You are on page 1of 2

“Pagkasabik”

May isang batang nangangarap

Tila bang nakikita ang sarili sa hinaharap

Gagawin ang lahat ng nararapat

Para lang maabot ang mga pangarap

Siya man ang pinakabata sa grupo

Pero siya ang pinakamabilis matuto

Hindi bihira ang angking talino

Kahit saan mo man siya ilagay hindi maagribyado

Nang siya’y binigyan ng lakas na mamuno

Tila ba’y mga simpleng bagay ay naguguho

Gusto ay maraming pera sa kanyang puno

Dahil nasilaw ng sobra sa mga ginto

Kahit ang buhay ng mga tao ay maging mailap

Makuha lang ang kanyang pangarap

Walang sinasantong batas

Basta’t alam niya sa kanyang sarili siya ay mataas

Tila ba’y ang batas ay nagalit

Bigla nalang ang buhay ay pumangit

Nasa likod ng bakal nakisingit

Iniisip na sanay ang kahapon ay maibalik

You might also like