You are on page 1of 12

PANIMULA

Napanood mo ba ang nakaraang kabanata ng palabas sa telebisyong


May Bukas Pa, na pinagbibidahan ni Zaijian Jaradilla, ang Miracle Boy, kung
saan si Donya Anita ang sinisisi sa pagkamatay ng isang magsasaka? Isa
lang ang namatay sa insidenteng iyon ngunit halos lahat ng kamag-anak at
mga magsasakang konektado sa namatay na si Mang Policarpio ay napuno
ang sama ng loob kay Donya Anita. Dahil sa kasakiman ni Donya Anita,
pinaalios niya ang mga tao sa lugar na iyon at sinabing siya ang legal na
may-ari ng lupa.

Ngunit, anong kinahantungan sa kontrabida ng mga magsasakang si


Donya Anita? Si Donya Anita ngayon ay napakulong. Sa napakagaling na
pagpapalanong paghihiganti ng magkapatid na Gonzalvo at Martin
Policarpio, nagawa nilang ipakulong si Donya Anita sa kabila ng pagiging
malapit at pagtuturing sa kanilang pamilya ni Donya Anita.

Ang kwentong isinulat ni Deogracias Rosario na may pamagat na


Walang Panginoon ay may pagkakatulad sa nabanggit na kabanata ng
naturang palabas. Ang kuwento ni Deogracias A. Rosario, Walang Panginoon,
ay umiikot sa isang maralitang pamilya at sa kanilang pakikipagtunggali sa
mga mayayamang nagsasamantala sa kanila. Mababatid ang pagtatagisan
ng dalawang puwersa, ang naghaharing uri na kinakatawan ni Don Teong at
ng mababang uri na makikita sa tauhang si Marcos. Ang maikling kwentong
ito ay nagpapakita ng katatagan at pagiging makatao. Lahat tayo’y ayaw
maging alipin, kung kaya’t nararapat na walang sinuman ang dapat
magpapa-alipin.

TALAMBUHAY NG MAY-AKDA
DEOGRACIAS A. ROSARIO
Si Deogracias A. Rosario ay isinilang sa Tondo, Maynila noong Oktubre
17, 1894. Nagsimulang magsulat noong 1915 sa Ang Demokrasya. Taong
1917 naman ng magsimula siyang sumulat sa Taliba. Si Deogracias A.
Rosario ay ang Ama ng Maiikling Kwentong Tagalog sa bansa. Sumusulat din
siya sa ilalim ng mga alyas na Rex, Delio, Dante A. Rossetti, Delfin A. Roxas,
DAR, Angelus, Dario at Rosalino. Isa nang manunulat sa gulang na 13, una
siyang nagsulat para sa Ang Mithi, isa sa tatlong naunang pahayagan sa
bansa na nakatulong nang husto sa pag-unlad ng maikling kwentong
Tagalog.

Naging manunulat siya ng Ang Democracia noong 1915 at nang


kinalaunan ay nagsulat din siya para sa Taliba, na naglulunsad ng buwanang
patimpalak para sa tula at maiikling kwento. Sa Taliba, tumaas ang kanyang
posisyon bilang katulong ng patnugot at sa huli, ay naging patnugot.
Nagsulat din siya para sa Photo News, Sampaguita at Lipang Kalabaw.

Kasama sina Cirio H. Panganiban, Amado V. Hernandez, Arsenio R.


Afan at iba pa, si Rosario ay isa sa mga pangunahing taga-ambag sa
Liwayway.

Naging myembro rin si Rosario ng iba't ibang asosasyon ng mga


manunulat. Kabilang dito ay ang Kalipunan ng mga Kuwentista, Aklatang
Bayan, Katipunan ng mga Dalubhasa at ang Akademya ng Wikang Tagalog.
Naging Pangulo siya ng Samahang Ilaw at Panitik, Kalipunan ng mga
Kuwentista at Kalipunan ng mga Dalubhasa ng Akademya ng Wikang
Tagalog na may mga prominenteng kasapi tulad nina T.E. Gener, Cirio H.
Panganiban, at Jose Corazon de Jesus.

