagkamay siya sakin siyempre tinanggap ko iyon.

�Uhm, fan ka pala ni Brye?� sabi niya.

Napansin niya siguro yung mga posters ko sa dingding.

�Ah, oo. Hehe. Ikaw ba?� tanong ko sakanya.

�Uhm, yeah.�

Natuwa naman ako kasi fan din siya noi Brye, ang ganda niya talaga at ang tangkad.
Mas matangkad siya sakin ng konti. Konti lang naman.

Bumalik na kami sa bar cafe at nagulat ako kasi parang ang daming tao naman ata.
Yung pila hanggang labas na. Anong nangyari?
�Looks like your business is strong. Maraming customers eh.� puna naman ni Jackie.

�Oo nga eh, ngayon lang nangyari ito. Ahm, gusto mo ba pumasok muna Jackie? My
treat.�

�Wag na, may gagawin pa kasi ako tsaka isa pa madami kayong customers oh. Maybe
next time. Salamat ulit Sam.�

�Wala iyon, mag-iingat ka Jackie.�

Matapos makaalis ni Jackie, pumasok na ako pero hinarang ako ng ibang nakapila.
Mostly kasi babae ang nakapila.

�Hey miss, bulag ka ba. Nakikita mo namang may pila di ba?�

Aba! Hindi niya kilala kung sino ang kausap niya. Buwisit! Pero di ko siya pinansin
kaya pumasok ulit ako pero pinigilan ulit ako.

�Ano ba? Hindi ka ba nakakaintindi ha? Miss, pumila ka nalang!�

I closed my eyes at huminga ng malalim. Kahit anong mangyari customer parin sila. I
called one of the guards na nagbabantay.

�Kuya, pakiayos nga ang pila. Make sure na sa side street lang sila baka mareklamo
tayo. Tapos bawat tao na may lalabas tsaka ka lang magpapapasok.. okay?�

�Yes po ma'am.�

Nakita ko naman ang reaksyon ng babae kanina, siguro naman alam na niya na hindi
lang ako basta customer, pumasok na ako at laking gulat ko kasi si Brye nasa may
bar counter nakasuot ng apron at nagtatanong ng mga orders.
YNO#34

SAM'S POV

Nilapitan ko naman si Brye na nagseserve ng mga orders. Hinila ko siya papasok sa


office namin.

�Anong ginagawa mo dito?� bungad ko sakanya.

�Wala man lang ba akong kiss?�

�Brye.. sagutin mo muna ako. Bakit ka nandito?�


Tinitigan ko pa siya mula ulo hanggang paa. Bakit ba ganito ang lalaking ito,
kapansin pansin parin kahit na isuot ang kahit ano.

�Gwapo ko nuh. Eh yayayain sana kitang mag date kaya lang sabi ni Weng hindi pwede,
kaya para mapapayag siya kailangan daw makalikom daw siya at least 30,000 ngayong
umaga. So far, maganda naman ang kinakalabasan.�

Sira ulo talaga itong si Weng na to! Kaya pala ang dami naming customers kasi
nandito nga naman si Brye. Bilang isang fan, kahit bilhin ko pa lahat ng tinda dito
basta masilayan o kaya makapicture lang. That's an avid fan.

At sinamantala naman ni Weng. Napakagahaman talagang babaeng iyon sa pera.

�Hindi mo naman kailangan gawin ito Brye eh.�

�But I want to. Kung ito lang ang paraan para mapapayag si Weng na i-date kita.
Tsaka nag-eenjoy naman ako eh.�

Nagpinting ata ang mga tenga ko.. nag-eenjoy daw siya?

�Ah.. nag-eenjoy ka sa atensyon ng mga babaeng iyan sayo, osige. Magtrabaho ka na.�

Lalabas na sana ako nang hilahin niya ako. Napaupo naman ako sa kandungan niya.

�Brye ano ba, bitawan mo nga ako.�

�Ayoko.. nagseselos ka eh. Hindi naman iyon ang ibig sabihin ko sa nag-eenjoy. What
I mean is nag-eenjoy ako na matulungan ka.�
�Okay. Pwede mo na ba akong bitawan, madaming customers sa labas.�

Pero hinigpitan niya lang ang pagkakayakap sakin. Binaon niya din ang mukha niya sa
leeg ko. Leaving small kisses in it.

�Sorry na please.� bulong niya sakin.

Nakikiliti ako sa ginagawa niya. Alam niya ang kahinaan ko. Kainis naman.

�Osige na, lumabas na tayo.�

Kailangan ko patawarin itong lalaking ito dahil baka kung saan pa kami mahantong.

�Brye.. tara na.�


Pero di parin siya natitinag. Ganoon parin ang pwesto niya. Hinarap ko na siya.
Nalaman ko na nakatitig pala siya sakin.

�Bakit Ang ganda ko noh?�

Dinaan ko nalang sa biro. Nakaka conscious kasi ang titig niya sakin eh.

�Yes, sobrang ganda mo.. I love you.� sabi niya then he kissed me on the cheeks.
Pakiramdam ko anytime mamumula nanaman ako. Nakakainis naman kasi, bakit ba lahat
nalang ng gawin nitong lalaking ito kaya akong pakiligin.

�I love you too.� tapos nilapit nanaman niya ang mukha niya sakin. Palapit na ng
palapit so I closed my eyes. Hinihintay ko nalang na lumapat ang labi niya sakin.

Pero walang labi ang dumampi sakin. Instead, narinig ko na ang pinipigilang tawa ni
Brye. I opened my eyes and saw him looking at me.

Pinagtatawanan niya ko! Nakakainis! Nakakahiya! Pinalo ko nga ng malakas!

�Nakakainis ka! I hate you!� kumakawala na ko sa yakap niya pero mahigpit parin ang
apit niya sakin.

�Hahaha. Sorry na, ang cute mo lang kasi eh. Wag ka na magalit.�

�Tse! Bitawan mo ko!�

�Sorry na po talaga.. Pleassseee..�

Pero hindi ako sumagot. Nakakainis kasi eh, pinagtitripan niya pa ako. Napahiya
talaga ako.

�Sam..�

�Bitiwan mo na ako Brye.�

Hindi ko alam kung bakit binitawan niya nga ako. Nakakainis, nagpapakipot lang
naman ako.

�Tumayo ka na diyan. Hinihintay ka na ng mga fans mo sa labas. Pagsilbihan mo na


sila.�

At ang lalaki, tumayo nga at dire-diretsong labas nga. Aba! Hindi man lang ako
tiningnan o kaya nilingon. Kakainis!

====-----====

Pinagmamasdan ko lang si Brye habang nagseserve at kumuha ng orders, kinausap ko


naman si Weng at ang sabi hindi naman daw niya akalain na kakagatin ni Brye ang
joke niya.

Nakakainis. Naiinis talaga ako, paano naman. Kapag ang mga fans niya ang kausap
niya todo kung ngumiti, yung iba ngang fans niya bigla bigla nalang siya niyayakap
tsaka hinahalikan. Di man lang siya tumanggi o umiiwas instead natutuwa pa.

Pero kapag naman binibigay niya sakin yung mga orders nakapoker face at very formal
ang mukha. Hindi ko alam kung bakit siya nagagalit eh in fact, dapat ako ang
nagagalit ngayon. Hindi lang dahil sa pantitrip niya sakin kanina kundi pati yang
mga pagyakap at paghalik pa sakanya ng mga fans niya. Nakakainis. Hindi ko na kaya,
feeling ko anytime tutulo na ang mga luha ko sa sobrag pagseselos. Alam ko naman na
wala namang malisya eh kaya lang hindi niyo naman ako masisisi di ba?

�Weng.� tawag ko. Nagtitimpla kasi siya ng mga kape. Lumapit naman siya agad sakin.
Tinaasan lang niya ko ng dalawang kilay.

�Alis muna ako ha. Punta lang ako sa baking hub natin.�

Ang baking hub, isa lang iyong maliit na store namin dati pero ngayon lumago na ang
business namin ginawa nalang namin siya parang storage room. Doon din kami
nagbebake kapag maraming orders. Malapit lang iyon dito sa Twisted Hangout kaya
walking distance lang iyon.

�Osige, tamang tama. Wala na tayong Cherry Donuts.�

Tumango nalang ako kaya dire-diretso na akong lumabas. Kailangan kong madistract.
Nang makarating na ako, nagstart na akong magbake ng mga donuts. Kinatas ko muna
ang mga cherries at sinalin na ang dough. Then nang mahulma ko na. Nilagay ko na sa
oven.

15 minutes lang palagi ang timer para sa lahat ng binebake namin kumbaga secret
weapon namin para maging malambot ang mga pastries namin.

Habang hinihintay naman iyon gumawa na ako ng icing para sa donuts.

After 20 minutes, tumawag ako kay Weng para ipakuha ang donuts. Dumating naman ng
mabilis ang isa kong crew at pinadala ko na iyon.

Magbebake nalang ako ng cake para malibang ako. Ayokong bumalik doon sa bar cafe at
maiinis lang ako.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbebake nang biglang binuksan ni Brye ang pinto at
tumakbong niyakap ako. Ako naman, gulat. Ano kaya nakain nito at bigla bigla nalang
yumayakap.
YNO#35

�Akala ko totoo yung sinabi ni Weng.� bulong niya sakin.

Ang higpit ng yakap niya sakin. Hindi na ako makahinga. Sinusubukan kong alisin ang
pagkakayakap niya pero mas malakas talaga siya sakin.

�Brye, teka. Hindi kita maintindihan tsaka hindi ako makahinga.�


Tsaka niya lang ako binitawan.

�Sorry.. ang sabi kasi ni Weng, umalis ka daw may kasamang ibang lalaki. Akala ko
iniwan mo ako.�

Loka loka talaga tong si Weng, kung anu-ano nalang ang ipinapasok sa kukote ni
Brye. Bagay talaga sila ni Dino magsama napakamanipulator. Nag-alala pa tuloy ang
Brye ko. Nakakaawa ang itsura niya, pawis na pawis siya tapos hingal na hingal
akala mo kung ano ang ginawa.

Pero teka.. bakit ba ako nag-aalala eh di ba nga naiinis ako sakanya?? kung
makipaglandian siya sa mga babaeng yun parang wala siyang girlfriend ah. Hindi
porke't ako ang sumuyo sakanya ibig sabihin pwede na niya kong ganituhin. Aba..
babae ata ako.

�Nakikita mo naman na wala akong kasama dito, bumalik ka na doon. Madami pa atang
customers doon.� pagtataboy ko sakanya. Tsaka ako bumalik sa counter at
pinagpatuloy ang paghahalo ng batter ko.

Pero sinundan lang ako ni Brye, nasa harap ko siya. Tinukod niya ang siko niya sa
table nang maupo siya sa isa sa mga stool doon. Kahit na hindi ako nakatingin
sakanya, alam ko na pinagmamasdan niya ko.

�Hindi mo ba ako narinig? Bumalik ka na doon.� sabi ko nang hindi tumitingin


sakanya.

�Hindi na ako babalik doon, kasi quota na si Weng. Pwede na kita i-date.� sabi
niya. �At tsaka, ayoko na doon kasi nagseselos na ang girlfriend kong maganda.�
This time, tinigil ko na muna ang ginagawa ko at hinarap siya ng nakapamewang. �At
sino naman ang nagsabi sayo na idedate kita? Pumayag na ba ako? At pwede ba, hindi
ako nagseselos.�

A mischievous smile formed on his lips. I can see the amusement sa mga mata niya.
He's happy about what is happening! Nageenjoy siya na ganito ang nagiging reaksyon
ko sa mga pinaggagagawa niya.

�Edi huwag. At sino naman ang nagsabi sayo na ikaw ang girlfriend na tinutukoy ko
na nagseselos. Bakit? Nagseselos ka ba?�

WTF?!??! Tama ba ang narinig ko? Tama naman di ba? Inaasar niya talaga ako. Alam na
alam niya na pikon ako sa mga ganito na kapag ginamit niya ang tactic na �hindi
naman ikaw ang girlfriend na tinutukoy ko� alam niya na aamin ako at pagpapaluin ko
na siya.

Pwes! I can also play this silly game. Hindi ako magpapatalo sakanya.

�Ah. Hindi ako nagseselos, oh akala ko ba may date ka? Layas na. Baka magselos pa
lalo iyang girlfriend mo kapag nalaman niyang kausap mo ako.� I smirked when I saw
him shocked about what I said. For all this years that I was lonely without him, I
discovered my new talent ---- and that is to hide my true feelings when I want to.
I continued what I was doing, siya? Ayun, natameme na sa sinabi ko. Narinig ko ang
tunog ng pag-usod ng stool a sign na tumayo na si Brye.. akala ko umalis talaga
pero naramdaman ko nalang na lumapit siya sakin. Actually, nasa likod ko na pala
siya. Kinulong niya ko sa mga bisig niya. Hindi siya nakayakap sakin ha, nakahawak
ang dalawang kamay niya sa lamesa para ma-trap ako sa kanya.

I can feel the warmth of his body behind me. At tila nang-iinis pa talaga dahil
nilapit niya pa ang mukha niya. �Nahh.. hindi na ko makikipagdate siguro dahil
susuyuin ko nalang ang girlfriend ko na nagseselos. I really find it cute and very
attractive.�

Alam mo yung para akong kinuryente dahil ramdam na ramdam ko ang hininga niya and I
should tell you na mabango! Mint ata iyon. Bakit ba ganito itong lalaking ito.
Anytime, bibigay na ata ako. Kaya kailangan kong makawala. Tinabig ko ang isa
niyang braso para makaalis ako pero ang bilis ata ng reflexes niya dahil nakulong
nanaman niya ako and this time magkaharap na kami.

�Where do you think you're going my jealous girlfriend?�

�I said I'm not jealous! Let me go, di ba sabi mo hindi ako ang girlfriend na
tinutukoy mo? Alis. Shoo!� Pero lalo pa atang natuwa itong mokong na ito dahil alam
niyo ang ginawa, he dipped his forefinger sa batter na ginawa ko and tasted it.
�Hmmm... kulang ata sa tamis.. tikman mo.�

Pero bago pa ko makakuha, he offered me his forefinger na may batter, ano iyon?
Doon ko sisipsipin.. yes it is a sweet gesture pero no way! Pag ginawa ko iyon ibig
sabihin pinatawad ko na siya pero wala naman kasi akong kawala kaya nagpalusot
nalang ako. �I like it not to sweet baka kasi magkadiabetes pa ako.�

Natawa naman siya ng malakas and the nest thing he did, pinahiran niya ko ng batter
sa ilong. �Hey!!! You brat! Linisin mo iyan!� sigaw ko sakanya.

�You sure you want me to?�

�Oo, pinahiran mo eh, linisin mo iyan!!! Get a towel---� he kissed the tip of my
nose where he put the batter. Nagulat ako sakanya, bakit ba napakaintimate niya
sakin ngayon. Oh my. I can tell that anytime soon I will blush.

�Bakit mo ginawa iyon sabi ko kumuha ka ng---� but he kissed me again but not on
the tip of my nose but on my lips. Fully on my lips. He nibbled my lower lip para
tugunan ko ang halik niya I tried to restrain myself but damn! He's so good, kaya I
found myself responding to his kisses.

Kusa ring pumulupot ang kamay ko sa batok niya. His arms wrapped around my waist.
He pulled me closer to deepen the kiss. I don't know kung gaano kami naghalikan. We
stopped as we gasped for air. Makadikit ang aming mga noo.

�Am I forgiven?� sabi niya.


�I responded right?� sagot ko at ginantihan ko when I secretly dipped my finger in
my batter at pinahiran siya sa pisngi. �Hahahahaha!�

�Scheming woman! Pasalamat ka mahal kita!� tumatawa narin siya. Kinuha ko naman ang
towel at lumapit sakanya, nakasandal siya sa table. Nang lumapit ako, kusang
pumulupot nanaman ang mga braso niya sa bewang ko at hinila ako palapit sakanya.
Nakadagan tuloy ako sakanya habang pinupunasan ang batter na pinahid ko. �Ikaw
naman nagsimula eh. Nakakainis ka naman kasi eh, hinahayaan mo lang na halik
halikan ka ng mga babaeng iyon, hello! Girlfriend here!�

�They are my fans, tsaka hindi ko naman sila mapigilan eh. Hanggang cheeks lang
naman sila nakakahalik ikaw lang may karapatan sa mga labi ko. Inaasar lang naman
talaga kita, tinignan ko kung ano magiging reaksyon mo and I succeeded. Akalain
mong may ganitong lugar pala, dati nyo daw itong store?� ginala gala ni Brye ang
tingin niya.

�Yup, dito kami nagsimula ni Weng.�

�You've gone a long way.� sambit ni Brye at tsaka naman niyakap ako ng mahigpit.

�Not as long as you've gone.� sagot ko sakanya. He kissed my temple. Nanatili lang
kami magkayakap. Nang maalala ko ang cake na binebake ko. �Brye, ang cake!
Tatapusin ko muna.�

�I'll help you.�

Hindi na ako tumanggi. Tinulungan ako ni Brye sa paggawa ng cake, after an hour.
Natapos na din ang cake na ginawa ko. We placed it inside the refrigerator at
nagligpit na kami ng mga gamit.

�Let's go!� aya ni Brye. Nilalagay niya na ang apron sa coat hanger at niroroll na
ang sleeves niya pataas.

�Saan?� tanong ko habang tinatanggal na rin ang apron na suot ko.

�Basta.. let's go.� then he grabbed my hand and went directly to his car.
#36

Tumigil ang sasakyan ni Brye sa isang malaking Boutique. Walang masyadong tao.
Giniya ako sa loob ni Brye, at sinalubong naman kami ng sopistikadang babae. Medyo
may edad na siya pero nandoon parin yung pagkasosyal niya.

�Brye.. my boy! How are you?� salubong ng babae kay Brye, binitawan ni Brye ang
kamay ko at niyakap naman ang babae pero yung babae hinalikan sa magkabilang pisngi
si Brye.

�I'm good.�
Nabaling naman sa akin ang tingin nung babae. Yumuko lang ako at nginitian siya
bilang pagbati. Grabe, nakakatakot siya. Mukha siyang mataray. She looked at me
from head to toe and turned to Brye.

�Who is she?� tanong niya kay Brye, saka lang ata ako naalala ni Brye dahil tsaka
niya ulit ako nilapitan at inakbayan.

�Mama Elle, this is Samantha Benitez my girlfriend�. Nagulat ako kasi ipinakilala
ako ni Brye bilang girlfriend niya hindi PA. Nakakapanibago lang, napag-usapan kasi
namin na hindi muna namin aaminin dahil baka daw dumugin ako ng mga fans at
reporters. Hindi lang ako kundi pati siya.

�Oh.�. Mali ako ng iniisip akala ko talaga masungit ang babae pero kabaligtaran
pala iyon. Niyakap niya din ako at hinalikan din sa magkabilang pisngi. �Ikaw pala
ang babaeng kinababaliwan nitong si Brye. It's so nice to finally meet you.�

�Nice to meet you din po ma'am.�

�Mama Elle nalang din ang itawag mo sakin. Ako ang personal stylist ni Brye kaya
close na close kami.�

Kaya pala mama ang tawag ni Brye, kilala ko kasi ang mama ni Brye eh.

�Mama Elle, nahanda na ba yung gown niya?� sabi ni Brye.

�Oh yes, kailangan nalang niya iyon isukat para malaman ko kung may adjustments
akong gagawin. Let's go hija.� aya sakin ni Mama Elle. Pero hindi ko alam kung para
saan ang gown na iyon, wala naman akong naaalala na may okasyon at kailangan ng
gown.

�Gown? Para saan Brye?�

�I'll tell you later. Sumama ka na muna kay Mama Elle.� then he sat at one of the
couches and read one of the magazines.

Sumama nalang ako kay Mama Elle. Nasukat ko na siya and it perfectly fits except sa
haba, masyadong mahaba lang ng konti kaya iiklan lang. Habang inaayos ni Mama Elle
ang gown nagsalita din siya.

�Alagaan mo si Brye ha. He'd been through a lot. I'm happy dahil nagkabalikan na
kayo.� then she smiled to me. Nagulat ako kasi alam niya? Alam niya ang past namin?
Halata naman na alam niya kasi base narin sa pagkakasabi niya sakin.

�Paano niyo po nalaman?�

�I told you, close kami. Ewan, siguro komportbale siya sakin. Let's go, baka may
pupuntahan pa kayong dalawa.� Pagkatapos lumabas na kami. Nagpaalam na kami kay
Mama Elle dahil idedeliver naman daw bukas yung mga damit namin eh.

�Saan na tayo pupunta Brye?� tanong ko pagkapasok namin makapasok sa kotse niya.
Hindi ko parin alam kung saan ko gagamit yung gown na pinagawa niya.

�Dun tayo sa bahay ko.� Hindi na ko nagreklamo kaya tahimik lang kami nag-drive
papunta sa bahay niya. Pagkarating namin, umupo lang ako sa couch sa sala.
Nagtimpla naman si Brye ng juice. Maya maya tumabi naman siya sakin at ibinigay
sakin ang juice. Uminom ako ng konti, at hinarap na siya.

�Now explain.� I said.

�Para akong nasa interrogation room ah. Bukas na kasi ang premiere ng movie na shi-
noot sa Bukidnon.�

�And..?�

�And I want you to be my date tomorrow. Hindi mo naman ako tatanggihan di ba?�

�I-eexpose mo ako? Akala ko ba secret na muna natin?�

�We can always deny it. At tsaka, gusto ko na rin aminin na ikaw ang girlfriend ko
whatcha think?� tinaas baba niya pa ang mga kilay niya.

