You are on page 1of 1

“Itaas ang sahod ng mga guro!

Sa lahat ng mga nag tratrabaho sa gobyerno ,ang mga guro sa pampublikong eskuwelahan ang
maituturing na aping-api pag dating sa sweldo ang pag uusapan. Bakit aping api? Base sa salary grade o
pamantayan ng sweldo sa kaguruan na inilatag ng DBM at DepEd, Ang may pOsition na teacher 1 at may
salary grade 11 ay kikita ng minimum na 18,549.00 peso buwan buwan. Ngunit kaakibat nito ay na
pakaraming trabaho at lawak ng responsibilidad nila. Ang mga ka guruan ay minsan ay nagiging social
worker ng DSWD para sa mga bakuna ng mga studyante. Isabay pa ang mga pag baba ng mandatory
drills para sa lindol at mga sakuna mula sa PDRRMO o LGU’s. Alam naman natin na bukod sa pag tuturo
ay nagiging clerk pa ang mga guro sa isang damakmak na papeles na kailangan nilang tapusin. Idagdag
pa dito ang R.A. 10912 o kilala bilang CPD LAW (Continuing Professional Developmemt), ito ay
kinakailangan para maka pag pabago ng lisensya ng tanang kaguruan. Ang masakit pa dito ay isa itong
batas at sinang ayunan ng PRC (Professional Regulation Commission). Ang mga kaguruan ang
humuhubog sa kaisipan ng mga bata para matutong bumasa at sumulat. Sa kanilang mga kamay
nakasalalay ang mga maka bagong kabataan sa maka bagong henerasyon. Kung wala ang mga guro ,
paano na kaya ang mangyayari sa isang bansa? Isipin natin kung walang magtuturo sa mga bata.
Kawawa ang bansang walang guro.

You might also like