You are on page 1of 5

Huli na ba?

Aldwin S. Palabay

Naranasan mo na bang magmahal? Magmahal ng taong hindi nakatandhana sayo. Magmahal ng


taong may iba nang mahal. Magmahal ng taong alam mong kailan man ay hindi mapapasayo.
Magmahal ng taong naka tali na sa iba. Mga nararamdamang hindi mabigkas ng bibig. Mga
pusong uhaw sa pag ibig at mga taong pinagtagpo ng paulit ulit ngunit hindi nabigyan ng
pagkakataong magtagal. Gusto mo pa bang magmahal kung alam mong masasaktan ka lang? O
pipiliin mo paring sumugal kahit alam mong sa huli ay talo ka lang?

Masayang tumakbo palabas ng bahay ang batang si Jayden nang sabihin ng kanyang ina na
maaari na siyang makipaglaro sa kanilang mga kapitbahay. Alas tres na ng hapon at
naglalabasan na rin ang kanyang mga kalaro. Nakagawian nilang magkakaibigan na
magbasketball sa court na katabi ng liwasan sa kanilang subdivision. Pagkatapos ay uuwi sila sa
kani kanilang bahay upang kunin ang kanilang mga bisikleta at mag ikot sa kanilang lugar
hanggang sa dumilim. Isang araw naisipan ni Jayden na mag bisikleta mag isa. Nang makarating
siya sa liwasan ay may nakita siyang batang babae na nagduduyan mag isa. Nagdadalawang isip
siya kung lalapitan niya ba ang bata o hindi ngunit dahil lubos siyang palakaibigan ay napag
desisyunan niyang lapitan ito. Iniwan niya sa ilalim ng puno ang kanyang bisikleta tiyaka siya
umupo sa kabilang duyan. Nagulat ang batang babae ngunit nginitian niya lamang ito. Ngumiti
din si Jayden at nagpakilala. Nalaman niya na ang pangalan ng bata ay Enaira Jay. Natuwa si
Jayden dahil parehas silang may Jay sa pangalan. Mabilis namang gumaan ang loob ni Enaira kay
Jayden dahil siya ay palatawa at madaldal. Nag kwentuhan pa ang dalawang bata at nalaman ni
Jayden na bagong lipat lang sila sa subdivision. Masayang naglaro at nagkwentuhan ang
dalawang bata hanggang sa sumapit na ang dapit hapon. Napag usapan nilang dalawa na
magkita ulit sa liwasan kinabukasan upang maipakilala ni Jayden ang iba pa niyang kaibigan.
Umuwing naka ngiti si Enaira at masayang nag kwento sa kanyang ina na may nakilala siyang
kaibigan.Sa sumunod na araw, kagaya ng napag usapan ay nagkitang muli ang mga bata at
kasama ni Jayden ang iba pa niyang mga kaibigan. Habang naglalaro sila ay hindi mapigilan ni
Jayden na ngumiti nang makita niya ang napaka among mukha ni Enaira. Sa lumipas na araw,
buwan at taon ay naging matalik silang magkakaibigan at hindi maikakaila ni Jayden na nagkaka
gusto na siya kay Enaira. Ilang beses na niyang sinubukang umamin ngunit naduduwag ito at
iniisip na baka layuan siya nito. Sa kabilang banda ay palihim din si Enaira na nagtatago ng
nararamdaman para kay Jayden. Mga araw, buwan at taon na ang lumipas ay solido parin ang
samahan nilang magkakaibigan at napag desisyunan na ni Jayden na umamin kay Enaira kahit
hindi siya sigurado sa kalalabasan ng kanyang pag amin.