�Ewan ko. Ikaw lang naman ang inaalala ko. At tsaka, next time nalang. Premiere pa
naman ng movie mo. I can always wait you know that.� tapos sumiksik ako sakanya.
Inakbayan naman niya ko and pulled me closer to him.

�Kaya mahal na mahal kita eh.� then he kissed my temple.

Nanuod lang kami ng movie ni Brye. Tapos nagkukulitan lang. Hindi ko napansin ang
oras at gabi na pala. Kailangan ko na umuwi.

�Dito ka na matulog.� Brye said unexpectedly. Wala kang mababasang pagbibiro sa


mukha niya. He looks serious pa nga eh.

�Hindi na nuh. Makaistorbo pa ako. Hatid mo na ako.�

Pero he just slouched himself sa sofa. Nang-aasar na naman ito.

�Ayoko, pagod na ko. Dito ka nalang matulog kasi. Kung gusto mo, magtaxi ka kung
may mahahanap ka.� then he smiled to me.

Wala na akong choice dahil ayoko naman makipagtalo pa sakanya. As if naman may
choice pa ako di ba? Eh private itong subdivision talaga at malayo ang bahay ni
Brye sa guardhouse. Wala naman ding taxi dito kaya eto ako ngayon nandito sa bahay
ni Brye.

�Malinis ba ang guest room?� tanong ko kay Brye. Habang naglalakad patungong guest
room. Pero nagulat ako kasi walang laman ang kwarto.!

�Brye! Bakit walang gamit sa guest room?� bumalik ako kay Brye na nasa sala.
�Pinatanggal ko. Balak ko kasing gawing studio iyon eh.�

�Eh saan ako matutulog?�

Naku, ayoko nga sa sala. Masyadong exposed. Salamin nga ang wall ni Brye dito eh.

�Edi sa kwarto ko.�

�Ahhh. Okayyy. Maliligo na ko.�

Pumasok na ako sa kwarto ni Brye. First time kong pumasok dito at ang linis ng
kwarto niya. Nakita ko naman ang gitarang binigay ko sakanya. Niapitan ko pa ito to
make sure kung iyon nga iyong binigay ko. Napangiti naman ako kasi he kept it.

Pumasok na ako sa banyo buti nalang may towel dito at bathrobe. Nagsimula na akong
mag-shower. Ahh, ang sarap! Naalala ko naman si Brye, okay lang kaya na matulog ako
sa kwarto niya tapos siya sa sala matutulog. Eh dapat lang naman di ba? Lalaki siya
eh.

Nang matapos na ako maligo, tsaka ko lang naalala na wala pala akong damit! Bobo
talaga. Sinuot ko na ang bathrobe at lumabas sa banyo. Pinuntahan ko si Brye na
papasok narin sa kwarto niya. Halatang bagong ligo narin siya. May isa pa kasing CR
sa may bandang kusina.

�Brye, peram damit. Wala pala akong damit dito.� medyo nahihiya parin ako. Kasi
nakabathrobe lang ako.

Pumunta naman si Brye sa cabinet niya at iniabutan ako ng pajama at tshirt.


Nagbihis naman ako sa banyo. Pero paglabas ko nakita ko siya nakahiga sa kama.

�Anong ginagawa mo dito Brye?� bulalas ko.


�Uhm, kasi kwarto ko ito?� sagot naman niya.

�Pero sabi mo dito ako matulog. Edi dapat sa sala ka.�

Ehhh. Nakakahiya. Hindi naman ako pavirgin nuh. Kasi hindi na ko virgin. Si Brye
din ang una at huli ko. Isang beses lang namin iyon ginawa. Pero siyempre matagal
na iyon.

Umupo naman si Brye sa kama. Bakit ba ang pogi nitong lalaking ito? Kahit na medyo
nagulo na ang buhok niya.

�Tabi nalang tayo. Tara na.� tapos tinapik tapik niya pa ang tabi niya. Oh My God!
He's seducing me. Inaakit niya ko.. bakit ba hindi ko naisip iyon?

�Tss. Bahala ka.� then he went back to bed again. Huminga ako ng malalim. Wala na
akong choice, wala naman siguro gagawin si Brye eh. Humiga na ako sa tabi niya at
pinatay na ang ilaw, bukas ang lampshade sa gilid ko while sarado naman sa side ni
Brye.

Nakatalikod ako kay Brye, why does my heart thumps heavily. Kinakabahan ba ako o
naeexcite? Oh my! I'm having pervy thoughts. Erase! Then suddenly, naramdaman ko na
niyakap ako ni Brye from behind. He kissed my nape.

�B-Brye..� nanginginig ako. Hindi ako natatakot. Nahihiya lang talaga ako.

�Wag ka mag-alala wala akong gagawin. I just want to hug you, please look at me.�

Humarap naman ako agad kasi wala naman talaga malisya since kami naman. And just
when I looked at him, hinalikan niya ko sa labi. A quick kiss then pulled me close
to him. Iniunan niya ang braso niya sakin. Hinilig ko naman ang ulo ko sa
matipunong dibdib niya. Nakasando lang kasi siya kaya ramdam ko ang tigas ng dibdib
niya.

�Goodnight Lamps. I love you.� then he kissed my head and hugged me tightly.

�I love you too Babs.� and I hugged him back.

It's such a great feeling dahil balik na talaga kami sa dati. Pati ang dating
endearment namin. We dozed off with smiles.
YNO#37

SAM'S POV

Hulaan niyo kung nasaan ako?

Alam na, nandito nga ako sa magandang bahay ni Brye. Ewan pero ngayon ko lang ulit
ata naramdaman ang sobra sobrang kasiyahan paggising ko.

Una, dahil magkatabi kami ni Brye magdamag. Ay mali! Magkayakap pala! Hehehe.

Pangalawa, sino ba naman ang hindi sasaya kung ang una mong makikita ay ang Mala-
Adonis na mukha ni Brye. Siya kasi ang gumising sakin.

Pangatlo, ang breakfast mo ay isang matamis na halik ni Brye. Oha!

Pang-apat, siya ang umasikaso sakin. Bongga di ba?

All in all, sweet talaga si Brye. ^__________^

It's 3pm and dito ako inaayusan sa bahay ni Brye para daw hindi hassle pag papunta
na kami doon sa Premiere. Dapat by 5:30pm eh nandoon na kami.

Dumating nadin ang gown na ginawa ni Mama Elle.

Simula nang dumating yung make up crew and sila Dino dito, hindi ko na masyadong
nakikita si Brye though nasa iisang bahay lang kami ha! Hindi na kasi ako nakalabas
sa kwarto niya eh. Dito ako inaayusan. Si Brye naman, nakabihis na.
He's a man kaya wala naman masyadong hassle sa pag-aayos sakanya. Kinakabahan ako
mamaya kasi naman eh! For sure, uulanin si Brye ng mga tanong questioning kung sino
ako at ano ako sakanya. >.<

Kailangan magandang maganda ako mamaya para walang mapintas sakin. Ayokong mapahiya
si Brye sakin.

Saktong 4pm tapos na akong ayusan. Nakita ko ang sarili ko sa salamin and I can't
believe what I'm seeing right now..

Parang wala namang make up na nilagay sakin!!!!!!!!!!!! Ganoon parin itsura ko.
Walang nagbago except the hair which is really beautiful by the way. Hinarap ko
yung make up artist ko.

�Are you sure na tapos ka na? Nakalimutan mo atang make up-an ako eh.� I said in a
frustrated tone.

Natawa naman ang babaeng make up artist. And he help me in my shoulders and hinarap
ulit sa salamin. Nakatingin siya sakin sa salamin. Nasa likod ko kasi siya.

�Miss Sam, may make up ka na niyan sa lagay na iyan. Brye personally asked na
gawing natural ang make up sayo. And indeed. Sobrang ganda mo po. Hindi na nga
kailangan ng make up eh, with a little lip gloss nga lang you'll really stand out.�

�Pero madaming artista doon, andoon din mga fans ni Brye tsaka mga reporters. Baka
sabihin na ang pangit ko. Ayokong mangyari iyon�

�Miss Sam, trust your beauty. You are really pretty. No I mean gorgeous. Wag niyo
pong pagdudahan ang kagandahan ninyo. They will love you. And kung may negative man
kayong marinig, just ignore it. Just hold your chin up and smile. Okay po?�

Just hold yyour chin up and smile. Tama. Bakit ba ako mapapaapekto sa mga sasabihin
nila? As long as Brye says I'm beautiful, I am beautiful. I smiled at my own
reflection and hold the hand of my make up artist.
�Thank you ha?�

�Tara na po. Magbihis na kayo. Hinihintay na kayo sa baba.�

Kinuha ko na ang malaking box na naglalaman ng gown ko. Then pumunta na ako sa
banyo.

Pagbukas ko ng box, napanganga ako sa ganda nito. Mama Elle really did a great job.
Masayang sinuot ko ito at lumabas na. Nang makita ako ng mga nag-ayos sakin. I know
na nagagandahan din sila sakin! Hahahaha.

I'm not joking! Miski ako, hindi makapaniwala na ako pala ito.

Pumunta ako sa full length mirror at sinipat ko ang itsura ko.

�Shet Sam! Ang ganda mo talaga!� sabi ko.

Natawa naman lahat ng tao sa loob ng kwarto sa sinabi ko. And of course they agreed
to it.

Naglagay na ako ng sapatos and may ginawa pa sila ng konting make up para sumakto
sa suot ko. Hindi siya typically gown eh. It's more of an elegant or sphisticated
dress. Basta. Tignan niyo nalang sa multimedia. :)

Nang matapos lumabas na ako sa kwarto at bumaba na. Ingat na ingat ako sa pagbaba
ng hagdan kasi baka matapilok ako. Nakayuko ako kasi nga tinitignan ko yung mga
steps ng hagdan pero kahit na nakayuko ako. I know Brye is staring at me and I
can't help but smile.

===--------====

BRYE'S POV

Pababa na si Sam sa hagdan. Tinapik lang ako ni Dino at itinuro nga si Sam na
nakayuko at dahan dahang bumababa. I can't help but stare at her. Hindi ko pa
nakikita ang mukha niya dahil sa buhok na tumatabing dito pero alam na alam ko kung
gaano siya kaganda ngayon.

Seeing her walking down the stairs warms my heart. Daig ko pa ang prinsipe nina
Cinderella o kaya Sleeping Beauty. Dahil ngayon, alam ko na ako ang pinakaswerteng
prinsipe sa balat ng lupa. Of course, Sam is my one and only princess.

Parang slow motion ang bawat hakbang niya pababa. At tila naman tumigil ang oras ng
makababa na siya ng tuluyan at tinignan na ako. Tama ako, she is really gorgeous.
Natural lang ang make up sakanya like how I wanted it.

Lumapit ako sakanya.


�Anong ginawa mo kay Sam?� I teased.

Pinalo niya lang ako ng maliit na purse niya and I can see her blushed.

�You really look beautiful Sam.�

�Thank you.� she shyly said.

I offered her my arm para humawak siya doon. And she did. Nagkaroon muna ng picture
picture bago kami umalis na at pumunta sa premiere.

Pagdating namin sa Premiere syempre may red carpet pa doon. I gently squeezed Sam's
hand. Tumingin naman siya sakin.

�Wag kang kabahan. Kasama mo ako. Just smile.�

At parang gusto ko na siyang halikan ng ngumiti siya sakin. Kaya pinigilan ko


nalang muna ang sarili ko. Habang naglalakad sa red carpet, sinusulyapan ko si Sam
and I think she is getting used to it. Nakangiti lang siya at natatawa.

Camera's were everywhere. Tigil kami dito, pose picture. Tapos may ilang
nagtatanong din na reporters.

�Brye, sino ang magandang dilag na kasama mo ngayon?� a reporter asked.

I smiled and looked at Sam. Nakatingin din siya sakin althoug nakangiti siya
nakikita ko din ang pag-aalala sa mga mata niya.

�She is a very very special friend of mine.� I said.

Narinig ko din ang malakas na pagbuga ng hininga ni Sam. A sign na relieved siya sa
sinabi ko. I don't really want to deny that she's my girlfriend pero hindi pa oras.
There is a word called timing and that's what we need. Okay naman kay Sam eh.
Naiintindihan niya ko. I know it dahil alam kong mahal niya ko.
YNO#38

SAM'S POV

Grabe! Nawindang ako sa mga reporters kanina. Hindi ko alam kung saan ako titingin,
o kaya san hihinto. Ang higpit nga ng kapit ko kay Brye eh kasi feeling ko anytime
baka mawala ako.

Mabubulag na nga ata ako sa mga flash ng camera. Pero nakakaenjoy naman. Kaya
siguro minsan kahit na nakakapagod ang trabaho ni Brye hindi niya parin maiwanan
kasi nag-eenjoy siya sa ginagawa niya.
And seeing his movie first Philippine movie was a great gift to all his Filipino
fans. Puro nalang kasi English and Korean movies ang nirirelease niya eh. I can see
his dedication to his work. Nakakatuwa para akong proud mother. Haha. Pero siyempre
isa akong proud girlfriend.

Worth it nga siguro ang matatawag sa sakripisyong ginawa ko and that is to let him
go four years ago.

Pero dapat nang kalimutan iyon, it's all about in the present now. Natapos na ang
movie and it was a big success! Marami ang nanuod at maraming good feedbacks. Sunod
na ang after party ng mga casts.

�Gusto mo ba pumunta? Pwede namang hindi na eh. Baka pagod ka na?� si Brye. Papunta
kami ngayon sa venue nung after party. Nandoon na si Dino eh, at alam ko kasama
niya si Weng para naman hindi daw ako mailang.

�No, okay lang nuh. Tsaka, party niyo iyon, hindi masaya pag hindi kompleto ang mga
casts. Nandoon naman sina Weng eh.�

Hindi na nagreklamo si Brye dahil ako ang batas. Hahaha. Nandito na kami sa Club
toot. Dito gagawin ang party.

Pagpasok namin siyempre maingay. May club bang tahimik at nakaupo lang ang mga tao?
Haha.

Maingay at ang ganda ng mga lights. Nakakaduling. Nakita naman agad namin sina Weng
at Dino sa isang VIP table sa 2nd floor ng club. Pumunta na kami doon.

Wala naman masyadong nangyari. Kwentuhan na sigawan. Nagsayaw kami then had a
little drink. Hindi din masyadong uminom si Brye kasi nga magda-drive pa siya. Si
Weng at Dino ayun! Nasa dance floor at sila pa ang nangunguna sa Harlem Shake. Nasa
stage kasi sila.

Napapailing nalang ako sa ginagawa nila. Maya maya naramdaman kong may umakbay
sakin. Hindi ako nagreklamo kasi amoy palang Brye na Brye na. Nilapit niya ang
bibig niya sa tenga ko para may sabihin.

�Hindi ka ba naiinip?�

�Paano ako maiinip eh tuwang tuwa nga ako doon sa dalawa. I-video nga natin at nang
maging sensational sa YouTube.� tatawa-tawang sabi ko.

Nagkwentuhan lang kami at nagtatawanan ni Brye nang makaramdam siya ng call of


nature. Sakto naman na bumalik sina Weng at mukhang walang kapaguran kaya nag CR
muna si Brye.
�Ayaw mong sumayaw Sam?� sigaw sakin ni Weng.

�Hindi na! Okay na ako sa panunuod sainyo!�

�Tara na! Tuturuan ka namin ni Weng mag Harlem Shake! Woooo!� si Dino. Mukhang may
tama na pero nakakausap pa naman ng matino.

Napapailing nalang ako. Maya maya nakaramdam ako ng call of nature din. Hindi pa
din bumabalik si Brye pala, baka madami lang tao sa CR. Nagpaalam na ako sa dalawa
na sayaw parin ng sayaw kahit na nakaupo.

Lumabas ako para hanapin ang CR, and nakita ko naman agad. Madami ngang tao kaya
kailangan ko pang pumila. Nang matapos na ako, at pagkalabas ko may babaeng dumaan
na umiiyak. Mukha siyang pamilyar at kakilala ko pero mabilis siyang nakalabas sa
Club toot. Binale-wala ko nalang kasi hindi ko naman namukhaan.

Pagkabalik ko sa pwesto namin nandoon na si Brye at parang nasa malalim na pag-


iisip. Hindi niya pa ata niya ko mapapansin kundi ko lang siya pinalo.

�Kanina pa kita tinatawag pero mukhang malalim ang iniisip mo. May problema ba?�

�W-Wala, medyo pagod na ako. Umuwi na tayo.�

Pagkatapos nun eh bigla nalang niya ako hinila palabas.

�T-Teka, paano sila Weng???�

�Kaya na nila iyan. Binilin ko naman sila sa driver eh.�

Hindi na ako nagsalita pa dahil mukhang badtrip nga si Brye. Ayokong sabayan ang
init ng ulo niya. Pagkasakay sa kotse niya, walang umiimik. Napakatahimik.

Sinubukan kong kausapin siya pero puro iling at tango ang mga sinasagot niya, kung
hindi man hindi siya sasagot. Nag-aalala na ako kasi hindi ko alam ang nagyayari
kay Brye.

Pagkarating namin sa condo ko, hindi muna ako bumaba.

�Brye, may problema ka ba?�

�I'm tired Sam, bukas nalang tayo mag-usap. Goodnight.�

Walang sabi, bumaba na ako sa kotse at pagkababa na pagkababa ko, bigla nalang siya
humarurot ang sasakyan niya.

I was left dumbfounded.


YNO#39

BRYE'S POV

Nandito ako ngayon sa bahay ko. Pagkahatid ko kay Sam dumiretso na ako dito at
tinawagan ko si Dino na pumunta din. Ngayon nandito kami ngayon sa tabi ng pool ko
at umiinom.

�Anong gagawin mo ngayon sa kanya?� tanong ni Dino. Hindi na siya masyadong


nalalasing kasi malakas ang tolerance niya sa alak.

Bumuntong hininga ako bago ako nagsalita. �Hindi ko din alam! Dino, paano ko siya
itataboy????�

�Hindi mo na siya matataboy pa Brye. She's inlove with you. I know this is very
serious. Bakit naman kasi binalikan mo pa siya?�

�Hindi ko alam! Siguro sa pangungulila ko? I don't know! Bakit kasi kailangan pa
bumalik ng Jackie na iyan!�

Jackie was my ex girlfriend. Naging kami noong 1st year high school ako. Pero
naghiwalay kami noong 2nd year dahil umalis siya papuntang States. Hindi ko naman
alam na magtatagpo pa ang mga landas namin sa Korea. And nasa entertainment
business din ang pamilya niya hindi ko nga lang alam kung saan at ano.

Nagkabalikan kami noong trainee days ko pa. Sa sobrang pangungulila at sama ng loob
ko kay Sam, kaya siguro pinili ko mag move on at naging kami nga ni Jackie. Pero
bago pa ako mag debut naghiwalay na kami. Siya na din ang nagsabi nun at hindi na
ako tumanggi dahil si Sam parin ang nasa isip ko though galit na galit ako sakanya
noon.

Noong time na naabutan kami ni Sam na nagsisigawan sa office ni Dino, si Jackie ang
dahilan noon dahil iyon ang unang beses na nagpakita ulit siya.

Flashback

Nakekwentuhan kami ni Dino nang kumatok ang secretary niya at sinabing may gusto
daw kumausap samin. Pumayag naman si Dino.

Laking gulat namin dahil ang babaeng akala ko ay wala na eh ngayon ay nasa harap
namin.
�Hello!! I missed the both of you!� Jackie ran towards us and hugged us. Pero
laking gulat ko dahil bigla niya akong hinalikan. At agad ko naman na natulak siya.

�What's the matter baby? Ayaw mo na ba sa halik ko?� Jackie said.

�Anong ginagawa mo dito ha?� I said in a cold tone. Hindi naman kami galit ni
Jackie nang magkahiwalay kami pero as much as possible ayoko na siyang makita lalo
na ngayong okay na kami ni Sam.

�Getting back to you. I'm sorry Brye if I left you. I'm willing to start again.�

Akma nanaman niya akong hahalikan nang maitulak ko nanaman siya. Tumingin ako kay
Dino na nagets naman niya agad.

�Jackie darling, The end na kayo ni Brye. Sana maintindihan mo iyon.�

�Shut up Dino!�

Then she turned to me. Her eyes are full of confidence.

�May iba na ba Brye?�

�Wala ka nang pakielam doon.�

�So may iba na nga? Ha! Hindi ako papayag Brye. You're mine only. Walang pwedeng
may mag-ari sayo kundi ako lang!�

That alarmed me. Hinaklit ko siya sa braso niya at binalaan.

�Don't you dare woman or I'll wring your neck.�

She just gave me a smirk and walked out.

�Dino! Anong gagawin natin?!!!� Frustrated na sabi ko.

�Hindi naman siguro gagawa nang masama si Jackie. Banta lang iyon!�

�We have to do something!� then Sam came in.

End of flashback.

Akala ko hindi na siya magpapakita ulit. Dahil matapos noong nagpakita siya samin
ni Dino hindi ko na ulit siya nakita pa until a few hours ago. Sa restroom, she
locked me up sa men's room.

Flashback
�Anong ginagawa mo dito?!!!!� sigaw ko sakanya. Nakaharang siya sa pintuan. Kaya ko
naman makalabas pero tinitignan ko kung ano ang sasabihin niya sakin.

