You are on page 1of 2

KABANATA II

MGA KAUGNAY NG PAG-AARAL AT LITERATURA


Sa bawat buhay ng isang estudyante may pagkakataon makakaranas siya ng p
ang-aapi. Maaari itong maging pisikal, berbal, sosyal, extortion, o sa internet
na pang-aapi.
Ang pang-aapi ay isang gawa ng paulit-ulit na agresibo sa pag-uugali upa
ng sadyang saktan ang ibang tao, pisikal o kaisipan. Ito ay ginagawa upang makak
uha ang isang indibidwal ng kapangyarihan na makakahigit sa iba.
Ayon sa isang Norwegian na mananaliksik na si Dan Olweus, kapag ang isan
g tao ay nagsimulang mang-aapi, hindi na niya ito pigilan. Gagawin at gagawin pa
rin niya ito kahit anong pilit mong pigil sa kanya. Magiging parte na ito sa ka
nyang mga nakagawian.
Nakasaad pa sa isang artikulo ng Wikipedia.org na ang pang-aapi ay isang
uri ng pang-aabuso. Ito ay maaaring mahati sa tatlong klase, emosyonal, makadiw
a at pisikal. Ngunit ito ay maaaring nasasangkot sa mahiwagang paraan ng pamimil
it tulad ng sikolohikal na pamamanipula. Dagdag pa ng grupong ito, ang pang-aapi
ay maaaring mangyari sa ano mang konteksto kung saan ang mga tao ay nakikipag-u
gnayan sa isa t isa. Kabilang na ditto ang paaralan, simbahan, pinagtatrabahuan, s
a kapitbahay at maging sa bahay. Ang pang-aapi ay maaaring umiiral sa loob ng gr
upo at maging sa pagitan ng mga bansa. Isa sa pinakamatibay na halimbawa ay ang
nangyari noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas. Ayon sa nobelan
g Noli Me Tangere at El Filibusterismo na sinulat ni Dr. Jose Rizal, ang mga Kas
tila noon ay parating nang-aapi sa mga Pilipino. Ang tingin nila sa Pilipino ay
isang mababang uri na lahi at nararapat lang na maging alila nila.
Ang mga makabagong kagamitan tulad ng cellphone, telepono o kompyuter ay
pwede na rin magamit sa pang-aapi.
Ang National Crime Prevention Council ay nakapagtala ng mga serye ng pang-aapi s
a internet at ito ay tinawag nilang Cyber-bullying . Ayon sa kanila, ang cyber-bull
ying ay isang uri ng pang-aapi na ginagamitan ng kompyuter, cellphone, telepono
o iba pang mga aparato na ginagamit upang makapadala ng mga post, ng mga tet o m
ga imahe na nakakapanakit ng kalooban ng ibang tao o masira at mapahiya ang tao.
Ang cyber-bullying ay maaaring maging simple hangga t patuloy na magpadala ng e-ma
il sa isang taong may sinabi na gusto nilang walang karagdagan makipag-ugnayan s
a nagpadala, ngunit maaari ding isama ang pagbabanta, sekswal na pangungusap, na
kakasira etiketa (ibig sabihin, hate speech), pinagtutulungan ang mga biktima sa
pamamagitan ng paggawa ng mga ito ang paksa ng panlilibak sa forums, at pag-pos
t ng huwad na pahayag bilang katunayan na naglalayong sa kahihiyan.
Maraming mga siyentipiko na ang nag-aaral sa paksang ito at isa na rito ay sina
Dr. Alison Maddock isang pediatrician at Dr. Lorna Price isa ring pediatrician n
g Morriston Hospital sa United Kingdom. At ayon sa kanila: A.) Maraming nananaki
t na hindi alam ang kanilang ginagawa kung ito ba ay nakakabuti o nakakasama. B.
) Ang Bullying o Pang-aapi ay nagiging daan upang umabot sap unto na magpapakamata
y ang taong inaapi. C.) Mas maraming lalaki kaysa sa babae ang nadidisgrasya o n
auuwi sa pisikal na sitwasyon. Sa ibang mga kaso, ang mga bata ang mas naapektuh
an sa ganitong uri ng gawain.
Samakatuwid, ilang mga psychologist o sikolohista ang nagsasagawa ng pag-aaral t
ungkol sa epekto ng pang-aapi o bullying. Sabi nila, ang mga epekto ng pang-aabu
so ay nagdudulot ng pagkakaroon ng problema sa pisikal at mental o emosyonal ng
tao tulad ng pagkatakot, stress, depresyon, anxiety na makakaapekto sa pag-aaral
nito. Lalong-lalo na ngayon, na ang ating bansa ay wala pang batas na magbibiga
y ng kaukulang parusa sa mga taong nang-aapi.
Ayon sa mga security agents ng Seattle Public Schools, isang paaralang sa Washin
gton, USA, kadalasang biktima ng pang-aapi ayang mga estudyanteng karaniwang mat
atakutin, mahiyain, maingat at maramdamin, maaaring di mapalagay at hirap na mak
apag-isip, medaling sumuko sa nang-aapi, sobrahan ang kilos, maaari na wala o ka
kaunti ang kaibigan sa paaralan, may mababang pagpapahalaga sa sarili, may pinan
gangalagaang katayuan sa silid-aralan, iba ang lahi, kultura, relihiyon, kapansa
nan, kasarian, kakaibang pagkilos. Ngunit maaari ring walang dahilan.
Ayon sa artikulong ginawa nina Susan P. Limber at Maury M. Nation, may mga nagda
ang pananaliksik na naisagawa sa United States at pati na rin sa ibang bansa na
nagtala na ang pang-aapi ay isang pangkaraniwan at maaaring porma ng karahasan p
ara sa mga kabataan. Hindi lamang ang mga naaapi ang naapektuhan ng pang-aapi ku
ndi pati na rin ang klima sa loob ng paaralan at hindi man direkta ngunit maaari
ring maaprktuhan ang abilidad ng isang estudyante na matuto hanggang sa kanilan
g pinakamahusay na abilidad.
Sa pangunguna ni Dan Olweus ng Norway at Sweden, kasama ang iba pang mananaliksi
k sa Australia, Canada, England, Ireland at United States, ay nagsimulang galuga
rin ang likas na katangian at ang mga epekto ng pang-aapi sa mga paaralan ng kab
ataan. Sabi nila, ang kaso ng pang-aapi ay dapat bigyan ng kaukulang atensyon mu
la sa mga duro, magulang at mga kabataan para maiwasan ang ganitong karahasan sa
dalawang dahilan. Una, ang paglaganap ng kaso ng pang-aapi at ang pinsala na na
idulot nito ay lubhang isinasawalang bahala ng mga kabataan at nga mga matatanda
. Dapat gumawa ng mga stratihiya upang tumaas ang kamalayan ng mga kabataan at m
ga magulang hinggil sa koneksyon ng pang-aapi at sa iba pang karahasan na nagaga
nap sa paligid.
Pangalawa, ang pang-aapi ay hindi lang humahantong sa parehong pangyayari gaya n
g away at gulo, pwede rin itong humantong sa pagkagulo sa ng kaisipan ng tao.
Maraming mga ginawang pananaliksik ukol sa pang-aapi ngunit karamihan dito ay tu
ngkol lamang sa kung ano ang pang-aapi at mga anyo nito. Hindi masyadong natalak
ay ang epekto nito sa paraan ng pamumuhay ng mga estudyante. Samakatuwid, ang pa
g-aaral na ito ay isang panimula na maaaring tularan, sundan at ipagpatuloy ng i
bang mga mananaliksik.

You might also like