Sa ginawang pagsusuri ni Dr. Genoveva Edroza Matute, guro at


kwentista sa mga akda ni Deogracias A. Rosario ay ganito ang kanyang
sinabi:

"Kadalasang ginagamit niya (Deogracias A. Rosario) bilang


pangunahing tauhan ang mga alagad ng sining, bohemyo at kabilang sa
mataas na lipunan; maliban sa ilan, iniiwasan niyang gumamit ng mga
tauhang galing sa masa; at paulit-ulit na lumilitaw sa kanyang mga akda ang
mga tauhang galing sa ibang bansa, ngunit sa pagbabalik sa tinubuang lupa
ay nagiging makawika at makabayan".

Ang ilan sa kanyang mga akda ay Ako'y Mayroong Isang Ibon, Ang
Dalagang Matanda, Manika ni Tadeo, Aloha, Bulaklak ng Bagong Panahon,
Dahil sa Pag-ibig, Ang Anak ng Kaniyang Asawa, Dalawang Larawan Ang
Geisha, Mga Rodolfo Valentino at iba pa. Ang pinaka-obra maestra ni Rosario
ay ang Aloha na kasama sa katipunang 50 Kwentong Ginto ng 50 Batikang
Kwentista. Nakita sa kanyang mga akda ang palatandaan ng paghihimagsik
sa kinamulatang tradisyon ng maikling kuwento.
Gumawa rin siya ng mga salin tulad ng “Ang Puso ng Geisha” at “Ang
Mapaghimagsik”.

Nagsulat din si Rosario ng mga titik sa Tagalog ng ilang mga awit na


binuo nina Nicanor Abelardo at Francisco Santiago. Kabilang sa mga kanta
na ito ay ang “Mutya ng Pasig”, “Dignity of Labor” (tagalog na bersyon),
“Cancion Filipino”, “Sakali Man”, “Alma Mater Commencement Exercise” at
“The Piece of Night”.

Pinaragalanan ni Teodoro A. Agoncillo ang kanyang akda na, “Mayroon


Akong Isang Ibon”, bilang isa sa pitong pinakamagandang maikling kwento
na naisulat sa panahon ng Amerikano, noong 1932. Isang taon matapos nito,
siya ang idineklarang pinakamagaling na manunulat ng maikling kwento
para sa akda niyang “Aloha”.

Binawian ng buhay si Deogracias A. Rosario sa gulang na 42 noong


Nobyembre 26, 1936.
BUOD

Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Marcos na sukdulan


ang galit sa mayamang asenderong si Don Teong. Si Don Teong ang
kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit
namatay sa sama ng loob ang ama, dalawang kapatid, at kasintahan ni
Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita, anak ni Don Teong. Ilang
beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay galit kay Don Teong,
kung hindi lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si
Don Teong. Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi lamang
simpleng pang-aalipin sa pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang
dangal at pagkatao.

Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang


sinasaka kahit na ito’y kanilang minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa
walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang karapatan, napipilitan silang
magbayad sa kanilang sariling pag-aari. iyan ang dahilan ng pagkamatay ng
kaniyang ama at dalawang kapatid. Namatay silang punung-puno ng sama
ng loob kay Don Teong na matagal nilang pinagsilbihan. Lalong sumidhi ang
galit ni Marcos kay Don Teong nang malaman niyang ang ahilan ng
pagkamatay ng kaniyang kasintahang si Anita ay si Don Teong. Sinaktan ni
Don Teong si Anita na siyang ikinamatay nito. Sa dami nang mga nawalang
mahal sa buhay ni Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig ang
animas, ang malungkot na tunog ng kampana. Hidni pa aman humuhupa
ang galit niya, siya namang pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na
sila ay pinaaalis na sa kanilang tahanan, ngayon pang malago na ang
kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong pagbubukid.
Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit upang lisanin ang lupang
kanilang tinitihan. Alam niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay
kagagawan ng mapangsamantalang si Don Teong.

