You are on page 1of 2

Pagpapakilala Ko sa Aking Sarili

Ako pala yung tipo ng tao

Na tahimik at walang kibo.

Hindi nabibingi sa katahimikan,

Pagkat sa akin ito'y kapayapaan.

Kung ako'y iyong titignan,

Malakas at matapang,

Masayahin at walang inuurungan

Ang iyong makikita.

Ngunit sa katotohanan ay

Ako'y mahina at laging nag-iisa.

Kalungkutan ay bumabalot

Sa aking puso't isipan.

Nagmimistulang batang naliligaw

Sa gitna ng mundong makasalanan

Di malaman kung saan tutungo,

Sapagkat gabay ay aking kailangan.

Ito ba’y nangangahulugan na ako’y tuwirang napariwala

O sadyang nahahanay na ako sa pagiging buhay maralita

Nang minsan aking tinanong aking sarili

Ano ba talaga ang naghihintay sa akin sabandang huli?

Pagmamahal na mula

Aking laging inaasam.


Ako'y natutong ngumiti at tumawa

Sa kabila ng maraming problema.

Sapagkat ako'y malaki na

Kailangang tumayo sa sariling paa.

Ako'y magiging matatag

Sa anumang hamon ng buhay.

Pangarap na nais makamtam,

Pagsisikapan na maabot.

Heto ako, Rogin Ubamos

Buong may pagtitiya at pagsusumikap

Tunguhin ang tama ,Abutin ang pangarap

Nang bandang huli ako ay di maghirap

Kalakip ang may paggalang at maruong tumanaw sa pinanggalingan

You might also like