Unang araw ng senior high school, excited na pumasok si Jayden nang malaman niyang pare
parehas silang magkakaibigan ng papasukang paaralan at mas lalo siyang nagalak nang
malaman na sa parehas ding paaralan papasok si Enaira. Maaga siyang lumabas ng bahay at
dinaanan si Enaira sa kanilang bahay. Pag dating niya roon ay ang mama ni Enaira ang
sumalubong sa kanya. Bumati siya ng magandang umaga at pina tuloy sa loob para hintayin si
Enaira. Sa isip ni Jayden ay pagkakataon na para ipaalam sa mama ni Enaira na liligawan na niya
ito. Ngumiti lamang ang mama ni Enaira at sinabing kung ano man ang desisyon ng kanyang
anak ay papayag siya dahil kilala naman na niya ang binata. Nang pababa na siya ng hagdan ay
natigil ang pag-uusap nila at hindi maiwasan ni Jayden na matulala dahil sa angking kagandahan
ni Enaira. Simple lang na tinali nito ng pataas ang kanyang buhok na bumagay sa suot na niyang
uniporme. Natauhan na lamang si Jayden nang napansin niya ang ilaw na kumislap sa kanyang
mata kasabay ng halakhak ni Enaira. Kinuhanan nito ng litrato habang naka tulala at naka bukas
ang bunganga. Tumakbo agad si Enaira pabalik sa kanyang kwarto nang akmang hahabulin na
siya ni Jayden upang mabura ang litrato. Naka ngiti namang pinagmamasdan ng mama ni Enaira
ang magkaibigan at hindi maiwasang mapangiti sabay sabing "dalaga na nga ang anak ko at
hindi na maiiwasang may magka gusto sa kanya". Matapos mag-habulan ang dalawa ay bumaba
na sila nang nag aasaran parin dahil hindi naagaw ni Jayden and cellphone at hindi parin
nabubura ang kanyang litrato kaya tawa parin ng tawa si Enaira. Nag hain ng agahan ang mama
ni Enaira para sa kanilang dalawa at pagkatapos kumain ay sabay na silang lumabas papunta ng
paaralan. Saktong pag labas nila ay dumaan naman ang iba pa nilang kaibigan kaya panunukso
ang inabot ni Jayden dahil alam ng iba nilang kaibigan ang nararamdaman niya kay Enaira.
Bilang pag sagot ay inirapan lang ni Enaira ang mga kaibigan at nauna nang naglakad. Malapit
lamang sa kanilang subdivision ang paaralan kaya nilalakad na lamang nila ito.

Pagpasok nila sa paaralan ay hindi maiwasang pag tinginan ng mga lalaki si Enaira kaya sa inis ni
Jayden ay bigla niya itong inakbayan. Gulat na gulat naman ang reaction ni Enaira ngunit
hinayaan na lang din ito dahil nagalak din naman siya sa ginawa ni Jayden. Pagpasok sa kanilang
classroom ay agad namang inalis ni Enaira ang pagkaka akbay ni Jayden at dumiretso siya sa
pinaka likod na upuan. Likas siyang mahiyain kaya't tanging sila Jayden lang ang kilala niya.
Mayroon namang mga lumapit na babae sa kanya upang magpakilala at makipag-kaibigan.
Nang makita ni Jayden na may mga papalapit na lalaki sa kanya ay agad din siyang tumabi kay
Enaira at pinag masdan ang mga kalalakihan. Kaya't imbes na lumapit pa ang mga ito ay
kumaway na lang ang mga lalaki at sinabi na lang ang kani kanilang mga pangalan.