�Di ba sabi ko naman sayo na akin ka lang? Hindi ka pwedeng mapunta kay Sam ng
basta basta!�

Nagulat ako dahil alam niya ang pangalan ni Sam. Hindi na ko magtataka kung alam na
niya ang itsura niya pero ang pangalan?

�Paano mo nalaman ang pangalan niya?�

�I have my ways, and niloloko ka lang niya Brye!�

�Stop talking shit! Move!�

Pero hindi siya umalis. Nakatayo lang siya doon. Alam ko naman na nagsisinungaling
lang siya sa mga pinagsasabi niya tungkol kay Sam.

�Hindi ako nagsisinungaling. Why don't you ask her. Nang iniwan ka niya dahil
sumama siya sa ibang lalaki. Mike ang pangalan. Why don't you ask her?�

Hindi ko na siya pinatapos dahil tinabig ko na siya at dali daling lumabas.

End of flashback.

Hanggang ngayon, binabagabag parin ako ng sinabi ni Jackie sa akin. Alam ko na


dapat hindi ako maniwala sakanya pero hindi rin maialis sa akin na maguluhan. Paano
kung tama ang sinasabi niya?

Nakita ko si Dino na nakasubsob na sa lamesa. He's wasted. Inisang tungga ko ang


whiskey sa baso ko and carried Dino sa sala. Then I went up my room.

There's only one thing to do that. I must call Jackie and talk this out and I'll
talk to Sam after I talk to Jackie.
YNO#40

SAM'S POV

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari kay Brye. Hindi siya sumasagot sa cellphone
miski sa text ayaw. Kahit si Dino hindi ko din macontact. Sobra na kong nag-aalala
sakanya. Hindi ko alam kung may problema ba siya o may problema ba kami. Simula
nang bumalik ako galing CR kagabi sa club bigla nalang nag-iba si Brye.

Hindi naman ako napirmi dito sa condo kaya nagdesisyon ako na pumunta sa Twisted
Hangout para tumulong. Maaga pa naman kaya wala pa tiyak na masyadong tao doon. I
got into my car and went to my bar cafe.

Pagkarating ko, ang daming reporters sa labas. What do I expect? Simula nang
nangyari na ipakita ako sa whole Philippines kagabi ni Brye tiyak na matatakam sila
sa balita. At tiyak din na sinundan sundan na nila ako para may makakuha o
makasagap man ng maanghang na balita. Media are really impulsive you know.

Maya maya may dumating ng mga pulis para paalisin ang mga media siguro naasar na si
Weng kasi nga nakakasagabal sila sa negosyo namin. Sa back door nalang ako dumaan
para wala na ring makakita. Agad naman akong nakita ni Weng.

�Sam! Bebs! Jusko. Sikat na sikat ka na!�

I just gave her a weak smile and went straight to the office. Alam ko na sumunod
naman sakin si Weng.

�Okay spill. Problema mo?� bungad sakin ni Weng pagkapasok na pagkapasok namin sa
office.

�Wala nuh! Ano ka ba?�

�Lokohin mo lelang mo! Sige tanggi pa, kilala kita Samantha. Ano problema?�

�Wala talaga Weng. Pagod lang siguro. Maaga ako nagising kanina, kulang ako sa
tulog. Himala wala ka hangover? Wala bang masakit sayo kaka harlem shake niyo
kagabi?�

I tried to change the topic which was a success dahil hindi na ako kinulit pa ni
Weng.

�Ako pa. Okay lang ako nuh, uminom ako ng Alaxan. Hahaha. Teka, jan ka na nga muna
at lalabas muna ako.�

Naglakad na siya palabas pero bago tuluyang lumabas hinarap niya muna ako ulit.

�Sam, if you're ready to share what's the problem nandito lang ako ha?� then she
left.

Hindi ko alam kung sasabihin ko kay Weng. Eh ako nga hindi ko alam ang mismong
problema. Kailangan muna namin mag-usap ni Brye.

Maya maya lumabas narin ako ng office. Dala dala ko ang laptop ko at gumawa ako ng
ice coffee and umupo sa pinakadulo ng cafe.

Pero maya maya naman may umupo sa harap ko. Nakakainis. Masama ang mood ko ngayon
kahit na sabihin customer siya, ako parin ang owner.

�Excuse me can't you see this space is taken?� then nag-angat ako ng tingin sa
walang modong lalaki na nasa harapan ko. Pero napatigil ako dahil kilala ko ito.
�I know you..you are-�

Hindi na niya ko pinatapos magsalita.

�Mike. Nice to meet you again Sam.� then nilahad niya ang kamay niya.

Tinignan ko lang ang nakalahad niyang kamay. Tatanggapin ko ba? Oh well.. wala
naman masama.

�Same here.� I smiled.

�Kamusta ka na? I'm sorry about 4 years ago. Hindi kita dapat pinilit.�

�No, hindi mo kasalanan iyon. Ako naman ang pumayag eh. It's my fault actually.�

He smiled. We just talked about random stuffs. Nakalaimutan ko pansamantala ang


problema namin ni Brye.

We exchanged numbers before he left. Napadaan lang naman daw siya sa cafe nang
makita niya ko na tutok sa laptop ko then nakilala niya ako. Small world talaga.

I turned off my laptop and went straight to the counter and found Weng looking at
me.

�What?� nagtatalang tanong ko.

�Is that Mike?�

I nod at her. Umikot ako para makapasok sa loob ng counter. Kinuha ko ang mga order
slips and started to brew and make some coffees. Si Weng naman parang aso na kahit
saan ako maglakad nakasunod saakin.

�Iwasan mo siya Sam. Hindi maganda ang kutob ko sakanya.�

�Ano? Weng, ano ka ngayon isang maghuhula? Kinukutuban? Eew.� biro ko.

�I'm not kidding. Iwasan mo siya.. makinig ka naman sakin ngayon.�

�Why do you hate him that much?�

�I don't hate him. Nanghihinala is the right word.�

Matapos ko gawin ang mga kape, sinerve ko muna yun sa customer na nag-aabang sa
counter then turned to Weng na sobra na ang pagkakunot sa noo.

�And why is that? Wala naman siyang ginawang masama ah?�


�Anong wala!! Baka nakakalimutan mo na siya ang dahilan kung bakit kayo
nagkahiwalay ni Brye. Kung bakit mo iniwan si Brye.�

Hindi ako agad na nakapagsalita. Somehow tama si Weng, pero desisyon ko yun. At
alam kong tama lang ang ginawa ko. Hindi na ako sumagot kay Weng at umalis nalang
basta. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero kailangan ko munang makapag-isip.

I need to get out of here. Hindi ako kinakausap o kinokontak manlang ni Brye. Si
Weng naman hindi ko maintindihan kung bakit ang init ng dugo kay Mike. Bakit
feeling ko pinagkakaisahan ako ng lahat?

Napatigil ako sa tabi ng daan. I need to calm or else baka mabangga pa ako.
Nang mahinahon na ako. I started to drive. Hindi ko talaga alam kung saan lupalop
ako pupunta.

Drive lang ako ng drive. Hanggang sa tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman itong
sinagot nang makitang si Brye and tumatawag.

�Brye!�

�My house. Fast.�

Iyon lang ang sinabi niya then hanged up. I can sense na hindi maganda ang mood
niya sa tono ng boses niya. Agad ako ng U turn at dali daling pumunta sa bahay ni
Brye.

I hope it''ll be alright.

I just hope.
YNO#41

SAM'S POV

Kinakabahan ako habang sinasaad ko ang daan papunta kay Brye. Hindi ko alam kung
anong iisipin ko sa tono ng boses niya. Halata naman kasi na hindi siya masaya.

Baka may problema lang siya sa trabaho. Kaya ganoon na lamang ang tono niya. Hayyy!
Sana maging okay lang ang lahat.

Mabilis akong nakarating kela Brye. Bukas na ang pinto kaya pumasok na ako. Hinanap
ko siya at nakita ko siya sa may back garden niya, nakatayo at parang ang lalim ng
iniisip.

�Brye?� pukaw ko sakanya.


�Sit down.�

Hindi siya lumilingon sakin. He just stayed standing not facing me and I can feel
the coldness of his voice. Ano ba kasing problema?????

Umupo nalang ako at huminga ng malalim. Naiiyak na ako pero pilit kong pinipigilan
ang mga luha ko. Nagulat nalang ako nang bigla siyang may binagsak na isang
envelope sa may lamesa.

=====----=====

BRYE'S POV

�A-Ano ito?� tanong ni Sam.

Tuluyan na akong humarap sa kanya at tinukod ang dalawa kong kamay sa lamesa
paharap sakanya.

�Why don't you look it for yourself?� sarcastically.

Tila nalilito pa siya kung bubuksan nga ba niya o hindi pero mas pinili na niyang
buksan ito. Umayos na ako ng tayo crossing my arms on my chest. Waiting for her
reaction. Alam kong magugulat siya. Miski ako, hindi makapaniwala na tama ang mga
sinasabi ni Jackie though gusto ko parin na umamin sa akin si Sam.

Flashback

Magkikita kami ngayon ni Jackie sa isang restaurant na pinareserve niya para walang
makakilala sa akin. Nauna akong dumating kaya naghintay pa ako ng ilang minuto para
sakanya.

Siguro 10 minutes after kong dumating eh nandiyan na siya. I really hate waiting,
si Sam lang ang nakakapagpahintay sa akin ng matagal. Kung hindi lang talaga sa
sasabihin ni Jackie I wouln't waste my time with this. Gusto kong ipamukha sakanya
na nagsisinungaling siya sa mga bintang niya kay Sam. Alam ko hindi magagawa ni Sam
iyon. Kahit na hindi ko alam ang totoong dahilan ng pang-iiwan niya sakin alam ko
na hindi niya kayang sumama sa ibang lalaki. I just know.

�Hi, sorry to keep you waiting.� bungad ni Jackie and she kissed my cheeks.

�Wag na tayo magpaligoy-ligoy pa Jackie. Busy ako. Ano ba ang sasabihin mo?� I
sound like I am irritated which is true. I don't wanna be rude pero I'm pissed.
�Take it easy my Brye. Mahaba ang oras.� then she waved for the waiter and ordered
our food.

�Jackie.. I don't have time para sa chitchat mo. Get straight to the point.�

�Okay okay.� mukhang alam na talaga niya na naiinis na ako kaya may kung anong
kinuha siya sa bag niya.

An envelope. She handed me an envelope. Inabot ko naman ito at tinignan siya ng may
pagtataka.

�Those are the proof of what I'm saying the night at the club.�

Binuksan ko ang envelope at nanlaki ang mga mata ko sa mga nakita kong mga larawan.
Si Sam with Mike.

May mga pictures na kuha 4 years ago. Mike hugging Sam. Then meron yung pasakay
sila sa isang kotse at may maleta. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang mga recent
pictures nila ni Mike. Sa bar cafe ni Sam na sobrang nagkakatawan pa sila.

Sam was just using me! Pero bakit?

�Brye, I tried to tell you. I don't want to hurt your feelings pero sa tingin ko
kasi karapatan mong malaman ito. That's how much I love you Brye.�

Naramdaman kong hinawakan ako sa kamay ni Jackie. Dali dali kong inilagay ang mga
litrato sa envelope at pinalis ko ang mga kamay ni Jackie.

I need to know the truth. Sa ngayon naniniwala ako dahil sa mga pictures pero gusto
kong umamin si Sam, wala na siyang kawala ngayon.

End of Flashback

�P-Pano mo nakuha ang mga ito?� tanong ni Sam. Nangingilid na ang mga luha niya.

�Doesn't matter. Now, gusto ko sabihin mo sa akin ang totoo.�

Hindi siya sumagot. Shit! Ano siya guilty? Naiinis ako. Gusto ko siyang saktan pero
hindi ko iyon magagawa! Bumabalik lahat ng sakit na ibinigay niya sa akin.

�Ikaw ba ang mga nasa litratong iyan?�

Alam ko napaka bobo ng tanong ko. Of course siya iyon pero gusto kong malinawan
lahat ng tanong sa isip ko.

Pero hindi siya sumagot. Nauubusan na ako ng pasensya. Pinalo ko ng malakas ang
lamesa at agad siyang sumagot.

�Y-Yes.� mahinang sambit niya. Tears started running through her cheeks.

�Kilala mo ba ang lalaking iyan? Siya ba ang kasama mo nung panahong iniwan mo ako?
� PANAHONG UMALIS AKO NG BANSA??!!!!�

�OO BRYE. SI MIKE NGA PERO HINDI IYON KATULAD NG INIISIP MO BRYE. MANIWALA KA..
GINAWA--�

Hindi ko na siya pinatapos dahil ayoko nang maniwala sakanya. Tama na ang
pagpapakatanga! Pucha!

�AAAAAAAAAHHHHHH!!!�

Sinipa sipa ko ang lahat ng makikita ko. Sinuntok suntok ko ang mga humaharang sa
daraanan ko. Pinipigilan ako ni Sam. Naramdaman ko na niyakap niya ko.

�Brye.. p-please.... maniwala ka.. m-mahal k-kita..�

Hinarap ko siya. Hinawakan ang magkabilang balikat niya. Niyugyog.

�Mahal?!! HA! PWES! HINDI KITA MAHAL. GUMANTI LANG AKO SAYO! PERO MAS MATALINO KA
EH. DAHIL NAGAWA MO PARIN AKO PAIKUTIN! ANG GALING MO SAM. NAPAKAGALING MO.�

Wala siyang tigil sa pag-iyak niya.

�B-Brye.. aray. N-Nasasaktan ako..�

Padabog ko siyang binitawan. Ayoko na siyang makita.

�Get out. Leave.�

�B-Brye..�

�LEAVE!�

Dali dali siyang umalis.

At doon lang ako naiyak sa sakit.


YNO#42

SAM'S POV
Hindi ko alam kung paano ako napadpad sa dati kong bahay. Naaalala ko ang saya saya
naming pamilya rito. Pero ngayon.. hindi na.

Ang sakit sakit sakit. Hindi ako pinakinggan ni Brye. Gusto ko sabihin sakanya na
mali lahat ng akala niya. Na yung mga pictures na iyon ay namisunderstood niya.
Pero ano ba ang magagawa ko? Ayaw na niya makinig sakin. Hindi na siya maniniwala
sakin. Sino ba ang niloko ko?

In-off ko muna ang phone ko dahil ayoko ng istorbo. Nagtext lang ako kay Weng na
may importante akong pinuntahan. Gusto ko makapag-isa. Kung pwede kong ubusin lahat
ng luha ko ngayon gagawin ko.

Dito ko narin pinili na magpalipas ng gabi. Bukas nalang ako ng umaga uuwi.

==---==

Pagka-uwi ko, naligo lang ako at nagpalit na ng damit tapos pumunta na ako ng bar
cafe . Isusubsob ko nalang ang sarili ko sa trabaho. Akala ko tuloy tuloy na ang
pagiging masaya namin ni Brye pero hindi pala.

Pero hindi ako nagsisisi sa ginawa ko noon. Masaya ako sa naging desisyon ko noon.
Pagkarating ko sa bar cafe, wala pa si Weng kaya ako na muna ang nag-asikaso sa
iba. Medyo maaga kasi ako napunta dito. Parang bumabalik na naman ako sa dati.

Maya maya dumating narin si Weng at napansin niya ang panlulumo ko pero hindi na
siya nag-usisa. Pero mas nagulat ako nang biglang pumasok sa loob ng cafe ang
lalaking mahal ko at sobrang sinasaktan ako ngayon.

Napatitig lang ako sakanya nang makalapit siya sakin. Maaga pa kaya wala pang tao
sa cafe kundi ang mga nag-aalmusal na empleyado. Pero hindi ata nila napansin si
Brye dahil busy sila sa paglantak ng pagkain nila.

�A-Anong ginagawa mo dito Brye?�

Nandito ba siya para pakinggan na niya ako? Naisip niya ba na misunderstanding lang
ang lahat?

Pero sa halip na sumagot eh may itinaas siya saking papel. Kinuha ko naman ito at
binasa.

�Mamaya 10am sa building namin. Ayoko ng late.� pagkasabi nun umalis na siya.

Napabuntong hininga nalang ako. 8Am palang naman kaya marami pa akong magagawa. 2
weeks. 2 weeks nalang matatapos na ang kontrata ko bilang PA ni Brye. Sana
makayanan ko ito.

===--===
Pagsapit ng 10am, nandito na ko sa building. Ang daming inuutos ni Brye. Mukhang
may photoshoot nanaman siya sa isang magazine. Kaya marami ang damit na pinapadala.
Alam ko ang ginagawa niya. Sobra niya akong pinapahirapan. Katulad nalang ngayon.

�Ipagtimpla mo nga ako ng kape.�

Sinunod ko naman siya. Pero hindi pa ako tapos sa unang pinapagawa niya meron
nanamang kasunod.

�Ayusin mo ang mga sapatos ko. Gusto ko color coded lahat ah. Bilis. Aalis na
tayo.�

�Eh kung ikaw nalang kaya ang mag-ayos ng sapatos mo.�

Aba! Hindi ako natatakot sakanya nuh. Alam kong galit siya sakin, pero galit din
ako sakanya. Kumbaga, pwede naman na ako magquit sa pagiging PA niya eh, basta
magbabayad ako ng halagang nakaatang pero naisip ko na tatapusin ko nalang. Baka
makapag-explain pa ako sakanya sa mga panahon na iyon.

He stopped of what he is doing, hinarap ako at nakakatakot ang mga tingin niya. I
swear.

�Sino ba nag PA dito?�

�A-Ako�

�Alam mo naman pala eh. Tanga ka ba? May PA ba na nag-uutos sa amo niya?�

Hindi ako nakasagot. Napayuko nalang ako.

�Alam mo naman pala eh. Bilisan mo na diyan. Ayoko na ng kape, itapon mo na iyan.
Bumaba ka na at bitbitin ang mga bags na iyan. Aalis na.�

Pagkatapos niya sabihin iyon. Lumabas na siya, napatunganga naman ako. Bakit
kailangan maging ganoon siya? Halata naman na gumaganti siya eh. Alam ko na hindi
totoo ang sinabi niya na gumaganti siya sakin kaya niya ako binalikan. Ramdam kong
hindi sa paghalik niya palang saakin. Sa pagiging sweet at maalala niya sakin.
Bakit ganoon kabilis ang pagtatapos?

Kinuha ko na ang mga malalaking bags. Take note malalaki. 4 na malalaki to be


exact. Hindi ko alam kung paano kakayanin ng katawan ko ang mga bags na ito.
Sinabit ko ang dalawa sa magkabilang balikat ko. At hinawakan ang dalawa pa sa
magkabilang kamay ko.
Hirap na hirap akong ibaba ang mga bags. Nang makababa na ako, salamat naman at
tinulungan ako ni Dino.

�Let me help you.�

�Thank you.� I just gave him a weak smile.

Throughout the shoot. Puro utos lang ang ginawa ni Brye. Sobrang pagod na pagod na
ako pero I have to endure this. Tagaktak na ang pawis ko. Kasallukuyan akong
nagtitimpla ng juice para sakin. Nauuhaw na ako.

�You know, pwede ka naman mag-quit eh. Mas pabor iyon sakin, para hindi na kita
makita.�

Alam ko si Brye ang nagsalita. Kahit na nakatalikod ako kilalalang kilala ko siya.
Hinarap ko siya.

�You will never get rid of me Brye. Alam ko galit ka sakin dahil sa maling akala
mo. Pero ayaw mo naman ako pag-explainin. Pero kung gusto mo marinig ang
explanation ko, alam mo naman na ready ako anytime.�

�At sa tingin mo maniniwala pa ako sayo? Just get out of my life Sam.�

Mahina lang ang pagkakasabi niya pero mararamdaman mo ang firmness at galit doon.

Ngumiti lang ako sakanya bilang tugon. Inisang inom ko ang juice ko at hinugasan
iyon, hindi parin umaalis sa likod ko si Brye. Nang matapos, ngumiti lang ako
sakanya at nilagpasan na siya.

====---====

Matapos ang shoot, umuwi na kami. Pero nagdinner muna kami sa restaurant malapit sa
building dahil nagugutom na kami. Pagkatapos nun, umuwi na kami.

Kinabukasan, nagtataka naman ako kasi hindi ako pinapatawag ni Brye. Baka nag-iisip
pa nang matinding ipapagawa sakin. Kaya nandito lang ako sa condo at nakahilata.

Pero bigla naman tumunog ang phone ko.

Jackie.

Sinagot ko naman ito. Ang tagal nanamin hindi nagkita. Huling pagkikita namin eh
yung pagbibigay ko sakanya nung singsing niya.

�Hello? Jackie! Napatawag ka?�

(Hi Sam. Uhm, pwede ka ba ngayon? Lunch tayo.)


�Sure, wala naman akong trabaho sa masungit kong amo. Saan ba?�

(Dito sa may Honarios Restaurant. Alam mo ba yun?)

�Yup, sige. I'll be there.�

(Okay, great. Mga 12 nn. Pwede? Papakilala ko sayo boyfriend ko.)

�Oh sige. See you!�

Pagkababa ko ng phone naligo na ako. 11Am na kaya nagmadali ako. Medyo malayo layo
din kasi ang ang honarios dito sa condo ko. Pagkatapos kong mag-ayos pumunta na ako
sa restaurant na sinabi ni Jackie.

Pagkarating ko, iginiya ako sa isang private room. Mukhang gusto ni Jackie ng
walang istorbo sa dinner. Pero nagulat ako pagpasok ko, si Brye ang nakita ko.

