Professional Documents
Culture Documents
3WFMR
3WFMR
“Is it too late for me to say those words? Three words for you, Miss Rebound”
Prologue
Tanga.
Pero ganun naman yata talaga eh. Pag nagmahal ka, magiging tanga ka. Pag
nagmahal ka, magiging tanga ka. Pag nagmahal ka, hindi pwedeng hindi ka
masasaktan. Pag nagmahal ka, matututo kang magparaya at magsakripisyo.
Akala ko kasi sya na. Akala mo mahal nya talaga ko. Akala ko forever na. Akala
ko hindi nya ko iiwanan...
Siguro, hindi talaga sya yung para sa’kin. Siguro nga REBOUND lang ang role ko
sa buhay nya. Siguro nagdaan lang sya sa buhay ko...
Mahal ko pa rin sya kahit EX na lang ako. Mahal ko pa rin sya kahit PANAKIP
BUTAS lang ako.
Kahit na ganun na yung nangyari sa’kin, sya pa rin ang mahal ko. May lugar pa
rin dito sa puso ko para sa kanya...
At mahal ko sya...
Chapter One
“Erica! Anong nangyari dyan Ton?” speaking of. Sya si Lance Kyle Martinez.
Alam kong hindi sya ‘sing gwapo nitong si Justin. Pero wala eh. Nagayuma ako
nitong si Lance eh.
“Natamaan ko kasi sya ng bola Kyle. Sorry talaga” aw. Ang cute ni Justin. Tataw
sana ko eh. Kaso, napakaseryoso kasi nilang dalawa.
“Oo na!” sabi ko. Ngumiti lang sa’kin si Lance. Haaay. Nasabi ko na ba na
nililigawan ako ni Lance?
Pero syempre, joke lang yun! Asa naman akong may manliligaw sa’kin.
Sila pa kasi ni Regina. She’s another story. Pero mabait sya. Maganda. Maamo
ang mukha.
Tss. Hamak ganda ko naman dun noh! Kulang lang kasi talaga ako sa height.
*bell*
“Bessieeee!” sya si Thalia. Ang bestfriend ko. “I have to tell you
something” nagpout sya.
“You’re so mean!” parang bata nyang sabi. “Eh kasi si Bass eh! Di ba crush mo
yon? Crush ka nya!”
“Cass, calm down, okay? Hindi ko na sya gusto. So what kung crush nya
ko?” mahinahon kong sabi. Nawala naman yung ngiti nya. Pout na naman.
“Pout ka ng pout. Hilahin ko yang nguso mo eh” tatawa tawa kong sabi.
*bell*
Pumasok na ‘ko sa room ko. Hindi ko naman kasi classmate si Thalia eh. Si Justin
at Regina, kaklase ko. Si Jacob, Bass at si Thalia ay magkaklase naman.
Si Jacob, close friend ko na may gusto kay Regina. Close sila ni Thalia. May
gusto daw kasi si Bass kay Thalia, sabi ni Jacob. Psh. Ewan ko ba sa kanila.
“Hi Erica” bati sa’kin ni Regina. Hindi kami close pero palagi nya kong
nginingitian tapos nagha-HI sya sa’kin sa tuwing nakikita nya ‘ko.
Sya nga pala yung seatmate ko. Napansin ko na parang malungkot si Regina.
May problema kaya sya?
“Break na kami”
“Bakit ka naman kasi nakipagbreak! Tapos ngayon iiyak iiyak ka?! Gaga ka rin
noh?” oops. Masyado yata akong mabilis magsalita.
Hindi naman sya umimik. Natawa lang sya. Tapos may ibinulong sya na hindi ko
naintindihan. Yung totoo, takas ba sya sa mental?
“Sorry” tawa lang sya ng tawa. Weird. “Kaso ano.. ahm... how do I say this...
ahmm.. YON!”
“Nakipagbreak ako kasi una, hindi ko sya gusto” she paused. Okay. Ang baliw
nya.
“Pangalawa, may iba akong gusto” nakangiti nyang sabi. Gaga talaga ‘to.
Kaso bigla syang lumungkot. Tss. Baliw.
Ginawa nya yun kay Lance?! Wow ha. Ibang klase. Akala ko mabait sya. Akala
ko lang pala.
“Oh, bakit?” napansin yata nyang naiinis ako. “May nasabi ba ‘kong mali?”
Nagawang mali, oo.
“Ex mo hano?” pang-aasar nya. Hindi ako tulad mo Regina. “Oy sorry, joke lang
naman yun”
Nakakainis kasi si Regina eh! Hindi nya dapat ginawa yun kay Lance! Anong
klase sya?! Ugh.
“Uy Justin, anong nangyari dun? Sorry kamo oh. May nasabi yata akong di
maganda” narinig kong sabi ni Regina kay Justin.
“Ano ba kasing ginawa nya sa’yo?” lumapit naman ulit sya. Tss. Inirapan ko lang
sya. “Ano nga?”
“Gusto ko si Lance” mahina kong sabi. Bwisit talaga. Napaamin pa tuloy ako ng
wala sa oras.
“Uy Ej sorry na” bungad ni Regina. “Uy ano yan? Yiie” naiinis pa rin ako kay
Regina. Kaso hindi binitawan ni Justin yung kamay ko! Bwisit talaga.
“Oo na lang” ang plastik ko. Sheesh. Nginitian nya lang ako.
*lunch break*
“Erica, tama ba yung narinig ko? Break na si Regina at Lance?” si Jacob. Nakita
ko kung gano sya kasaya.
“Bad! Pahalikan kita kay Justin eh! Yiee! Bagay sila” patuloy pa rin sya sa pang-
aasar sa’kin. Tss. Bugok talaga!