Dahil sa galit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip


siya ng paraan kung paano siya makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos
nang tulad ng kay Don Teong at kaniyang pinahihirapan ang kaniyang
paboritong alagang kalabaw. Ginawa niya iyon upang magalit ang kalabaw
sa imahe ni Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang bawat kilos ni
Don Teong at inabangan niyang mamasyal sa bukid si Don Teong nag
hapong iyon. Pinakawalan niya ang kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin
ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan, huling araw na pananatili ng
mag-ina sa bukid, habang nagiimpake na sila ng kanilang mga gamit, mabilis
na kumalat ang balitang patay na si Don Teong. Mahinahong pinakinggan ni
Marcos ang malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad ng dati na ayaw na
ayaw niya itong marinig. Sa halip na ipanalangin niya ang kaluluwa ng
namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kaniyang matapang na
kalabaw.
Nakasuot ng pulinas,
[ KAsukdulan ] ng pananamit
gora, at switer (tulad
BANGHAY
ni Don Teong) at may dalang latigo na tulad ng kay Don
Teong, pinahirapan ni Marcos ang knaiyang kalabaw
hanggang sa ito ay mahirapan. Nakita ng kalabaw si Don
isang hapon at agad itong sinuwag ng kaniyang mga
sungay.

[ KAKALASAn ]
Nang umagang handa nang
umalis ang mag-ina sa kanilang
tinitirhan, umalingasaw naman sa
buong bayan ang balita tungkol
sa pagkamatay ni Don Teong.
[ Patindi nang Ikinagulat ito ng ina ni Marcos at
Patinding Kawilihian ]
Nakatanggap ang mag-inang
ito naman ay kinatuwa ni Marcos.

Marcos ng kautusan sa galing


sa korte kung saan sila ay
dapat nang umalis sa kanilang [ Katapusan ]
Walang nahuling kriminal sa
lupang sinasaka at tinitirhan.
Ang kautusang iyon ay pagkakapatay sa mayamang
kanilang natanggap dahil sa si Don Teong dahila ang
kanilang kawalang kakayahan naging sanhi naman ng
na bayadan ang buwis nito. kaniyang pagkamatay ay
Lalo nang nag-apoy ang galit isang kalabaw lamang. Hindi
ni Marcos kay Don Teong dahil na naiinis si Marcos sa tuwing
alam niyang ito ay pakana na maririnig ang animas dahil
naman ng asenderong iyon. naipaghiganti na siya ang
kaniyang mga nawalang
mahal sa buhay.

[ SIMULA
] ay naiinis dahil
Si Marcos
ayaw niyang marinig ang
animas na naghuhudyat sa
paggunita sa mga kaluluwang
yumao na kabilang ang
kaniyang ama at dalawang
kapatid.
PAGSUSURI

TAUHAN
MARCOS

Siya ang pangunahing tauhan sa kwento na punung-puno ng galit


sa asenderong si Don Teong.

Sa simula ng kwento, si Marcos ay nagdedeliryo habang naririnig ang


tunog ng kampana ng simbahan tuwing ika-walo ng gabi. Sa bagay na iyon,
naipakita ni Deogracias Rosario na marami na talaga ang mga paghihirap na
nadanas ni Marcos at parang nagka-‘phobia’ na si Marcos dito. Napansin ko
rin na madalas kausapin ni Marcos ang kaniyang sarili at bawat dayalogo
niya sa kwento ay nagtatapos sa panandang-pandamdam. Naisip ko tuloy na
laging pasigaw ang kaniyang mga linya. Ang mga linyang iyon ni Marcos
para sa akin ay nakadagdag damdamin sa takbo ng kwento. Sa simula pa
lang ng kwento ay galit na galita na agad si Marcos kay Don Teong. Siya ang
taong may matinding pagsubok at masalimuot na karanasan sa buhay dahil
lamang sa iisang taong nagdulot ng pagkamatay ng kayang ama at
dalawang kapatid, karapatan at minamahal. Sa dami na nag kaniya mahal sa
buhay na nawala, si Don Teong ang talagang sinisisi niya sa pagkawala nila,
kya ganoon na lamang ang kaniyang pagkagalit sa asendero. Napuna kong
may pagka-anti-social itong si Marcos. Sa mga ikinikilos niya, napansin kong
si Marcos ay isang taong ang iniisip ay walang magandang bagay ang nasa
mundo. May pagka-anti-social din siya, halimbawa noong inalok siya ng
kaniyang ina na pumunta sa kubo ni Bastian pero di naman siya sumunod.
Iyan ang mga katangian ni Marcos. Pero sa kabila ng mga katangian niyang
ito ay nakaisip pa rin siya ng paraan kung paano siya makakapagiganti kay
Don Teong, iyon ay ang paggamit niya sa kaniyang alagang kalabaw.

