You are on page 1of 1

“Mag-aaral bilang tagapagtanggol ng sariling bayan”

Magandang araw sainyong lahat ako nga pala si Kyle Jamandre at ang aking napiling paksa
ay ang “magaaral bilang tagapagtanggol ng sariling bayan”. Ano nga ba ang sailitang
“tagapagtanggol”? Kailangan bang ako’y malakas? Kailangan bang ako’y kumukuha ng kursong
tagapagtanggol? Ano nga ba ang tingin niyo sa salitang “tagapagtanggol”? Dumako tayo sa
“sariling bayan”. Ano bang alam niyo sa sarili nating bayan? Mulat naba kayo sa problema nitong
natatamasan? Asan naba ang mga tagapagtanggol ng ating lipunan? Ako’y magaaral ng aking
bayan kaya ito’y aking aalagaan, sa simpleng pagtapon sa tamang basurahan ay malaking
pakinabang sa mga kanal nating ubod ng baho at tambak sa basura. Sa pagsulong at sa pagtangkilik
ng ating sarili produkto hanggang sa pagpapausbong ng mga kulturang kinakalimutan o
nakakalimutan na ng bawat Pilipino. Sa pagiging “updated” sa mga balita tungkol sa ating bansa
at ‘di lang sa mga “release” ng mga kanta o balita patungkol sa mga banyaga. Mga bagay na dapat
tayo’y mulat pilit kong ibubuka ang inyong mga mata sa mga problemang kinakaharap ng mahal
nating bansa. Pagsulong sa pagbabago yun ang nais ko at lahat ng tao ngunit magpapadala ba
tayong magaaral sa matatamis na salita ng mga hipokritong mga nakakataas? Silang nakakataas
na umaapaw sa dami ang mga sasakyan at hindi nahihirapan sa pagpasok sa pamahalaan, sila pang
may gana sa pagbili ng sasakyang panghipapawid kahit na nagkakaroon na tayo ng kakulangan sa
ating pang-transportasyon sa ating mga kababayan? Sa pagtatanggol sa ating kapuluan sila’y pikit
matang pinagmamasdang ang ating mga kababayan na pinapaalis sa sariling nating teritoryo.
“Ang kabataan ang pagasa ng bayan” ngunit ano na nangyari sating mga kabataan tila’y nawalan
na ng karangalan. Mga nakakatanda tila’y pumipikit sa mga bisyong sinusubukan ng kanilang
mga anak. Sa pagpapausok ng mga sigarilyo hanggang sa pagtira ng kung ano ano.Tulad ng ibang
magulang nabulag nadin ang ating pangulo sa mga kinakaharap ng ating bayan, nagpapabulag sa
mga mabubulaklak na salita ng mga dayuhan, binibigay ang lahat ng gusto ng mga banyagang
hangad lamang ang ating kayamanan. Gusto nating maipagtanggol ang ating bayan mula sa mga
banyagang walang hangad kundi ang likas na yaman hanggang sa bisyong kinakaharap ng sarili
nating bayang ngunit paano natin sisimulan kung tayo’y hindi makatayo sa sarili nating mga paa?
Silang nakakataas ay ‘di maipagtanggol ang sarili nating bansa hanggang sa ‘di pagtatanggol sa
mga karapatan ng bawat isa. Sila’y tulog kahit tayo’y hirap na hirap sa pagtaguyod sa ating bansa.
Hangad ko’y mabuksan ang inyong mga mata at maipakita kung ano pa ang kaya ng bawat isa.
Sana’y maalaala niyo ang mga salitang ito at sana’y nabuksan ko nga ang mga puso’t isipan niyo.
Ako nga pala si Kyle Jamandre naghahangad at nangangarap na maging tagapagtanggol ng
sariling nating bayan. Maraming salamat.

You might also like