Brye, with a girl. Hindi ko makita kung sino ang babae dahil nakatalikod siya
sakin. Naghahalikan sila.

Our eyes met at nakita kong mas pinatagal niya pa ang halikan nila nung babae.
Lumapit na ako sakanila. Hindi ko kaya eh.

Pero may mas gugulat pa pala sa akin when I saw the girl.

�Jackie?!�
YNO#43

SAM'S POV

Nagulat ako dahil hindi ko aasahan na si Jackie kahalikan si Brye. Para akong
naestatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapaniwala.

Tinignan ko si Brye pero parang wala lang sakanya ang mga nakita ko. Naiinis ako
dahil wala siyang pakealam. Tinignan ko naman si Jackie pero parang walang
pagsisisi sa mukha nito. Ano nga ba ang sinabi niya sakin?

Ipapakilala daw pala niya ko sa boyfriend niya. At tiyak na si Brye ang sinasabi
nito. Alangan naman na may iba itong boyfriend pero nakikipaghalikan kay Brye?

�Sam, nandiyan ka na pala. Take a seat.�

Hindi ko alam kung masokista ba ako pero umupo ako sa tapat nila. Hindi ko maalis
ang tingin ko kay Brye at nang bigla nalang yumakap si Jackie sa braso nito. Akala
ko pipiksi si Brye pero nagkamali ako. Uminom lang siya ng wine na nakaserve na.

�So Sam, meet Brye my boyfriend. Nagkabalikan na kami. Yung singsing na nakuha mo,
couple ring namin iyon. Di ba fan ka niya?�

Tuloy lang ang pagkekwento ni Jackie. Pero ako, parang pasok sa tenga ang isa labas
naman sa kabila. Hindi ko kasi lubos maisip na silang dalawa? Wala sakin nakwento
si Brye na nagkaroon pala siya ng girlfriend dati.

�Alam mo ba Sam, naging kami nung high school pero nagkita kami sa Korea, my family
is in the entertainment and sakto nagkita ulit kami ni Brye then ayun naging kami
ulit.�

Doon ako napatingin sakanya, high school? Mas nauna pala naging sila kesa samin.
College naging kami ni Brye eh.

Natigil naman sa pagkekwento si Jackie nang biglang may tumunog na phone. Kay Brye.

�Excuse me.� sabi nito, at gumilid saglit.

Kumain naman si Jackie at ako nakatingin lang kay Brye.

Maya maya, bumalik si Brye pero kinuha lang nito ang susi niya na nakapatong sa
lamesa.

�Alis na ko.. Bye.� yun lang at umalis na. Pipigilan sana siya ni Jackie pero
mabilis na itong nakalabas.

Aalis narin siguro ako kasi ang awkward naman. Tiyak na magkekwento lang itong si
Jackie tungkol sakanila ni Brye.

�Ah.. Jackie.. a-ano--�

�Hindi na ako makikipagplastikan sayo.�

Nagulat ako dahil bigla nalang nag-iba ang tono ni Jackie. The very innocent sweet
angel na nakilala ko eh parang naging isang baddest bitch that you will give you
second thoughts to deal with.

�Anong ibig mong sabihin?�

She gave me a devilish smirk and took a sip on her wine.

�Alam ko na may nakaraan kayo ni Brye. Wag mo nang alamin kung paano ko nalaman.
Just so you know, I won't let him go this time. Tinik ka lang sa pagsasamahan namin
so I suggest to stay ou of our lives.�
Nagulat ako. Pinapalayas niya ko.. no. pinagbabawalan niya na akong magkaroon ng
kahit anong koneksyon kay Brye? Bakit dahil sila lang? Aba. Eh hindi naman pala
anghel ang kaharap ko kundi ang kabit ni Satanas. Dahil kung pagbabasehan ang
pagiging maldito. Ako ata ang reyna doon. Ay hindi.. prinsesa lang pala. Reyna kasi
si Weng sa kamalditahan eh.

�And who are you to tell me what to do? I won't quit. Asawa nga nasusulot pa,
boyfriend pa kaya?�

Pero parang walang epekto sakanya ang sinabi ko dahil tumawa lang siya na para
banag na-amused.

�Baka nakakalimutan mo na galit na galit sayo si Brye. Tingin mo maniniwala pa siya


sayo eh puro kasinungalingan na nga ang pinagsasasabi mo sakanya. Kaya I suggest na
sumuko ka na. Start from being his PA. Resign.�

�Wala ka na doon. At wala sayo ang desiyon kung magre-resign ako o hindi. Eh kung
tinik ang tingin mo sakin, edi ako ang magiging pinakamagandang tinik na tumusok
sayo.�

�Pera ba? Magkano? Pera lang naman ang habol mo sakanya di ba? Name the price.�

Naglabas siya ng isang cheke. At ibinigay sa akin iyon. Isang blank check na may
pirma niya. Iniinsulto niya ba ko. Sapakin ko na ito eh.

�For your information, I'm rich. Hindi ko kailangan ng pera mo. Sa ginagawa mong
ito, halatang desperada ka na.�

Kinuha ko na nag bag ko, at tumayo na. Pero tumigil ako sa gilid niya.

�Sabagay,eh ako ba naman ang kalaban mo kay Brye kaya kung ako sayo, ibebenta ko
miski kaluluwa ko.� naglakad na ko pero bumalik ulit ako.. � Oh.. I almost forgot.
Ikaw na mmagbayad ah? Ikaw naman ang nagyaya eh, at tsaka etong cheke akin nalang
din ha, bibigay ko sa isang bahay ampunan nakatulong ka pa di ba?�

Alam kong naiinis na siya dahil nakakuyom na ang mga palad niya. Kaya may isa akong
pasabog sakanya, yumuko ako sakanya at bumulong.

�And about the kiss earlier, mas higit pa doon ang nagawa namin ni Brye. You know,
our kiss made it to bed.� I smirked when I noticed she stiffened.

�You bitch!� akma niya kong sasampalin pero mabilis ang reflexes ko kaya napigilan
ko ito, padabog kong binitawan ito. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa then
walked my way out to the room.
Now that I know Jackie's true color, I won't lose with her. Ako pa, malayo na ang
narating ko. Ngayon pa ba ako susuko? Not in my vocabulary!
YNO#44

SAM'S POV

�Ano? Lagyan ko na ba ng lason?� --Weng

�Tange! Masyadong mabilis iyon. Lagyan nalang natin ng pampatulog tapos ipa-rape
natin sa kung sinong poncio pilato basta panget tapos tsaka natin lasunin. Pak na
pak iyon!� sabi ni Dino.

�Ano ba kayo! Hahah! Tumigil na nga kayo!� tatawa-tawang sabi ko.

Anniversary party kasi ng Daragon Entertainment na kinabibilangan ni Brye kaya


sine-celebrate nila. Lahat ng empleyado nandito. Si Weng naman inimbita ni Dino..
hindi nadin lingid sa kaalaman nila ang mga nangyari samin ni Brye. Gusto nga
nilang pareho sugurin si Brye dahil ayaw makinig sakin. Pero napakiusapan ko na
huwag nalang mangielam.

Alam din nila ang tungkol kay Jackie, at sa pagiging demonyita nito. Ang sabi ni
Dino hindi naman daw ito girlfriend ni Brye ngayon kumbaga sinasakyan nalang ni
Brye ang panlalandi ni Jackie sakanya.

Kung tinatanong niyo kung sino ang nang imbita kay Jackie sa party na ito, edi
SIYA!

Siya ang nang imbita sa sarili niya. Nagulat nalang kami nang bigla nalang siya
sumulpot at hindi na humiwalay kay Brye.

At ngayon nga, nasa kabilang table sila ni Brye at kung makadikit itong si jacke,
parang gusto nang rape-in si Brye sa misming kinauupuan nito. Kaya ang dalawa kong
loka-lokang kaibigan, pinagpla-planuhan na kung paano papatayin si Jackie. Brutal
nga eh.

�Aba, sabihin mo lang sakin kung payag ka sa mga suggestions namin bebs. Hindi ako
magdadalawang-isip na dungisan ang precious hands ko.� sabi ni Weng.

�Korak. Apir tayo jan, Wenglots. Nakuuu.. kumukulo talaga ang magandang dugo ko
diyan kay Jackie noon pa man. Napaka-arte kasi.� reklamo naman ni Dino.

�Sus, nagsalita ang hindi maarte.� sabad ko.


�Exactly! Ako lang dapat ang maarte! Imbyerna!�

Natawa nalang kami ni Weng sakanya.

Ngayon, ganoon parin ang trato sakin ni Brye. Walang nagbago. Si Jackie naman,
halos araw-araw din nasa office o basta kung nasan si Brye. Para nga siyang stalker
dahil bigla nalang siya susulpot kung nasaan si Brye.

Si Mike naman, hindi na nagparamdam sakin. Mas mabuti narin siguro iyon para iwas
nadin sa gulo.

Malalim na ang gabi at nagsimula nang magparty party. Nagsasayawan na ang lahat.
Ako naman, ayokong maging KJ kaya nakikisalo din ako sa kasiyahan. Pero napatigil
ako sa nakita ko. Sa isang sulok, madilim pero kitang kita ko si Brye na kahalikan
nanaman si Jackie.

Napansin ata ni Weng at Dino na napatigil ako sa pagsasayaw kaya lumapit sila
sakin.

�Uy, baki--- Shit!� Dino cursed. Nakita na rin niya ang tinitignan ko.

�Bakit ka namumura Dino----Tangna!� Weng cussed. �Well daughter of a bitch!


Makakatikim na talaga itong si Jackie Chan!�

Susugod na sana siya pero pinigilan ko lang siya.

�Let me.�

Medyo nakainom ako kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob. Naglakad ako papunta sa
kinaroroonan ng dalawa. Masyado nadin kasi lasing ang mga tao para magkaroon ng
pakelam sa paligid nila pero alam ko na hindi pa lasing ang dalawang ito.

I harshly grabbed Jackie's hair and pulled it away to Brye's. Halatang nagulat si
Jackie kaya hindi siya agad nakabawi.

�Aray! Hey! Masakit! Damn!� she cussed. Tinulak ko siya pasubsob sa sahig at agad
naman dinaluhan ito nina Dino at Weng pero hindi para tulungan kundi para pigilan
sa pagtayo at pagsunod samin ni Brye.

Agad kong hinila si Brye palabas ng hall at napadpad kami sa isang maliit na
kwarto. Ewan, eto ang una kong nakitang pwedeng puntahan na walang tao eh. Storage
room pala ito ng building kaya medyo maliit. Pero sakto lang. Limitado lang talaga
ang mga galaw.
I faced Brye. I gulped. He's looking at me intently. I could see amusement in his
eyes, but still there's anger in it. Hindi ko nalang pinansin ang galit sa mga mata
niya.

�I suppose, may sasabihin ka kaya mo ko biglang inistorbo.� he coldly said.

�A-Ano � ehh.. k-kasi... n-na.. a-ano eh�

Shit! Dapat pala uminom pa ako ng marami para nagkaroon pa ako ng lakas ng loob.
Taeng espiritu ng alak, bigla akong tinakasan! Ano nalang ang sasbihin ko? Bakit ko
nga ba siya hinila?

�Could you please get straight to the point so I could go back to my business?� he
said irritatingly.

Back to business? Anong business? Yung make out session nila ni Jackie Chan?

�NO!� napasigaw ako. Agad naman akong napatakip ng bibig ko.

Nakita kong napakunot ang noo ni Brye and a grin curved his lips. Pero andoon padin
ang galit. Pagkainis. At lahat ng negative vibes.

�Nagseselos ka ba?� tanong niya sakin.

Nagseselos nga ba ako? Syempre! Kaya ko nga sila inistorbo ni Weng di ba?

�Paano kung sabihin ko sayong oo. Anong gagawin mo?� I tried to sound strong.
Parahindi niya mahalata na any second mahihimatay nalang ako sa kaba.

�May dapat ba akong gawin?� he said.

Ano nga ba ang dapat niyang gawin? Di ba dapat itigil na niya ito? Nasasaktan na
ako.

�Hindi ka makasagot? Okay let me rephrase that. Wala akong gagawin kasi first and
foremost hindi kita girlfriend.�

Boom. Sapul ako. Alam ko lahat ng tao may karapatan magselos basta may nararamdaman
ka, pero wala pala akong karapatan na pagsabihan siya dahil hindi nga naman kami.
HINDI NA.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na maiyak. I can't bear it anymore.

�Why are you doing this to me?� mahinang sambit ko.

�Ikaw pa ang may ganang magtanong niyan? Ikaw Sam? Why are you doing this to me?
Ha? Fuck! Eh gago ka pala eh! Tingin mo ikaw ang dehado. Shet! Sino ba ang niloko?
Sino ba ang iniwan sa simula palang ha? Sagutin mo ko!�

Pero hindi ako sumagot. Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko akalain na kaya akong
pagsalitaan ng ganito ni Brye. Ang sakit sakit. Pero mas masakit ang sunod na
ginawa niya.

She grabbed my face and kissed me harshly.

Walang pagmamahal doon. Walang pag-iingat sa halik na binibigay niya sakin.

I tried to push him pero hinawakan niya lang ako ng mahigpit. Masakit. He bit my
lower lip para magkaroon siya ng access. And he succeeded. His kisses became more
harsh. Patuloy ako sa pag-iyak at pagpupumiglas.

Until hi went down to my neck. Naramdaman kong pinupunit niya ang tshirt ko. Doon
na ako napahagulgol na tuluyan.

�P-Please.. s-stop.. p-please�

Tumigil na ako sa pagpupumiglas dahil wala naman akong laban sakanya. Umiyak nalang
ako ng umiyak.

Maya maya naramdaman ko ang pagtigil niya. Pagmulat ko ng mata nakita ko siyang
nakatingin sakin. He touched my cheeks. Brushed away my tears.

Binalot naman niya ko ng jacket na suot niya. Dahil, punit ang damit ko na kung
itinuloy niya makikita na ang dibdib ko.

I heard him cussed. Napayuko siya at binitawan din ako. He looked at me one more
time.

He just said one word before he left me.

SORRY.
YNO#45

SAM'S POV
Matapos ang nangyari sa may storage room, umalis na ako at umuwi. Pero bago ako
makapasok sa kotse ko.. may tumawag sakin.

�Sam? Ikaw ba iyan?�

Nilingon ko naman ang tumawag sakin. Nagulat ako kasi nandito sila.

�T-Tita?�

�Saaamm!� tumakbo naman siya papunta sa akin at dinamba ako ng yakap.

Tita Gabriella and Tito Seth.

Yep, they are the parents of Brye. Halata naman siguro. Alam niyo na kung saan
hinango ang pangalan ni Brye. Gabryell Seth Lee.

Of course, kilala nila ako dahil matagal din naging kami ni Brye noong college.
Hindi naman sila matapobre. Mapagkumbaba parin sila at simple lang kahit na
nakaangat na sila sa buhay.

Dati kasi, sobrang kayod sa trabaho sila tito at tita. Janitor lang pareho sila sa
isang public high school. Kaya kahit si Brye rumaraket noon para matustusan ang mga
pangangailangan nila. Pero ngayon? Tignan mo.. may sarili na silang driver at
magagarang suot.

Pero kahit na ganoon, halata parin ang hindi pagbabago sa pag-uugali nila.

�Kamusta ka na hija? Magkasama ba kayo ni Brye? Nasaan nga ba iyong batang iyon?�
sabi ni tita Gab.

�Ahm.. okay naman po ako. N-Nasa loob po si Brye.� sagot ko.

�Ah ganoon ba. Halika Sam at samahan mo kami sakanya. Napaaga kasi ang uwi namin
kaya hindi niya alam na darating kami.� sabi naman ni tito Seth.

Hindi na ako nakasagot dahil hinawakan na ako sa kamay ni tita Gab at hinila na
papasok ulit sa building. Sa totoo lang, hindi ko alam kung nasaan si Brye. Pero
kung hindi ko naman siya makita sa loob, kay Dino ko nalang sila dadalhin.

Papasok na sana kami sa loob ng function hall nang lumabas si Brye galing CR.
Nagulat siya dahil nga naman na nandito ang mga magulang niya plus ako.

�Gabryell!� sigaw ng mama niya.

�Ma? Pa? Bakit kayo nandito?� sabi niya habang papalapit sa amin.
�Eh excited itong mama mo umuwi eh. Halika at kumain tayo.� aya ng papa niya.

�That's a great idea!� then her mother turned to me. �Tara Sam, sama ka. Namiss
kita eh.�

�Ah ano po kasi tita--�

�Sumama ka na. Dun tayo sa restaurant sa loob.� sabi ni Brye then nauna na
naglakad.

�Psh. May period nanaman ang anak kong superstar. Let's go!� masayang sabi ni Tita.
Si tito naman napapailing nalang.

Nagpatianod nalang ako sa paghila sakin ni Tita. As if naman kasi na may magagawa
pa ako di ba?

At the heck! Bakit ganon nalang kung makitungo sakin si Brye. Matapos ang ginawa
niya. Well at least hindi natauhan siya nun at nagsorry pero mali parin ang ginawa
niya.

Pagkarating namin sa restaurant tahimik lang kami pareho ni Brye habang si Tito
Seth nakangiti lang habang masayang nagkekwento si Tita Gab about sa European tour
nilang mag-asawa.

�Huy! Ang tahimik naman. Ikaw? Sam? Ano na ang ginagawa mo? Balita ba?� pukaw sakin
ni tita Gab.

�I am running a bar cafe po with my bestfriend. May different branches narin po


ito.�

�Wow. That's great hija. Baka pwede naman kami pumasyal at magkaroon ng
discount.�biro sa akin ni tito Seth.

�Sige ba tito.� pagsakay sakanya.

Buti nalang talaga mapagbiro ang magulang ni Brye kaya hindi masyadong awkward ang
situation.

Kumain naman kami ng tahimik. Pero nagsalita ulit si Tita habang ngumunguya ng
spare ribs.

�Nasaan pala ang mama mo Sam? Namiss ko na iyong si Elena. Pati papa mo, wala nang
kakulitan itong si Seth. Sabihin mo kay Santi eh magkita naman kami.�

Naalala parin pala nila ang mga magulang ko. Napangiti ako sa kaisipang iyon.
Matagal muna bago ako sumagot. Nakita ko naman na nakatingin sakin si Tita at Tito
habang ngumunguya si tita si tito naman sumisimsim lang ng wine niya. Si Brye
naman, busy sa paghiwa ng steak niya.
Huminga muna ako ng malalim bago sagutin ang tanong ni tita.

�Wala na po sila.� sabi ko.

�Oh, nasaan naman sila? Nag tour din sa ibang bansa?� tanong ulit ni tita.

�Patay na po sila.�

Bigla namang inubo si tita Gab at napatigil naman sa pag-inom si Tito Seth para
tapikin ang inuubong asawa. Napansin ko din na napatigil si Brye sa paghiwa ng
steak niya at gulat na tumingin sakin.

Nang makabawi si tita, agad niyang hinawakan ang kamay ko.

�I'm sorry hija. Kelan pa?�

�Matagal na po tita. Ayoko na pong alalahanin sana kung hindi niyo po mamasamain.�

Ayoko talaga na inaalala pa ang pang-iiwan sakin nina mama. Sabi nga nila,
kailangan nating mag-move on.

�We understand.�

�Uhm. Tito, tita.. magpapaalam na po ako sainyo. Salamat po sa dinner. It's nice
seeing you again. Sige po.�

Tumayo na ako at humalik sa mga pisngi nila.

Tinignan ko lang si Brye at nginitian siya pero isang tango lang ang ibinigay niya
sakin.

Umuwi na ko pagkatapos nun at tahimik na umiyak sa kwarto ko.

I reached for my family picture. Masaya pa kami noon. Buo at puno ng pagmamahal.
Pero ngayon? Nag-iisa nalang ako.

�Ma,Pa.. I missed the both of you. Kasi naman eh, bakit kasi iniwan niyo ko.
Sabihin niyo naman kay Papa Lord na pasayahin na niya ko. Kasi Ma,Pa sobrang
nasasaktan na ako. Bigyan niyo naman ako ng lakas pa. Ayokong isuko si Brye.�

Nakatulog na ako sa kakaiyak. I just wished they heard me.


#46

YNO#46
SAM'S POV

�Brye.. rehearse ka na daw.� sabi ko sakanya.

�Later.� iyon lang at naglaro nanaman ng logo quiz sa iPad.

Kinuha ko bigla ang iPad sakanya.

�Hoy, Akin na iyan!�

�Mag-rehearse ka na dun! Magseryoso ka nga, concert mo kaya ito.�

�Akin na sabi iyan eh!�

Tinago ko lang sa likod ko iyong iPad at napapaatras ako kasi nilalapitan ako ni
Brye at pilit na kinukuha ang iPad sa likod ko.Sa kakaganun namin, nacorner niya ko
sa make-up table. Basta yung lamesa na may salamin na doon inaayusan ang artista.
Gets niyo na yun.

Napalunok ako kasi ang lapit lapit namin sa isa't isa. Lumalapit pa lalo ang mukha
niya sakin. Is he gonna kiss me? Oh my.

Pinikit ko ang mga mata ko. Waiting for his lips on mine pero wala parin eh..
until..

�I'm not gonna kiss you just so you know.�

Bigla akong napamulat. Nakakahiya! Nakita ko naman siya na nakakunot ang noo. But
nakasmirk siya.

�Alis!� pilit kong tinago ang pagkapahiya ko.

Nawala naman ang smirk niya at sumeryoso ang itsura.