Sa sumunod na araw, nagpatulong si Jayden sa kanilang mga kaibigan para i surprise si Enaira.
Ang napag usapan ay pagkatapos ng klase sa park kung saan sila nagkakilala gaganapin ang
surpresa. Lumipas ang buong araw ng kanilang klase at hangang hanga lahat ng mga kaklase nila
Jayden at Enaira dahil sa mga angkin nilang katalinuhan ganun na din sa iba pa nilang mga
kaibigan. Pagkatapos ng klase ay nagtakbuhan palabas ng paaralan sina Jayden at kanilang mga
kaibigan at iniwanan si Enaira.Sinadya nilang gawin ito dahil alam nilang madadaanan ni Enaira
ang park. Inis na inis siyang naglakad pauwi mag-isa dahil sa ginawa ng mga kaibigan. Habang
nag lalakad ay nag-iisip na siya ng paraan kung pano sila gagantihan ngunit napatigil siya sa pag-
iisip nang makita niya ang kanyang mga kaibigan. Gigil na gigil siyang lumapit sa kanila ngunit
napalitan ng pagkagulat ang expression sa kanyang mukha nang makita niya ang set-up ng mga
kaibigan. Isa-isa silang lumapit kay Enaira at nag bigay ng tulips. Bawat bulaklak ay may naka
lagay na litrato. Simula pagkabata ay walang ka alam alam ni Enaira na kinukuhanan sila ng
litrato ng kanyang mama at sa di inaasahang pagkakataon ay magkakilala at magkaibigan din
ang kanilang mga magulang. Tuwang tuwa na lumuluha si Enaira habang tinatanggap ang mga
bulaklak at nang maibigay na lahat ay humarap si Jayden na may hawak na bannner at may naka
lagay na "pwede ba kitang ligawan". Mahinang inihampas ni Enaira ang bulaklak sa kanya sabay
sagot na hindi. Biglang lumungkot ang mukha ni Jayden sa kanyang sinabi ngunit tumawa lang si
Enaira sabay sabing hindi pa siya tapos magsalita.Tinuloy niya ang pananalita at sinabing hindi
na niya kailangan pang manligaw dahil sinasagot na niya ito. Mga dalaga at binata na sila at
pinayagan naman na sila ng kanilang mga magulang basta't alam nila ang kanilang mga
limitasyon. Sa sobrang saya ni Jayden ay napayakap na lang siya kay Enaira at naghiyawan
naman ang kanilang mga kaibigan. Kinabukasan wala nang lumalapit at nagtatangkang manligaw
kay Enaira dahil pagkatapak na pagkatapak nila sa gate ay ipinagsigawan ni Jayden na girlfriend
na niya ito. Araw-araw ay sabay na silang pumapasok, kumakain at umuuwi. Sa paglipas ng
panahon ay naging mas matibay ang kanilang samahan at hindi naman sila binawalan ng
kanilang mga magulang dahil tiwala sila sa kanila na napalaki silang maayos at mabubuting
binata at dalaga. Tinagurian naman silang legendary couple ng school dahil si Enaira ang top 1
achiever ng school at pumapangalawa naman si Jayden.

Dumating ang araw ng kanilang graduation ngunit imbes na matuwa si Enaira ay naging
matamlay siya at malungkot ang expression ng mukha. Bagamat hindi pa siya kinakausap ng
kanyang ina ay alam na nito ang dahilan. Aalis sila sa bansa at sa Canada na siya mag-aaral ng
kolehiyo kung saan naroon ang kanyang ama. Hindi pa man ito nababanggit ni Enaira kay Jayden
ay lalo na siyang nalulungkot sa magiging reaksyon nito. Nag umpisa na ang programa at
umabot na sa speech ni Enaira. Dito na siya nagbibigay ng mga kakaunting pahiwatig na siya ay
aalis. Napapansin ito ni Jayden ngunit sa isip ay baka sa paaralan lamang siya nagpapaalam.
Hindi niya lubos akalain na sa kanya na pala ito nagpapaalam. Pagkatapos ng speech ni Enaira ay
hindi na niya mapigilang umiyak nang pababa na siya ng stage. Sinalubong siya ng yakap ng ina
at pinatahan tska niya tinawag si Jayden upang sila ay makapag usap. Buong lakas na sinabi ni
Enaira kung ano ang mangyayari at hindi na maipinta ang mukha ni Jayden sa kanyang naririnig.
Matagal na palang alam ni Enaira na siya ay aalis ngunit hindi nito sinasabi. Kaya sa galit ni
Jayden ay tumakbo siya paalis at hindi na nagpa pigil sa sigaw ni Enaira. Wala namang nagawa
ang mama nito kundi yakapin na lang siya upang tumahan kahit sandali. Ilang araw na hindi
nakipag usap si Jayden kay Enaira at ilang araw na din siyang naglulugmok sa bar ng kanilang
pamilya. Sa kanyang paglulugmok ay may nakilala siyang babaeng nagngangalang Madelaine.

