You are on page 1of 6

SWS: 21.

4% unemployment rate, naitala sa


huling bahagi ng 2015
February 10, 2016 Filed under Balita Posted by Balita Online RSS Feed
Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, nang halos 900,000 indibiduwal sa huling yugto ng
2015, ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey results na inilabas nitong Pebrero 9, 2016.
Sa nationwide survey, isinagawa noong Disyembre 5 hanggang 8 sa 1,200 respondents, lumabas na 21.4
porsiyento o halos 9.1 milyong Pilipino ang walang trabaho sa huling quarter ng 2015, bumaba ng 23.7% o
10 milyong Pilipino sa sinundang quarter.

Dinala nito ang 2015 average rate ng mga walang trabaho sa 21.9%, mas mababa kaysa 2014 average na
25.4%. Sinabi ng SWS na ito ang pinakamababang annual average sa loob ng 11 taon simula nang maitala
ang 15.8% average noong 2004.
Ang mga resulta ay unang inilathala sa BusinessWorld nitong Martes. Upang higit na linawin ang joblessness
o kawalan ng trabaho, sinabi ng SWS na ang mga nasa kategoryang ito ay ang mga indibiduwal na 18 anyos
pataas, walang trabaho at naghahanap din ng mapapasukan.
Gayunman, ang mga walang trabaho na hindi naghahanap ng mapapasukan, gaya ng mga housewife at
mga retiradong indibiduwal, ay hindi isinama sa kategoryang ito.
Lumalabas sa SWS survey na ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ay halos binubuo ng mga adult
na tumigil sa kanilang mga trabaho (9.6% o 4.1 milyong Pilipino), tinanggal (8% o 3.4 milyon), at first-time
jobseekers (3.6% o 1.5 milyon).
Ang 8% ng mga sinibak ay binubuo ng 5.2% ng mga dating kinontrata na hindi na ni-renew, 1.6% ng mga
inalis sa trabaho, at 1.3% na nagsara ang pinagtatrabahuan.
Bumaba rin ang antas ng mga lalaki at babaeng walang trabaho sa 13.8% at 31.4%, ayon sa pagkakasunod
(mula 15.9% at 33.9%, ayon sa pagkakasunod). Samantala, ang joblessness sa mga nasa edad mula 45
anyos ay tumaas ng 3.7% sa 15.3%.
Halos hindi nagbago ang joblessness sa mga may edad 35-44 anyos sa 22.2% mula sa 21.7% noong
Setyembre. Sa mga nasa edad 25-34, bumaba ito sa 25% mula 30.8%. Sa mga nasa edad 18-24, 56.9%
ang nagsabi na wala silang trabaho, tumaas ng 45.4% sa 51.1%.
Natuklasan din ng SWS na 45% ng mga Pilipino ay positibo na dadami ang magbubukas na trabaho sa loob
ng 12 buwan. (ELLALYN DE VERA)
Unemployment rate tumaas
(Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2017 - 5:07am

MANILA, Philippines — Bahagyang tumaas ang unemployment rate sa bansa nitong


Oktubre 2017 kumpara sa kaparehong panahon ng nakaraang taon, ayon sa Philippine
Statistics Authority.

Base sa Labor Force Survey ng PSA, umabot sa 5 percent ang mga Pilipinong walang
trabaho, mas mataas sa nakaraang 4.7 percent.

Katumbas nito ay 2.2 milyong Pilipinong walang trabaho.

Samantala, bumaba naman ang bilang ng mga underemployed sa 15.9 percent mula sa
18 percent.

Nabawasan din ang employment rate sa 95 percent o 41.6 milyong Pilipino mula sa 95.3
percent o 41.7 milyong may trabaho.
HALOS 3-M UNEMPLOYED PINOY MALAKING
HAMON PA RIN SA DOLE
written by DWIZ 882 February 10, 2016
Malaking hamon pa rin sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang halos 3 milyong
Pilipino na walang trabaho.

Inihayag ito ni Director Nikon Fameronag, Spokesman ng DOLE makaraang bumaba sa 5.6
percent na lamang ang unemployment rate sa bansa, ang pinakamababa sa nakalipas na 11
taon.