�Hindi na ako magkakamali na halikan ka ulit. Ni mahalin ka, wala na. Kaya....�

Nagulat ako kasi bigla niyang hinablot ang iPad sa likod ko. Panalo nanaman siya.

�... akin na ito!�

At tuluyan na nga niya nakuha ang iPad. Bakit ba kasi parang may powers siya na
kaya akong i-hypotize. Pero hindi maitatago sakin ang sakit na dumaloy sakin.
Ganoon ba kalaki ang kasalanan ko? Ni hindi niya ako hayaang magpaliwanag? No! I
won't let Jackie have him.
�Kung napabago nga kita ulit Brye, kaya ko ulit baguhin ang puso mo. Hindi kita
susukuan Brye. Now, itigil muna ang paglalaro at mag rehearse ka muna. Okay?�

Then umalis na ako.

Buong maghapon nagrehearse si Brye. At naiinis nanaman ako kasi nakita ko nanaman
si Jackie na pakalat-kalat. For sure hinahanap na naman niya si Brye. Pathetic.

Eto namang si Weng at Dino hindi ko mahagilap. Gusto ko pa naman mag-swimming sa


pool. Nasa isang hotel kasi kami. Ewan ko ba kung bakit dito sila nag-rerehearse.
Sosyal eh.

At dahil hindi mahagip ng mga mata ko sina Dino at Weng, ako nalang ang nagswimming
mag-isa.

===---===
JACKIE'S POV

That bitch! Gusto ko siyang lunurin sa pool. Nakita ko siya habang hinahanap ko si
Brye. Hindi parin nawawala ang galit ko sakanya. Noong nakita niya akong halikan si
Brye. Ako talaga ang bigla humalik kay Brye, nung una pinipigilan niya ko pero
suddenly tumigil siya sa pagpupumilas at hinayaan niya lang akong halikan siya.
Pero hindi niya tinutugon iyon.

Iyon pala, kaya hindi niya ko pinigilan dahil dumating na pala si Sam nung mga oras
na iyon. Tapos ang sinabi niya sakin na mas nagpakulo ng dugo ko.. they already had
did it.

Kaya may pinlano na ako. I need to bring Brye to bed too. Para patas na kami ni
Sam. Sakto nakita ko si Brye kaya kumapit na ako sakanya. Hindi na siya nagulat.
Sanay na siya siguro sa pagiging madikit ko sakanya. Everytime na hinahalikan ko
siya. Hinahayaan niya lang ako. Pero hindi siya tumutugon.

Alam ko naman na kaya siya pumapayag eh dahil sa gusto niyang ipakita kay Sam na
wala na siyang pakelam sakanya. Na pabor naman sakin. Mukha naman nasasaktan si Sam
eh.

Dinala ko siya sa kwarto ko and pushed him to bed. Halatang nagulat siya.

�Jackie, what the F*ck!�

Pero hindi ko siya pinansin. I started to strip my clothes off. Leaving my


undergarments only. I placed myself on top of him.

�Stop this. Get off me.�

�Mahal mo parin ba siya?� naiinis na tanong ko.


Hindi siya sumagot. Meaning yes.

Hindi! Hindi ako papayag! Akin lang si Brye!

I started unbuttoning his shirt pero pinigilan nanaman niya ko. Hinawakan niya ang
magkabilang pulso ko.

�Stop Jackie! Itigil mo ito hanggang may respeto pa ako sayo!�

�No Brye! Akin ka lang! Ako lang ang pwede mong mahalin! Ako lang!�

�No! Hindi ka si Sam!�

Natigilan ako sa sinabi niya miski siya ay natigilan rin. Tinulak niya ko paalis sa
ibabaw niya.

Nakakainis! Puro nalang si Sam. Sa kabila ng pagsisinungaling ng babaeng iyon kay


Brye ay ito parin ang pinili nito.

I heard someone opening the door, tinignan ko naman si Brye na busy sa pagbubutones
ng shirt niya. Kaya mabilis akong kumilos.

I moved on top of him and kissed him.

At ganong eksena kami nadatnan nina Sam.

Ako parin ang panalo.


#47
WENG'S POV

�Miss, hindi mocha blend ang inorder ko, chocolate kisses ang dapat na binigay mo.�

�Ay, sorry po sir. Papalitan nalang po namin.� sabi ko.

�Ma'am ako nalang po dito, nakakalimang mali na po kayo ng kape. Magpahinga na po


kayo.� agap ng manager na si Abie.

�Sige, ikaw na bahala dito, call me if may problema..�

Kinuha ko nalang yung Mocha blend na kape sayang naman kasi kung itatapon.
Dumiretso ako sa office namin. Actually, kahapon pa ako spaced out. Parang wala ako
sa sarili ko. Sobra akong nag-aalala kay Sam eh. Kanina ko pa tinatawagan pero out
of reach palagi. Isang text lang ang natanggap ko at ang sabi lang na okay lang daw
siya. After nung party bigla nalang siya nagbago. Hindi ko na makausap ng lokohan.

Siyempre bestfriend niya ko. Natural na mag-aalala ako. Ako nalang kasi ang
tinuturing niyang pamilya. Only child pa naman iyang si Sam. Haay! Sana mabagok ang
ulo ni Brye at marealize niya na para sakanya naman ang ginawa ni Sam. At iyang si
Jackie?! Naku, ang sarap paliguan ng asido. Nakakainis ang mukha! Akala mo kung
sinong anghel eh ayun pala kampon ni Satanas!

Ininom ko ang mocha blend ko, infairness ang sarap ko talaga magtimpla ng mga
ganito. Pro na ko. Habang ini-enjoy ko ang aking ice coffee nagring yung phone ko.
Tinignan ko naman kung sino and it was Dino.

�Oh Dins bakit?�

(Naku Wenggot! Werlalu ka? Puntahan kita bakla!)

�Andito ako sa cafe. Sige sunduin mo ko.�

Then binaba na niya yung phone. Psh. Di manlang nag goodbye. Kabastos na bakla.

After siguro ng 10 minutes dumating na si Dino. Hindi na kumatok sa office at basta


nalang pumasok.

�Oh bak--� bigla ba naman akong hinatak nalang. Ang sarap sarap ng upo ko eh, tapos
bigla nalang manghahatak.

�Oy,.. ano ba? Saan ba tayo pupunta? Dino!� pero hindi sumasagot ang bakla.
Binalingan ko nalang si Abie na nakatingin sakin. �Abie, call me if may problema,
aalis lang ako obviously�

Hindi ko na narinig yung sagot ni Abie kasi nakapasok na ko sa kotse ni Dino. He


looks puzzled. Nakakacurious. Ano kaya drama nitong baklang ito? Baka
brokenhearted. Pero hindi eh, alam ko wala siyang fafa ngayon.

�Saan ba tayo pupunta? Ang sakit mo manghatak ah, pwede naman sabihin nalang sasama
naman ako ng kusa eh. Tskkk.�

�Para madrama ang exit mo tehh! Haha. Pero importante talaga ang pupuntahan natin.�

�Saan nga?� naiirita na ako ha!

�Kay fafa Mike!�


�Ano?! Bakit?�

�Ewan, basta tinawagan lang niya ko kanina, sabi niya may aaminin daw siya. Basta.
Quiet ka nalang.�

Hindi na ako umimik. Si mike? At ano naman ang aaminin niya? Dati palang talaga
hindi na maganda ang pakiramdam ko diyan kay Mike na iyan eh. Parang may balak siya
noon. Ah basta! Mamaya ko na malalaman!

Nakarating kami sa isang restaurant at iginiya naman kami ng waiter sa pinareserve


ni Mike. At andun nga siya. Tumayo ito nang makita kami ni Dino.

�Salamat at pinagbigyan niyo ko.� sabi niya.

�Ano ba iyong sasabihin mo?� Dino.

�Why don't we eat first?� sabi ni Mike.

�Why don't you just get straight to the point? Ano bang aaminin mo?� iritang sabi
ko.

Mukha naman sumuko siya kaya bumuntong hininga muna siya bago magsalita. Then he
faced us seriously.

�4 years ago.. I made a very very big mistake.�

�What do you mean?� sabi ko.

�Kasalanan ko kung bakit iniwan ni Sam si Brye.�

Natahimik kami ni Dino. He started to tell the story. Habang kinekwento niya gusto
ko siyang buhusan ng kumukulong tubig. Pero hindi ko magawa kasi I am very worried
about Sam. Pinaglaruan siya. Sila ni Brye. Matapos magkwento ni Mike, wala munang
nagsalita. Shocked kami pareho ni Dino pero ako ang unang nakabawi.

�We need to tell Sam. Dino alam mo ba kung nasan si Sam?�

�A-Alam ko nasa hotel siya ngayon. Tara!�


�Sumama ka Mike. Dapat kay Sam mo ito ikwento.� sabi ko.

And then umalis na kami, ang bilis mag drive ni Dino, nakasunod naman samin si
Mike. Nakarating kami sa hotel ng minutes lang agad naman namin hinanap si Sam at
nakita namin siya sa may poolside.

�Sam!�

Nilingon naman niya ako. Lumapit kaming tatlo sakanya. She looks puzzled. Basa pa
ang buhok niya pero nakapagpalit na siya ng tuyong damit.

�Anong meron?� sabi niya.

Hindi kami nagsalita ni Dino. Tinignan lang namin si Mike na siyang dapat magsabi
ng nangyari. He sat infront of Sam kami naman ni Dino umupo narin katabi nila.

�Sam, i'm sorry!� mike said.

-=====-

SAM'S POV

�Sam, I'm sorry!�

Nagulat ako kasi bigla nalang naluha si Mike. Bakit? Bakit siya nagsosorry?

�Bakit ka nagsosorry?�

Tinignan ko sila Dino at Weng pero hindi sila umiimik. Tapos tinignan ko nanamn si
Mike.

�Naalala mo pa ba yung nangyari 4 years ago? Nung nagkakilala tayo?� panimula niya.

Of course I remember that. Paano ko makakalimutan iyon?

FLASHBACK

Nageempake na ako ng mga damit ko para sa pag-alis namin ni Brye. Excited na ako
kasi matutupad na ang pangarap ni Brye at kasama niya ako doon. Papunta na sana ako
ng airport pero paglabas ko ng apartment nakatayo yung lalaki na reppresentative ng
kompanyang kumuha kela Brye sa Korea. Si Mike. I've met him before. He is nice.
�Ano ang ginagawa mo dito?�

�Sam, may sasabihin ako sayo. Tungkol kay Brye.�

That got my attention. Ano kaya yun?

�Ano yun?�

�Pwede ba kitang maimbitahan for coffee?�

Hindi na ako tumanggi. Maaga pa naman kaya sumama na ako. Mukha kasing importante
ang sasabihin niya eh. Nang makaorder na kami ng kape, nagsalita na siya.

�Sam, di ba alam mo naman na mahirap ang papasuking industriya ni Brye?�

I nod as a response to his answer.

�Lalo na sa Korea Sam, he might not get into the entertainment industry. Maraming
kalaban, at isa pa.. hindi siya Korean kaya mahihirapan siya mag cope up. Pero we
are eager to build him up.�

Ayun naman pala eh. May gagabay kay Brye.. syempre full support ako sakanya.

�Talaga Mike? Wow. Hayaan mo tutulungan ko kayo.� masayang sabi ko.

�Ayun sana ang sasabihin ko Sam eh. Mahirap ang pagdadaanan ni Brye doon and he
don't really need distractions.�

Napatigil ako sa iniinom ko. Distraction? Ako?

�So are you saying that I'm a distraction to him?� mataray na sabi ko.

�Parang ganoon na nga, not in a bad way. I know na gusto mong makita si Brye na
maabot ang pangarap niya. Pero kung andoon ka at kasama niya, mahahati ang atensyon
niya Sam. Mahigpit din doon at alam ko hindi din kayo ganoon magkikita. Think about
it Sam, alam ko gusto mo maabot ni Brye ang pangarap niya at mapapadali iyon kung
wala ka sa tabi niya. I'm sorry Sam, I have to do this kung ako lang kasi ang
masusunod papayag ako na sumama ka doon pero matagal na akong empleyado ng agency
na papasukan ni Brye and I'm telling you, wala kang lugar doon.�

Doon na isa isang tumulo ang mga luha ko kasabay ang pagtunog ng phone ko. Si Mama.

�H-Hello ma?�

(Mama mo ba ang may-ari nitong cellphone na ito? Pumunta ka sa **** hospital.


Naaksidente ang mga magulang mo.)

Bigla nalang bumagsak ang mundo ko. Bakit naman nagkaganito pa. Sign ba ito para
iwan ko nga si Brye? Pero alam ko na makakabuti to sa taong mahal ko. Kahit na
masaktan ako ng lubusan pati narin siya.
�M-Mike.. iiwan ko na si Brye pero promise me na hindi mo siya pababayaan. I need
to go, naaksidente ang parents ko.� naiiyak na sabi ko.

�What?! Halika na Sam, sasamahan na kita. Don't worry, Brye will get his dream.
Thanks to you.�

End of FLASHBACK

�Lahat ng iyon, si Jackie ang may pakana. Hindi totoo na mahigpit ang agency Sam,
sinabi ko lang iyon para makumbinsi ka. Anak kasi si Jackie ng CEO ng unang
kompanya na pinasukan ni Brye. Nakita niya ang audition tape nito at ako nga ang
inutusan niya para masigurado na hiwalayan mo siya. She's still inlove with Brye.�

Nanginginig ang buo kong katawan. Lahat na iyon?! Kasinungalingan. Nagsama-sama na


ang lahat ng hinanakit ko. Para akong bulkan na sasabog na.

*Pak *

Isang malakas na sampal ang pinakawala ko sa pisngi ni Mike. Nanggagalaiti ako sa


galit. Gusto ko lang ilabas iyon. I know na napagutusan lang si Mike pero that
doesn't erased the fact that he did wrong. Tahimik lang sila Dino at Weng.
�Bakit mo ginawa iyon? Alam mong mali! Alam mong mahal ko si Brye! Tingnan mo
ngayon ang naging resulta?! Kinamumuhian na niya ako!� iyak na ako ng iyak.
Nakakagago kasi.

�Because I love her!!! Ganoon ako katanga noon Sam! Natauhan lang ako ng bigla
nalang niya kong iwan! Lahat ng iyon ginawa ko dahil alam ko magiging masaya siya
doon. Pero nagsisisi na ako Sam, kaya ko ito sinasabi dahil gusto kong bumawi. Alam
ko na mabait ka at mahal mo si Brye pero masisisi mo ba ko? Nagmahal lang din ako.
Yun nga lang, sa maling babae!�

Kumalma ako ng konti. Naaawa ako kay Mike, napaglaruan din siya ni Jackie. Lahat
kami pinaikot ni Jackie sa palad niya. I need to face that witch! Tumayo ako at
pupuntahan si Jackie, alam ko nasa kwarto siya. Sinundan naman ako nila Mike,Dino
at Weng.

Kakatok sana ako pero napansin ko na bukas ang pinto sa kwarto ni Jackie, dali dali
ko itong binuksan pero ako ang nagulat sa nakita ko.

Jackie and Brye...

on that bed.. with Jackie on top of him and kissing.


Plus na nakahubad na si Jackie...
Ano pa bang iisipin ko?
Talo na ako.
Nagunahan nanaman pumatak ang mga luha ko. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at
umalis ng hotel. Naririnig ko parin ang mga tawag nila sakin pero ayoko na. Suko na
ako.
I'm giving you up, Brye.
YNO#48

BRYE'S POV

�Shit!� I cussed. Tapos tinulak ko nalang si Jackie na napaupo sa sahig nakita ko


naman na dinaluhan siya nung Mike na yun. Bigla nalang nag-init ang ulo ko. Siya
yung lalaking kasama ni Sam nung umalis ako. Yung pinagpalit niya sakin.

�Brye! Ano ba ito!!!� Si Dino naghi-hysterical na.

�Si Sam!� sabi ni Weng tapos hinarap niya ko. �Di mo manlang ba susundan?�

�Bakit ko susundan yung babaeng iyon?�

*Pak *

�Ang kapal ng mukha mo Brye! Akala ko ba mahal mo siya? Hahayaan mo lang siya?�
maluha-luhang sabi ni Weng.

Hindi ako sumagot. Nagtiim bagang lang. Si Jackie naman kumapit bigla sa braso ko.

�Ano bang ginagawa niyo dito ha? You disturbed us!� singhal ni Jackie. Sinugod
naman bigla ni Dino si Jackie pati si Weng, pinagtutulungan nila si Jackie hanggang
nasa sahig na sila at nagsasabunutan parin. Pinipigilan na ni Mike si Jackie, ako
naman nilalayo sila Weng.

�You bitch! Kasalanan mo ang lahat ng ito!� sabi ni Dino.

�Ano bang pinagsasasabi mong bakla ka?� ganti ni Jackie.

Nakawala si Weng sa pagkakayakap ko sa bewang at biglang sinugod nanaman si Jackie.

�Nagmamaang-maangan ka pa! Walang hiya ka! Salot! Malandi! Kampon ni Satanas!�

Again, inawat nanaman namin sila. Pero wala parin epekto, sinusugod parin nila.
Hinayaan ko nalang sila. Pati si Mike sumuko na sa pagsasabunutan ng tatlo.
Naririndi na ko sa mga palitan nila ng salita kaya sumigaw na ko.

�ANO BA! STOP IT ALL OF YOU!�

Para silang mga tuta na tinrain at sabay sabay na nagsitigil. Pero masama parin ang
tingin ng dalawa kay Jackie.

�Bakit niyo ba inaaway si Jackie?� tanong ko.

�Seriously, siya pa ngayon ang ipinagtanggol mo? Paano si Sam?� sabi ni Dino.

�I should thank Jackie, dahil nalaman ko na sumama pala si Sam sa lalaking ito
noon!� tapos kinwelyuhan ko si Mike na hindi man lang lumaban.

�Bitawan mo nga si Mike,Brye! Sana nga yun nalang ang nangyari eh, pero hindi!�

�Tama sila pare, hayaan mo ko magpaliwanag.�

Binitiwan ko narin ang kwelyo ng ugok na ito. Si Dino naman, hinawakan si Jackie ng
mahigpit. Si Weng naman nakatingin lang sakin.
�Ayokong makinig kaya maari na kayong umalis lahat.� then I turn around.

Pero inikot ako ni Dino at biglang sinuntok! Syet. Napatumba ako sa sahig, ang
lakas sumuntok! Langya!

�GAGO KA BRYE. LUMALABAS ANG PAGKALALAKI KO SAYO EH. MAKINIG KA KASI!�

Susugod nanaman si Dino sakin pero napigilan na ni Mike.

�Ako ang may kasalanan kung bakit lumayo sayo si Sam,Brye. Pero hindi dahil sumama
siya sakin, kundi dahil sa utos ni Jackie.�

Naguluhan ako kung saan patungo ang pag-uusap na ito. Kaya hinayaan ko siyang
magsalita. Habang nagkekwento siya at nalalaman ko ang totoo, unti unti nang
lumilinaw sakin ang lahat.

�Lahat iyon, pakana ni Jackie kaya sana naman maniwala ka na ngayon� sabi ni Weng.

Hinaklit ko ang braso ni Jackie, napaigtad siya sa higpit ng pagkakahawak ko.

�BAKIT????� sigaw ko.

�Kasi mahal kita! Yun lang ang alam kong paraan para mapasakin ka! I love you Brye,
kalimutan mo na si Sam.� umiiyak na sabi ni Jackie.

Umiling-iling ako sakanya na para akong nandidiri sa ginawa niya. Binitawan ko siya
ng pabagsak at walang paalam na tumakbo at hahanapin si Sam.

�I'm sorry Sam, please be safe. Asan ka ba?� sabi ko sa sarili ko.

===-------======

SAM'S POV

Hindi ko alam bakit nandito ako sa dating university namin ni Brye. Sa bench na
palagi naming tinatambayan. Actually, kilala parin ako nung guard dito si Mang
Joey. 10 years na siya nagtatrabaho dito kaya kilala niya parin ako. Madalas din
kasi ako pumupunta dito nang magkahiwalay ni Brye, para lang magpalipas ng oras.
Dito kasi ako madalas magpunta kapag nag-aaway kami ni Brye dati. Dito niya ko
palagi sinusuyo.

I guess I just want to remember those happy thoughts of mine. Nasasaktan ako ngayon
ng sobra, habang nagda-drive ako papunta dito iyak lang ako ng iyak. Buti nga
nakarating ako ng safe dito kahit na nanlalabo ang mga mata ko kanina dahil sa mga
lecheng luha na ito. Ayaw tumigil kanina eh pero ngayon mukhang nagpahinga na sila
kaya medyo kumalma na ako.
Ilang sandali..

�Oh Sam, gabi na ah. Hindi ka pa ba uuwi?� si Mang Joey, nagrounds siguro siya.

�Dito muna ako mang Joey. Aalis nadin ako mamaya maya.� tapos nginitian ko siya.

�Osige, ikaw ang bahala. Mauna na ako.� paalam niya.

Hindi ko namalayan na malalim na pala ang gabi kaya napagpasyahan ko na umuwi na.
Tumayo na ako at papunta na sa kotse ko. Pero parang may iba akong pakiramdam,
feeling ko may nakatingin sakin.

Lumingon ako sa paligid at mukhang pinagsisisihan ko kung bakit pa ako lumingon.