Dumating ang araw ng flight ni Enaira at inaasahang darating si Jayden. Kahit hindi ito nakikipag
usap ay araw araw paring humihingi ng tawad si Enaira at sinasabi parin kung ano ang mga
ganap sa kanyang araw. Sinubukan din niya itong dalawin sa kanila ngunit hindi niya naabutan
dahil kung minsan ay umaga na siya umuuwi. Sa huling pagkakataon ay sinubukan ni Enaira na
puntahan si Jayden sa kanilang bahay upang sana maging maayos sila bago siya umalis. Maaga
siyang pumunta sa kanilang bahay ngunit bigo siya dahil hindi na naman umuwi si Jayden.
Nakiusap siya sa mama ni Jayden kung maaaring hintayin niya ito at pumayag naman siya. Nang
marinig ni Enaira ang boses ni Jayden ay tumayo siya at sinalubong ito. Ngunit imbes na si
Jayden ang magulat sa presensya niya ay siya ang nagulat dahil may kasama at kalandian itong
babae, siya si Madelaine, ang babaeng nakilala niya sa bar. Sa gulat ni Enaira ay napatakbo na
lang siya palabas ng kanilang bahay at dumiretso na sa sasakyan nilang naghihintay sa kanya.
Doon na nagising sa katotohanan si Jayden na animo'y nabuhusan ng malamig na tubig. Agad
din siyang tumakbo palabas ng kanilang bahay at nagbabakasaling maabutan niya sa Enaira.
Nakita niya ang kanilang sasakyan na palabas na ng subdivision kaya tumakbo siya papasok ng
bahay at agad ding pinaharurot ang kanyang sasakyan. Naiwang tulala ang babaeng dinala niya
sa kanilang bahay na walang kamalay malay kung ano ang nangyayari. Nahabol niya ang
kanilang sasakyan at bumubusina ito at sumesenyas na tumigil ngunit nagmatigas si Enaira at
sinabing ideresto lang ang sasakyan. Umabot sila sa airport at bago pa man maka pasok si
Enaira ay nahabol siya ni Jayden. Hinatak ni Jayden ang kamay niya at pag harap nito ay isang
malutong na sampal ang inabot niya tsaka umalis si Enaira. Umuwing umiiyak si Jayden at dahil
hindi mapigilan ang damdamin ay pinaharurot niya ang kanyang sasakyan at sa hindi inaasahang
pagkakataon ay nawalan siya ng preno dahilan para mabunggo ang kanyang sasakyan.
Maswerteng nakita siya ng isa nilang kaibigan at siya na ang nagtakbo sa kanya sa hospital.
Tinawagan ng kanyang kaibigan ang ina nito at agad naman siyang pumunta. Lumuwag naman
ang nararamdaman ng ina nang malaman na nasa mabuting kalagayan na ito.

