You are on page 1of 10

SAGING

Noong unang panahon, isang magandang babae ang nakakilala ng isang kakaibang lalaki.
Ito ay isang engkanto. Masarap mangusap ang lalaki at maraming kuwento. Nabihag ang babae
sa engkanto. Ipinagtapat naman ng engkanto na buhat siya sa lupain ng mga pangarap, at hindi
sila maaaring magkasama. Gayunman, umibig ang babae sa lalaki.
Isang araw, nagpaalam ang binata. Sinabi niyang iyon na ang huling pagkikita nila. Nang
magpaalam ang engkanto, hindi nakatiis ang babae. Ayaw niyang paalisin ang
lalaki. Maghigpit niyang hinawakan ang kamay ng lalaki para huwag itong makaalis. Pero
nawala ang lalaki, at sa matinding pagkabigla ng babae, naiwan sa kanya ang kamay nito.
Nahintakutan ang babae. Dali-dali niyang ang kamay sa isang bahagi ng bakuran.
Kinaumagahan, dinalaw niya ang pook na pinagbaunan ng kamay. Napansin niyang isang
halaman ang tumutubo. Makaraan ang ilang buwan, tumaas ang puno na may malalapad na
dahon. Nagkabunga rin ito na may bulaklak na itsurang daliri ng mga kamay. Ito ang tinatawag
na saging ngayon.
MANIKA
Mahilig mag laro ng manika ang aking nakababatang Kapatid.
Minsan ay sinasama niya pa ako sa paglalaro niya, pero ayaw kong pamayag dahil malaki na ako
at Hindi na bagay sa akin ang mag laro ng ganoong laro.
Minsan ay natulog ang aking naka babatang Kapatid sa Kwarto ko , pero nag taka ako ng
Hindi niya dala ang kanyang manika , Hindi naman siya sanay pag hindi niya yun hawak hawak
at tabi sa pag tulog. Mahimbing kaming natutulog ng Kapatid ko.
nagising ako, nang alas dose ng magaling araw, para mag banyo , pero laking gulat ko Wala na
sa tabi ko ang Kapatid ko , agad ko siyang hinanap at lumabas ng kwarto madilim ang bahay at
tanging aninag lang ng buwan ang nagsisilbing Ilaw ko. Pumunta ako ng Sala pero wala siya
doon , Pumunta ako ng kwarto ng nanay namin wala din siya kaya kinabahan na ako , isang
bahagi nalang ng bahay namin ang hindi ko na pupuntahan
Sa kusina kaya agad kong pinuntahan ang kusina laking gulat ko nakita ko ang Kapatid kong nag
lalaro ng kanyang manika sa ilalim ng Mesa agad ko siyang tinawag sabay hawak sa balikat
niya "Ana Anong ginagawa mo dyan?"
Napa atras ako dahil sa gulat , nanlilisik ang mga mata niya at yung manikang hawak
niya ay Puno ng mga dugo.
Dahil sa takot agad akong tumakbo papunta ng kwarto at ni locked ang pinto. Pero na isip
kona yung Kapatid ko pala Hindi ko siya pwedeng Iwan kaya nang bubuksan kona ang pinto ,
bigla akong napahinto dahil sa narinig ko "Ate? Saan kayo pupunta?"
Pag lingon ko nakita ko ang Kapatid ko kababangon lang galing sa pag tulog.
Napaisip ako paano siya napunta dito ? At kung hindi siya ang nakita ko kanina? E sino
yon?
HULING LIMANG ORAS
Tumunog na ang bell hudyat para magsiuwian na ang mga estudyanteng kagaya ko. Pero
bakit ang aga? Siguro ay nagkaroon na naman ng biglaang pagpupulong ng mga guro para sa
darating na foundation day. Mukhang umaayon sa akin ang tadhana dahil ngayon din ang paguwi
ng aking ina galling sa abroad.Nasasabik na ako dahil noong limang taong gulang lang ako ng
nakita ko sya anon a kayng itsura nya ngayon na ako ay nasa ikalawang baitang na ng pagiging
high school.
Sa aking pag uwi ay may nasulyapan akong isang babaeng umiiyak, tinulak ako ng aking
