You are on page 1of 6

SAMAL NATIONAL HIGH SCHOOL

Samal, Bataan
PRE TEST IN ARALING PANLIPUNAN 10

I. Piliin ang letra ng pinakawastong sagot.


1. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may
iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga.
a. Lipunan c. komunidad
b. Bansa d. organisasyon
2. Para sa bilang na ito, suriin ang larawan

Ipinakikita sa larawan ang pagpapaalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa patakarang ito ay
nakapaloob sa anong elemento ng kultura?
a. Paniniwala c. Norms
b. pagpapahalaga d. simbolo

3. “Ang kagubatan ay tirahan ng iba’t ibang mga nilalang na nagpapanatili ng balanse ng kalikasan,
mahalagang mapanatili ang balanseng ito dahil kung patuloy na masisira ito ay maapektuhan din ang
pamumuhay ng tao. Nagmumula din sa kagubatan ang iba’t ibang produkto tulad ng tubig, gamot, damit, at
iba pang pangunahing pangangailangan ng tao. Mayroon ding mga industriya na nagbibigay ng trabaho sa
mga mamamayan na nakasalalay sa sa yamang nakukuha mula sa kagubatan.” Anong likas na yaman ang
tinalakay sa talata?
a. Yamang tubig c. Yamang lupa
b. Yamang gubat d. Yamang mineral
4. Anong batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng
pamamahala ng solid waste sa bansa?
a. Republic Act 9003 c. Republic Act 7942
b. Republic Act 8742 d. Republic Act 7586
5. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran?
a. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
b. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang
sektor sa lipunan.
c. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo
sa mga suliraning pangkapaligiran.
d. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga
suliraning pangkapaligiran nito.
6. Alin sa sumusunod na situwasiyon ang nagpapakita ng top down approach sa pagbuo ng Disaster Risk
Reduction and Management (DRRM) Plan?
a. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non Government Organization (NGO) ang pagtukoy sa
mga kalamidad na maaaring maranasan sa kanilang komunidad.
b. Ipinatawag ni Kapitan Daniel Milla ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng plano kung
paano magiging ligtas ang kaniyang nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo.
c. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang maiwasan ang
pagbara nito na maaaring magdulot ng malalim at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan.
d. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang komunidad upang
makalikom ng pondo sa pagbili ng mga first aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa iba’t
ibang kalamidad.

7. .Ano ang unang yugto ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan?
a. Disaster Prevention and Mitigation c. Hazard Assessment
b. Disaster Response d. Recovery and Rehabilitation
8. Alin sa sumusunod ang HINDI bahagi ng unang yugto ng Community- Based Disaster Risk Reduction and
Management Plan?
a. Capability Assessment c. Loss Assessment
b. Hazard Assessment d. Vulnerability Assessment
9. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?
a. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang
direksyon na nananarasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
b. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo
c. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay ng
mga mamamayan sa buong mundo
d. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal ng mga bansa
sa mundo.
10. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
a. Paggawa c. Migrasyon
b. Ekonomiya d. Globalisasyon

11. Isa sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng sistema ng mura at flexible
labor. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng mura at flexible labor?

a. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga manggagawa sa pagpili
ng kanilang magiging posisyon sa kompanya.
b. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pamamagitan ng pagpapatupad na mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa
ng mga manggagawa.
c. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pamamagitan ng pagpapatupad na malaking pasahod at pagpapahaba sa panahon ng
paggawa ng mga manggagawa.
d. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pagpapatupad na malaking pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga
manggagawa.

12. Mahalaga sa isa manggagawa ang seguridad sa paggawa sa kaniyang pinapasukang kompanya o trabaho
subalit patuloy ang paglaganap ng iskemang subcontracting sa paggawa sa bansa. Ano ang iskemang
subcontracting?
a. Sistema ng pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor
upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
b. Iskema ng pagkuha ng isang ahensiya o indibiwal na subcontractor ng isang kompanya para sa
pagsagawa ng isang trabaho o serbisyo.
c. Pag-eempleyo sa isang manggagawa upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa loob ng 6
na buwan.
d. Pagkuha sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor sa isang manggagawa sa loob ng
mas mahabang panahon.

