You are on page 1of 5

Katrina Antonio Hatid

11-Garnet G. John Paul Orallo

Matalinong Paggamit ng Wika sa SMART Tower

Panimula

Ang SMART Tower sa 6799 Ayala Avenue, Makati City ay ang himpilan ng Smart

Communications, ang isa sa mga unahing tagapagbigay ng serbisyo sa mga wireless na

komunikasyon sa Pilipinas. Makikita natin na marami na nagtratrabaho rito ay mga tinatawag

na ‘desk monkeys’ o mga tao na kadalasan buong araw nakaupo lamang sa kanilang mga

mesa habang nagtratrabaho. Dahil ito ay isang opisina, maraming iba’t ibang jargon o

pananalita ang ginagamit dito. Madalas may mga codewords, pagpaikli ng salita, o acronym

ng mga salita ang ginagamit upang mas mapabilis ang komunikasyon sa mga katrabaho. Sa

kabilang banda, may pagkakaiba rin ang pananalita ng mga empleyado kapag may kausap na

kliyente, dahil kailangan gamitan ang mga taong ito ng magalang na paraan ng pagsasalita at

komunikasyon upang masiguarado na sibil ang kanilang relasyon sa pagtratrabaho. Ang

layunin ng papel na ito ay mas lalong maintindihan: Paano nagiging mahalaga ang paraan

ng paggamit ng wika sa mga komunikasyon sa gitnaan ng mga katrabaho at kliyente?

Demograpiya

Ang ispesipikong pokus ng papel na pananaliksik na ito ay ang ika-17 na lebel ng

Smart Tower. Mapapansin na ang saklaw ng edad dito ay sa mga mid-20’s hanggang 50. Sa

araw ng pagbisita ko, nakadalaw ako sa 17th floor at dito may mga 70 na katao nagtratrabaho

dito. Napansin ko mas marami ang bilang ng mga babae kaysa lalaki. Mas marami rin ang

bilang ng mga Pilipino ngunit may mga nakilala rin ako mga may halong Tsino. Ang mga tao

dito ay karaniwan nasa gitnang antas ng lipunan.


Obserbasyon

Napansin ko madalas gamitin ang ‘Taglish’ (o ang paghahalo ng wikang Filipino at

Ingles) habang sila’y nakikipagusap sa isa’t isa. Maaaring ito ay dahil halos lahat ng mga

nagtratrabaho rito ay mga Filipino na tinuruan magsalita sa mga wikang Filipino at Ingles.

Naobserbahan din na madalas ang paggamit ng pormal na Ingles kapag may kausap na

kliyente. Maraming mga nagtratrabaho ay nakatatanggap ng mga call galing sa kanilang

kliyente at mas nagiging pormal ang paraan ng kanilang pagsasalita dahil kailangan ipakita

ang tamang respeto sa kanilang kausap at bigyan ng mabuting imahe ang kanilang kompanya.

Makikita sa speech community na ito na importante ang respeto sa isa’t isa dahil sa kanilang

trabaho kung saan araw-araw kailangan nila makipagtulungan para maging maayos at

matagumpay ang kanilang mga proyekto. Mapormal ang kanilang pananalita sa kliyente

upang makita ang propesyonalismo sa kanilang trabaho. Sa kabilang banda, kapag kausap na

ang mga kapwa nilang magtratrabaho, mas relaksed na sila sa isa’t isa. Mas lumilitaw ang

paggamit ng "Taglish" dito. Napapadali ang kanilang pag-uusap dahil sa Taglish, na

ginagamit nila upang lahat ng mga manggagawa ay nagkakaintindihan. Ito’y dahil mayroon

silang mga empleyado na ibang lahi na hindi gaanong marunong magsalita ng Filipino.

Mahilig din sila gumamit ng mga 'acronym' o 'abbreviation' sa mga gamit o lugar na

tinutukoy. Ang tamang paggamit ng wika at ang pagiging mulat sa kung anong sitwasyon at

ano ang tamang varayti ng wika ang kailangan gamitin ay importante para sa kanilan upang

makabuo ng mga mabubuting relasyon di lamang sa mga katrabaho kundi rin sa kliyente.