pagkausyoso para tanungi kung bakit sya umiiyak.
“Ale, bakit po kayo umiiyak?” natanong ko sa babae.
“Hindi ko na kasi makikita ang aking anak habangbuhay” sagot ng ale.
“Hindi kop o mamasamain pero maari ho ba kayong sumama sa akin upang mawala ang inyong
lungkot, iyon ay kung nais nyo lamang” ang di ko mawari kung bakit ko nasabi.
Ang pagtango nya at pag-abot sa akin ng kanyang kamay ay senyales lamang ng kanyang
pagpayag. Hindi naming namamalayan ang oras habang kami ay magkasama, tila isang panaginip
ang nangyayari . sa kalagitnaan n gaming kasiyahan ay nagwika ang ale “Maari mo bang ipikit
ang iyong mga bata?” .
sinunod ko ang kanyang utos at gayon na lamang ng maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang
mga labi sa aking noo at ang narinig ko ay ang kanyang pagsabi sa akin ng “Mahal Kita”. Sa aking
pagmulat ay nawala ang ale na hindi ko man lang naitanong ang kanyang pangalan. Biglang umihip
ang malamig na hangin na niyakap ang aking buong paligid. Hindi ko namalayan ang oras
tiningnan ko ang aking relo
“Aba anong oras na kailangan ko na pa lang umuwi”nasabi ko sa aking sarili. Nilisan ko ang lugar
na iyon ng may tanong na hindi ko alam kung kalian maisasagot.
Sa aking paguwi ay nakita ko ang aking ama na tila kakatapos lang lumuha. Anong problema?
Lumapit ako sa kanya at nagmano. Sya ay biglang nagwika, “anak iniwan na tayo ng nanay mo,
namatay sya sa aksidente limang oras an ang nakalilipas”. Imbis na umiyak naitanong ko lang sa
kanya kung may litrato sya ng aking ina, nagulat na lamang ako sa aking nakita…
Hindi nya ako iniwan ng walang paalam,ipinarating nya sa akin kung gaano ako kahalaga
at kamahal niya. Sya pala ang ale na aking nakasama kanina, ang umiiyak na ale, ang inakala ko
na isang istanghero ay ang mahal kong ina. Kahit sa kaunting panahon ay nakasama ko sya , sa
huling limang oras na pinuno ang buhay ko ng kasiyahan na noon ko lang naranasan.
ANG BATANG MAIKLI ANG ISANG PAA
Mula sa kanyang pagsilang ay maliit na ang isang paa ni Mutya. Malambot iyon at nakabaluktot.
Nang siya ay lumaki-laki, pinasuri siya ng kanyang mga magulang sa mahuhusay na mga doctor.
Ang sabi ng mga doctor ay wala na iyong remedyo. Habambuhay na raw magiging lumpo si
Mutya. Labis na nalungkot at naawa sa kanya ang mga magulang.
Lumaki si Mutya na laging tinutukso ng mga kalaro. Lalo siyang naging tampulan ng panunukso
nang magsimula na siyang mag-aral.
“O, hayan na si Pilantod! Padaanin ninyo!” tukso ng mga pilyong bata kay Mutya.
Sa kabila ng lahat, hindi napipikon si Mutya. Hindi siya umiiyak sa panunukso sa kanya. Lumaki
siyang matapang at matatag. Pinalaki kasi siya ng kanyang ina na madasalin. Mayroon siyang
malaking pananalig sa Diyos kaya naman nagawa niyang tanggapin ang kalagayan nang
maluwag sa loob niya.
Habang nagdadalaga ay nahihilig si Mutya sa musika. Nakakatugtog siya ng iba’t ibang
instrumento. Marami ang humahanga sa taglay niyang galing sa pagtugtog.
Upang lalo pa siyang naging mahusay, pinag-aral siya ng kanyang ina ng pagtugtog ng piyano.
At natuklasan ni Mutya na kulang man siya ng paa, sobra naman siya sa talino sa musika.
Maraming mga guro sa musika ang humanga sa kanya. Lahat ay gusto siyang maging