“Wala lang. Bawal ba? May kasama ka ba dapat?” sunud sunod nyang
tanong.
Ang sinungaling ko. Pwe! Pero okay na rin ‘to. Ngumiti naman sya sa’kin kaya
ngumiti rin ako.
Time flew fast. Tapos na ang lunch break. Inihatid nya pa ko sa room namin.
Awee, ang sweet. Pagkaalis ni Lance, nakatingin lang sila sakin.
Lalo na si Regina.
Psh. Anong problema nya? Nagseselos siguro.
“Bakit kayo magkasama?” nagseselos nga. Tss. Nginitian ko sya bago ako
sumagot. Pwe. Ang plastik!
And soon, ako na ang girl friend. Bwahaha! Pero syempre, joke lang yun.
“A-ah, ganun ba? Okay.” hindi ko sya maintindihan. Bakit magseselos sya? May
gusto pa ba sya? Baka nga si Lance ang nakipagbreak sa kanya eh. Sheesh.
“Bakit affected ka yata? May gusto ka sa kanya no?” pang-aasar ko. Oops!
Hahaha! Napikon.
“Masama pakiramdam ko eh. Nagpaalam ako kay ma’am. Sige, babye” pinilit
kong ngumiti kahit wala ako sa mood.
“Lance!” tawag ko sa kanya nung makalapit ako. Ano kayang ginagawa nya
dito sa guard house?
Pumayag ako sa sinabi nya. Pero syempre, iniwanan muna namin yung mga
gamit namin sa guard house.
Napunta kami sa isang coffee shop na malapit sa school. Treat nya eh.
“Wala lang. Masama ba? Magkaibigan naman tayo eh” ngumiti lang ako.
“Thank you pala dito ha” sabi ko. “Ahm, kung hindi ko mamasamain...”
“Yung tungkol ba kay Regina?” walang emosyon. Parang wala lang sa kanya
yun nung sinabi nya yun. “Nakipagbreak sya dahil may iba na syang gusto. Ako
rin naman eh. Makikipagbreak na rin naman ako, naunahan nya lang ako”
If I’m not mistaken, biro lang para kay Regina ang pakikipagbreak nya kay
Lance. And Lance do really wanted to break up with her. Tama ba? Tss. Hindi ko
dapat iniisip to eh.
“Oy. Okay ka lang? Eto tubig oh. Ang takaw mo kasi” pang-aasar pa nya.
Nagtawanan lang kaming dalawa. Makaraan ang ilang minuto, sabi nya
kailangan na nyang umuwi. Hindi na rin naman na namin na-open up yung
topic kanina tungkol sa kung may boy friend na ba ko.
Yung araw kung kailan nya ko liligawan. Tapos sasagutin ko sya. Magiging kami.
Hihihi! Lakas kong mangarap no?
Pagdating ko sa bahay, si Regina. Ugh. Alam nya yung bahay ko? Este, namin?
Tss. Baka alam nya rin kung saan ako galing!
“Hi, pwede ba tayong mag-usap” ngumiti lang ako. Fake, of course. “Kasi ano,
si Jacob kasi nililigawan ako. Yung kwento ko sayo kanina, hindi na natuloy.
Kaya ako umiyak..” napayuko sya. Tss. Drama.
“Kasi mahal ko naman talaga si Lance. Pero hindi mo kasi naiintindihan yung
sitwasyon eh. Layuan mo na lang si Lance please.”
Mahal nya talaga? Sabi ko na eh. Hindi ko naiintindihan? Psh. Wala akong
pakialam. Si Lance? Layuan ko?!
Wala na naman sina mama at papa. Sa’n kaya yun? Pumanik na ko sa taas; sa
kwarto ko, tapos nagpalit lang ako ng damit at bumaba uilt ako.
“Ma! Andyan na pala kayo!” alam mo yung mini heart attack? Halos
mapasigaw talaga ko nung makita ko sina mama eh.
Eww. Yuck. Ang baduy. Naka-glasses tapos may malaking nunal sa tabi ng right
eye nya. Naka jumper ba yon?
Oh myy...
Is he? Sht!
Chapter Two
Napanganga na lang ako. Una, nahulag yung nunal nya. Pangalawa, ang
baduy nya. Pangatlo, sya si Lance!
“Testing lang kung papasa ako sa parents mo” kalmada nyang sabi. “Hindi nila
ko kilala bilang Lance Martinez. Ako si Lance Santiago sa harap nila”
“Pero hindi ibig sabihin nun na hindi kita gusto” bigla nyang sabi. Tinabihan nya
ko sa sofa. Waah! Ang lapit na nya. Butterflies!
Kinabukasan.
Paglingon ko sa kanan ko, andun pala si Bass. Ngumiti lang sya sa’kin. Teka,
sa’kin o kay Thalia? Yiie.
“Maiwan ko na kayong dalawa ah?” ngingiti ngiti kong sabi. Inirapan lang ako
ni Thalia.
“Tara nuod ng death bell! Ikabit nyo yan! Dali dali” sigaw ng class president.
Daldal talaga. Pasimuna pa.
Sinunod naman sya nung iba. Naka projector kami ngayon, nanunuod ng
Death Bell. Err.
Sigawan, tilian at kung anu-ano pa. Buti na lang at walang teacher sa kabilang
section para bawalin kami. Ay oo nga pala, sila lang pala.
“Erica” mahinang sabi ni Regina sa’kin. Naupo sya sa tabi ko. Naalala ko na
naman kahapon. “Kayo na?”
“Bakit mo sinagot si Jacob? Tapos ngayon gusto mong makipagbreak ako kay
Lance?” -ako.