Taon na ang lumipas at nanatiling naghihintay si Jayden sa pagbalik ni Enaira. Hindi na siya
naghanap pa ng ibang babae dahil nagbabakasakali siyang sila parin sa huli. Tapos na sila sa
kolehiyo at nakahanap na rin siya ng magandang trabaho. Sa kabilang banda ay nagdadalawang
isip si Enaira kung magaayos ba siya ng kanyang mga gamit. Tila hindi pa siya handang harapin si
Jayden dahil sa nangyari. Alam niyang matagal na ang nangyari ngunit hindi parin niya
nakakalimutan ang sakit na kanyang nararamdaman. Uuwi na siya sa Pilipinas at tanging ang
mga kaibigan lang nila ang nakakaalam. Hindi niya pinasabi kay Jayden na darating siya. Kahit
nasa Canada siya ay alam niya ang mga kaganapan sa kanyang buhay. Alam niya din ang
nangyaring aksidente kay Jayden ngunit piniling maging matatag dahil kahit dama niya parin ang
sakit ay hindi parin niya maiwasang mag-alala. Gayunpaman ay nag ayos na siya ng kanyang
gamit at dumiretso na sa airport. Nagpaalam na siya sa kanyang mga magulang na maiiwan na
sa Canada. Hapon na nang makarating siya sa Pilipinas at isa sa kanilang mga kaibigan ang
sumundo sa kanya. Pagdating sa kanilang bahay ay naghihintay ang iba pa nilang mga kaibigan
na masayang sumalubong sa kanya. Mga pang aasar na "uy pumuti ka na" "asan na ang
pasalubong namin" "nakapag asawa ka na ba ng puti" at iba pang mga pang aasar kaya't napuno
ng tawanan ang kanyang bahay. Mayroon silang kaunting salo salo at habang kumakain ay
nagulat sila sa kalampag ng gate. Nasa labas si Jayden at lasing na sinisigaw ang mga katagang
"Enaira nanjan ka na ba? Ang tagal ko nang naghihintay sayo. Harapin mo ako". Bawat pag sigaw
ay ramdam ang sakit at pagsusumamo ni Jayden na harapin siya ni Enaira. Nag prisinta ang isa
nilang kaibigan na siya na ang sumalubong ngunit pinigilan siya ni Enaira at sinabing siya na ang
bahala. Lumabas si Enaira at ang kanina'y nag iingay na Jayden ay biglang natiklop sa presensya
niya. Halo halong emosyon ang kanyang naramdaman. Hindi niya alam kung yayakapin ba niya
ito o luluhod sa harapan niya upang humingi ng patawad. Ilang sandali na katahimikan ang
namagitan sa dalawa bago muling nakapag salita si Jayden. Tinanong niya si Enaira kung bakit
hindi siya nag sabi na uuwi siya at simpleng sumagot si Enaira na siya lang ang hindi nakaka
alam dahil nasa loob ang iba nilang kaibigan. Dulot ng impluwensya ng alak ay nagalit siya at
bigla niyang itinulak si Enaira at dali daling pumasok sa kanyang bahay. Nilapitan niya ang isa sa
kanilang kaibigan at bigla na lamang niya itong sinuntok at sinisigawan na bakit hindi nila sinabi.
Pinipigilan siya ng iba nilang kasama at inintindi na lang na siya ay lasing. Nanahimik lang siya
nang sumigaw din si Enaira na hindi niya talaga pina alam sa kanya. Humingi siya ng tawad at
nagmakaawang kausapin siya ni Enaira. Tanging sagot lang nito ay "umuwi ka na at kakausapin
kita kapag nasa tamang pag iisip ka na". Sinunod naman ni Jayden ang sinabi nito at hinatid na
siya ng mga kaibigan niya. Kinabukasan ay maagang pumunta si Jayden sa kanyang bahay na
may dalang tulips na paborito niyang bulaklak. Nag usap ang dalawa at sinubukan ni Jayden na
ayusin kung ano man ang naudlot nilang pag mamahalan ngunit ang tanging sinasagot lang ni
Enaira ay patawad dahil hindi pa siya handang magka ayos sila kahit ilang taon na ang
nakakalipas. At kung totoo man na gusto niyang itama ang nagawang pagkakamali ay hihintayin
niya si Enaira kahit gaano pa katagal. Mariing tinanggap ni Jayden ang kanyang sagot at lumabas
na ng kanyang bahay. Hindi rin nag tagal si Enaira sa Pilipinas at piniling bumalik na lang sa
Canada upang doon magtrabaho.

Tatlong taon na ang nakakalipas. Kagaya ng ipinangako ni Jayden ay hinintay niya parin si Enaira
kahit na walang kasiguraduhan na babalik pa siya sa buhay niya. Inayos ni Jayden ang kanyang
buhay. Isa na siyang matagumpay na inhinyero. Kahit walang kasiguraduhan ay nagpatayo siya
ng bahay kung saan ay plinano niyang mag umpisa ng pamilya kasama si Enaira. Habang
naglalakbay si Jayden papunta sa kanyang opisina ay ibang kaba ang nararamdaman niya ngunit
hinayaan niya ito at dumiretso parin upang makapag trabaho. Pagbaba niya ng sasakyan ay
nakita niya agad ang babaeng naka tayo sa harap ng front desk ng kanyang opisina. Hindi siya
nagkakamali sa nakikita dahil kahit likod lamang niya ay alam na alam na niyang si Enaira yun at
nang humarap nga siya ay hindi na napigilan ni Jayden ang sarili at tumakbo na siya upang
salubungin ng yakap si Enaira. Lumuluha ito sa sobrang saya na bumalik na ang taong napaka
tagal niya hinintay. Bumalik na ang taong akala niya ay ipinag kait na ng tadhana sa kanya. Hindi
na rin nagpa pigil ng damdamin si Enaira at niyakap na niya ito pabalik. Sinong mag aakala na
ang legendary couple ng kanilang paaralan nung senior high school ay siya ding nagkatuluyan sa
huli. Hindi na nagpa ligoy ligoy pa si Jayden at agad na niya itong inayang magpakasal. Hindi na
rin nag dalawang isip si Enaira at nangako sila na sa pagkakataong ito ay pipiliin na nilang
lumaban pareho para sa kanilang pagmamahalan.

You might also like