13. Ano ang migrasyon?


a. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar
b. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mga mamamayan
c. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo
sa isang lugar pansamantala man o permanente
d. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng giyera
14. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng globalisasyon ang
workplace ng mga manggagawang Pilipino”?
a. Pag-angat ang kalidad ng manggagawang Pilipino.
b. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.
c. Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwithdraw gamit ang mga Automatic Teller Machince (ATM).
d. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.

15. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisasyon ipinatupad nila ang
mura at flexible labor sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa mga
pahayag ang dahilan ng paglaganap nila nito sa bansa?
a. Pag-iwas ang mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng produksiyon sa iba’t ibang krisis.
b. Maipantay ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
c. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
d. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdaigang
kalakalan.
16. Mahalaga na maproteksyunan ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino laban sa mababang
pasahod at di-makatarungang pagtanggal sa kanila sa trabaho dulot ng kawalan ng seguridad sa paggawa.
Paano ito maisasakatuparan ng mga manggagawang Pilipino?
a. Pag-boycott sa mga produktong dayuhan at pangangampanya sa mga mamamayan ng
pagkondena sa mga ito.
b. Pakikipag-usap ng mga samahan ng mga manggagawa sa mga kapatalista o may-ari ng
kompanya sa pamamagitan ng tapat at makabuluhang Collective Bargaining Agreement (CBA).
c. Pagsasagawa ng picket at rally laban sa kompanya at kapitalista
d. Pagsabotahe, paninira at panununog sa mga planta o kagamitan ng kompanya

17. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?


a. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na
institusyon na matagal ng naitatag
b. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
c. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto.
d. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga malalaking
industriya

18. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?


a. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
b. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng
kapinsalaan.
c. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang
mga bansa
d. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.

19. Ilan sa mga dahilan ng permanenteng migrasyon ay ang paghahanap ng mga sumusunod maliban sa isa.
Ano ito?
a. Hanapuhay c. Edukasyon
b. Turismo d. tirahn

20. Isa sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang pagbabagp sa workplace ng mga manggagawa,
binago rin nito ang sistema ng pagpili sa mga manggawa. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay
ng pagbabagong ito?
a. Humigpit ang pagproseso sa pagpasok ng mga dayuhang kompanya, produkto at serbisyo sa
bansa kaya’t kinailangan ng mga world class workers.
b. Tumaas ang kalidad ng mga lokal na produkto sa pandaigdaigang pamilihan kaya’t
kinailangang mag-angkat ng mga eksperto sa ibang bansa para sanayin ang mga lokal na
manggagawa.
c. Humirap ang kalagayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpasok sa bansa kaya’t
kinailangang pababain ang sweldo ng mga lokal na manggagawa.
d. Naging malaya ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa bansa dahil sa mababang
pagpapasweldo at pagngonguntrata lamang sa mga lokal na manggagawa.

21. Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na lumabas ng kanilang
bansa. Ano ang mahihinuha rito?
a. Kakaunti ang oportunidad na makakuha ng mga mamamayan sa Asya.
b. Kahirapan ang mas namamayani sa Asya at hindi kaginhawahan ng pamumuhay.
c. Mas malaki ang oportunidad sa labas ng Asya
d. Mas kinakakitaan ng malaking oportunidad ng mga Asyano ang ibang lugar bunga ng iba’t
ibang hanapbuhay na mapapasukan na angkop sa kanilang natapos

22. Maaaring uriin ang outsourcing sa mga sumusunod maliban sa isa. Ano ito?
a. Nearshoring c. Onshoring
b. Offshoring d. Inshoring

23. Ayon sa World Health Organization (WHO), ano ang tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian
na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki?
a. bi-sexual c. gender
b. transgender d. sex

24. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga
babae at lalaki.
a. Sex c. bi-sexual
b. gender d. transgender

25. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi
ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
a. pang-aabuso c. pagsasamantala
b. diskriminasyon d. pananakit

26. Ang pagbabayad at pagtanggap ng dowry ay daantaong nang tradisyon sa India at sa iba pang bansa sa
Timog Asya. Ang magulang ng babae ay magbibigay ng pera, damit at alahas sa pamilya ng lalaki. Ang
ganitong tradisyon ay ipinagbawal na sa India noong pang 1961. Anong batas ipinatupad kaugnay nito?
a. India Penal Code c. Nine-point checklist
b. Anti-Dowry Law d. Violence – against Dowry Law
27. Anong bansa ang nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad na ang same-sex
relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo?
a. South Africa c. Uganda
b. Pakistan d.United Arab Emirates

28. Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan
laban sa kababaihan at kanilang mga anak, ito ay nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito. Sino
ang kababaihang tinutukoy sa batas na ito?
a. Kababaihan na may edad 15 pataas
b. Kababaihan na walang asawa at mga anak
c. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso
d. Kababaihan na nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may kasalukuyan o
nakaraang relasyon sa isang lalaki at kasalukuyan o dating asawang babae.

29. Ang bi-sexual ay mga taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa kabilang kasarian ngunit
nakararamdam din ng parehong pagkaakit sa katulad niyang kasarian. Ang isang taong nakararamdam na
siya ay nabubuhay sa maling katawa at ang kaniyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma. Siya
ay tinatawag na:
a. bakla c. lesbian
b. transgender d. homosexual

30. Iba’t iba ang gampanin ng mga babae at lalaki sa tatlong primitibong pangkat sa New Guinea. Para sa mga
Arapesh kapwa ang babae at lalaki ay maalaga o mapag-aruga, matulungin, at mapayapa samantalang sa
mga Tchambuli ay:
a. Kapwa ang babae at lalaki ay matapang, agresibo, at bayolente
b. Ang babae ang abala sa pag-aayos ng sarili at mahilig sa kuwento samantalang ang
kalalakihan ay dominante at naghahanap ng makakain.
c. Ang mga babae at lalaki ay masinop, maalaga at matulungin
d. Babae ang nagdodomina, at naghahanap ng makakain samantalang ang kalalakihan ay abala
sa pag-aayos ng sarili, at mahilig sa kuwento.

31. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang mga kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap
sa isang relasyon o tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin nito. Ang
sumusunod ay palatandaan ng ganitong uri ng karahasan maliban sa isa.
a. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.
b. Nagseselos at palagi kang pinagdududahang may ibang kalaguyo.
c. Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang ang ginagawa niya sa
iyo.
d. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o alagang hayop.

32. Ang GABRIELA ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang karahasang nararanasan ng
kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women. Ang sumusunod ay kabilang sa mga ito
maliban sa isa.
a. Pambubugbog c. Sexual Harassment
b. Pangangaliwa ng asawang lalaki d. Sex Trafficking

33. Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang pansin ng batas na ito ang
kalagayan ng mga batang babae, matatanda, mga may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan.
‘Marginalized Women’, at ‘Women in Especially Difficult Circumstances’. Alin sa mga sumusunod ang kabilang
sa women in especially difficult circumstances?
a. Maralitang tagalunsod c. Magsasaka at manggagawa sa bukid
b. Kababaihang Moro at katutubo d. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot

34. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming
asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama
ng ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
b. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
c. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
d. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa
sa kababaihan.

35. Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) may 125 milyong kababaihan ( bata at matanda) ang
biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Ano ang
pangunahing layunin ng pagsasagawa nito?
a. Pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala
b. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan
c. Ito ay isinagagawa upang maging malinis ang kababaihan.
d. Upang mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang sa siya ay maikasal

36. Ano ang iyong mahihinuha tungkol sa larawan?

a. Ang mga lalaki ay maaring manatili sa bahay at gawin ang mga gawaing bahay.
b. Ito ay isang uri ng diskriminasyon at karahasan sa kalalakihan.
c. May pantay na karapatan na ang babae at lalaki
d. Mas maraming babae na ang naghahanap buhay at ang mga lalaki ang naiiwan sa bahay

37. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?


“LGBT rights are human rights”
Ban Ki – Moon

a. Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao. c. May pantay na karapatan ang lahat ng tao.
b. Ang LGBT ay may karapatang-pantao. d. Ang karapatan ng LGBT ay kabilang sa karapatang
pantao

38. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bisexual. Siya ang lagi mong kasama simula pa noong kayo
ay mga bata pa at para na kayong magkapatid. Matapos matuklasan ang kanyang oryentasyong seksuwal,
ano ang iyong gagawin?
a. Lalayuan at ikahiya ang iyong kaibigan.
b. Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual.
c. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sa akin.
d. Igagalang ko ang kanyang oryentasyong seksuwal at panatilihin an gaming pagkakaibigan.

39. Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal maliban sa
isa.
a. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.
b. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
c. Nanumpa ng katapatan sasaligang batas ng ibang bansa.
d. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansakapag mayroong digmaan.

40. Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng
Pilipinas?
a. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
b. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas.
c. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang Saligang-Batas na ito.
d. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng
pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa tamang gulang.

41. Itinuring na “International Magna Carta for All Mankind” ang dokumentong ito, dahil pinagsama-sama ang
lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal at naging batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng
kani-kanilang saligang batas.
a. Bill of Rights ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas
b. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen
c. Magna Carta ng 1215
d. Universal Declaration of Human Rights

42. Ang sumusunod ay mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas maliban sa
isa.
a. mamamayan ng Pilipinas
b. nakatapos ng hayskul/sekondarya
c. labing-walong taong gulang pataas
d. nanirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto nang
hindi bababa sa 6 buwan bago maghalalan.

43. Ito ay ang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado kung saan maaaring maiparating ng mamamayan ang
kaniyang pangangailangan sa pamahalaan.
a. Civil Society c. Non-Governmental Organizations
b. Grassroots Organizations d. People’s Organizations

44. Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang Batas ng
1987 ng Pilipinas?
a. Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation.
b. Si Kesha na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
c. Si Edward na ang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
d. Si Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling maging Pilipino.

45. Alin sasumusunod na situwasiyon ang hindinagpapakita ng lumawak na konsepto ng pagkamamamayan?


a. Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan
b. Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.
c. Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang lokal na pamahalaan.
d. Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization na naglalayong bantayan ang
kaban ng bayan.

46. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang
mamamayan?
a. Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyektong dapat
isagawa sa kanilang komunidad.
b. Aktibo siya sa isang peace and order committeeng kanilang barangay.
c. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.
d. Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao.

47. “Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country.”
Ano ang nais ipaabot ng pahayag niPangulong John F.Kennedy?
a. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang karapatan at tungkulin.
b. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiya at proyekto ng pamahalaan.
c. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa.
d. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa pagkamamamayan.

48. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan sa isang bansa?
a. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan
b. Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan
c. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin
d. Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa

49. Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto?


a. Upang hindi mawala ang ating pagkamamamayan kung hindi tayo boboto.
b. Upang maiwasan nating masangkot sa gulo o karahasan tuwing eleksyon.
c. Upang mailuklok natin ang mga opisyal na magbibigay sa atin ng iba’t ibang kagamitan.
d. Upang ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay ipaglalaban angkarapatang
pantao at kabutihang panlahat.

50. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa
kanilang paligid?
a. sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga
nangyayari sa bansa
b. sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa itinakda ng
saligang-batas
c. sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu
at hamong panlipunan
d. sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging
aktibo ang mga mamamayan sa bansa

You might also like