*bell*
“Class, I want you to meet Ms. Fajardo. She’s a practice teacher” english nga
pala ang subject namin ngayon.
Naisip ko si Lance, hindi kasi sya nagtetext eh. Tapos si Justin! Si Justin kasi,
bestfriend ko din yun! Naalala ko pa dati nung second year, sobrang sweet
namin.
Crush ko kasi sya. No, mahal ko pala. Este, minahal. May Lance na ‘ko eh.
“Miss Santos!”
“Tara” hinawakan nya yung kamay ko. He still has those effect on me..
Nagwalk-out ako. Abnormal talaga si Justin Antthony Cruz. Tss. Pinakaba tuloy
nya ko.
“Sige, kung dun ka masaya” naguluhan ako sa sinabi nya. Ano daw?
*bell*
“Hi Erica” si Lance. Pinilit kong ngumiti kahit di naman ako okay. Si Justin kase eh!
“Okay ka lang?” tanong nya. Ano bang isasagot ko? Ugh. Sorry.
“Abnormal kase sila eh. Kala ko tinatawag ako ni ma’am” sabi ko na lang.
“Nako” he pinched the tip of my nose. “Eto oh, pinagbake kita ng chocolate
mousse”
“Thank you!”
“Hindi” matipid kong sagot. “Uy punta muna ko kina Thalia ah”
“Erica, may gusto akong sabihin sa’yo” hinatak nya ko papalayo. Papunta sa
garden.
“Kase...” bumuntong hininga muna sya bago sya magsalita ulit. “Gusto kita Ej...”
Nanlaki naman ang mga mata ko. OMG! Di pwede ‘to. Pano si Thalia?
“J-joke ba yun?” sabi ko. Pinilit kong tawanan yun pero ang seryoso nya.
Si Thalia...
“Thalia, hindi... Thalia—“ pinilit kong kausapin sya pero galit sya.
“Ano ba?! Bitawan nyo ko! Joke lang naman yung crush ka ni Bass eh! Ako ang
may crush kay Bass, actually mahal ko sya. Mahal kita Bass!”
“Bessie, no.. wala naman akong gusto—“ pero bigla syang tumakbo papalayo.
At sakto namang nagbell. Pumunta na ko sa room namin. Walang pumapansin
sakin.
“Attention to all students, classes are suspended”
“Wohoo!”
“Suspended daw?”
Ang gulo nila. Lahat sila maingay, ako lang yata ang hindi. So I decided to go
home as soon as I can. Ayoko munang makita si Lance.
“Akin na” he smiled. Tapos kinuha nya yung bag ko at sya ang nagbuhat
nun. “Tara magdate”
And so we went to the mall. Watched movies. Ate. Played at the arcade.
Pag-uwi, ang saya pala. Kahit papano masaya. Pero ang bilis bilis ng lahat. Miss
na ko na tuloy sya agad.
Inaantok na ‘ko!
Kinabukasan.
*here we go, come with me... | Clara C (cover) Far East Movement*
“Hello?” sabi ko. Di ba Saturday ngayon? Ang aga aga pa eh. Sino kaya to?
“Good morning mousse” mousse? Gwapo ng boses ah? Bagong gising yata.
Teka! Si Lance pala to!
“Kain na tayo ng breakfast?” napangiti naman ako. Parang ang sweet kasi.
“Anong pinadala?”
*ding dong*
Nagulat naman ako dun. Binuksan ko yung pintuan.
“Mousse eto ba yun?” pumasok na ko sa loob dala yung roses at stuff toy.
Ang sweet. And yeah, I could get use to this kind of feeling.
LOVED.
“Thank you”
“You’re welcome mousse, see you late. Kain muna tayo. Love you”
Nagluto na ko ng breakfast. Ahm, fried rice, eggs, nuggets, hotdogs and hot
chocolate. And for dessert, those chocolate mousse he brought me yesterday.
Hindi ko kasi naubos eh. Pano nga, pinakain ako ng pinakain. Patatabain yata
ako.
Yum yum! After breakfast, naligo na ko. May date ulit kami eh. Sheesh. Tulog na
tulog pa yata sina mama’t papa.
Jeans, loose shirt, pony tail, rubber shoes and a pink bb. Wait, ayoko pala ng
jeans. Uhmm, loose shirt plus skirt. Cute.
His driver syempre sa harap. Lol. At kami sa likod. Hahaha. I’m just loooking at
the road. Wait, dapat hindi ko yun tinitignan. Baka mas lalo akong mahilo.
“Are you okay?”
“San mo gusto?” my eyes twinkled. Para akong bata na hinatak sya papunta sa
Xtreme. “Sure ka bang kay6a mo?” pang-aasar pa nya. Hmfft.
Waah! Ang haba ng pila. Pero wait, nagsialisan sila? Nanlaki ang mga mata ko.
Kami na pala ang susunod. Bigla akong natakot.
“Kaya mo pa ba?” nahalata yata ni Lance. Aysh.
“Oo wah!” matapang kong sabi kahit deep inside, super kaba.
I closed my eyes. Eto na. Pero naramdaman kong hawak hawak nya yung
kamay ko. Nilingon ko sya.
“Nandito lang ako” he smiled at me. And after the right, I felt dizzy.
“Okay ka lang? Ikukuha na kita ng tubig” naiwanan ako sa bench. Medyo hilo
at masakit ang ulo.
“Eto oh, binili kita ng pizza” nakangiti nyang sabi. Tamang tama, gutom ako eh.
“Eh ikaw?”
“Mamaya na lang”
“Sige na Lance, bumili ka na muna” wala na syang nagawa. Bumili nga sya.
OMG.
Chapter Three
Pero hindi pa rin sila sumagot. Magkaholding hands lang silang dalawa. Kung
sabagay, “SILA” na nga pala.
