You are on page 1of 1

Kamatayan

Maraming nagtataka bakit mahirap mabuhay.

Maraming gustong mabuhay pero wala ng pag asa.

Sa hibla ng buhay mo kadugtong ang kamatayan.

Kamatyang hindi mo maintindihan kong anong uri ng paghihinagpis ang mararandaman.

Sa hikbi ng mga sandali at hinagpis ng puso, mararamdaman ang lungkot ng mga panahon nagdaan.

Anong uri bang pasakit na unti unting kumukurot sa damdaming naghihinakit.

Mismo tayong nabubuhay, kamatayan ang nagtakakda ng ating sandali.

Saan at papano ba malagpasan ang sakit na nararamdaman.

Saan ka man pumunta,hanganan mo ay naghihinatay na.

Kaya mag ingat at baka ka masilayan ni kamatayan.

Nais mo mang malagpasan ang tawag ng katapusan.

Pero mahirap iwasan kong ito ay iyong kapalaran.

Masakit man intindihin, nakakatakot mang pakingan pero lahat tayo ay may hanganan.

Kaya habang nabubuhay, gumawa ng tama para walang hinanakit kong tayo ay papanaw na.

Paalam ba ang dapat sambitin? O maligayang paglalakbay ba sasabihin?.

Humayo, maglakbay dahil ang buhay mo ay may katapusan.

You might also like