�Sam..�

Si Brye, nakatayo malayo ng konti sakin. Magulo ang buhok at papalapit siya sakin.
Nagsisimula nanaman pumatak ang luha ko pero I tried not to. Not now. Kailangan
kong ipakita sa lalaking ito na kaya ko kahit wala na siya. Na hindi na ako ang Sam
na naghahabol sakanya. I suffered enough.

�Sam.. thank God you're safe, hinanap kita sa condo mo, sa cafe sa building namin I
hesitated na pumunta dito pero nagbakasakali at eto ka nga. Buti kilala pa ako ni
Mang Joey.�

Tuluyan na siyang nakalapit sakin. Pero umatras ako ng isang hakbang.

�Anong ginagawa mo dito?� I said coldly.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita.

�I'm sorry Sam, I know I'm such a jerk. Yung nakita mo kanina, it's not what you
think, pinipilit ni Jackie ang sarili niya sakin, I pushed her many times pero
hindi natinag and yun nga yung scene na naabuutan mo. Alam ko na ang lahat Sam.
Lahat lahat.�

�Okay.� then I started to walk away from him.

�SAM! Pwede bang pag-explainin mo muna ako. Wala akong alam!� sigaw niya.

Dun na nag-init ang ulo ko. Walang alam? How dare him!
�Walang alam? Ha? Natural wala kang alam! Bakit kita pag-eexplainin ha? Ako ba,
hinayaan mo mag-explain nung mga panahong binalikan kita? Hindi di ba? Kaya give me
a reason kung bakit kailangan kitang bigyan ng pagkakataon na magpaliwanag, How
dare you na sabihin sakin na wala kang alam. Kasi miski ako Brye, walang alam sa
nangyari!�
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Tuloy tuloy ang pagbagsak ng mga ito mula sa
mata ko. Ang sakit. Ang sakit sakit. Para akong ginawang tanga! Siya pa may ganang
magsalita na wala siyang alam. Damn him! Yes I love him, pero hindi na tama ang mga
nangyayari.

Patakbong lumapit sakin si Brye, pinunasan niya ang mga luha ko na walang tigil.
Hinayaan ko lang siya, tinignan ko siya, miski siya ay naluluha na. Hindi.. umiiyak
narin.

�I'm sorry Sam. Pareho tayong biktima.. please don't leave me. Kailangan kita.
Let's start again. Please Sam. Magiging okay din ang lahat. Please. Mahal na mahal
kita.�

Pero tinanggal ko ang mga kamay niya sa magkabilang pisngi ko.

�Mahirap ipakitang buo ako Brye kung ang totoo durog na durog na ko. Masakit
ipagpilitang okay lang ang lahat kahit hindi naman talaga. Nakakapagod din palang
ipakitang matatag ako lalo na ang hirap na. Hindi ko inakala na may mas masakit pa
pala nung iniwan kita. Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi na kita mahal
dahil ang totoo hindi na mawawala ang pagmamahal ko sayo, pero mas maganda siguro
na ganito nalang. Hindi tayo nagkakasakita.�

�Sam.. please... no!� umiiyak na sabi ni Brye. Hinawakan niya ko sa magkabilang


braso habang nakayuko.

Inangat ko ang ulo niya. Pinunasan ko din ang magkabilang pisngi niya.

�It's for the best. Wag mag-alala hindi ako galit sayo. Fan mo parin ako. I will
always be your number one fan. Goodbye.�

Pagkatapos ay nagmadali na akong tumakbo paalis. Hindi ko na kaya ang nararamdaman


ko. Baka hindi ko nanaman mapigilan ang sarili ko at bigla nalang sunggaban si
Brye.

I think this is the right thing to do. I think.


YNO#49

SAM'S POV

It's been a week since that revelation bursted. Maraming nangyari, first is yung
paghingin ng tawad sakin ni Mike. Paulit-ulit, araw-araw talaga niya akong
hinihintay dito sa bar cafe ko. I forgave him, he just did it for love though alam
ko na mali talaga pero nangyari na all I need to do is forgive and forget, besides
mabait si Mike I know that. Second happening is ang biglaang pag-uwi ng parents ni
Jackie. Sinundo na siya, she is arranged to be married na pala, pero tumakas lang.
Alam na din ng parents niya ang kalokohan na ginawa niya they tried to contact me
but I never let them. Ewan ko kung Brye humingi sila ng tawad pero I just can't.
Not now.
Sila Weng at Dino hindi ako nakausap ng 2 days. Nagkulong lang kasi ako sa dati
kong apartment eh hindi naman nila alam kung nasaan iyon. I just want space nung
mga oras na iyon. Pero ngayon, I'm ready to face the world with a smile. Well, �.
not a full one. But hey! At least I can smile already.

Kung tinatanong niyo naman si Brye, eto siya at nandito sa bar cafe ko. Inaaraw-
araw niya ko, I mean sinusuyo niya ko araw-araw. And speaking ..

�Hi Sam..for you.� sabay abot niya ng favorite tulips ko.

Kinuha ko naman ito at ibinigay sa isa sa mga crew ko.


�Pakilagay sa vase.� then binalingan ko si Brye. �Thanks.� matabang na sabi ko.

�Uhm, Sam.. kumain ka na ba? Let's have lunch.�

�No thanks, kumain na ko. Ikaw nalang..�

Hey, don't get me wrong. Hindi naman ako mataray sa pagkakasabi ko. I tried to be
friendly, pero sa tuwing nakikita ko kasi siya alam niyo iyon parang gusto kong
kalimutan ang lahat ng nangyari at basta nalang siyang talunan ng yakap pero hindi
pwede eh. Kaya naidadaan ko nalang sa pagiging formal sa kanya.

�Ganoon ba.� dismayadong sabi niya.

I looked at him, nakayuko kasi ako dahil may sinusulat ako sa log book namin. He
also looked down when he said that. Disappointed. I smirked but then again, bago pa
siya mag-angat ng tingin yumuko ulit ako at naging busy nanaman sa pagsusulat.

�Sige, aalis na ako. Dumaan lang talaga ako para ibigay yung bulaklak. I need to
get back to my practice. Tumakas lang kasi ako. See you.�

Tinaas ko lang ang kamay ko bilang pamamaalam sakanya. I heard him sigh. And ayun,
naramdaman ko na umalis na siya sa table ko.

�Oh my God!!!!!!!!!!!!! Si Bryeeeeeeeee!!!!�

�Waaaaaaaaahhhhhhh!!! Bryeeee pa-autograph!�

�I love you Bryeeeeeee! Marry me!�

Oh shit! Napaangat agad ang tingin ko. Mabilis na nagsipasukan ang mga fans niya.
Ganito kabilis?!!!
�Ma'am ano pong gagawin natin.. nagkakagulo na po sila.�

Miski ako, naguguluhan kung ano ang gagawin. Kailangan ko si Weng!

�Call Weng.. nasa office siya. Dali!�

Agad naman sumunod ang waiter kaya maya maya mabilis na lumabas si Weng sa office.
Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Agad itong lumapit sakin.

�What's happening?� tarantang tanong niya.

�Ako pa tinanong mo, tulungan mo nalang ako pinagkakaguluhan nila si Brye. Dali!�

Tumulong nadin yung ibang mga crew namin. Inutusan ko naman yung mga guards ng bar
cafe na ilabas ang mga fans ni Brye. Nakita ko si Brye na gulo gulo na ang buhok.
Hindi man lang lumaban parang abno!

Nang mailabas na ang mga fans niya, nag immediate closing tuloy kami. Ang mga crew
naman at si Weng inaayos ang mga nagulong gamit dito. Mamaya kasi magbubukas na
ulit kami dahil maggagabi na. Magiging bar na ito.

Sinipat ko ng tingin ang superstar kuno.

�Bryyyyyeeeee!!! mahal ka namin!� sigaw ng mga fans niya.

�Papicture Brye!!!!!�

�Bryeeeeeeeeee Pleasssssseeee!� umiiyak na sila. As in, umiiyak na.

Tinignan ko ulit si Brye, nakatingin siya sa mga fans niya and he is smiling. I
just don't get him.

�Ikaw na nga tong nasaktan, may gana ka pang ngumiti sakanila. What is wrong with
you?�

Tinignan naman ako ni Brye. And smiled. Save me from temptation!!!

�Fans ko sila. They are the reason kung bakit ako nandito ngayon sa kinalalagyan
ko.�

Hinila ko siya paupo nang ibigay sakin ng waiter namin yung first aid. Ginamot ko
ang mga kalmot at sugat niya. Ikaw ba naman ma-ambush eh. Naririnig ko ang mga
pagsinghap niya. Mahapdi eh.

�Kasalanan mo iyan. Magtanda ka na, mag-hire ka na kasi ng bodyguards. Pagala-gala


ka pa kasi dun pa sa maraming tao. Alam mo namang sikat ka.� panenermon ko sakanya.
�I want to see you. Kaya ako pumunta dito. Okay lang masaktan basta nakita kita.�

I stiffenned a little pero nakabawi rin agad. No! Sam, wag ka muna mapadala sa mga
sweer words niya. Remember, pahihirapan mo pa siya.

�At dahil diyan sa kalandian mo, napahamak ka pa tuloy.�

�Uy.. nag-aalala ka sakin.. yiee!�

�S-Stop! H-Hindi ako nag-aalala nuh! Baka kasi maidemanda pa ko dahil nasa property
kita nasaktan! Jan ka na nga!�

Tumayo na ako pero agad niyang hinawakan ang mga kamay ko. Isang linggo ko na siya
hindi nayayakap, and it's the first time sa isang linggo na nagkaroon kami ng skin
to skin interaction. Sa isang linggo kasi na pagpunta punta niya I tried to avoid
to be near him as much as possible para safe ang puso ko.

�Please don't leave.� naging seryoso na ang itsura niya. �Sam, I know na galit ka
sa akin. At alam ko na mali talaga ako na hindi kita pinakinggan, pero I'm very
happy dahil hindi mo ako iniiwasan.�

�Ano bang s-sinasabi mo diyan?� tinangka kong bawiin ang kamay ko pero mas lalo
lang niya itong hinigpitan.

He sighed deeply before answering.

�Dahil mahal kita. Hindi nawala iyon. Yung mga nakita mong halik namin ni Jackie, I
don't know what I was thinking, I was jealous to the fact na sumama ka nga daw kay
Mike kaya I thought na pagselosin ka din and the result is very obvious that it
turned out not good.�

Nakatingin lang ako sakanya the whole time. Inaabsorb ko ang bawat salitang
binibitawan niya. Alam ko na masokista na ang matatawag niyo sakin pero mahal ko
tong mokong na ito eh. Kaya pinapakinggan ko siya dahil alam ko ito ang tama.

�Kaya handa akong gawin ang lahat. Lahat para patawarin at bigyan pa ako ng
pagkakataon. Kahit pa na masaktan ako, basta makita lang kita okay lang. Kahit na
rape-in ako ng mga fans ko basta alam kong ayos ka lang. I want to make things
right with us. So, Sam.. can you give me another chance?�

This sudden? Ganito kabilis? Bakit naman ganito kabilis??? Hindi pa ako ready. Na-
shock ako sa sinabi niya. Bibigyan ko ba?

My mind and heart says yes. Pero si mind kasi yes nga ang sagot pero nandoon parin
ang what-ifs. What if he hurt me again? What if I'm not fit for his world? Ugh! I
hate this feeling. Hindi ba kasi pwedeng yes or no lang? Wala nang pasegwey-segwey?
�Sam?�

He is looking straight at me. Waiting for my answer. I took a deep breath. Binawi
ko na ang kamay ko na hawak niya. And walked away. Pero huminto ako and looked
back. I smiled. A very meaningful smile. Afterwards, pumasok na ako sa office.

I know na gets niya ang ibig kong sabihin. I will be waiting for your actions.
Hindi ko naman siya pahihirapan eh, dahil ayoko lang. I just want to know kung
gaano nga niya ako kamahal para suyuin pa. Oh boy! This is going to be exciting.
Tingnan natin ang mga pakulo mo Mr. Gabryell Seth Lee.
YNO#50

BRYE'S POV

A smile. She gave me a smile. Sobrang saya ko. Kahit na hindi niya sinabi sakin ng
direkta alam ko na hinahayaan niya kong makabawi. She gave me another chance. Yun
naman talaga ang importante eh. I promise na hindi ko sasayangin ang pagkakataong
binigay niya sakin.

�Brye, jusko. Bakit ngayon ka lang? Oh my God, bakit ganyan ang itsura mo?!� si
Dino.

Pagkaalis ko kasi sa Twisted Hangout dumiretso na ako sa practice area namin.


Tumakas lang kasi ako kanina para makita si Sam, malay ko bang pagkakaguluhan ako
doon. Nagpa-practice na ako para sa concert ko dito sa Pilipinas.

�I'm fine, nagkagulo lang sa bar cafe nila Sam, pero okay na ako.�

�Na kela Sam ka? Brye, sabi ko naman kasi sayo na bigyan mo muna ng space si Sam.�

�I know Dins, pero alam mo naman ang sitwasyon di ba? Ayoko nang mawala pa siya
sakin ulit. I can't let that happen again.�

�Bahala ka na nga. Buhay mo iyan eh. Matanda ka na.�

Dino is always very supportive of me, kahit na pasaway ako nandiyan parin talaga
siya para sakin and I'm very happy to have him as my best friend. May naisip
nanaman ako!

�Dino.� tawag ko.

�Bakit?�

�Can you call Weng? May sasabihin sana ako sakanya.�


Sumunod naman si Dino. I need Weng's help para magawa ko yung pinaplano ko.

========------------========

SAM'S POV

Three days nang hindi sumusulpot dito si Brye. Nakakapanibago. Hindi nga ako
mapakali eh. Gusto ko siyang tawagan pero ano ang sasabihin ko? Siya itong nanunuyo
sakin kaya dapat siya ang gumagawa ng effort para malaman kung ano ang lagay ko.

Minsan nga naiisip ko na am I not worth fighting for? Na sumuko na agad siya.
Nakakakulti ng utak. Nakakahaggard. Well, anniversary ng Twisted Hangout ngayon
kaya aligaga ang lahat. Bawat taon, we make sure na special ang araw na ito.
Maraming customers ang dumadagsa dahil sa mga freebies and discounts namin lalo na
ang mga regular customers. 50% ang mga drinks and foods namin. Plus, may mga
special performances pa.

Ngayon, hindi ko alam kung sino magpeperform dahil si Weng ang kumuha. Busy kasi
ako sa pagtulong sa mga kitchen staff ko sa pagbebake at pagluluto ng mga pagkain
mamaya.

5pm na at nagsimula nang dumagsa ang mga tao. Malaki ang main branch ng Twisted
Hangout kaya kaya nito i-accomodate more than 500 people. At hindi pa ito crowded.
Nag-hire na rin kami ng mga extra securities in case magkagulo.

Nagbihis na ako. Ganoon din si Weng. And around 6pm nagsimula na magpatugtog ang
Dj. Everyone is dancing on the dance floor. Ako naman inaasikaso ang mga
congratulatory wreaths and flowers na pinapadala ng mga kaibigan sa negosyo at ang
iba naman sa mga trusted customers.

�Okay okay people! Tayo'y magsi-upo na muna sa ating mga kinauupuan. It's time for
our guests to perform. At dahil isa nanamang taon ang lumipas at lalo kaming
yumayaman dahil sainyo, we invited these guests to perform in front. Naku, baka
sabihin niyo puchu-puchu lang ang mga kinuha ko siyempre hindi! Kaya give it up to
Mr. Ely Buendia�

Miski ako nagulat. Paano nakuha ni Weng iyon? Eh busy iyon ah! Kahit ang mga tao
hindi ata naniwala nung una hanggang sa lumabas na nga si Ely. Nagsigawan ang mga
tao at nang tumugtog at nagsimula nang kumanta si Ely lahat kami nakikanta sa
kanya. Mga kantang pinasikat niya.

Una niyang kinanta ang Ligaya. Kahit na 1993 pa itong kantang ito, tatak parin
samin ito.

Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko?


Ilang ulit pa ba ang uulitin, o giliw ko?
Tatlong oras na akong nagpapacute sa iyo
Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko

Sagutin mo lang ako, aking sinta'y walang humpay, na ligaya


At asahang iibigin ka, sa tanghali, sa gabi at umaga
Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba
Lahat tayo'y mabubuhay na tahimika'at buong ligaya

Sunod naman na kinanta niya ay ang With a smile tapos yung Pare ko. At lastly, sino
ba naman ang hindi may alam ng Huling El Bimbo. Sa chorus palang nagsitayuan na ang
mga tao at nagsayawan na sa kani-kanilang pwesto. Yung iba parang umattend ng
concert at nagsisitalon pa.

Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay


Na tinuruan mo ang puso ko na umibig na tunay

La la la la, la la, la la, la la la

�Thank you everyone! Happy anniversary sa Twisted Hangout!� then umalis na si Ely
sa stage. Umakyat naman ulit si Weng.

�Oh di ba? Sabi ko sainyo eh, big time kami! Hahaha. Susunod naman na performer ay
hindi kayo maniniwala na nakuha namin siya. Oha! Kami na mayaman! Well anyways,
dahil naman sainyo kaya kami nandito ngayon. Kaya we want the best for all of you.
Eto na, international superstar, give it up for Brye Lee!�

Naghiyawan ang mga tao lalo na ang mga kababaihan! Nandito si Brye?

-==-=-=-=-=-=-=-=-=

BRYE'S POV

Nang tawagin na ni Weng ang pangalan ko umakyat na ako sa stage. Dalawang kanta
lang ang kakantahin ko. Hinanap ng mga mata ko si Sam pero hindi ko makita. Kaya
nagsimula nang tumugtog ang minus one CD ko. Party song ang una kong kinanta para
ma pump up yung atmosphere. Nakikita ko naman na nag-eenjoy talaga ang mga tao
dahil nagsisitalon sila at nagsasayawan pa. May iba ring sinasabayan ako sa
pagkanta.

Nang matapos na ako sa una kong kanta. Binigay na sakin ng isa sa mga crew nila
Weng ang acoustic guitar ko. Three days akong hindi nagpakita kay Sam, dahil una
alam kong busy siya sa pag-aasikaso sa anniversary ng bar cafe niya at pangalawa,
gumawa ako ng panibagong kanta para sakanya. Pinakiusapan ko pa si Weng na
magpeperform ako dito at syempre walang bayad. Madugas iyang si Weng eh.

Nang makaupo ako sa isang stool, hinanap ng mga mata ko si Sam, at nakita ko siya
sa may bandang gilid na nakatingin sakin. Nagtataka ang mukha niya. Umusod ako
bahagya sa pesto kung saan naroroon siya. Para sakanya kasi ang kanta na ito.

�Hello, good evening! My next song is entitled 'This Girl' and this is for the only
woman in my life.� pagkatapos kong sabihin yun, ngumiti ako kay Sam. I started
strumming my guitar.

I met this girl


she�s really nice but
it�s only time to realize
that she�s not just someone else
I met her friend
she asked me to
to sing a song
for her cus
she�s not just someone else

Nakatingin lang ako kay Sam. Nang makilala ko talaga siya hindi lang siya basta
basta. She's one of a kind at nang sagutin niya ako noong nanligaw ako sakanya ako
ang pinakamasayang lalaki noon.

I�m hoping that we�ll meet


and I�ll sing this song for you
I hope that you believe
that this is all for you

I�ll hold your hand and I�ll


be waiting, I�ll be waiting
so just hold my hand and I�ll
be waiting, I�ll be waiting
to see your smile

Maghihintay ako Sam, ako naman ang maghihintay sayo. Hihintayin ko ang panahong
mapapatawad mo ko at magiging masaya tayo. Basta sana lagi mong tandaan na nandito
lang ako.

I met this guy


he used to be
the man she likes
and now I know she's dating someone else

and now I'm here,


I'm walking out
but I still believe
the day will come for me, for me

Nagkahiwalay man tayo dahil sa maling akala ko, still you waited for me. Kahit na
sinungit-sungitan kita at pinagtulakang palayo hindi ka parin nawala sa puso ko.
Nagselos ako sa mga lalaking dumikit sayo at isa iyong patunay na mahal na mahal
kita.

Still I�m hoping that we�ll meet


and I�ll sing this song for you
I hope that you believe
that this is all for you

be waiting, I�ll be waiting


so just hold my hand and I�ll
be waiting, I�ll be waiting
I'll be waiting, I'll be waiting
Still hoping that we�ll meet
and I�ll sing this song for you
I hope that you believe
that this is all for you

Maghihintay ako. Until the day you said you forgive me. I promise you that.

Nagpalakpakan na ang mga tao. Nag-bow nalang ako sakanila tapos went down the
stage. I need to see Sam.
YNO#51

SAM'S POV

Dali-dali akong lumabas at tumungo sa likod ng bar cafe ko. Indeed, I was
overwhelmed by Brye's performance. Gusto ko nga siyang lundagin sa stage para lang
sabihin sakanya na masayang masaya ako pero I restrained myself. I am not ready.
Not yet. I heaved out sigh. Sumandal ako sa pader. It was dark, tanging liwanag
lang na nanggagaling sa buwan ang nagsisilbing ilaw.

�There you are.�

Napapitlag ako sa boses na narinig ko. Of course it was Brye. Lumapit siya sakin at
sumandal sa bakod na nasa harap ko. Nanatili lang kaming tahimik muna. I tried not
to look at him, pero ramdam ko na siya ay nakatitig sa akin.

�How's the song?� tanong niya.

�Maganda.� I smiled.

�Sam.. alam ko na sinabi ko sayo na magihihintay ako sa araw na patatawarin mo ako.


