You are on page 1of 2

Supremo: Ehemplo ng Pagbabago

Si Andres Bonifacio,

Halimbawa ng isang bayaning nagsakripisyo,

Para sa kalayaang niyang gustong matamo,

Tularan si Bonifacio tungo sa pagbabago!

Mahusay siyang pinuno, walang pinipili


Sa paglilingkod sabi niya lahat ay kasali
’Di lamang iisa o kung sino lang ang kakampi
At lalong ‘di sa kagustuhan ng sarili.

Magsumikap na mabuhay para sa iba,

O mamatay para sa ikabubuti ng marami.

Ipundar ang magandang bukas at pag-asa

Kahit na ikaw ay masawi.

Ang maraming diploma ay hindi kailangan

Para mabago ang sarili at bayan.

Ang kailangan ay pagmamahal dedikasyon

Para sa Pilipino at Inang Bayan.

Tingnan ang kapaligiran at ‘wag ibahala

Kumilos agad patungo sa pagbabago

At huwag isipin na hindi mo ito kaya

Sapagkat ito ang tunay na talino ng isang supremo!


Ang pagbabago’y ‘di kaagad naabot at nahahanap
Sabi niya’y ‘wag mawalan ng pag-asa ,ito rin ay malalasap.
Sa pagkilos huwag titigil, ito ang kanyang pakiusap
At makakamtan din ang mithing pangarap.

Ipundar natin ang magandang bukas at pag-asa


Ilayo ang sarili sa maling gawain at nang ‘di na mahawa.
Tamang gabay ay dapat lubos na maunawa
Nang sa tamang panahon ‘di tayo maligaw at masira.

Ngunit sa mga taong inakala ay nagkasala


’Di pa huli ang lahat at pwede pang sa mabuti sumama
Huwag nang antayin na tirahan ka ng konsensya
At mamatay habang ikaw ay buhay pa!

You might also like