“Mauna na ko By ah? Bye Ej” sabi ni Jacob. Ano daw? By? Hahaha. Ang sweet
na sana eh. Kaso iiwanan nya si Regina saken? Tss.
"Ganun na lang yun? Galing mo naman Jacob" I chuckled. "Wag mong iniiwan
girl friend mo. Baka maagaw ng iba" if you know what I mean.
Nawala yung ngiti ni Regina. "Hintayin mo na lang kami. May gusto yatang
sabihin sakin yung girl friend mo" dagdag ko pa.
I smiled. He left. Iniwanan ko rin ang boy friend ko. Kasama ko naman yung ex
nya eh.
"Bakit mo sinabi yun?" asar na sabi nya sakin. Napangiti na lang ako. Pikon!
"Wala, totoo naman ah. Baka kasi, alam mo na... kasama ko kasi yung ex
mo" pang-aasar ko pa. Pero ewan ko, medyo nakakaselos rin.
"Hindi ko naman sila mahal parehas" kalmado nyang sabi. "Hindi ko na mahal si
Lance. Hindi mo ba nabasa yung message ko?"
"Anong message?" takang tanong ko. Teka, message? Baka sa facebook! "Sa
facebook ba? Hindi."
"Ayoko kitang masaktan. Alam din ni Jacob yun. Hindi lang namin alam kung
panong sasabihin sa'yo kasi hindi ka naman maniniwala.."
Bigla na lang syang tumalikod at tuluy tuloy na naglakad. Ano ba kasi yun?
After a while, naisipan kong hanapin si Lance. Baka kasi nag-aalala na sya
sa'kin.
*booogsh*
Si Justin!
"T-teka.. Wait.." hawak ko yung kamay nya. Hindi nya ko tinignan. "Ano bang
problema mo? Bakit mo ba ko ayaw pansinin?"
Nakakalungkot kasi. Una, galit sa akin si Thalia. Tapos pati sya! Ang dalawa kong
kaibigan, galit sa'kin.
Si Bass naman kasi eh! Baki nya ba kailangang sabihin yun! Si Thalia na lang
kase.
At si Justin, wala akong idea kung bakit naging ganun na lang sya sa'kin.
Hindi naman sya ganyan dati. Teka, naging ganun na nga pala sya noh?
Nung umamin akong mahal ko sya, bigla na lang nya kong nilayuan. Hindi na
nya ko pinansin. Best friends kami pero minahal ko sya nun.
Yun nga yung pagkakamali ko eh. Kaya nung naging magkaibigan na ulit kami,
sinabi ko sa sarili ko na iba na lang ang mamahalin ko.
Sobrang importante nya kasi sakin eh. Ayoko syang mawala ng ganun ganun
na lang.
Back to reality. Wala na pala si Justin. Hindi ko na hawak ang kamay nya.
"Erica, anong nangyari sa'yo?" tinignan ko lang sya. Si Lance. Alalang alala sya
sakin. Bigla akong nakaramdam ng hilo at hindi ko na alam ang sumunod na
nangyari dahil naipikit ko na ang mga mata ko.
Lunes.
"Good morning din" sinubukan kong ngumiti kahit hindi pa naman ako
masyadong okay.
Syempre naiisip ko pa rin si Justin, yung nangyari nung Sabado. Tapos si Thalia,
nakita kong nagpatama sya sakin sa twitter.
Hindi ko na an inaagaw sa kanya si Bass. Haay. Pano kaya pag nakita ko sila sa
school?
"Nako, kakabreak palang tas may bago na agad. Ang landi talaga"
Di ba?
"Wag mo na lang silang pansinin ah? I love you. Mamaya may date
tayo" bulong nya sa'kin. Lumingon ako sa kanya.
Hinatid na ako ni Lance sa room namin tapos umalis na sya. Nakita ko agad si
Regina na nakatingin sa'kin. Ano na naman bang problema nya?
"Justin.." mahina kong sabi. Pero naririnig naman kaya nya 'ko o baka
hindi? "Justin" pag-ulit ko.
Lumingon sya sa'kin at tinanggal nya yung earphones nya. Hindi sya nagsalita.
"Hindi pwede" diretso nyang sabi. Pero dun sya sa libro nakatingin. Harapin mo
naman ako Justin.
"Ang hirap naman nito eh!" naramdaman kong teary eyed na ko kaya binaba
ko yung bangs ko.
No response.
"Miss Santos, come here" tawag sakin nung teacher namin. Lumapit naman ako
sa table.
Wala akong naramdaman. Manhid yata ako. Napansin kong dumudugo na eh.
"Ej!" nilingon ko si Justin. Bigla syang lumapit at pinunasan yung dugo sa kamay
ko.
Teka...
Pinikit ko ang mga mata ko at pagdilat ko, nakaupo lang ako sa upuan ko.
Sabi ko na eh. Hindi totoo ang nangyari. Déjà vu pala. Nangyari na kasi yun dati
eh.
Nung mga panahong sobrang close namin ni Justin. Uwian kasi nun eh, tapos
hindi nya ko pinapansin. Then ganun nga yung nangyari.
Haaay.
"May activity lang kayo. May meeting daw kami eh" sabi ni sir sabay alis.
Hmm, anong activity kaya yun?
"Ano.." sabi nung class president, si Paola. Pero hindi nakikinig sa kanya yung
lahat.
"TAHIMIK!" nagulat sila. Pati ako. Si Justin, biglang sumigaw. Natahimik sila
lahat. "May iaannounce si Paola eh. Makinig nga kayo!"
