You are on page 1of 2

ERNEST JERICHO JAMERO

11 – STEM (BUCADO)

“Mag-aaral bilang tagapagtanggol ng bayan”

Magandang umaga sa inyong lahat. Ang aking napili ay “Mag-aaral bilang tagapagtanggol
ng bayan” kaya ko napili ang pamagat na ito dahil para sa akin ang mga mag-aaral o tinatawag na
kabataan sila ang tunay na pag asa ng bayan.

Bakit nga ba ang mga mag-aaral ang pag-asa ng o tagapagtanggol ng bayan? Dahil sa
panahon natin ngayon maraming kabataan ang may lakas ng loob na mag lahad ng kanilang
sariling damdamin at opinion. Dahil doon napapakita lamang kung anong ugali ang mayroon ang
kabataan ngayon. Katulad ng pagiging matapat, matapang, at makabayan sa ating bayan.

Sino pa ba ang dapat nating asahan at pagkatiwalaan? Ang mga kabataan na nag-aaral,
ang susunod na henerasyon na magtatanggol sa ating bayan, na maaari nating pagkatiwalaan. Dahil
halos lahat ng mag-aaral ay responsible na sa lahat ng gawain ng maaatas sa kanila. Lalo’t na
tumaas ang estado ng pag-aaral ng mga kabataan sa panahon natin ngayon at mas bukas ang isipan
nga mga kabataan o mag-aaral pagdating sa mga mahabang usapin at debatihan.

Para sa aking kagaya ng sabi ko kanina “Ang kabataan ang tunay na pag-asa ng bayan”
Dahil bilang kabataan at mag-aaral alam ko sa aking sarili ang aking kakayanan at kaalaman
pagdating sa aking bayan na kaya kong ipagmalaki, ipaglaban, at ipagtanggol sa kahit na sino man.

Bakit ako matatakot na ipagtanggol ang aking bayan, ang ating bayan ang pinakamahal ko
na bayan dahil ito ang aking kinagisnan, na alam ko sa aking sarili na kaya kong ipagtanggol sa
lahat ng gusting manira sa ating bayan. Bilang Mag-aaral responsibilidad talaga nating ipagtanggol
ang ating bayan sapagkat ito an gating kinalakihan at naririto ang ating kabuhayan na ating
minamahal.

Ang mga mag-aaral ang inaasahan ng mga nakatatanda kaya nila tayo pinag-aaral upang
matuto sa paaralan at matutong mahalin ang ating bayan sa paraan ng pagpapakita ng pamumuhay
at gandang asal at kagandahan ng mga tanawin sa ating bansa. Maraming paraan ang ating bayan
kahit hindi na gamita ng dahas at pagdanak ng dugo dahil sa paraan lamang ng pagpapakita ng
mga talent, kabutihan, kagandahan n gating lahi at kahusayan pag dating sa iba’t-ibang lenggwahe
ay sapat na para ipagtanggol ang ating bayan.

Kaya’t bilang atleta ng St.Patrick School masasabi kong ang kabataan ang tunay na
tagapagtanggol n gating bayan. Dahil alam ko ang kakayanan ng bawat Pilipino, magsimula man
sa wala basta may sipag at tiyaga tiyak may nilaga. Dahil nag Pilipino, pulido kung trumabaho,
kahit medyo kabado, tiyak ika’y panalo, ito’y garantisado dahil ang kakayanan ng Pilipino ay hindi
limitado.

You might also like