You are on page 1of 5

Eto yung TiTle ----- Tanong: Sangayon ka ba sa pagtanggal ng Asignaturang Filipino sa

Kolehiyo? (Mga Opinyon)

Isinumite kay: pangalan ni sir lol

Isinumite nina: Abalorio, Louise Millen

Castro, Danielle

De Jesus, Daisy

Karen Joy

Ramos, Alona

Rivera, Marianne

Romero, Jocelyn

Samson, Precious Gem

Next page--------

Edgar Laroya

Internal Security Group

"Hindi po ako papayag, sapagkat ito lang


ang nagsasagisag sa ating pagiging
Pilipino."
Reggie Ambida

Chairman Sitio Bana

"Hindi po, yan ang pinagmulatan nating wika pagkatapos


aalisin nila, para saan pa yon?

Rodrigo R. Gomez

Tricycle Driver

"Paano ka papayag Pilipino tayo


pagkatapos tatanggalin mo yun hindi
pwede yun."

Madrel
Sandig

Sari sari store owner

"Hindi,
siyempre nasa
kolehiyo ang
anak ko at mas
gusto kong
matuto ito sa Filipino."

Mario…

Senior High School Instructor

"No, as a Filipino student common sense


nalang yun as a Pilipino we have to inculcate."
Rowel Cornista

BSED 4 MAPEH Major

"Hindi, kasi para sakin ang Filipino yan


ang kanagisnan na salita o wika na
ginagamit sa araw araw, isa rin yan sa
nagpapakita ng kultura natin bilang
Filipino."

Oliver Z, Manarang

Filipino Major Teacher

"Hindi, una sa lahat how can we


identify our culuture if hindi natin alam
kung paano magsalita ng Filipino. Kung
mapagaaralan pamandin natin ang
Filipino kakambal nya ang lagi yung
kultura ng isang bayan diba. Kapag
tinanggal natin ang Filipino parang unti
unti tinatanggal natin ang
pagkakakilanlan ng bawat isa. And kapag
nasanay tayo sa wikang banyaga wala na
tayong pagkakaiba sa ibang bansa. Bale ito
nalang kase ang nagiisang bagay na dapat
matutunan ng isa hanggang college."

Jhay Ghie Yamauchi

Senior High School Student (Grade 12)

"Hindi, kasi Pilipino yun yung sariling wika natin kapag inaalis yun sa eskwela parang tinakwil
na rin natin yung sarili nating wika diba nga ang sabi ni Rizal ang di magmahal sa kanyang
sariling wika ay daig pa ng malansang isda."
Ivy Paula Castro

Senior High School Student (Grade 11)

"Hindi, kasi Pilipino tayo atsaka yun yung nakasanay nating wika. Kahit alam na natin ito dapat
may dagdag kaalaman pa din tayo sa Filipino."

Lea David

Senior High School Teacher Major in English

"Hindi ako sang-ayon sa bagay na yun, yun kase yung common used language ng tao kapag
kapampangan ka, bisaya or other dialect of province. Common ground natin ang pagsasalita ng
Filipino. Somehow nagaask din sya ng individuality syempre bilang Filipino dapat pagaralan din
yun, kahit di sya ganun kalawak sa atin lang sya umiikot. Titingnan mo mas dapat bigyan ng
pokus yun kase satin yun. Pero kung lalabas tayo ng Country syempre dun tayo sa ingles pero
support lang yun lalo na kung lalabas ng bansa kailangan talaga yun. Kung ditto tayo sa bansa
mismo paano tayo madedevelop and well-modulated kung puro ingles kase di naman lahat tayo
nagaaral at di lahat marunong ng Ingles kaya mas kailangan pa din yung Filipino."

Next page--------

Bilang pakikinig sa pulso ng mga


iilang tao nag interbyu kami ukol sa pag
alam kung sang ayon ba o hindi ang mga
Pilipino sa pag alis o pag tanggal ng
Asignaturang Filipino sa kolehiyo.
Naghanap kami ng ibat ibang klase ng tao,
mga tao na iba iba ang antas ng
pamumuhay at antas ng pinag aralan. May
mga guro ng ibat ibang asignatura, security
guard, manunungkulan ng bayan, mga estudyante, tindera, driver, at ordinaryong mamamayan.
Base sa mga opinyong aming nakalap sa sampung taong aming nakausap isang daang
bahagdan o lahat sila ay hindi payag sa pagalis ng Asignaturang Filipino sa kolehiyo. Bakit nga
ba hindi sila payag, narito ang buod ng kanilang mga sagot; lahat sila ay may kaniya kaniyang
punto, ngunit kung iyong iintindihin at uunawain iisang sagot ang kanilang inihain ito ay "Ang
Filipino ay hindi lang asignaturang itinuturo ngunit ito rin ang wikang sumasalamin sa ating
pagiging Pilipino, kayat bakit ito tatanggalin kung ito mismo ang nagbibigay pagkakakilanlan
saatin". Sa pagsagot pa lamang ng ibang mga respondante may mga salitang banyaga silang
nababanggit, patunay lamang na marami pa tayong dapat malaman ukol saating wika dahil may
mga ideya tayong gustong bigkasin na hindi natin alam ang kung paano ito maipapahayag sa
sarili nating wika. May isa ring nagsabi sa mga respondante na hindi masamang matutunan ang
wika ng mga banyaga ngunit mas bigyan dapat ng pansin at kahalagahan ang pagaaral natin sa
sarili nating wika, sapagkat hindi lahat ng nga Pilipino ay marunong ng mga wikang banyaga at
wala rin kakayahan ang ibang Pilipino na aralin ang mga ito, hindi lahat ay kayang makapasok sa
paaralan para matutunan ang mga ito. Kaya mas mabuti na tutukan talaga ang Filipino, dahil ito
ay ang wika nating mga Pilipino.

Totoo ngang madami tayong pakakaiba sa isat isa kahit na tayo mismo ay magkakalahi at
lumaki sa iisang tipak ng lupain, ngunit nang dahil saating wika tayo ay nagkakaisa at nagiging
isa dahil saatin ito, tayo ang may ari nito. Kaya kung may mga bagay tayong pagaari di ba dapat
lang natin silang pahalagahan, dahil sa mga oras na sila ay maglaho, wala silang pananagutan
dahil tayo ang mawawalan. Kaya kung mapapansin natin kahit na ang Asignatura Filipino
lamang ang inaalis sa kolehiyo at hindi ang mismong wika ay iniuugnay parin natin ito sa isat
isa, sa kadahilanang nangangamba tayo na baka makalimutan na natin ang sarili nating wika na
hindi sapat sa elementarya at hayskul lamang ito ituro. Tayo ay mga Pilipino kaya ang pagaaral
saating wika ay dapat habang buhay, dahil ipinanganak tayong Pilipino at mamamatay tayong
Pilipino.

You might also like