You are on page 1of 1

Pangalan: __________________________ Petsa: _____________________________

Pangkat: ___________________________ Dalubguro: _________________________

FILIPINO II
IKALAWANG MARKAHAN
PANGALAWANG PAGSUSULIT /25
A. Piliin ang wastong sagot na nasa loob ng kahon. Maaring umulit ang kasagutan.

________ 1. Ito ay isang maikling komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuro-kuro ng may akda.
________ 2. Ito ay tumatalakay sa mga paksang karaniwang personal at pang araw-araw nagbibigay lugod o
mapang-aliw sa mangbabasa.
________ 3. Ito ay tumatalakay sa mga seryosong bagay o paksa na nagtataglay ng masusing pananaliksik ng
sumulat.
________ 4. Ito ay isang uri ng sanaysay na kadalasang nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang tao, bagay,
lugar, o pangyayari.
________ 5. Ito ay isang uri ng sanaysay na binibigyang diin ang mga bagay-bagay at karanasan ng may akda
sa isang paksa kung saan mababakas ang kanyang personalidad na para bang nakikipag-usap lamang
siya sa isang kaibigan kaya madali itong maintindihan.

pormal balbal sanaysay salaysay di-pormal komiks

B. Isulat ang DARNA kung tama ang nakasaad na pangungusap. DING naman kung mali.

________ 1. Ang sanaysay ay naglalaman ng tatlong uri.

________ 2. Ang gitnang bahagi ng sanaysay ang pinakamahalaga dahil dito nakasalalay kung ipagpapatuloy ng
mambabasa ang kanyang binabasa.
________ 3. Sa simula ng sanaysay ay ipinapaliwanag na mabuti ang paksang tinatalakay o pinag-uusapan.
________ 4. Ang wakas ang bahaging nagsasara sa talakayang naganap sagitna o katahan ng sanaysay.
________ 5. Ang sanaysay ay isang maikling komposisyon na kadalasang naglalaman ng personal na kuro-kuro ng
may akda.

C. Punan ng mga salita.

Ang _____________(1) ay isang maikling komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuro-kuro ng may
akda, at ito ay may dalawang uri na kung saan ang _____________(2) ay tumatalakay sa karaniwang paksa na
nagbibigay lugod o aliw sa mambabasa, samantala ang ____________(3) ay nagtataglay ng seryosong paksa at
masusing pananaliksik ng sumulat. Ang _____________ (4) ay itinuturing ding maanyo sapagkay pinag- aaralan ng
maingat ang piniling pananalita kaya mabigat basahin. Ang simula, gitna, at wakas ay ang ___________________(5).

D. Sumulat ng isang sanaysay na tumatalakay sa temang “Women Empowerment”. Isulat ang sanaysay sa likod ng
iyong papel. (10 puntos)

Pamantayan: 4 na puntos – nilalaman ng sanaysay


4 na puntos – kaugnayan ng sanaysay sa tema
2 na puntos - gumamit ng tatlong taludtod o talataan

You might also like