EB Scholarship (Mary)

You might also like

You are on page 1of 1

Nagsimula ang lahat sa isang pamilya na ang hangad ay magkaroon nang pamilya na puno ng kasiyahan,

pagmamahal at may takot sa Diyos. Ako ay isang anak na ang tanging hangad ay mabuo uli ang aking
pamilya. Ngunit sa aking palagay, hindi iyon ang hangad ng Panginoon para sa aking buhay. Ang aking
mga magulang ay masayang nagsasama noong ako ay siyam na taong gulang lamang ngunit dumating
ang isang araw na ang Panginoon mismo ang naghiwalay sa kanila. At ang labis na kalungkutan ay aking
nadama hanggang ngayon sapagkat ang isa sa aking kagustuhan ay ang maramdaman ang pagmamahal
ng isang ama sa aking buhay. Pero ang tumulong sa akin ay ang Diyos, ang aking mga kasamahan sa
simbahan, sa eskwelahan, ang aking mga kamag-anak, pamilya at ang aking mga kaibigan.

Mahirap magisa sa buhay lalo na kung makikita ko na ganun na lamang ang pagsusumikap ng aking
nanay para sa aming pangagailangan sa araw-araw. Ngunit hindi pa rin iyon sapat sapagkat kami’y lima
na magkakapatid na sinusustentuhan ng aking nanay. At ang aking nanay ay wala nang trabaho
sapagkat siya ay lagpas na sa edad upang makahanap ng pagtatarabaho(61). Ang ginagawa niya para
kami’y makakain sa araw-araw ay ang pagtatrabaho sa aking mga tito at tita na siya’y inuutusan, kung
paminsan ay ang pangungutang sa aking mga kapit-bahay, paminsan ay nagtitinda siya sa tapat ng aming
bahay pero ang lahat ng iyon ay napupunta sa aming pangkain at wala nang natitira para sa kaniyang
sarili. Paminsan ay lahat ng iyon ay napupunta sa hulugan at utang. Kung aking iisipin, gusto ko siyang
matulungan sapagkat siya ay matanda na rin na gusto na rin magpahinga at alagaan ang kaniyang sarili.
Ngunit sa labis na edad ay para sa akin hindi na sapat para kami ay sustentuhan lalo na siya ay may sakit
pa ngayon sa kaniyang kanang mata na tinatawag na (Retinal Detachment). Bilang isang anak, inaalagan
ko siya pagkagaling sa eskwelahan at ang iba ko pang mga kapatid ay tumutulong sa kaniya. Kung
paminsan ako ay napapaisip na kung paano ko maibabalik ang paghihirap na kaniyang ibinibigay sa
araw-araw para lang kami ay makapag tapos ng pag-aaral.

Bilang estudyante, ginagawa ko ang aking makakaya para sa aking mga pangarap, para sa aking nanay at
iba pa. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral dahil gusto ko makahanap ng magandang trabaho para
maibalik ko ang kasipagan at puno ng pagmamahal na ibinibigay ng aking nanay para kami ay
masustentuhan, para sa aking sarili na hindi ako mahihirapan maghanap ng trabaho sa pagtagal at
upang ako ay makatulong sa aking nanay at sa aking mga kapatid. Pangarap kong maging isang (Chef) at
kinuha kong kurso ngayong Ika-labing dalawa sa hayskul ay (Food and Beverage Services). Sa dami ng
aming pangangailangan ay hindi pa sapat na ako ay makabili ng mga gamit at sangkap sa pagluluto dahil
sa aming kakulangan sa pinansiyal. Kaya ganun na lamang ako nangangarap na sumali sa programa ng
Eat Bulaga

You might also like