Korpus

Ang pinakamahalagang salita na makukuha sa speech community na ito ay ang “Site

_”. Ang blanko ay dito papasok ang acronym o number ng lugar kung saan may gumaganap

na proyekto ang SMART. Halimbawa, kapag may isang empeyado nagsabi ng, “Nagsisimula
na sila mag-add ng signal boosters sa Site BH”, ang ibig sabihin nito na ang mga signal

boosters ay linalagay na sa kanilang project site na Site BH o ang Barangay Batasan Hills.

Ang pagbuo ng paggamit ng ganitong pagikli sa mga pangalan ng mga project site ay dahil

lamang mas napadali ang kanilang komunikasyon ng pinaikli ang mga salita na gusto nilang

sabihin. Ang gamit talaga ng salitang ito ay para mapadali ang pagkakaintindi ng bawat isa

kung saan may kasalukuyang gumaganap na proyekto.

Implikasyon

Maaaring implikasyon nito na hindi mabilisang maiintindihan ng mga tao na hindi

kabilang sa speech community na ito, dahil umunlad lamang ang salitang ito dahil sa

konteksto ng mga magtratrabaho sa SMART Tower, partikular ang mga taong nagtratrabaho

sa ika-17 na lebel, o mga project managers.

Sintesis

Makikita natin na malaki ang halaga at epekto ng paggamit ng ispesipikong varayti ng

wika. Sa unang banda, dahil ang karanwiang antas ng lipunan ng mga tao sa speech

community na ito ay nanggagaling sa gitnaang klase, magaling naman sila magsalita ng

Filipino at Ingles. Ang pagiging billingwal ay naging tulong sa kanila mapadali ang

komunikasyon sa isa’t isa lalo na kapag may kausap na hindi Pilipino o hindi nakakaintindi

ng Filipino. Mahalaga ito sa kanilang trabaho dahil ang mga kliyente nila ay nanggagaling sa

iba’t ibang banda ng mundo. Nagpadali rin ito ng komunikasyon sa isa’t isa dahil mayroong

mga empleyado na hindi Pilipino at mas nakakaintindi ng Ingles ngunit mayroon naming

kaalaman sa Filipino. Ang pagiging billingwal ay nakatutulong mapabilis ang reaction time

ng isang tao (Monaghan et al., 18).

Sa kabilang banda, ang paggamit ng pagpapaikli ng salita o paggawa ng acronym ay

nakatutulong mapabilis at mapadali ang komunikasyon kapag nagtratrabaho. Sinasabi nga


nila na Time is of the essence lalo na sa trabaho upang makatulong at mapadali ang ating

buhay.

Mas lalong kong naintindihan ang kultura ng speech community dahil ito’y

nagpapaliwanag sa akin ano ng aba ang halaga ng paggamit nila ng mga ispesipikong mga

wika, salita, o pamamaraan ng pakikipag-usap para magkaroon ng isang mabuting,

produktibong, at masayang work environment. Magbibigay ng tulong ang pananaliksik na ito

sap ag-unlad ng kabuuang kultura ng speech community sa pagbibigay ng mga importanteng

konteksto sa pagkakaroon ng mga mabuting relasyon sa mga taong kasama niyo sa iyong

trabaho, at ang paggamit ninyo ng wika sa pakikipag-usap ay isang malaking aspekto para

maging mabuti ang relasyon na ito. Kailangan natin ang pagrerespeto sa isa’t isa lalo na sa

panahon na ito upang mapaunlad ang ating kultura.

Rekomendasyon

Maaaring ituloy nila ang matalinong paggamit ng wika dahil nakita naman natin na

mabuti ang gamit nila rito. Mapagsisibilhan pa nila gamitin ng wasto ang kanilang pagiging

billingwal at ang paggamit ng tamang respeto sa mga kausap. Ang paggamit din ng acronym

para mapabilis ang komunikasyon ay nagpakita rin bilang epektibo sa kanilang work ethic at

speed.
Sanggunian

GmbH, Emporis. “Emporis.” EMPORIS, https://www.emporis.com/buildings/106212/smart-

tower-makati-philippines.

“Smart Communications, Inc.” Company Profile - Smart Communications,

https://smart.com.ph/About/profile/.

Monaghan, Padraic, et al. “Exploring the Relations between Word Frequency, Language

Exposure, and Bilingualism in a Computational Model of Reading.” Journal of Memory and

Language, vol. 93, 2017, pp. 1–21., doi:10.1016/j.jml.2016.08.003.

You might also like