"By pair daw. Tapos yung activity, nasa page 52. Kailangan nyo sagutan at ipass
mamayang before lunch. May meeting daw kasi sina sir. Yun lang. Pag hindi
nyo naipass mamayang before lunch, hindi na daw tatanggapin. Zero na
daw" kalmadong sabi ni Paola.
"Physics lang naman yan eh" puro yun ang naririnig ko.
Humanap ako ng ka pair ko. Ayaw naman nila. Si Regina may ka pair na. Si
Paola, meron na. Tss.
"Eto lang ba?" sabi ko pagkaabot ko sa kanya ng karayom. Tumango lang sya.
Ah, ganun lang pala. Kailangan ko lang i-balance yung tinidor sa baso.
"Ako na nga kukuha" sabi nya. Nakita nya siguro yung ekspresyon ng mukha ko
nung mabasa ko yung nasa libro.
"Itusok mo yang needle sa cork" utos nya nang makabalik sya dala yung isang
tinidor.
"Sa cork yang itutusok" sabi ko. Tinusok naman nya sa cork yung dalawang
tindor.
"Panong i-balance?" napangiti naman ako sa tanong nya. Ang cute kasi. Ang
inosente ng itsura nya.
"Yan kasi, di ka nag-iingat" sabi ko. Agad kong pinunasan yung dugo. Inilayo ko
muna yung baso, kasama yung tinidor.
"Okay ka lang? Musta naman klase nyo? Wala yatang nagklaseng teacher sa
inyo eh" tanong ni Lance.
"Bilisan nating kumain. May gagawin pa nga pala kami. Sorry ha, medyo busy
kami ngayon eh" sabi nya.
Busy rin naman ako eh. At medyo wala ako sa sarili ko. Oo gusto ko si Lance.
Pero pano naman yung mga kaibigan ko? Lalo na at busy si Lance ngayon.
"Thalia.." hindi nya rin ako pinansin. Haay. "Thalia, please kausapin mo naman
ako. Bati na tayo oh. Please Thalia, hindi ko naman gusto si Bass eh. Si Lance
ang gusto ko"
After a while, tumayo na rin ako at nagpunta sa room. Napaka loner ko talaga.
Bakit ba ganyan si Regina? Hindi ko rin sya maintindihan paminsan minsan eh.
Tss.
"Marami" matipid kong sagot. Naupo na ako sa upuan ko. Naupo na rin si
Regina.
"Si Lance ba?" tanong nya. Hindi ko alam kung concern sya or what.
"Si Justin noh? Tapos yung best friend mong isa. Yung Cassandra
Tolentino?" dagdag pa nya. Napalingon ako sa kanya.
"Andito lang naman kami ni Jake para sa'yo eh. Pwede mo naman kaming
pagsabihan ng problema mo" sabi pa nya.
Nagbell na. Dumating na rin yung practice teacher namin sa Advance Algebra.
"Bass!" oops. Nasa corridor nga pala kami. Napatakip ako sa bibig ko. Naisigaw
ko kasi yung pangalan ni Bass.
Lumingon naman sya at lumapit sa'kin. Ngumiti sya. At ako, ngumiti rin. Pero
saglit lang.
Tuluy tuloy kong nasabi yun sa kanya. Ngiti lang ang ginanti nya kaya sinamaan
ko sya ng tingin. Bwisit!
"Ang dami kong sinabi eh tapos wala ka man lang sasabihin?!" napikon na ako.
Tumawa kase sya.
Inirapan ko sya. Bigla syang tumigil sa pagtawa at naging seryoso ang itsura
nya.
Bigla nyang nilapit ang mukha nya sa mukha ko. Okay. Ang awkward.
Chapter Five
Pumunta kami ni Bass sa bahay nina Thalia after class. Ewan ko ba sa kanya. Pa-
suspense pa sa “KATOTOHANAN” na dapat ko daw malaman.
“Bakit tayo nandito?” tanong ko kay Bass. Hindi sya sumagot. Pumasok kami sa
backdoor. Teka, bakit nya alam ‘to? “Stalker ka ni Thalia noh?”
Napatigil sya. Tapos kunut-noong tumingin sa’kin. Napailing na lang ako.
“Ikaw ang kumausap sa kuya ni Thalia” sabi na lang nya. Nagulat naman ako.
May kuya si Thalia? Wala namang naikukwento sa’kin si Thalia na may kuya sya.
Tss.
“Bakit mo kilala yung kuya nya? Tapos ako, hindi ko man lang alam na may
kuya sya” inirapan ko sya. Eh di sya na mas may alam. Bwisit!
“Kabarkada ko yung nya. Aba eh malay ko. Hindi naman kasi sila close ni Thalia
kaya hindi siguro naikukwento sa’yo ni Thalia yung tungkol sa kuya nya. Hindi ka
pa ba napupunta dito?” –Bass
“Erica” kinilabutan ako sa boses na narinig ko. Sya ba yung kuya ni Thalia?
Omooo!! Ang gwapo. Okay. Okay.
“Wag mong titigan Ej, baka malusaw” narinig kong sabi ni Bass. Napa ‘tss’ na
lang ako. Bwisit talaga.
“Alam kong gwapo ako pero hindi ko yata alam na maganda ka pala talaga
sa malapita” sabi nung kuya ni Thalia.
Wow ha. Ang hangin ah. Tss. Gwapo sya pero mas gwapo bestfriend ko noh!
Tss. Parehas sila ni Bass, yabang.
“I’m Tyrone by the way” kalmado nyang sabi. “Gusto mong malaman ang
dahilan kung bakit ka gustong ligawan ni Bass?”
Inosente akong nagpalipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa. Ano bang alam
nila na hindi ko alam?
