You are on page 1of 1

Idalangin nating pagkalooban tayo ng pusong bukas upang patuluyin ang lahat ng tao, mga

kapwa manlalakbay at mga kasalo sa piging ng Panginoon: buong pagtitiwal nating sabihin;

Sa pamamagitan ng panalangin ni San Antonio, Ama dinggin mo kami.

1. Idalangin natin ang simbahan, upng kaisa ni Maria, lahat ng mga banal, at ni San
Antonio, ay maipahayag ang mga kamangha-manghang Gawain ng Dyos at
maipamansag ang kanyang habag sa lahat ng mga bansa. Manalangin tayo:
2. Idalangin natin ang pagkakaisa ng mga bansa, upang sa pamamagitan ng panalangin ni
San Antonio, ang poot ay maisang tabi, ang mga patayan at digmaan ay mawakasan, at
ang lahat sa daigdig ay magtamasa ng kasaganaan.
3. Idalangin natin ang mga nagtitiis sa karamdaman, kaharipaan, kalumbayan,
pagkabilanggo o pag-uusig upang sila ay palakasin ng panalangin ni San Antonio at
madama nila ang mapagkalingang awa ng Dyos.
4. Idalangin natin ang ating bayan, sa pagharap natin sa darating na eleksyon ay makakita
kay San Antonio ng isang tapat na halimbawa ng paglilingkod sa mga aba, mga walang
wala at mga nawawala.
5. Idalangin natin an gating parokya at ang buong bayan ng Pila, na sa pananatili natin sa
pagkandili ni San Antonio ay magsabog tayo ng kalinisanat kabanalan sa lahat ng ating
nakakasalamuha.
6. Manalangin tayong nagkakatipon ngayon, upang sa pagkilala ng natatanging karangalan
ni San Antonio matularan natin ang kanyang kabanalan at diwa ng paglilingkod.

Panginoon, punan mo kami ng iyong Espiritu upang maipahayag naming sa aming pamumuhay
ang iyong kabutihan at kaluwalhatian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo Magpasawalang hanggan.

You might also like