You are on page 1of 2

Sa Akin Pa Rin Ang Bukas

Aling Crising: Anong hiwa yan?

Carmela: Hiwa ho.

Aling Crising: Ano ngang hiwa?

Carmela: ahh, hiwa.

Aling Crisng: Hindi naman ganyan ang sinabi kong paghihiwa eh. Pang pinakbet no!

Carmela: Ay! Hindi ko ho alam yung pinakbet. Hindi niyo naman ho tinuro e.

Aling Crising: Nako naman Carmela! Simple lamang ang paghihiwa ng gulay hindi mo pa alam.
Hindi ka ba tinuturuan ng nanay mo?

Carmela: Eh bat naman ho nakasali nanay ko?

Aling Crising: Eh papaano tang aka! Edi tanga rin ang nanay mo!

Carmela: Ahh! Huwag ho kayong ganyan Aling Crising. Dahil kung sa inyo lang, mas matino
ang nanay ko. Huwag niyo ho idadamay ang nanay ko dito. Kung di niyo gustong
ako makaaway niyo.

Aling Crising: Aba!

Carmela: Sige. Ulitin ninyo ang sinabi ninyo. Nang malaman niyo kung ano hinahanap niyo.

Aling Crising: Dini-dare mo ko? Dini-dare mo ko? Ha!

Carmela: Sige! Ulitin niyo! Ulitin niyo. Tignan natin.

Aling Crising: Oo uulitin ko. Tanga ka! Nagmana ka sa tang among ina!

(start ng away)

Aling Crising: Matapang ka ha! Halika rito!

Carmela: Talagang matapang ako dahil walang hiya kayo!

Katulong 1: Anong meron? (taranta ang boses)

Mayordoma: Tama na yan! Tama na yan!

Katulong 2: Ate Carmela!

Carmela: Walang hiya kayo! Inuubos niyo talaga pasensya ko! Wala!

Aling Crising: Dapat sayo yan!

Katulong 2: Ate Carmela tama na yan!

Aling Crising: Papatayin kita!

Carmela: Wala kang kwenta! Wala kang karapatan sakin! Wala!

(Lalapit ang tatlong katulong at aawat paulit ulit na magsasabi ng tama na yan)
Sa Akin Pa Rin Ang Bukas

Katulong 1: Tama na!

Katulong 2: Ate Carmela!

Mayordoma: Tigil!

Aling Crising: Matapang ka! Bobo! Impakta!

Carmela: Eh bakit sinasali ninyo ang nanay ko rito! Kala ninyo! Ano!

Aling Crising: Walang hiya!

Katulong 2: Tama na ate Carmela! Tama na!

Mayordoma: Tama na yan!

Mayordoma: Carmela! Humingi ka ng tawad sa kanya.

(Dadating ang amo)

Carmela: Hindi! Bakit ako hihingi ng tawad diyan. Pati nanay ko sinasali niya sa usapan.

Mayordoma: Nakakatanda siya sayo!

Carmela: Wala naman siyang pinagkatandaan!

Aling Crising: Tarantada!

Carmela: Mas tarantada kayo!

Aling Crising: Hoy! Ngayon din lumayas ka sa bahay na ito.

Carmela: Talagang lalayas ako kahit na hindi niyo sabihin dahil baka mapatay ko lang kayo.

Aling Crising: Walang hiya!

Carmela: Mas walang hiya ka!

Amo: Anong gulo to ha?

(tatahimik)

Amo: Crising ano ka ba? Kanina pa ako diyan naririnig ko ‘yang pagtatalo niyo. At hindi
tama ‘yang pinipintasan mo ang nanay ni Carmela. Aba! Sumusobra ka na.

Amo: At alam mo ba, sa loob ng pamamahay na ito, Ako lang! Hoy! Ako lang, ako lang
ang may karapatang magpalayas! Wala kang karapatan, wala kang karapatan,
kayong lahat! Sumusobra na kayo.

Amo: Tama lang yang ginawa mong pagtatanggol sa iyong ina.

Amo: Ayoko na ng gulo ha! Ayoko nang maulit to! Naiintindihan mo Crising?

Aling Crising: (tatango/sasang-ayon)

Amo: Sige. Maghanda na kayo’t kakain na kami. Ngayon din.

You might also like