You are on page 1of 2

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Isinampa na kahapon ng Criminal Investigation and Detection Group ang kasong
kriminal laban kay dating Philippine National Police chief Oscar Albayalde.

Isinama na ng CIDG si Albayalde sa amended complaint na isinampa ng ahensiya sa Department of


Justice laban sa 13 tinatawag na ‘ninja cops’ o mga pulis na nagre-recycle ng nakukumpiskang mga droga
at sangkot sa kontrobersiyal na drug raid sa Pampanga noong 2013.

Inakusahan si Albayalde ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act at Anti-Graft and Corrupt
Practices Act.

Isinaad sa reklamong isinampa ng CIDG na nabigo si Albayalde na kasuhan sina Police Supt. Rodney
Baluyo at ang team nito dahil mga tauhan niya ang mga ito.

Sa nabanggit na drug raid, pinagkakitaan umano ng 13 pulis sa pangunguna ni Baloyo ang nakumpiskang
P648 milyong halaga ng shabu at pinalaya ng mga ito ang umano’y drug lord na si Johnson Lee. Si Alba-
yalde ang provincial director ng PNP sa Pampanga nang panahong iyon.

Sinabi naman ni Albayalde sa isang mensahe na tinatanggap niya ang reklamong isinampa ng CIDG at
dito ay mabibigyan na siya ng due process.

Bukod kay Albayalde, kasama sa kaso sina Baloyo, Sr. Insp. Joven De Guzman Jr., SPO1 Jules Maniago,
SPO1 Donald Roque, SPO1 Ronald Bayas Santos, SPO1 Rommel Vital, SPO1 Alcindor Tinio, SPO1 Dante
Dizon, SPO1 Eligio Valeroso, PO3 Dindo Dizon, PO3 Gilbert De Vera, PO3 Romeo Guerrero Jr., at PO2
Anthony Lacsamana.

Idinagdag ng CIDG si Albayalde bilang respondent sa kaso ilang araw makaraang irekomenda ng
dalawang komite ng Senado na kasuhan siya kaugnay ng kontrobersiyal na operasyon sa Pampanga.
Sinasabi pa sa reklamo na tinangka ni Albayalde na impluwensiyahan si Philippine Drug Enforcement
Agency chief at dating Central Luzon police chief Aaron Aquino para huwag kasuhan ang 13 pulis.

Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/10/22/1962178/kasong-


kriminal-laban-kay-albayalde-isinampa-ng-criminal-investigation-and-detection-
group#9y0UYW4VkpXOF6rC.99

You might also like