Pero Sam, I just need assurance. Assurance na mahal mo pa ako kahit kaunti. Alam ko
na nagiging makasarili ako pero hindi din madali sakin ito Sam, lalo na sa
trabahong mayroon ako.�

I looked at him unbelievably. Ano ba ang sinasabi niya?

�Are you giving up? That's a shame.� I said sarcastically.

�No. I am definitely not giving up. I am just asking an answer that the fact that
you still love me.�

I saw pleading in his eyes. Pero hindi ako sumagot. Para saan pa at sinusuyo niya
ko kung malalaman na niya kaagad na mahal ko pa nga ito di ba? All I wanted was
just be sure na handa si Brye gawin ang lahat para lang patunayan sakin na mahal
niya ko. Mahirap ba iyon para sakanya? Na wala pang mahigit isang linggo
nanghihingi na ito ng sagot sakin?

Hindi ako sumagot sa tanong niya, nanatili akong nakatingin lang sakanya. I heard
him let out a deep sigh and may kung anong kinuha sa back pocket niya. Then he
handed me a ticket. A ticket to his concert.

�I'll be waiting, kapag hindi ka dumating ibig sabihin nun ay ayaw mo na. Pero
ayokong isipin na hindi ka dadating. Sabi mo sakin number one fan kita. I'm sorry I
have to do this because I have no choice.�

Pagkatapos nun ay iniwan nalang niya ko. Nakatulala, habang hawak hawak ang VIP
ticket sa kamay ko.

===----===

Nandito ako ngayon sa favorite spa ko. Ito ang tanging luho ko sa sarili . Hawak ko
ang ticket na binigay ni Brye sakin kagabi. Bukas na ang one night concert nito sa
MOA arena. And I have decided.

Buong magdamag ko pinag-isipan ang gagawin ko. I sorted things out by myself. And I
am sure now that I will go. Yes.

Kahit anong pilit ko sa sarili ko na pahirapan pa lalo si Brye ay hindi maalis


sakin ang katotohanang mahal ko siya. Bakit ko pa patatagalin di ba? Kung pwede
namang araw-araw niya sakin patunayan na mahal niya ko habang magkasama kami.

Kinalimutan ko na ang lahat ng nangyari. Pinatwad ko na si Mike at lulunukin ko ang


pride ko mapatawad din si Jackie para lang maibigay ko ng buong puso ko kay Brye.
Wala nang makakapigil sakin.

�Wow, ang swerte niyo naman Ms. Sam, VIP ticket ang nabili ninyo. Sayang, upper box
lang ang nakuha ko. Mabilis kasi na sold out ang VIP tickets eh.� sabi ng nagfu-
foot spa sakanya. Close na ako sa mga empleyado dito. Kahit sa branch manager eh
nakikipagbiruan na ko. Ganoon ako kasuki sa spa na ito.

I just smiled at the lady as a response to her statement. Natutuwa ako dahil madami
nga talagang fans itong si Brye, mapabata,teenager,matanda,matrona,bakla,tomboy o
ano pa man eh sikat ito.

Pagkatapos kong sa Spa naisipan ko pumunta kay Weng, aayain ko ang bestfriend ko na
manuod din ng concert ni Brye. Alam kong matutuwa iyon kapag binalita ko sakanya na
gutso ko nang magsimula ulit kami ni Brye.

Pagkadating ko sa Twisted Hangout ang sabi sakin ng supervisor ko eh wala daw doon
si Weng kaya naisipan ko na baka nasa condo unit niya ito. Kaya sumakay na ulit ako
sa kotse ko at tinungo ang condo building ni Weng. Pagka-park ko nakita ko ang
kotse ni Dino. Baka nagba-bonding ang dalawa, madalas kasi si Weng ang hinihila ni
Dino kapag naiinip ito.

Sumakay na ako sa elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang unit ni Weng,
patungo na ko sa unit niya ng mapansin kong bukas ang pinto. Napailing ako, kahit
kailan talaga napaka-careless nitong si Weng, hindi na ako magtataka at sa isa sa
mga araw eh mabalitaan kong narape ito. Tsk. Naririnig ko ang pag-uusap nila ni
Dino, tsismis nanaman siguro pero napatigil ako sa pagpasok ng marinig ko ang
pangalan ko at pangalan ni Brye. Dahil sa curiosity, hindi muna ako pumasok.
�What do you mean na aalis na kayo pagkatapos na pagkatapos ng concert?� si Weng.

�Haayy. Marami nang upcoming projects si Brye. Kailangan niyang matapos iyon within
this year. Hindi kami pwedeng lumabag sa kontrata, madedemanda kami.� sabi ni Dino.

�Pero paano si Sam? Iiwan nalang ng basta ni Brye?�

�Ayaw nga iwan ni Brye si Sam. Hindi niya daw kaya, kahit na gusto niyang ituloy
ang kontrata he doesn't want ti leave Sam, sabi pa nga niya magdemandahan na kung
magdedemandahan. Mabait naman si Mr. Kwon ang CEO ng Daragon Entertainment pero ang
ayaw niya sa lahat eh yung hindi siya sinusunod.�
Nahimigan ko ang pag-aalala ni Dino sa tono niya. Kaya ba hinihingi ni Brye ang
sagot ko bukas kasi ayaw na niyang umalis? Hindi ko ata kaya iyon. Tumulo ang mga
luha ko at umalis na sa lugar na iyon.

THE DAY OF THE CONCERT...

BRYE'S POV

�Brye, ano na ang desisyon mo?� tanong ni Dino. �Hindi natin pwede suwayin ang
kontrata alam mo iyan!�

�Calm down. Di ba ang sabi ko sayo mamaya pagkatapos ng concert ibibigay ang sagot
ko? Tsaka ano ba ang ikinakatakot mo? Edi babayaran ko ang mga penalties. I am
filthy rich now you know.� saka ako pumasok ng dressing room.

10 minutes nalang magsisimula na ang concert, lumapit sakin ang isa sa mga crew.

�Any sign of her?� tanong ko.

�Wala pa siya Brye.�

Huminga ako ng malalim, I know she'll be here. I know that she loves me. Baka na-
traffic lang siya. I am ready to give up everything para sakanya. I know she will
be happy even if it takes the job that I loved the most.

�Five minutes standby! Brye tara na!� sigaw ng isa sa crew.

Lumabas na ako at uminom ng tubig. Pinalilibutan ako ng mga staff at crew, nakayuko
sa may daanan sa ilalim ng stage. May ilang inaayusan ako ng buhok, pinupunasan ang
pawis. May naglalagay na ng earpiece sakin.

�One minute.� sabi ng isang crew.

Kinuha ko na ang microphone ko, at sumampa na sa isang stage na magpapalitaw sakin


sa main stage. Naririnig ko na ang mga hiyawan ng mga tao ng patugtugin ang isa sa
mga kanta ko. Dahan dahan nang umaangat ang kinatatayuan kong maliit na part ng
stage and when I saw my fans, I started doing my thing with the spotlight on me.

=======----------=======
SAM'S POV

�Hindi ka ba talaga pupunta sa concert? Makakahabol ka pa.�

Kanina pa nangungulit itong si Weng na magpunta ako sa concert. Pagkaalis ko sa


condo niya dumiretso ako sa cafe bar and got myself busy.

�Para saan pa? Hindi naman niya mapapansin na wala ako doon.�

�Duh. Binigyan niya tayo ng VIP tickets, at ipinareserve niya yung mismong uupuan
natin, kaya alam niya kung saan man tayo uupo.�

�Alam mo Weng, kung gusto mo pumunta hindi naman kita pipigilan eh. Ako nalang ang
bahala dito.�

�No. You are coming with me, Sam aalis si Brye matapos ang concert.�

�I know. I heard you and Dino talking over it. I'm sorry for eavesdropping. Alam mo
naman na sakit ko iyon� tumawa pa ko ng bahagya.

Pero tumigil din ako nang makita ko kung gaano kaseryoso ang itsura ni Weng ngayon.

�So ganoon nalang iyon? Hahayaan mo nalang siya?�

Sa halip, hindi na ako sumagot. Buo na ang desisyon ko na hindi pumunta sa concert
pero nagulat nalang ako ng bigla akong buhatin ng dalawa sa bouncers ng cafe bar ko
since it;s already 8 in the evening.

�Put me down! Sesesantihin ko kayo!� sigaw ko. Pero parang hindi ako narinig.

�Sige lang, dalhin niyo sa kotse ko, huwag kayong matakot diyan boss niyo rin ako.�
sabi ni Weng at umikot pa para mabuksan ang passenger seat. Tapos dali-daling
umikot sa driver seat at pinasibad ang kotse. Kahit hindi na ako magtanong alam
kong sa concert kami ni Brye pupunta.

=======------------========

Nang makaupo na kami sa VIP seats namin, halos mabingi ako sa sigawan ng mga tao. I
remember myself year ago when Brye was on a tour and sakto nasa isang bansa ako
kung saan siya magcoconcert. Pumunta ako at nakisigaw like a normal fan would do.
Hindi lang iyon, I even sang along with him and all the other fans. Pero parang
hindi ko ulit magawa iyon ngayon. Aalis na si Brye matapos ito. And I have no heart
to be the reason why he would not leave.
Kasalukuyang, kumakanta si Brye ng isang ballad song. It is very heartwhelming.
Ramdam ko ang emosyong binubuhos niya sa bawat salitang binibitawan niya. Everyone
was waving their light sticks left to right na sumasabay sa tiyempo ng musika.
Kahit si Weng, nakikigaya rin sa iba. But I remained still. I blinked several times
for my tears not to get away.

This is my last chance to see Brye. Pinagsasawa ko na ang sarili ko sa pagkakataong


ito na nakikita ko siya though hindi ganoon kalapit na as in face to face but
still, malapit lang kami sa stage kaya malinaw na malinaw sa akin ang napakagwapong
mukha niya.

Hindi ko alam kung paano ko nagawa na hindi umiyak sa buong concert. Nang oras na
nag-e-encore siya ay hinila na ako ni Weng papunta sa backstage sinalubong naman
kami ni Dino. Magrereklamo sana ako pero pinandilatan ako ni Weng as if telling me
to behave. Nakaramdam ako ng kaba ng marinig ko na nagpapaalam na si Brye sa mga
fans niya, napansin ko din na busy sa pag-uusap si Weng at Dino kaya pasimple akong
lumayo at hahanapin ang daang palabas sa concert arena.

Naglalakad na ako at hindi ko talaga alam kung nasaan na ako, bakit kasi ang laki
laki at ang daming kwarto sa backstage. Daig pa ang isang bahay. Nang sa wakas,
makita ko ang exit ay tinungo ko ito. Pero narinig ko ang pagtawag sakin ni Brye.

�Sam! Sam!�

Pero hindi ko pinansin ang pagtawag niya sakin, mas lalo ko pang binilisan ang
paglalakad patungo sa exit. Akala ko na makakaalis ako ng matiwasay pero hindi
pala, nahuli parin siya.

�Sam! I said stop. Stop right there woman! Isa!�


YNO#52

BRYE'S POV

�Thank you guys! Mahal ko kayo! Maraming Salamat! Sa uulitin.. I hope you had fun.�
then I sent flying kisses. Pagkababa na pagkababa ko sa stage, nakaantabay ang
lahat sakin. Inabot ko ang microphone sa technical staff at kinuha ang bimpo at
tubig sa isa ding staff.

Masaya ako ngayon dahil nakita ko si Weng kasama si Sam! Sobra akong masaya dahil
dumating si Sam. Akala ko talaga hindi na siya darating pero hindi ako naubusan ng
pag-asa and the moment I was about to sing one of my ballad songs sakto ang
pagdating niya kaya ibinuhos ko lahat ng emosyon ko sa kanta. Kaya mas lalo akong
ginanahan na magperform dahil nanonood ang babaeng pinakamamahal ko.

Agad na hinanap ng mga mata ko si Sam pagkababa ko. Pero hindi ko siya makita,
tanging sila Dino at Weng lang ang nandito.

�Congratulations! Success ang concert mo.� sabi ni Dino.


�Congrats Brye!� bati ni Weng.

�Thanks, nasaan si Sam?� tanong ko sakanila.

�Nand�Oh.. nasaan na ang babaeng iyon? Kanina nandito lang siya eh. Alam mo bang
kinaladkad ko pa iyon papunta dito?�

Napabaling ako kay Weng. Nakakunot noong nagtanong ako ulit sakanya.

�Kinaladkad?�

Malungkot siyang tumango tapos tumingin kay Dino saglit.

�She doesn't want to go here Brye. Alam na niya na aalis ka dapat ngayon pabalik sa
Korea.�

�Pero hindi ako sasama! Because she came..�

�Brye, hindi pwede iyang sinasabi mo.. alam mo iyan!� mangiyak na sabi ni Dino.

Pero hindi ko pinansin si Dino at ang dilemma niya. Right now, I need to find Sam.
Hinanap ko siya, nagpaikot-ikot ako sa backstage. At nang makita ko siya na
papalabas sa exit ay agad ko siyang pinigilan sinisigaw ang pangalan niya pero
hindi niya pinansin..

�Sam! I said stop. Stop right there woman! Isa!�

Pero tila wala siyang narinig at mas lalo pa niyang binilisan ang paglalakad kaya
hinawakan ko siya ng mahigpit sa braso at sapilitang hinarap sa akin. Galit na
galit na ako. Lagi nalang ganito.

�Di ba sinabi ko sayong tumigil ka? Tapo mas lalo mo pang binilisan! Can't you even
listen to me?� galit na sabi ko. I am so damn tired tapos eto pa ang sasalubong
sakin?

�At bakit patungo ka sa exit door? Binilin ko kay Dino na hintayin niyo ko!�

Pero binawi ni Sam ang braso niya mula sa pagkakahawak ko.

�Bumalik ka na doon Brye. Di ba may interview ka pa. Tapos aalis ka na.�

Tatalikuran sana ulit ako ni Sam pero hinawakan ko ulit siya at iniharap sa akin.

�Hindi ako aalis Sam. Dumating ka, and that's my sign kung aalis ba ako o hindi.�
mahinahong sabi ko. Akala siguro ni Sam na iiwan ko siya pero nagkakamali siya. I
would give up everything just to be with her.

Nanatiling nakatingin lang sa akin si Sam. No emotions would be read in her face.

�Bitiwan mo na ako Brye. Hindi naman talaga ako dapat pupunta dito eh, sapilitan
akong dinala rito. You should go.�
Nagulat ako sa sinabi niya. Hahayaan niya akong umalis? Paano kung hindi ko siya
naabutan dito? Ni hindi ko alam na iiwan niya ko.

�You're leaving me again.�

�Kailangan eh. Para sayo din itong ginagawa ko Brye. Dapat talaga hindi ko
tatapusin ang concert mo at takasan nalang si Weng pero napasarap ang panonood ko
sayo. Remember, number one fan mo ako.� tapos ngumiti siya sakin ng mapait.

�So ganoon nalang iyon? Bigla ka nalang babalik sa buhay ko kung kailan mo gusto.
At ganoon din sa pag-alis.. na kung kailan mo naisipan ay aalis ka nalang basta sa
buhay ko?�

Nakita ko siyang yumuko. Ano ba ang gusto ni Sam? I am willing to give up


everything pero siya parin ang tumutulak sakin palayo. Naiinis na ako.

�Tell me Sam, ano ba talaga ako sayo? Saan ba talaga ako lulugar sa buhay mo? Cause
right now, hindi ko na alam. I am willing to give up everything, pero ikaw naman
ang pilit na lumalayo. Napapagod din ako Sam.�

Then I turned away. Suko na ako.

============--------------==========

SAM'S POV

When I saw the sadness in his eyes God knows how much I want to hug him and take
back what I said earlier. Pero hindi naman pwede. I don't want him to give up, alam
ko kung gaano niya kamahal ang musika. I don't want him to give it up. Nang
tumalikod siya sakin gusto ko siyang yakapin. Hindi lang naman siya ang nahihirapan
eh. Lahat naman kami.

�Ako ba Brye, may lugar ba ko sa buhay mo?� balik-tanong ko sakanya. I saw him
stopped and looked at me.

�Hell Sam, meron siyempre, kaya nga kita pinipigilang umalis eh!�

�Hindi ba palagi mo sakin sinasabi na marami ka pang gustong gawin sa career mo?
Okay, pipigilan mo ako ngayon and then what? What will we do next? Ikaw? Do you
have the confidence to leave the world that you love the most? Sigurado ka ba na
hindi ka magsisisi kung iiwan mo nalang basta ang mundong ito ngayon?� paghahamon
na sabi ko sakanya.

Nakita kong natigilan siya. Hindi siya nakakibo. I am right, hindi pa siya handa sa
gagawin niya. And ayokong dumating ang panahon na pagsisisihan niya ito. I tried to
pretend that I'm okay. Okay sa mga nangyayari. Nagawa ko na ito 4 years ago,
pretended that everything's okay.

�There. That answers it. Siguro nga alam ko na babalik ka sakin. Pero napag-isip
isip ko na hindi ko kayang makita ka na iwan ang mundong mahal na mahal mo. Alam ko
na marami ka pang gustong gawin. Nagawa mo nanaman dati na kalimutan ako, kaya mo
ulit iyon.�
I tried to give him a smile, pero isang napakatipid lang ang naibigay ko. Sumagap
ako ng hangin and turned away and walked to the exit door. Pero muling nagsalita si
Brye.

�Same old Sam. Hindi mo parin magawang pagkatiwalaan ako. Hindi mo parin ako
pinaniniwalaan na kaya kitang protektahan tapos sasabihin mo sakin na lahat ng ito
ay ginagawa mo para sakin. Aalis ka dahil iyon ang akala mong dapat gawin. Well, I
don't need you concern Sam. I don't need all of it, so kung pwede bang mind your
own fucking business!�

Ramdam ko ang sakit sa boses ni Brye. Pero mas masakit para sakin na masaktan siya
dahil sakin. I don't want him to get hurt pero ako mismo ang gumagawa nun sakanya.

�Eto lang ang kaya kong ibigay sayo Brye..� ngumiti ako kay Brye and gave him a
little wave. �Take care Brye.�

�I will.� pagkasabi nun ay lumakad na ito palayo sakin. Pinanood ko muna siyang
lumakad. Until his built vanish from my sight. Pagkauwi ko sa condo ko tsaka ko
pinagpatuloy ang pag-iyak ko.
YNO#53

One month later..

BRYE'S POV

Pagod na pagod ako sa buong maghapon. Kabi-kabila ang interviews ko. Minsan gusto
ko lang mapag-isa not thinking about what will happen tomorrow or in the future.

�Kumusta ang interview?� tanong ni Dino.

�Fine.� walang ganang tugon ko.

�Congratulations sa big success ng concert mo! Look oh, you made it. Lahat ng
magazines cover ka. Oh my God!�

�Don't start with me Dino, pagod ako.�

�I'm sorry kung naiipit ka sa sitwasyong ito Brye. Don't worry isang taon na nalang
naman eh.�

�Damn it Dino! Pwede ba, do not bring her up again! Nakakasawa na!�

Tuwing naiisip niya si Sam para siyang pinapatay. Parang palaging may pumipiga sa
puso ko sa tuwing naaalala ko ang huli naming pagkikita. It has been a month since
that day. And I don't know kung paano ako nakatagal ng wala siya. Ni hindi ko nga
alam kung paano ako nakatagal ng four years ng wala siya.

�I'm just saying kasi nag-aalala ako. Na kailangan niyo pa humantong sa ganito.�
maluha-luhang pahayag ni Dino.

�Ganoon naman talaga si Sam eh. Kapag pagod na at hindi na kaya basta nalang mang-
iiwan. Hindi man lang niya ko hinayaang magpaliwanag o kaya'y hayaan na patunayan
sakanya na kaya ko ang mga iyon. She just left me.�

Hindi na muli nakipagtalo pa si Dino sakanya. Galit na humalukipkip ako at pumikit.


Pero naramdaman kong umupo si Dino sa katapat kong couch. I heard him let out a
deep sigh.

�Iyon ba ang tingin mo kay Sam?� seryosong tanong niya sa akin.

Dumilat ako at hinarap si Dino ng seryoso.

�Iniwan na naman niya ako. Katulad ng pag-iwan niya sakin noon. It is the time when
I needed her the most pero ano? Nagpadala siya sa Mike na iyon at ngayon sasabihin
niya saking gusto lang niya kong protektahan at maging masaya?! How did I ever
become this man? Na nung isang ngiti lang niya biglang naglaho lahat ng galit ko
sakanya. How pathetic I am.�

�She just wanted you back then Brye.� sabi ni Dino.

Naguluhan siya sa sinasabi nito. Natatandaan niya nang una niyang nakita si Sam na
parang isang dyosa na bumaba sa Mt. Olympus. She was a sight. Pero walang wala ako
noon kaya nagsumikap ako para may maibigay sakanya.

�A-anong ibig mong sabihin?� nagtatakang tanong niya rito.

�Promise me that you won't tell Sam or Weng. They will kill me for this lalo na si
Weng alam mo namang amasona yung babaeng iyon.�

Tumango ako sa sinabi niya. I really don't get what he said a while ago.

�Sam just wanted you back then. Ikaw lang Brye. Hindi naman sakanya importante ang
mga bagay na ibinibigay mo sakanya eh. She just wanted you by her side. Pero
nilamon ka ng mga ambisyon at pangarap mo na binalewala mo na siya.�

I was alarmed of what is Dino talking about. Lahat ng ginawa niya ay para
sakanilang dalawa ni Sam.