estudyante.
Pagkaraan pa ng ilang taon, ibang-iba na si Mutya. Isa na siyang kilalang piyanista. Nakarating
na siya sa ibang bansa tulad ng Amerika at Espanya. Tumugtog siya doon. Naanyayahan pa nga
siya sa palasyo ng hari ng Espanya para tumugtog sa hari. Hindi na siya tinutukso ngayon. Hindi
na pinagtatawanan. Sa halip, siya ay hinahangaan na dahil lahat ay nagkakagusto sa kanyang
pambihirang kakayahan sa pagtugtog.
KAMOTENG KAHOY
Noong unang panahon, nagpadala si Bathala ng punla na nagkatawang tao sa mundo.
Ang lalaking ito ay may mabuting kalooban para sa kapwa at siya ay isa lamang
pulubi. Iniiwasan sya ng mga tao dahil maliban sa sya'y sobrang payat, ito ay madumi at
nakakatakot ang itsura. Lagi itong naghihintay sa mga magbibigay ng pagkain sa kanya mula sa
mga taong dumadaan ngunit hindi ito pansin.
May tatlong laging lumalapit at nang-aalipusta sa pulubi sa tuwing dinadaanan nila ito.
Tanging ngiti na lamang ang tugon ng pulubi sa tuwing siya ay sinasabihan na mga masasakit na
salita Isang araw, may lumapit na babae sa kanya. Nginitian niya ito at siya ay tinanong, "Ano
ang pangalan mo?", "Ote ang aking pangalan." ngiting sagot ni Ote sa binibini.
"Ako naman si Tana. Isa akong magsasaka. Nais mo bang sumama sa akin? Halika, pakakainin
kita sa amin." Sumunod si Ote kay Tana at naglakad sila papunta sa kanilang bahay.
Inihain ni Tana ang mga kamote sa harapan ni Ote at umupo ito nang nakaharap sa kanya.
"Bakit napakabuti mo sa akin?" tanong ni Ote kay Tana. "Bakit? Wala namang masama na
pakainin ang sinumang nagugutom na kapwa tao, hindi ba?" sagot nito.
"Salamat at napakabuti mo." sambit pasasalamat ni Ote kay Tana at sinimulan nang kainin ang
kamote. Nasarapan ito sa lasa kaya nagawa niyang ubusin ang mga kamoteng inihanda ni Tana
para sa kanya.
"Mukhang paborito mo ang kamote ah." tuwang-tuwang sabi ni Tana kay Ote. Kinabukasan,
bawat mga taong dinadaanan ni Ote ay tinutulungan niya. Kahit napakadumi ng kanyang itsura,
kusa lamang itong tumutulong sa mga taong nangangailangan ng tulong.
Tinitignan siya ng mga tao dahil sa kanyang itsura pero sa kabila non ay
pinasasalamatan siya sa kanyang pagtulong. Simula nung araw na iyon, nag-iba ang paningin ng
mga tao kay Ote na kahit marumi ang itsura nito, malinis naman ang kanyang kalooban sa
kanyang kapwa. Binibigyan na siya ng mga tao sa bayan nang paborito nyang pagkain,ang
kamote. Isang araw, pumunta si Ote sa mga taniman ni Tana at ito ay namaalam na. Nakita siya
ni Tana at nilapitan siya nito, "Oh, Ote ano ang ginagawa mo rito?"
"Nais ko lamang magpasalamat sa inyong kabutihan na ipinadama sa akin." sabi ni Ote.
Ngumiti si Tana, "Walang ano man, Ote. Salamat rin sa iyo dahil napakabuti mong ding tao."
Ilang araw lumipas magmula noong lumisan si Ote, isang halaman ang tumubo sa
matabang lupa ni Tana. Yumuko si Tana, hinukay niya ang halaman na iyon at kamote ang
kanyang nahukay ngunit iba ang itsura nito kumpara sa paboritong kamote ni Ote. Ito'y parang
kahoy ngunit may maputing laman sa loob. Sinubukang lutuin ni Tana ang kahoy, tinikman at
ang lasa ay hindi nalalayo sa kamoteng paboritong kainin ni Ote. Simula noon ang kahoy ay
pinangalanang, "Kamoteng Kahoy".
PAGSUBOK