“You see, kaming magbabarkada... we’ve known you for so long at dahil yun
kay Lance” pagsisimula nung kuya ni Thalia. Toblerone nga ba? Gutom yata
ako. Tyrone pala!
“Kabarkada din kasi namin sya... pati si Justin” napaisip ako bigla sa sinabi nya.
Hindi kaya..
Sila ang rason kung bakit hindi ako pinapansin ni Justin?? Baka sinisiraan nila ko!!
Aysh. Ano ka ba Erica! Tss.
“Ganito kasi, naglaro kami ng spin the bottle. Lahat magbibigay ng dare sa
matuturo ng bote. Pang bading no? Si Bass kase pasimuno eh” sabi nung kuya
ni Thalia. Binira naman sya ni Bass.
“Hindi ah! Lasing kasi ako nun” depensa ni Bass. Tinawanan lang sya nung
Tyrone.
“Si Bass ang unang naturo ng bote. At ang dare sa kanya ay ang ligawan ka”
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. This is nonsense! This is just bullsht! Anong
klaseng laro yun?! Dahil dun nagalit sakin yung bestfriend ko!
“Chill ka lang Erica... it’s just a game. Bass was ought to court you for at least
three days and pangatlong araw na ngayon” cool na cool pa nyang sabi.
Bwisit!
“How about the other?! What’s the dare to Lance... to Justin... to you?!” inis
kong sabi.
“The others? Mine? It’s not important babe” he paused. Kinilabutan ako sa
sinabi nya. “But Justin’s and Lance’s are for you to know. Pangatlong araw na
rin nila ngayon”
Tumawa lang sya ng tumawa. Yung totoo, baliw ba sya? Baka takas sa mental
yung kuya ni Thalia kaya hindi ko sya kilala.
“I’ll explain everything to Thalia, don’t worry babe. Okay?” inirapan ko lang sya.
Hinatak naman na ko ni Bass papalayo.
“Tell me the truth! Yung tungkol kay Lance at Justin!” hindi naman sya agad
umimik.
“Erica tama na, hindi naman namin sinasadya yun eh. Sorry kung kailangang
madamay ka...” sabi lang nya. Bigla na lang akong tumakbo papalayo.
Hindi ko na alam ang totoo. Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko. Hindi
naman siguro yun totoo di ba? Mahal ako ni Lance.
Pero si Justin? Wala naman kasi akong maisip na rason kung bakit bigla syang
naging ganun eh.
“S-sino ka?” kinakabahan ako kung sino yung lalaki. Baka mamaya kung anong
gawin nya sakin.
Kaso nagulat ako nang..
Si JUSTIN pala!
“Justin” napaakap na lang ako sa kanya. “Hindi naman totoo yung sinabi nila di
ba? Hindi mo naman ako iniiwasan dahil lang sinabi nila... di ba?”
Nakaakap pa rin ako sa kanya. Hindi sya nagsasalita. Nakahanap naman kami
ng masisilungan ni Justin. Basang basa kami parehas. Tss. Ang lamig lamig pa
naman.
“Masaya ka na kasi. Ayong makita kang malungkot ulit. Panggulo lang ako sa
inyo” ha? Ano bang sinasabi nya?
“Pero mas malulungkot ako kung hindi mo na papansinin. Justin naman eh”
naramdaman ko yung pagtulo ng mga luha ko. “Ikaw yung bestfriend ko di ba?
Wag ka namang umalis ulit”
Naguluhan ako sa sinabi nya. Ano daw? Hindi lang kaibigan? Ha?
“Mahal kasi kita Erica. Na fall na ko sayo nung unang beses kitang makita. Kaya
nga naging magkaibigan agad tayo eh. Pero ang tanga tanga ko kasi eh.
Kung sana inamin ko rin sayo noon na mahal din kita.. kung sana hindi ako
naging torpe..”
Dati pa?
“Oo, kaya nga iniiwasan kita eh. Nakita kasi kitang masaya sa piling ni Lance.
Iniwasan kita kahit alam kong iiwanan ka lang nya sa huli”
“Natakot akong umamin sayo nung makita kitang masaya. At saka hindi ko
naman sinasadya na hindi ka pansinin kahit na yun talaga yung utos nila sakin”
Hindi ko alam ang irereact ko. Hindi ko alam yung nararamdaman ko.
“Natakot akong umamin nung malaman kong kayo na. Tapos nakita pa kitang
masaya sa Enchanted Kingdom kasama sya. Parang tayo lang dati, di ba?”
napayuko na lang ako.
Oo nga eh. Masaya kami dati ni Justin kahit na di pa nya alam noon na mahal
ko sya. Kahit na di ko alam na mahal nya rin pala ko. Magbestfriends lang kami.
“Hindi ko naman kasi agad nalaman na rebound ka pala. Na yun yung dare
nila kay Lance...”
Galing sa kanya.
‘BREAK NA TAYO’
Hindi ko nakayanan yung sakit. Yung paninikip ng dibdib ko. Bigla na lang ako
umiyak. Bakit naman kailangang mangyari ‘to?
Chapter Six
It was two months ago since Lance broke up with me. Mahal nya pa kasi si
Regina. What can I do? I have to move on.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako pinapansin ni Thalia. Ewan ko nga rin kung
galit pa sya o hindi na eh.
Pero nililigawan sya ni Bass. Tapos si Regina at Jacob, totoong relationship na.
Eh di sila na masaya. Psh.
Kami ni Justin? Nagkakapansinan naman kami. Pero what’s weird is the feeling
that I’m feeling.
Everytime kasi na nakikita ko sya, alam mo yung kusa akong napapangiti. Kahit
na nga ba wala ako sa mood eh.
Ewan ko talaga pero ang saya sa pakiramdam. Crush ko siguro sya? Gusto?
