CHHING CELEMPUNG GUITAR “Naging Sultan si Pilandok”
Si Pilandok ay nahatulang makulong sa hawlang bakal at ipatapon sa
dagat. Nagkasala di umano sa kasalanang di nya ginawa.Pagkalipas ng ilang araw, ang Sultan ng kanilang lugar ay nagulat nang makitasi Pilandok. Ang Sultan ay magara ang suot. Nakasukbit pa ang gintong tabaknito."Hindi ba't ipinatapon na kita sa dagat?" saad ng nagtatakang Sultan."Opo mahal na Sultan" tugon naman ni Pilandok."Kung gayon, paanong nangyari na ikaw ay nasa aking harapan? dapat ay pataykana ngayon" saad naman ng SultanIpinaliwanag ni Pilandok na di sya namatay sapagkat nakita nya di umano angmga ninuno sa ilalim nang dagat at siya ay binigyan ng kayamanan."Marahil ay nasisiraan kana ng bait" saad muli ng Sultan"Kasinungalingan po iyan mahal na Sultan! Ako na ikinulong sa hawla atipinatapon sa dagat ay muling naririto. May kaharian po sa ilalim ng dagatngunit ang tanging pagpunta roon ay ang pagkulong sa hawla at magpatapon sagitna ng dagat" mariing saad ni Pilandok Nagpasyang umalis na si Pilandok at sinabing hinihintay na ng mga kamag anak Ngunit di pa nakakalayo ay pinigilan ito ng Sultan. Sinabing gusto rin nitongmagtungo sa gitna ng dagat upang makita ang mga ninuno.Pumayag naman si Pilandok at napagkasunduan nila ng Sultan na sya na munaang mamumuno habang wala ito.Pagdating nila sa gitna ng dagat ay inihagis ni Pilandok sa gitna nang dagat angSultan na nasa loob ng hawla.Kaagad na lumubog ang hawla at namatay ang Sultan.Mula noon, si Pilandok na ang naging Sultan