�I did not. Ni minsan hindi ko siya binalewala, lahat ng pagsisikap ko noon ay para
saming dalawa.� tanggi niya.

�Yes you did. You ignored her. Isipin mo ang nakaraan. Alalahanin mo, ilang beses
bang inindian mo siya sa date ninyo? Yung mga panahong nakalimutan mo ang mga
importanteng okasyon ninyo dahil sa mga pagtugtog mo? Alam mo nang mga panahong
iyon, tanging tayo lang nila Weng ang nasasandalan niya dahil nasa probinsya ang
magulang niya. The times na nag-eenjoy ka sa mga fans mo sa gigs mo dahil
pinagkakaguluhan ka,iyon ang panahong nakakaramdam siya ng pag-iisa.�

Hindi ako nakakibo. Naalala niya ang mga iyon. Hindi niya alam na mali pala ang mga
nagagawa na niya. Sam didn't say something about it. She just understands. Ni hindi
siya nagalit ng mga dates na hindi ko sinipot. Ang sinasabi lang parati niya sakin
ay may next time pa naman. It dawned me. The truth ate me alive.

Then naalala ko ang mga salitang sinabi sakin ni Sam sa huli naming pag-uusap.

�Hindi ba palagi mo sakin sinasabi na marami ka pang gustong gawin sa career mo?
Okay, pipigilan mo ako ngayon and then what? What will we do next? Ikaw? Do you
have the confidence to leave the world that you love the most? Sigurado ka ba na
hindi ka magsisisi kung iiwan mo nalang basta ang mundong ito ngayon?�

�Nagawa ko iyon sakanya?� I muttered.

�Pero okay lang kay Sam ang mga iyon. Your dream became her dream Brye. Ang sabi
niya samin ni Weng na mahal mo raw siya at wala siyang pagdududa doon pero mahal mo
rin daw ang musika mo. Kaya nang marinig niya kami ni Weng sa pag-uusap tungkol sa
pag-alis mo mas pinili niyang itaboy ka.Hindi mo man sinasadya pero nagawa mo nga.
I am not saying this para pasamain ang loob mo. I am saying this para malinawan ka,
na kahit ni minsan hindi sumuko sayo si Sam.�

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. She didn't left me because of the
reasons I have been thinking. She loved me so much. She loved me that much and I
never even knew it. Gusto kong saktan ang sarili ko, gusto kong kamuhian ang sarili
ko. Napaka-gago ko. Ako na ang leader ng mga gago at tanga. Hindi ako ang nagdusa
all these years kundi si Sam. My Sam, she is the one who had suffered so much along
these years.

�Pero mahal ko siya Dino. Mahal na mahal. Heaven knows how I would give my all just
to be with her. Pero hindi niya ko pinaniwalaan na kaya ko itong gawin.�

�Gagawin mo nga ba talaga? You love her but she's not your priority. Huwag kang
kokontra dahil babalian kita ng leeg if you would. Kung hindi ka naniniwala na
hindi siya ang priority mo di sana hindi mo siya hinayaang itaboy ka. Kakapit ka
sakanya no matter what. So that answers everything. Between Sam and your music, you
love your music more enough.�

I was left speechless. I never thought that all I did for Sam will hurt her. Hindi
ko naisipan man lang na hindi pala kailangan ni Sam ang mga ito. Naiisip niya nang
mga sandaling lumakad na siya palayo kay Sam, she probably cried alone in her condo
unit. Ganoon talaga ang ginagawa niya. She would never let anyone see her crying
and in a vulnerable state.

Nakita kong tumayo si Dino at hinawakan na ang door knob ng pinto pero bago pa siya
lumabas ay may sinabi siya.
�Huwag ka mag-alala Brye, Sam loves you. Sam loves the Brye that performs in front
of his millions of fans. Hindi naman siya magtatangka sumali sa raffle contest kung
hindi ka niya mahal di ba? Alam ko na hihintayin ka parin niya. Number one fan mo
kaya iyon!� then Dino finally left the room.

Hindi parin ako makapaniwala sa mga sinabi sakin ni Dino. Naisip ko kung gaano ako
kagago nitong mga taon. Siguro nga meron ding pagkakamali si Sam sa mga naging
desisyon niya pero iyon lang ang kaya nitong gawin para ipakitang mahal niya ko.
Pero ako? Ano ba ang paraan ko noon na naipadama ko sakanya ang pagmamahal ko?
Kahit sa muli naming pagkikita, paano ko ba pinakitang mahal ko nga siya?

Napangiti ako sa naisip ko. Now I am determined. I have the courage again.

�I promise Sam, I won't be a pathetic loser slash jerk for long.�


EPILOGUE

One year later...

SAM'S POV

I am walking down the aisle holding a bouquet of yellow roses. Medyo naaapakan ko
na ang gown ko pero okay lang as long as hindi ako papahalat. Nakakahiya naman kung
madadapa ako sa kasal di ba? At alam kong nakatingin silang lahat sa akin. I am
really nervous.. konti nalang..

Just a few steps more....

Then I turned left.

Nag-iba na ang music sa simbahan, pumailanlang ang Marry Your Daughter ni Brian
McKnight. Pumasok na ang bride. Si Maddie. Siya ang supervisor namin ni Weng at ako
ang ginawa niyang maid of honor.

Her wedding is so wonderful, puti ang mga suot ng bridesmaid and ako siyempre then
she is the only one wearing a Silver gown. While she's walking down the aisle I
can't help my tears. Nakikita ko ang saya sa mga mata ni Maddie. And how I wish I
would also feel that happiness.

The wedding was a success. Kasama ko ngayon si Weng at pauwi na kami, galing sa
reception ng kasal ni Maddie.

�Uhm dito mo nalang ako ibaba bebs.� sabi ni Weng.

�Huh? Bakit hindi nalang sa condo mo? Malapit nanaman eh.� sabi ko sakanya.
�Hindi na, dito nalang may nakalimutan pa pala akong gawin. Alam kong pagod ka na.�
she went out of the car. Binaba ko naman ang bintana sa passenger seat.

�Are you sure you're okay here?� I asked again.

Yumuko naman si Weng para tignan ako sa may bintana. Nagthumbs-up pa siya sakin.

�Yup, sige na iwan mo na ako dito. Ingat ka! Drive safely. Love you!�

�Okay, mag-ingat ka din! Love you too!�

Pagkatapos ay umayos na ako ng upo at isinara na ang bintana. Weng's been acting
weird these past few days, naging magugulatin na. Minsan nga, narinig ko siyang may
kausap sa phone at nang tawagin ko siya bigla nalang niya naibagsak ang cellphone
niya.

Naiisip ko nga minsan na baka may boyfriend na ito. Naku! Eh ba't naman niya
itatago ito kung sakali? As if naman na magagalit ako nuh? Aba it's about time na
magkaroon na ng lovelife ang bestfriend ko. Nitong nakaraang taon, walang steady
date si Weng paano,palagi nalang ang Twisted Hangout ang inaasikaso.

Nakarating na ako sa condo unit ko. Yup, dito parin ako nakatira. Wala naman
masyadong nagbago. Besides sa expansion ng business namin ni Weng. In just a year,
nakapagpatayo pa kami ng dalawang branch ng Twisted Hangout kaya mas lalo pa ako
naging busy.

Nang makapasok na ako sa unit, I undressed myself and went straight to the shower.
Matapos makaligo, I buried myself on my bed. Kinuha ko ang frame sa gilid ng table
ko.

�Kamusta ka na? These past few days wala akong balita sayo. Kahit sa internet puro
lumang balita ang nakikita ko. Nasa bakasyon ka ba kaya AWOL ka ngayon? I missed
you. I missed you so much babs.� then I dozed off to sleep hugging Brye's picture.

=========----------========

�Hoy Sam! Anong problema mo?� untag sakin ni Weng. Bebs date namin. Meaning, isang
beses sa dalawang linggo may bonding moment kami ni Weng. Nakasanayan na naming
dalawa iyon. We would shop 'til we drop. Pero nandito ako sa may starbucks dahil
ito ang sinabi ni Weng kung saan sila magkikita. Pero ang kaibigan niya 1 hour
late.

�Bakit ngayon ka lang?� I asked irritatingly.

�Sorry na bebs. May inasikaso lang ako importante.�

Then she sat on the vacant chair in front of me. May inasikaso nanaman siya? 1 week
na siyang ganyan ah. Baka mamaya tama talaga ang hinala ko.

�Hoy, babae! Umamin ka nga.. may boyfriend ka na ba?�


Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Weng then maya maya tumawa ng malakas. I just
stared at her. May nakakatawa ba sa sinabi ko? As far as I remember, maayos naman
ang pagkakatanong ko sakanya. Tumigil na siya nang mapansin hindi ako kumikibo.

�Ano bang pinagsasabi mo jan bebs!� sabi sakin ni Weng. I just shrugged my
shoulders.

�Wala lang, I just taught that you have one. Hindi naman ako magagalit Weng eh pero
huwag mo naman sana itago.�

Nakakunot noong tinignan ako ni Weng. �Wala akong boyfriend okay? Tsaka kung meron
man, bakit ko naman itatago iyon sa iyo? And teka nga, what made you think na may
boyfriend ako aber?�

I bit my lip. �Well, this past week masyado kang busy and parang paranoid ka.
Magugulatin ka din kapag nandiyan ako sa tabi, and ang pinagtataka ko is araw-araw
ka nang may so called appointment.�

�A-Ano.. wala iyon nuh! H-Huwag mo na ngang isipin iyon.� sabi niya.

�Maybe you're right. Siguro ako itong paranoid. Basta bebs, walang lihiman ah?�

�O-Of course!�

Pagkasabi nun eh okay na ako. Maybe I was just being worried for nothing. Matapos
namin sa starbucks eh nag ikot lang kami sa mall and then I saw Brye's poster sa
isang clothing brand.

�Weng..� tawag ko.

�Hmm? Bakit?� tapos lumapit siya sakin.

�Have you heard any news about him this past week?�

Ilang sandali hindi sumagot si Weng, nilingon ko siya at nakitang may tinetext sa
cellphone. Siniko ko siya para makuha ang pansin niya.

�Huh? Ano ulit ang tanong mo?� she said apologetically.

�I said, have you heard any news about Brye this past week?�

�Ahh.. ehh... wala eh. Bakit?�


�Ako rin. Ni sa internet o kaya sa TV hindi na siya nababalita. Para siyang biglang
naglaho. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sakanya. I missed him so much na
minsan iniisip ko na sana naging makasarili nalang ako.�

�I'm sure he's fine. Maybe may ginagawa lang siyang importante na mas lalong
makakapagpasaya sakanya.�

�Huh? What do you mean?�

�Ahhh. Wala! Nagpapahinga lang siguro iyon, eh di ba nga buong taon kabi-kabila ang
mga concerts and tapings niya.�

�Siguro nga. Tara na nga!�

Nanunod pa kami ng movie ni Weng tapos dumiretso na kami sa Twisted Hangout sa may
Ortigas branch namin. Kaka-open lang kasi nito last week kaya dito kami masyadong
nakabantay ni Weng. Nang makarating kami ay binati kami ng guard. Marami nang tao
sa loob dahil 6pm na nanaman kaya nag shift na to a club ang cafe namin.
Nagsusupervise kami ngayon ni Weng sa mga bagong crew, they still need our
guidance.

Pero mamaya maya lang tumunog yung cellphone ni Weng. Lumayo pa siya sakin ng konti
kasi nga maingay na sa paligid kaya sinundan ko siya.

�Hello? Oo, sige. Papunta na ako. Okay.�

Nagulat pa siya nang makita ako sa likod niya.

�Sam! Kanina ka pa diyan?�

�Di naman, may lakad ka?�

�Oo eh. Pwede bang ikaw muna bahala dito?�

Tumango ako sakanya at ngumiti.

�Thanks.�

She kissed me on the cheek then went out to the bar. Hindi na ko mag-uusisa
sakanya. Buhay naman niya iyan and I'm sure na when the right time comes magsasabi
din sakin si Weng.

========------=======
Weng called me 9am in the morning. Ang sabi niya mag-meet daw kami sa may park
malapit dito sa condo ko. Kaya heto ako ngayon pupungas-pungas na tumakbo sa park.
Nagmadali ako maligo at magbihis, hindi ko alam kung anong emergency ang sinasabi
niya sakin. Pagkadating ko, nakita ko siya na nakaupo sa swing tumayo naman siya at
sinalubong ako nang makita na niya ako.

�Ano bang emergency ang sinasabi mo diyan ha Weng?� hingal na sabi ko.

�Samahan mo naman ako. Sa salon.�

�What?!! Weng, ang aga aga pa. Tapos salon lang pala ang gusto mong puntahan? Iba
talaga trip mo nuh. Basta ilibre mo ko ha!�

�Sure!�

Then ayun na nga pumunta na kami sa salon na sinasabi ni Weng. Pagkadating namin
nagtataka ako kasi parang hininhintay talaga nila kami. Well, baka nagpareserve na
si Weng. It's a spa salon kaya nagpamassage din kami. Nagpadeliver nalang si Weng
ng lunch namin. Full package ata ang kinuha ni Weng eh. Paano ba naman, may
massage, foot spa. Manicure and pedicure. Meron din hair and make-up.

�Weng, bakit kailangan pa ako ayusan? San ba tayo pupunta?�

�Basta. Go with the flow nalang. May event tayong pupuntahan.�

Ayun lang ang sinabi sakin ni Weng tapos hindi na nagsalita pa. Mga bandang 4pm
natapos na kami. Medyo natagalan nga kasi nagkwentuhan pa kami sa mga nag-aayos
samin. Nang makasakay na kami sa kotse ni Weng bumaba kami sa Araneta Coliseum.

�Bakit tayo nandito?� tanong ko kay Weng.

�Sam, may tiwala ka ba sakin?�

�Oo naman. Bakit ganyan ka magsalita?�

Ngumiti lang siya sakin. �Basta magtiwala ka sakin lalo na ngayon.�

Kahit na naguguluhan ako, sumunod ako sakanya ng pumasok kami ng Araneta. Walang
tao,as in kaming dalawa lang. Wala naman ding may concert ngayon kasi nga sobrang
tahimik ng lugar.

�Sam, dito ka muna, CR lang ako.� paalam sakin ni Weng.

�Sige.�

Habang hinihintay ko si Weng bigla nalang may humawak sakin at nag-blind fold.
�Hoy! Sino kayo!! Anong gagawin ninyo sakin! Hoy .. ano--� then all of a sudden
nawalan na ako ng malay.

Paggising ko, nakablind fold pa rin ako. Tatanggalin ko sana pero may pumigil sa
mga kamay ko. Natatakot na ako. Ano bang nangyayari.

�Sumama ka samin.� sabi ng isang boses. Babae siya.

�Huwag ka matakot, hindi kami masama.� sabi naman nung isa. Babae rin.

�Paanong hindi ako matatakot?! You just blindfolded me! Wala akong kaalam alam sa
mangyayari!� hysterical na ko. I am so damn scared. If only Brye would be here.
Pero wala na siya, hindi na niya ko babalikan.

Lumakad kami. They are guiding me somewhere. Narinig ko na pumasok kami sa isang
lugar. Tahimik.. wala akong marinig. Parang nasa isang empty room ako.

�Sam..�

Brye? I swear.. I just heard Brye's voice. What is really happening?

�Lamps, I'm sorry for everything. I have been a jerk to you. I was eaten by my
dreams and ignored you. I didn't mean to my love. I should have hold on to you the
last time we talked. But then, I let go of you. But now, I am making things right.
Ikaw pinipili ko. And right in front of you, I am saying that I am quiting this
life and make a new one with you. I love you Lamps. I'm sorry I took so long,
inayos ko pa ang mga dapat ayusin. But now, okay na ang lahat. Can you take me?�

I don't know what to say. Is that really Brye? Binalikan niya ko? Nanginginig na
ako sa kinatatayuan ko, buti nalang hawak ako ng dalawang babae. Hindi ako
makapagsalita. Basta tumatango lang ako bilang sagot sakanya. I hope he saw my
answer.

Maya maya tinanggal na ang blindfold ko. The moment I opened my eyes I was shocked
of what I am seeing. Punong puno ang Araneta ng mga tao.. There were light sticks
shape of a heart covering the whole arena. Then I saw Brye on the stage, nakatingin
sakin at may hawak na microphone. May red carpet sa gitna na kinatatayuan ko pala
ang dulo. And ang suot ko! Nakawhite gown na ako na pangkasal. My favorite flowers,
yellow tulips were everywhere.

�Sam, please marry me. Kung pumapayag ka, just walk down the aisle when the music
starts. Pero kung hindi, you can just leave me and walk out. Handa ako sa kahit
anuman ang isagot mo.�

Maya maya lang nagsimula na ang tugtog. And to my shock, Brye is the one who is
singing.

For all the times I felt cheated, I complained


You know how I love to complain
For all the wrongs I repeated, though I was to blame
I still cursed that rain
I didn't have a prayer, didn't have a clue
Then out of the blue
I smiled but that didn't held back my tears, I started walking down the aisle. As I
took my first step, all the people clapped their hands. I saw Brye smiled. I loved
him so much. Tatanggi pa ba ako? It's time for me to be selfish.

God gave me you to show me what's real


There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why
Now I do, 'cause God gave me you

Habang naglalakad ako, I saw Weng and Dino with the CEO of Brye's record label. I
mouthed them my thank you. Naiiyak na din sila. Then I turned to the other side.
Nandoon ang mga employees namin sa bar cafe, pati narin ang mga nakatrabaho ko nung
naging PA ako ni Brye. I also saw Mike and Nate. Remember them? Yung mga
pinagselosan ni Brye iyan.

For all the times I wore my self pity like a favorite shirt
All wrapped up in that hurt
For every glass I saw, I saw half empty
Now it overflows like a river through my soul
From every doubt I had, I'm finally free
I truly believe

God gave me you to show me what's real


There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why
Now I do, 'cause God gave me you

Hanggang matapos na ang kanta nakita ko na ang pari sa may stage. Sinalubong na ako
ni Brye and squeezed my hand. Nagsalita na ang pari.

"Ladies and gentlemen, family and friends, we are gathered here today to witness
and celebrate the joining of Gabryell Seth Lee and Samantha Allaine Benitez in
marriage. With love and commitment, they have decided to live their lives together
as husband and wife. Who presents this woman and this man to marry each other?"

�We do!� lahat ng tao sa arena ay sumagot. Natatawa ako. I saw Tita Gab, wiping her
tears inaalo siya ni Tito Seth. Parents ni Brye.

We exhanged ou I do's and now, it's time for our vows.

�Sam, Lamps. Una palang kita nakita noong pinakilala tayo sa isa't isa nina Weng
and Dino ay nahulog na ako sayo. Pero nakain ako ng insecurities ko dahil walang
wala ako noon. So I pushed my dream to the extent that I forgotten that you should
be my priority before my music. But now, I realized that I was a jerk. You were
always there kahit na sinusungitan at sinasaktan na pala kita emotionally. I am
sorry. But one thing is for sure, na kahit na iwan mo pa ulit ako hindi na ako
papayag. Susundan at susundan parin kita, and in front of this thousands of people
and God I am proud to say that I love you so much.And this is my vow to you.�

Tuloy-tuloy ang mga luha ko. Nakakainis naman kasi eh.

�Brye, babs. Madaya ka, impromptu ang vow ko kasi ginulat mo ako. First of all,
thank you dahil dito. Alam mo bang one week akong nag-aalala dahil wala akong
mahanap na balita sayo? But now I know why, and I know kung bakit naging busy si
Weng. Thank you. Hindi ako nagsisisi nung iniwan kita 5 years ago because you
fulfilled you dream. At hindi rin ako nagsisisi nang iwan ulit kita 1 year ago
dahil I know na marami ka pang gustong gawin. Maybe we don't have that perfect
story but I think ours is unique. Kahit gaano pa ako katagal na maghintay sayo
gagawin ko. But I think, our wait is over. I love you so much Brye, kahit na
pigilan man tayo ng mga fans mo ipaglalaban kita. And this is my vow to you.�
Umiiyak na ako, and I saw Brye is holding his tears. We exchanged our rings.

�Now by the power vested in me, I pronounce you husband and wife. You may now kiss
your bride.�

Brye,held my face kissed my forehead,my cheeks,my nose and when our lips touched I
know that I made the right choice all these years. Dahil hindi matutumbasan ng
kahit anupaman ang kasiyahang nararamdaman ko. I heard the crowd cheering and
clapping.

�Ladies and Gentlemen, I present to you for the first time Mr. And Mrs. Gabryell
Seth Lee.�

We faced the crowd, nilibot ko ang mata ko sa buong lugar. I see that the people
are waving their light sticks. I looked down to my friends especially Weng and
Dino. I know they helped Brye with this. Bumaba na kami ng stage ni Brye, niyakap
ako ng parents ni Brye.I can't believe that I am officially married to the one I
love.

Ma,Pa your princess is married. Thank you po, pakisabi kay Papa Lord ha? I know na
babantayan niyo kami. I missed you both ma,pa. I love you.

I looked up Brye and nakita kong nakatitig din pala siya sakin. Kahit na marami
kaming pinagdaanan na hindi maganda, look at us now we are happy. I am happy and I
can see Brye is also happy. He kissed my temple.

�I love you!� he whispered.

�I love you too.� I said back.

Ngayon, we will make new chapters of our lives. To start our own family.

�Sam..� he called me.

�Hmm?�

�You will always be my number one.�

I smiled. Yes, I am your number one.

=====-------====

END! :))

You might also like