Love? Ewan. Tss.
Minahal ko rin naman kasi sya eh. Sobra pa nga eh. Mas minahal ko sya
kumpara kay Lance.
Bwisit naman kasi yung kuya ni Thalia eh! Eh di sana NBSB pa rin ako hanggang
ngayon.
“Erica!” napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Aw! Si Justin pala. Sakit
nun ah. Natamaan na naman ako ng bola ng volleyball.
“Sorry” sabi ni Justin. Katabi ko na sya ngayon. Naka PE lang sya ngayon, ako
uniform. Hindi naman kasi ako marunong maglaro ng kahit anong sports eh.
“Kamusta na? Tagal yata nating di nag-usap ah?” sabi lang nya. Napangiti na
lang ako bigla.
“Okay lang” I finally managed to speak. Medyo awkward kasi katabi k sya
tapos ang lapit lapit pa nya sa’kin. Tss.
Weird feeling.
“Okay ka lang?” tanong nya sa’kin. Bigla naman nyang nilapit yung mukha nya
sa mukha ko. Tinignan yata ako sa mata? “Puyat ka ‘no?”
Ngumiti lang ako. Oo nga eh, wala pa kong tulog. Ang dami dami kasing
kailangang gawin. Tapos hindi pa yata ako makakasama sa tour. Haay.
Totoo naman eh. Nakikita ko yung mga kasama nya. Siguro masaya na sya
dun.
“Nagseselos ka eh. Yiiee” sabi nya with matching tusok tusok sa tagiliran ko.
Napatawa naman ako ng bahagya.
“Masaya lang kasi ako dahil nga pinapansin mo na ulit ako. Thank you, thank
you kasi hindi mo ko iniwanan. Kasi andyan ka pa rin” sabi ko lang.
“Hindi ba nangako akong walang iwanan? Hindi naman ako yung taong nang-
iiwan ng ganun ganun na lang”
Hala! Ang puso ko. Ang bilis bilis yata ng tibok. Hindi ko alam yung irereact ko.
Hindi ko alam kung ano dapat yung mararamdaman ko. Hindi ko alam yung
sasabihin ko.
Pero kinikilig ako!!
“Erica” sabi nya. Kaso bigla namang nagbell. Ano kaya yung sasabihin nya?
Nagpunta kami sa classroom habang magkaholding hands.
Napangiti lang ako dun kahit na alam kong ako na naman ang pinag-uusapan
nila.
“Yiee” narinig kong sabi ni Regina pero mahina lang yung pagkakasabi nya
nun.
“Kayo na no?” patuloy nya nang makaupo ako sa tabi nya. “Meant to be
talaga kayo”
Napangiti naman ako sa sinabi nya. Pano nya kaya nalaman yung tungkol sa
soulmate thingy?
“Pano mo alam yung tungkol sa prediction ko na yun?” tanong ko. Buti nga
wala pang teacher kay pwede pa kaming magdaldalan.
“Lance knew you a long time ago. You used to be friends. You told him that
prediction. Then nung uhmm...” nagbilang pa sya. Napangiti lang ako. “6! 5? Ay
6! Oo, tama. Bigla daw kayong lumipat ng bahay tapos di ka man lang
nagpaalam kay Lance. That’s why galit sya sa’yo. Nakalimot ka na kasi”
Napatigil ako sa sinabi nya. Si Lance? Kaibigan ko noon? Hindi ko yata yun
alam.
Grade one pa lang yata kasi ako nun. Kaya anong matatandaan ko? Tss.
Galit sya sa’kin? Dahil dun? Kaya ba pumayag syang gawin akong panakip
butas? Para makaganti? Tss.
Nangyari na eh. Tapos na. Ano pang magagawa ko, hindi ba?
“Sorry if hindi ka namin nasabihan agad. I tried warning you tungkol sa plano
nyang lokohin ka but I didn’t know where to start” nakita kong lumungkot sya.
“Okay lang” tanging sabi ko. Like I said earlier, tapos na yun.
Dumating na yung prof namin sa Physics. It’s either he’ll teach us or just give us
an activity sabay alis.
“Page 98 daw po, activity 3.1” sabi ni Paola. Okay. Wala na si sir.
After class, kasabay ko dapat umuwi si Jacob kasi nga, sya ang magsasabi sa
parents ko na payagan na ‘ko sa tour.
Kilala kasi sya ng parents ko. Bestfriends ang parents ko at parents nya. That’s
why.
Pero hindi sya nagsalita. Tuluy-tuloy lang sya sa paglalakad. I guess he didn’t
heard me or maybe he did?
Tss. Galit nga pala sya sa’kin. Why bother asking him? Ugh.
“Erica, usap tayo sa labas?” nagulat ako nang bigla nya kong hatakin
papalayo.
“Naiiyak na naman tuloy ako. Kasalanan mo yan” tatawa tawa nyang sabi.
Kinabukasan.
Nakakainis naman yun. Gusto ko talagang sumama. Aysh. Kahit na nga ba may
pambayad ako, wala naman akong permit. Nakakainis.
“Batang paslit. Tulala” and there he was, in front of me. Justin with his smiled.
His smile? What’s with my heart beat?! Siguro, siguro may feelings na ko? May
feelings pa ko? May feelings ulit ako?
Siguro nga gusto ko sya. Gusto ko na sya. Gusto ko pa sya. Alam ko sa sarili ko
na nakamove on na ko kay Lance. Tapos na yon.
“Pramis yan ah!” sabi nya sabay alis. Saktong nagbell, lunch break na. Pano
‘to? Hindi ako pinayagan. Pero hindi pwede! Kailangan kong sumama.
