You are on page 1of 1

Ako, ako at ako

Namulat ako sa mundong ito noong ika – 3 ng Setyembre taong 1993,


mula.sa pagmmahalan ng aking mga magulang na sina Noel Mendoza at
Jelma Paliza. Bagamat walang basbas ng nakatataas, naging matatag pa
rin ang kanilang pagsasama kaya ang isang supling ay nadagdagan pa ng
isa at ng isa pa hanggang sa naging anim ang biyayang ibinigay ng Diyos
sa kanila. Dahil malaki ang aming pamilya, namhuay kami ng simple sa
kadahilanang ang aking ama lamang ang nagtatrabaho para sa amin.
Natapos ko ang aking pag – aaral ng elementarya at sekundarya sa tulong
niya. Ngunit dala ng kahirapan at laki ng aming pamilya ay hindi ako
nagkaroon ng pagkakataon para makapagpatuloy ng pag aaral sa
kolehiyo dahil may lima pa akong kapatid na kailangang pag-aralin kaya
nagbigay ako ng daan para sa kanila. Hindi ko kaagad natanggap ang
desisyon ng aking mga magulang tungkol rito pero sa huli ay tinanggap
ko na rin ito. Dahil hindi nag – aaral, napagdesisyunan kong maghanap
muna ng trabaho. Sa pamilihang bayan ng aming lugar ako nakahanap ng
trabaho – isang tindera sa tindahan ng coldcuts ang aking naging trabaho.
Sa aking pagtatrabaho, naging masaya ako at nalimutan ko na ang
kagustuhan kong mag – aral. Mas ginusto kong magtrabaho na lamang
kaysa mag – aral.dahil bukod sa nakakatulong ako s gastusin sa bahay ay
nagkakaroon din ako ng pagkakataongbilhin ang mga gusto ko. Hanggang
sa isang araw nagising na lang ako na kailangan kong makatapos ng pag
– aaral para maipagmalaki ako ng aking mga magulang. Pitong taon ang
lumipas bago nabuksan ang aking isipan na dapat kong tapusin ang aking
pag – aaral at matupad ang aking pangarap.

You might also like