You are on page 1of 3

IBONG ADARNA

PROYEKTO
SA
FILIPINO

Ipinasa ni:
Coleen Gabrielle Malabanan
II-Joy
Si Francisco Baltazar (Abril 2, 1788—Pebrero 20, 1862), mas kilala bilang Francisco
Balagtas, ay tinuturing bilang isa sa mga magagaling na Pilipinong manunula. Florante at
Laura ang kanyang pinakakilalang obra maestra.

Unang mga taon


Si Francisco Baltazar ay ipinanganak noong Abril 2, 1788 sa Panginay, Bigaa, Bulacan.
Tinatawag rin siyang Kiko at Balagtas. Ang mga magulang niya ay sina Juana dela Cruz at
Juan Baltazar at ang mga kapatid rin niya ay sina Felipe, Concha at Nicolasa. Pumasok siya
una sa paaralang parokyal sa Bigaa, kung saan siya'y tinuruan tungkol sa relihiyon. Sunod,
naging katulong siya ni Donya Trinidad upang makapagpatuloy siya ng kolehiyo sa Colegio de
San Jose sa Maynila. Pagkatapos, nag-aral naman siya sa Colegio de San Juan de Letran at
naging guro niya si Padre Mariano Pilapil.

Buhay Bilang Isang Manunulat


Natuto siyang sumulat at bumigkas ng tula dahil kay Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) na
kinikilalang pinakabantog na makata sa Tondo. Si Jose dela Cruz ay nagsilbing hamon kay
Kiko para higit na pagbutihin ang pagsulat ng tula. Anupa't kinalaunan ay higit na dinakila si
Kikong sa larangan na panulaan.
Taong 1835 nang manirahan si Kiko sa Pandacan, Maynila. Dito niya nakilala si Maria
Asuncion Rivera. Ang marilag na dalaga na nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang
tinawag na "Selya" at tinaguriang M.A.R. ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at Laura.
Naging karibal niya si Mariano "Nanong" Capule sa pagligaw kay Celia, isang taong ubod ng
yaman at malakas sa pamahalaan. Dahil sa ginawa niya sa pagligaw kay Celia, ipinakulong
siya ni Nanong Capule para hindi na siya muling makita ni Celia. Habang nasa kulungan siya,
ipinakasal ni Nanong Capule si Selya kahit walang pag-ibig nadarama si Selya para kay
Nanong Capule. Doon sa kulungan, isinulat niya ang Florante at Laura para kay Selya. Noong
1838, nakalaya na siya sa kulungan at pumunta na siya sa Udyong, Bataan. Doon, nagkaroon
siya ng 11 anak kay Juana Tiambeng.

Huling Mga Araw


Nabilanggong muli si Kiko sa sumbong ng isang katulong na babae sa di umano'y pagputol ng
buhok niya. Nakalaya siya noong 1860. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng mga komedya,
awit at korido nang siya ay lumaya. Namayapa siya sa piling ng kanyang asawa, Juana
Tiambeng at ang 7 niyang anak noong Pebrero 20, 1862 sa gulang na 74, namatay siya sa
pulmonya at katandaan.

Buod ng Ibong Adarna


Umiinog ang tula sa magkakapatid na sina Don Juan, Don Diego, at Don Pedro na pawang
nagsikap makuha ang mahiwagang Ibong Adarna na dumarapo sa puno ng Piedras Platas
doon sa Bundok Tabor. Kailangang makuha ng kahit sino man sa kanila ang ibon upang
mapagaling si Haring Fernando na noon ay dinapuan ng kung anong sakit na hindi kayang
gamutin ng karaniwang mediko. Ang mahiwagang huni ng nasabing ibon ang
makapagpapagaling lamang umano sa sakit ng hari.
Ang magkakapatid ang nakahanay na magiging tagapagmana ng korona't setro ng hari.
Sumapit na sila sa takdang gulang at dumaan sa mga pagsasanay sa pananandata, gaya ng
inaasahan sa sinumang prinsipe. Ngunit hindi sapat iyon sa haharapin nilang pagsubok.
Kapuwa nabigo sina Don Diego at Don Pedro na mahuli ang ibon, at naghunos bato sila nang
mapahimbing sa matarling na awit ng Adarna at maiputan nito.
Ngunit naiiba si Don Juan, na nabatid ang lihim ng Ibong Adarna nang tulungan ng
nasabing prinsipe ang isang matandang nasalubong sa daan. Binigyan din ng mahihiwagang
gamit ng matanda si Don Juan, upang mabihag ang ibon at mapanumbalik ang buhay ng
kaniyang dalawang kapatid.
Ngunit nagtaksil sina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Inagaw nila ang Adarna na
hawak ng bunsong kapatid. Muntik na nilang mapatay si Don Juan, nang iwan sa isang
malalim na balon. Ngunit muling nakaligtas si Don Juan sa tulong ni Donya Maria, at
ipinagpatuloy ang pakikipagsapalaran sa lupain ng Reino de los Cristal.
Napaibig din si Don Juan sa dalawa pang kapatid ni Maria, na sina Donya Leonora at Donya
Juana. Kahit ibig pakasalan ng binata ang sinuman sa mga dalaga'y kailangang muling
dumaan siya sa mga pagsubok na mula kay Haring Salermo. Nagtagumpay muli si Don Juan,
nagpakasal kay Donya Maria, at namuhay nang maligaya sa kahariang nakamit niya.
Samantala, ang Ibong Adarna ay mistulang tagapagbunyag ng lihim na naganap sa
pagtataksil kay Don Juan. Waring ginamit lamang itong instrumento upang itampok ang
mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ng mga prinsipe sa iba't ibang pook.

You might also like