Whatever it takes!
“Please Jake! Help meeeeyyy!!” pagmamakaawa ko. “One more time please?
Pilitin mo sina mama” with matching puppy eyes.
Please be effective.
“Oo na” YES! Napangiti ako ng malapad.
“Thank you!!”
Nanlaki ang mga mata ko. Totoo ba ‘to? Makakasama ko na si Justin! Este,
makakasama na ko sa tour!
Nakatulog ako ng mahimbing this time. I woke up feeling great. The fact that
makakasama ako ng tour and the fact that one week kong nakasama si Justin
is just so awesome.
Actually, pang 7th day pa lang yung tour. From Monday ‘til now, lagi ko syang
kasama. It’s better na hanggang Sunday morning. Yiee.
Landi.
Though I’m really having doubts about these feelings. What if—just what if hindi
ko na pala sya talaga sya gusto? Err. Enough of that Erica!
“Ej, tulog ka muna sa balikat ko” butterflies, do calm down. His morning voice...
“Tara” tumakbo kami pasunod sa mga kasama namin. At hawak nya ang
kamay ko. Napangiti ako. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.
Haay. Sabagay, hindi naman nya ko girlfriend or what. I was his best friend. Was.
Pero mas lalo akong nalungkot nung lumingon lang sya sakin at parang wala
lang.
Chapter Seven
“Okay ka lang?” narinig kong sabi ni Justin. Pero hindi ako sumagot. Bahala sya!
Hinawakan nya ang kamay ko. Malamig rin pala ang kamay nya. Giniginaw na
rin ako. Naramdaman ko na naman yung pagtulo ng mga mainit na likido sa
pisngi ko; luha.
“Erica. Uy”
“O-okay lang ako” pinilit kong ayusin ang pananalita ko at wag iparinig ang
paghikbi ko.
Hindi lang basta sino, si Lance pala. Parehas kaming natulala at natahimik na
lang. Pero agad kong nilihis ang tingin ko sa kanya. Si Justin ang hinahanap ko.
Tumakbo kami papunta sa pila sa Jungle Splash. Bakit nya ko sinama? Bakit
kami tumakbo? Bakit sya ang kasama ko? Bakit nya hawak ang kamay ko?
Nasa harap ako at nasa likuran ko sya. Okay. Ang awkward naman nito.
Nanlaki ang mga mata ko nang yakapin nya ko. Alam kong ganito sumakay
ang iba pero JUSKO PO!
Natapos ang ride, nagwalk-out ako. Gusto ko syang murahin ng walang lubay.
How dare he?!
Bahala na kung wala akong kasama basta wag lang si Lance please? Ang
awkward kasi. Okay sana kung hindi nya ko pinapansin. Pero biglaan eh. Tapos
nakasama ko pa sya!
“Huy” sya na naman, hawak ang kamay ko. Inalis ko ang kamay nya at
naglakad papalayo. Pero hindi ko alam kung san ako pupunta.
Nakita ko yung Horror House kaya pumasok ako. Sa sahig lang ako nakatingin
at iniisip ko yung nangyari kanina.
“Boo!”
*boogsh*
Paglingon ko, isang nakangiting nilalang. Si Jacob.
“Bugok. Sorry”
Napunta nga kami sa Carousel. Pinilit kong i-enjoy. Aist. Justin, wherefore art
thou?
“JUSTIN!”
“Go Ej!”
“Baba na kase!”
“Problema mo?”
“Ah”
Umalis na ko. Nagtingin tingin na lang ako sa tabi-tabi kung anong pwede kong
bilin. Gusto ko talaga syang makasama dun. Gustung-gusto ko.
“Erica” hawak nya ang kamay ko, si Justin. “Hatid na kita sa bus natin? May
pupuntahan pa ko”
Tumango na lang ako. Maaga pa, hindi pa uwian. At san sya pupunta?
“Bakit hindi mo kio pinapansin?” tanong ko.
“Sige, goodnight” andito na pala kami sa bus. Umalis na sya, susunod sana ko
pero naninikip na naman ang dibdib ko. Di ako makahinga. Nasasaktan ako.
Ilang minuto ang lumipas, umalis ako at nagpunta sa Ferris Wheel. Bahala sya.
Medyo depressed ako eh.
Si JUSTIN!
Katahimikan.
Epilogue
Lance’s pov
Una pa lang, nung bata pa kami, gusto ko na sya. Pero iniwanan nya ko eh.
Minahal ako ni Regina pero anong ginawa ko?! Akala ko kaya ko syang
mahalin.
Yung dahilan kung bakit ako nagpanggap na ibang Lance? Dahil yun sa dare.
Pinilit nila ko.
Hindi dapat ako makikipagbreak, pero mahal nya si Justin. Nandun ako nung
time na magkasama sila. Nung time na umamin sa kanya si Justin...
Magmula nung sa Jungle Splash na isinama ko sya, pero pagkatapos nun, bigla
na lang syang umalis.
Dapat kasama ko sya, hanggang sa Ferris Wheel sana kung saan liligawan ko
sya at tatanungin.
At dun pumasok ang ideya ko na kausapin si Justin. Sa totoo lang, alam ni Justin
ang totoo.
Nagpaalam na rin ako sa kanya tungkol kay Erica. Pero hindi ko nakuha ang
sagot nya dahil mahal nya rin si Erica.
Nung nag-aya si Erica sa Ferris Wheel, kaya tumanggi si Justin ay dahil alam
nyang nakaabang ako. Dahil yun ang plano ko.
Masaya na sya. Masaya na si Erica kaya dapat masaya rin ako. Dapat hayaan
ko na sya.
Hindi ba?
Na mahal ko sya...
I love you...
Miss Rebound