You are on page 1of 1

ILAR, RANDY JR. F.

BSGE 1A

“Mandatory Drug Test For


Elementary and High School”

Bago ko simulan ang aking talumpati, hayaan niyo muna akong bumati. Sa ating makisig
na guro na si Ginoong Arrocena, sir, sa ating actibong mayora na si Binibining Sanchez Par at sa
inyong lahat ng handang making sa aking harapan, isang maganda at maaliwalas na umaga sa
ating lahat. Mandatory Drug Test for Elementary and High School. Ano nga ba ang
“mandatory”? Ito ay pagsasagawa ng isang bagay na sa ayaw at sa gusto mo ay isasagawa parin
ito.. Drug test? Ito ay paraan upang malaman kung ang isang tao ay gumagamit ng
ipinagbabawal na gamot o mas kilala bilang “drugs”. Bakit nga ba sinusubukan ng mga tao ang
paggamit ng droga kait alam na nila na ipinagbabawal ito? Karamihan sa mga ito ay depresyon
ang pangunahing rason pero ang tanong sa ating lahat ay ano nga ba ang magandang naidudulot
nito sa atin? Sa panahon ngayon, wala nang pinipiling edad ang mga napapagamit ng droga,
mapa bata man o matanda man at babae man o lalaki dahil sa masamang impluwensiya mula sa
ating kapaligiran. Ang pagsasagawa ng mandatory drug test sa mga elementary at high school na
pairala ay magandang proyekto dahil kung sila man ay nag positibo dito mula kanilang murang
edad ay maituwid pa ang kanilang magulong mundo at ang kanilang maling tinatahak na daan ay
maiwasto. Kung sa ilan ay di sumasang-ayon dito marahil ang kanilang kadahilanan ay hindi
magagawa ng mga bata ito dahil sila ay nasa murang edad pa lamang ngunit ang tanong ay may
mawawala ba kapag sila ay nagpa-drug test, di ba wala naman? Bagkus ay mas mapapagaan pa
ang pakiramdam ng kanilang mga magulang kung ang kanilang mga anak ay nag negatibo sa
illegal na droga, at sa mga magulang naman na nalaman na nagpositibo ang kanilang mga anak
ay magpapasalamat padin dahil habang maaga pa ay natuklasan na nila na mayroon ng maling
nangyayari at sa maagang panahong ito, mas magkakaroon pa sila ng oras upang itama ang mali
at mas pagtuonan ng pansin ang paggabay nila sa kanilang anak. Payo ko lamang po sa mga
magulang na nakikinig sa akin, nawa’y pagtuonan natin ng atensyon an gating mga anak upang
magabayan natin sila patungo sa tuwid at tamang landas. Iyon lamang po at bago ko tapusin ang
aking talumpati, nawa’y pagbigyan niyo ako na mag iwan ng katagang “Kung tayo man ay
tumatahak sa maling landas, huwag nating kakalimutan ang Diyos na handang gumabay sa atin
patungo sa magandang landas”. Maraming salamat po!

You might also like