Ayon sa aking pagsusuri, maganda ang pagkakatagpi-tagpi ng mga


katangian kay Marcos. May kakaiba siyang katangian. Magaling ang naisip
na paraan ni Marcos kung paano siya makakaganti kay Don Teong. Biruin
niyo yun, sino ba naman ang makakaisip na gamitin ang alaga sa pagpatay?
Ang karakter ni Marcos ay iisa mula sa simula hanggang sa huli ng kwento.
Ang kaniyang gustong mangyari ay nakaharap niya sa bandang huli. Sa
hulihan ng kwento, nang mamatay na ang kaniyang kaaway na si Don
Teong, nawala na ang kaniyang pagdedeliryo sa tunog ng kampana dahil
alam niya sa sarili niya na ang wala na siyang dapat ipangamba pa dahil
wala na si Don Teong sa landas nilang mag-ina.

Ayon sa aking pagsusuri, si Marcos ang simisimbolo sa mga


mabababang uri ng tao sa ating lipunan. Sila ang mga taong palagi na lang
inaapi ng mga mataas na uri ng tao sa lipunan. Sila ang nasa baba ng
tatsulok ng lipunan kung saan ang mga matatas ay ang palaging nasa tuktok
ng tatsulok. Bumagay sa karakter ni Marcos ang awitin ng Bamboo ang
‘Tatsulok’ kung saan sabi sa isa sa mga linya nito: ‘habang may tatsulok at
sila ang nasa tuktok, hindi matatapos ang gulo..’ Si Marcos ang natapos sa
gulo na namamagitan sa mga taong nasa taas at baba ng tatsulok. Pra sa
kaniya, walang panginoon, ibig sabihin, walang nararapat mag-astang hari o
panginoon sa atin dahil ang bawat tao ay nararapat na maging pantay-
pantay.

DON TEONG

Si Don Teong ang mayamang asendero na sinisisi ni Marcos sa pagkamatay


ng kaniyang ama, dalawang kapatid at ni Anita.

Si Don Teong ay katulad di ng ibang karakter sa ibang kwento. Siya


ang kontrabida. Aking sinuri ang kaniyang karakter at ito ang resulta ng
aking pagsusuri.

Si Don Teong ay mayamang asendero na wala nang iba pang hinangad


kundi ang paglago at pagbunga ng kaniyang kayamanan. Siya daw ang
dahilan kung bakit namatay ang anak nitong si Anita na kasintahan naman ni
Marcos. Hindi niya pinahalagahan ang kaniyang anak kaya ang ginawa niya
ay sinaktan ito hanggang sa mawalan ng hininga. Hindi niya matanggap na
ang kaniyang anak ay nakikipagrelasyon sa mga mababang uri ng tao o mga
mahihirap. Tulad ng mga napapanood natin sa telebisyon, ang bidang babae
ay anak ng mayaman at ang bidang lalaki ay mahiap lamang (Yoon ang
tinatawag na langit-lupang pag-iibigan) at ang gagawin naman ng mga
magulang nga mayamang karakter ay paghihiwalayin silang dalawa.

Si Don Teong ay hindi mabait na amo sa kaniyang mga tauhan. Sinabi


nga ni Marcos na siya ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at
dalawang kapatid. Ang kaniyang ama at dalawang kapatid ay matagal nang
naninilbihan sa kanilang pamilya. Sa halip na sila ay panatilihin sa kanilang
trabaho, ang ginawa ni Don Teong ay tinangggal sila sa trabaho at dahil
doon, namatay sa sama ng loob ang kaniyang dalawang kapatid at ama.

Si Don Teong ay isang makapangyarihang tao. Pinagbabayad niya ng


buwis sina Marcos kahit alam niyang hindi naman iyon sa kaniya at iyon ay
kina Marcos. Sinasamantala niya ang pagiging mahirap nina Marcos upang
sila ay patuloy na maghirap. Alam niyang walang kakayahan sina Marcos na
ipagtanggol ang kanilang karapatan sa lupa kaya hinayaan niyang
magbayad ng buwis ang pamilya ni Marcos.

Ayon sa aking pagsusuri, si don Teong naman ang sumisimbolo sa mga


taong matataas ang antas sa lipunan at sila ang mga taong nasa tuktok ng
sinasabing tatsulok ng lipunan. Madalas sila ang mga taong nang-aapi sa
mga nasa ibaba o mga mahihirap. Sila ay mga magagaling manamantala sa
kahinaan ng mga mahihirap sa paligid nila.