Katumbas ito ng 2.7 milyong Pilipino mula sa 47 milyong workforce sa bansa o yung mga
kwalipikado para magtrabaho.

Sinabi ni Fameronag na halos kalahati ng mga walang trabaho ay mga kabataang nasa edad
15 hanggang 24 na taong gulang.

“Gusto nating matutukan yan talaga, hopefully term reform na K-12 kapag naramdaman na
natin ang epekto niyan, sana bumaba pa lalo ang ating unemployed numbers pagdating sa
mga kabataan.” Ani Fameronag.

Kasabay nito, inamin ni Fameronag na tali ang kamay ng DOLE sa contractualization dahil
mangangailangan ito ng aksyon mula sa Kongreso.

Gayunman, may mga ginawa na rin anya ang DOLE para mapagaan ang epekto ng
contractualization tulad ng paghahabol sa mga fly by night na sub-contractors o yung mga
supplier ng mga manggagawa sa isang kumpanya para sa 5 buwang trabaho.

“Karapatan ng mga contractual employees na tulad sa mga karapatan ng regular workers at


may epekto nay an sa pamamagitan ng department order 18-A naayos natin ng husto ang
hanay ng mga sub-contractors, ngayon nawala na ang mga fly by night from 15,000
subcontractors na pinabili lamang ng suka ay naging subcontractor na, ngayon ay mga 4,500
na lang ito.” Pahayag ni Fameronag.

By Len Aguirre | Ratsada Balita


Tumaas ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho sa unang tatlong buwan o quarter ng 2018, base
sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa mula Marso 23-27.

Nasa 23.9 porsiyento o mahigit kumulang 10.9 milyong Pinoy ang walang trabaho sa kasalukuyan,
mas mataas nang mahigit 8.2 puntos kumpara sa datos na 15.7 porsiyento noong Disyembre 2017,
ayon sa survey.

Ito na ang pinakamataas na naitalang adult joblessness mula Disyembre 2016.

Lumalabas na 12.6 porsiyento o mahigit kumulang 5.8 milyong adults ang kusang umalis sa kanilang
trabaho, 7.7 porsiyento o 3.5 milyon ang nawalan ng trabaho, at 3.5 porsiyento o 1.6 milyon ang first
time job seekers.

Bumaba rin ang "workforce job optimism" o ang kumpiyansa na dadami ang trabaho sa susunod na 12
buwan, mula sa 53 porsiyento noong Disyembre 2017 sa 49 porsiyento nitong Marso.

Ang datos ng SWS ay tumutukoy sa mga adult o mga nasa hustong edad sa labor force.

Ang labor force ay ang porsiyento ng populasyon na may trabaho at 'yung mga kasalukuyang walang
trabaho pero naghahanap.

Tinanong sa survey ang 1,200 respondents:

 Kung mayroon ba silang trabaho sa kasalukuyan;


 Kung walang trabaho ngayon pero mayroon dati;
 Kung hindi pa nagkakaroon ng trabaho kahit minsan;
 Kung walang trabaho, pero naghahanap.

--Ulat ni Bettina Magsaysay, ABS-CBN News


Manila, Philippines – Aminado ang Department of Labor and Employment na
malaking hamon para sa mga kumpanya sa bansa kung paano mahihikayat ang
millennials na tumagal sa trabaho.

Sabi ni DOLE-region 6 Assistant Director Salome Siaton, batay kasi sa feedback ng


employers – problema nila ang millennials dahil sa attitude o ugali ng mga ito na
hindi tumatagal sa trabaho.

Aniya, maging ang Tripartite Industrial Peace Council ay nagpapatulong na sa DOLE


kung paano matutugunan ang problema dahil apektado na ang kanilang
organisasyon.

Marami aniyang trabaho na pwedeng pasukan pero hindi ito napupunan kahit na
kwalipikado ang isang aplikante dahil sa asal ng mga ito lalo na ang millennials.

Kaya naman gumawa ng paraan ang DOLE, kasabay ng job fair sa iba’t ibang dako
ng bansa ngayong labor day kung saan nagbigay sila ng orientation para turuan ang
mga aplikante ng kanilang karapatan at responsibilidad sa kanilang
pinagtatrabahuan.

You might also like