Ang buhay ay puno ng sorpresa


Ang dating puno ng saya
Sa isang iglap ay napalitan ng luha
Sadya ngang nakakabigla
Mga pagsubok sa buhay na walang pasabi
Kung dumating ay balde-balde
Wala kang ibang pwedeng gawin
kundi ito'y harapin
Laban lang ng laban
Hanggang sa makamit mo ang kapayapaan
Sabi nga nila lahat ay may hangganan
Kaya ang mga pagsubok ay kayang-kaya nating wakasan
EDUKASYON

Edukasyon na binabalewala ng mga ibang kabataan


Edukasyon na hindi sineseryoso ng mga ibang bata
Edukasyon na hindi binibigyan ng pansin ng mga ibang magulang
Edukasyon sinawalangbahala nalang
Alam niyo ba kung anong halaga ng edukasyon?
Una,ang Edukasyon ang magpapa-angat sayo mula sa kahirapan
Pangalawa,sa edukasyon mo matutunan ang mga bagay na dapat mong matutunan
Pangatlo,Ang Edukasyon ang magsisilbi mong yaman kapag natapos mo ito at walang kahit sino
ang makaka-agaw at makakakuha sayo nito
At ang pang-huli,ang edukasyon ang solusyon para matupad ang mga pangarap mo.
Wag nating minamaliit ang kayamanan ng edukasyon dahil sa totoo lang,napakalaki na nitong
yaman
Dahil ang Edukasyon ang sagot sa pangangailangan natin sa kinabukasan.
Mahirap man sa una pero pag ito natapos natin abot langit ang saya,para na ring nanalo tayo sa
lotto ang kaso pinaghirapan natin ito para makuha ang papel na nakalukot at nakasulat roon ang
ebidensya na natapos natin ang edukasyon.
At wag nating kakalimutan ang palaging sinasabi ng mga nakakatanda satin.at yun ang..
"Education is the key"
DROGA
Iyong pinagkaka-adikan
Hindi na mapipigilan
Hahanap hanapin ng 'yong katawan
Paulit ulit mong titikman
Droga'y iyong tigilan
Nang manatili sayong katinuan
At hindi mamayat ang yong katawan
Magpatuloy sayong kabuhayan
Isip ay palawakin
Buhay iyong mahalin
Kinabukasan iyong isipin
Landas na iyong tatahakin
Droga'y iyong iwasan
Huwang mong kapitan
Salot sa lipunan
Ating wakasan
BUWAN
Isa kang buwan
Sa buhay kong puno ng kadiliman
Nabigyan mo ng kaliwanagan
At ika'y aking kinahumalingan
Nandito ako
Sa bintana't nakaupo
Sa aking kwarto
Naghihintay sayo
Ako'y nagbabakasakali
Makitang muli
Ang 'yong kagandahang tangi
Aking minimithi.
Ika'y aking kailangan
Dahil ako'y madidiliman
Kung wala ang 'yong kaliwanagan
Ako'y madadapa sa aking dinaraanan
Aking inaasahan
Muling mapagmasdan
Ang liwanag ng buwan
At ako'y muling mabuhayan
KAIBIGAN
Ako'y iyong kaibigan
Iyong masasandalan
Sa oras ng pangangailangan
Hinding-hindi ka iiwan
Sa iyakan at tawanan
Ika'y aking sasamahan
Sa iyong kadramahan
Ika'y aking papakinggan
Nung ika'y aking kailangan
Para tayong nagtatago-taguan
Ako iyong kinalimutan
Sa oras ng aking pangangailangan
Ako'y iyong kaibigan
Sa tuwing ika'y may kailangan
Ako'y iyong kinakalimutan
Sa oras na ika'y aking kailangan
Huwag mo na akong kaibiganin
Kung ako'y iyo lamang kakailanganin
Pag may dumating na suliranin
Huwag mo na akong kakausapin.

You might also like