Sa kalsada, eskwela sinehan O sa bunganga ni Vice Ganda Ingay, kakaiba ka. Tila baga ginigising mo ako Binibigyang sigla. Ang aking dugo Binubuhay mo, At itinutulak mong sige gawin mo ito…
Walang buhay kapag walang ingay
Nakakaboring ang bawat araw Gusto ko laging pumapalahaw Nakaliligaya, nakakatuwa, Mas masaya kapag sumisigaw!
Pssst.. Ang ingay mo
Katahimikan sa akin ibigay Hindi ako makapag isip Sobra kang magulo
Hindi mo ba alam na kapag mundo ay tahimik
Ang mga tao’y mas malalim na nakakapag isip Kung paano bibigyang solusyon ang mga suliranin Suliraning kay bigat sa utak at damdamin.
Haha...Kung ikaw ay mayroon na ngang pasanin
At tatahi tahimik sa sulok, luluha’t maninindim Mundo mo’y lalong magdidilim Mag-ingay nang mabuhay, maniwala ka sa akin.
Kaya magulo ang mundo
Ay dahil sa taong maiingay tulad mo Kung umakto parang sila ang tao Kung humalakhak daig pa ang ingay ng gong ni jong hilario
Alam mo ba kung bakit may mga nababaliw
Naglalaslas, nagbibigti Iyon ang dahil hindi nila alam ibulalas Ang bigat sa pusong karapat-dapat ilabas
Huwag kang pakasiguro
May nagpakamatay din na kakilala ko Puro ingay... hanap ay laging gulo Pero humantong din sa sementeryo.
Subukan mong magreview
At magdamag na kakahol ang aso ng kapitbahay mo Matutuwa ka pa kaya? Sige nga sagutin mo ako.
Kahit gaano ka katalino
Kung di mo isisigaw ang prinsipyo mo Walang maniniwala sayo Dahil ang ganda nga ng paniniwala mo Sarili mo lang naman ang bilib sa’yo.
Hindi lahat ng bagay Kailangang isigaw
Hindi pwedeng sa lahat ng pagkakataon sarilinin ang suliranin
Tanggap ko na minsan makulay din ang ingay
Pansin ko na nakakakilig din pag pag minsan tahimik ang mundo
Duet: Respeto lang sa bawat tao
Kung minsan na kailangan niyang mapag isa, hayaan mo muna siya Kung maligaya siya at kailangan niyang sumigaw, pagbigyan siya Dahil sa pagitan ng ingay at katahimikan, basta may pagmamahalan, makulay ang buhay..