You are on page 1of 2

Si Apollo o Apollon ay ang diyos ng liwanag at musika

sa mitolohiyang Griyego. Anak siyang lalaki


ni Zeus kay Leto (Latona), na anak na babae ng
isang Titano. Kapatid at kakambal siyang lalaki ni Artemis.
Apollo rin ang tawag sa kanya sa mitolohiyang Romano.
Binabansagan din siyang Phoibos o Phoebus na
nangangahulugang maliwanag, nakasisilaw, o nagliliyab
dahil sa kanyang angking kabataan at kaakit-akit na
mukha, kaya't ikinakabit siya sa araw o bilang diyos ng
araw na si Helios sa Griyego o Sol sa Romano.[1][2] Kilala
siya ng mga Etruskano bilang Apulu o Aplu.[1]
Bilang diyos ng araw, lagi siyang maaasahan ng tao hinggil
sa katotohanan at maging ng kagandahan, sapagkat
walang kadilimang nagmumula kay Apollo. Wala ring
mabangis na pag-uugali o pag-init ng ulo at galit. Wala ring
takot.[2]
Bilang diyos ng tugtugin, lumilikha at tumutugtog si Apollo
ng musika mula sa isang ginintuang kudyapi o lira. Ngunit
isa rin siyang diyos na bihasa sa pagpana, na nagmamay-
ari at naghahawak ng sandatang pilak na pana.[1][2]
Isa siyang diyos na gumagabay sa tao upang malaman
ang "kagustuhang banal". Bilang tagasunod ni Apollo,
nagtuturo ang kanyang orakulong nasa templo niya
sa Delphi ng mga ukol sa sining, pagbibigay lunas, at
panggagamot o pagpapagaling.[2]

You might also like