INA NI MARCOS

Siya ina ni Marcos na palaging nagpapakalma sa


galit na nararamdaman ng kaniyang anak para kay Don Teong.

Tahimik lang ang ina ni Marcos. Siya ang palaging tagahupa ng galit ni
Marcos kay don Teong. Alam na alam niya kung paano mag-isip ang
kaniyang anak kaya ganoon na lamang siya kaalaga dito. Kahit na siya
mismo ay may matinding galit kay Don Teong, wala siyang ginagawang
paraan kung pano niya mapipigilan ang patuloy na sistemang ito. Hindi man
siya gumawa ng paraan para ipaghiganti ang kaniyang asawa, alam niya sa
sarili niya na Diyos na ang bahala sa pagpaparusa sa taong nagkamali sa
kaniya.

Siya ang taong sumisimbolo sa mga taong nasa ibaba ng


tatsulok ngunit wlang ginagawang hakbang para maputol ang kaniyang
paghihirap. Ang lahat ng bagay sa kaniya ay kaniyang tinatanggap dahil
alam niyang wala siyang magagawa kundi ang tanggapin ang mga ito.

TAGPUAN
KABUKIRAN
Lupang tiniirahan nina Marcos at kaniyang ina na pilit inaangkin ni Don
Teong.

Tulad sa ibang kwento, ang kabukiran ay lupang sinasaka ng mga


kadalasang magsasakang bida. Ayon sa aking pagsusuri, ang kabukirang ito
ang kumakatawan sa ating bansa kung saan ang buhay ng mga mahihirap at
mayayaman ay nagkakasalubong. Sa mga bagay na nangyayari sa ating
bansa, mas naapektohan ang mga mahihirap at ang mga mayayaman
naman ay hindi ganoon kaapektado.

TUNGGALIAN
TAO LABAN SA KAPWA

Kahit na ang mismong nakatalo at nakapatay kay Don Teong ay ang


kalabaw, ang tunggalian pa rin sa kwentong ito ay ‘Tao laban sa Kapwa’. Sa
simula pa lamang ng kwento alam na agad natin ang tunggalian sa pagitan
nina Marcos at Don Teong. Upang makaganti si Marcos sa lahat ng
masamang nagawa ni Don Teong nag-isip siya ng paraan kung paano niya
patutumbahin ito na hindi siya napaparusahan. At yoon nga, naisip niyang
gamitin ang kaniyang kalabaw at sa inaasahang nagawa ito ng maayos ng
kalabaw.
URI NG KWENTO

PANGKATAUHAN

Ang kwento ay pangkatauhan dahil ang ugali at katangian ng mga


tauhan ang nagbigay ganda sa kwento. Ang pagiging agresibo ni Marcos;
pagiging mapang-api ni Don Teong; at pagiging matimpi ng ina ni Marcos.
Ang mga ugali at katangian ng bawat tauhan ang nagpatakbo ng istorya.
Ang lahat ay nagsimula sa pang-aapi ni Don Teong, hanggang sa magalit na
talaga itong si Marcos at ang patuloy na pagtitimpi ng kaniyang ina.

KAKINTALAN
Bisa sa Isip – hindi ko lubos maisip kung paano yoon nangyari kay
Don Teong dahil hindi naman ganoon kaliko ang sungay ng kalabaw para ito
ay makapanuwag ng tao. Napakalakas naman ata ng kalabaw na iyon upang
masuwag niya ang isang tao at nakayanan pa nitong sambutin ito gamit ang
isa pang sungay.
Bisa sa Damdamin – Ang bawat isa talaga sa atin ay mga
nararamamang poot at galit sa ating mga puso na kinakailangang ilabas
upang ang gumaan ang ating nararamdaman. Naramdaman ko kung ano
ang nararamdaman ng isang taong nagpipigil ng kaniyang galit sa isang tao.

Bisa sa Moral – Dapat tayong matutong magpatawad; kung ang Diyos


nga nagpapatawad, tayo pa kayang mga tao. Ating iisipin ang magiging
kalabasan ng ating mga desisyon at mga gagawin sa buhay.

SANGGUNIAN
http://tl.wikipedia.org/wiki/Deogracias_Rosario
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Deogracias_A._Rosario
Filipinos in History. Vol III. Philippine Theater. Manila: National
Historical Institute, 1996.

You might also like