You are on page 1of 2

Taekwondo Demo Match

Torres nanalasa sa ikalawang round, pinasingasing si Plaza

TANDAG CITY, Surigao del Sur—Bumirada ng isang dominanteng run si Jo-Ann Torres sa
ikalawang round para trangkuhan nang tuluyan ang blue jinn a si Lyka Plaza sa inihalera nitong
10-8 beating sa isinagawang taekwondo exhibition match na idinaos sa St. Theresa College,
Martes ng hapon.

Nagsalpak ng 9-6 run sa second frame si Toress upang mabawi ang momentum mula sa
kinapos nitong first round rally.

“Kailangan ug diskarte. Kung way diskarte, pildi ka gayod,” sambit ng former Caraga Regional
Athletic Meet (CRAM) qualifier. (Kailangang dumiskarte. Kung wala kang diskarte, matatalo ka.)

Nagpalitan ng agresibong suntok at mga sipa ang magkatunggali sa opening window para
subukang kumaldag ng iskor.

Tumipa ng malalakas na 45-degree kicks at punch combos si Torres at madiskrateng idiniin sa


isang sulok upang makaipon ng isang puntos mula sa penalty ng kalaban, 1-all.

Agresibong umatake si Torres ngunit naungusan ito ni Plaza nang magtala ito ng pushing
violation na tumapos sa nasabing yugto, 1-2.

Kumayod si Torres sa sumunod na round at sinubukang magdomina nang sumalansan ng mga


kombinasyon para kalusin ang 5-2 lead.

Sinubukan ng ‘chung’ na si Plaza na bumawi sa binitawan nitong hit-and-run forefist punches


para igapang sa 5-4 ang kartada.

Humirit ang diskarte ng ‘hong’ na si Torres at makailang-ulit na isinandal sa dulo ng ruweda ang
kalaban para magkamit ng gam-jeom na nagpalobo sa kanyang pagkalamang, 8-5.

Tuluyan nang ikinandado ni Torres ang ikalawang round sa kinamada nitong in-out kicks at
back-leg attack para bumingwit ng 2-0 na bentahe sa nalalabing 30 segundo ng laro.

“Kailangan nako iimprove ang hanging techniques ug ang akong diskarte,” pahayag naman ng
19-year old na si Plaza. (Kailangan kong iimprove ang aking hanging techniques at diskarte.)

Hihirit ang dalawang manlalaro sa gaganaping taekwondo tournament ngayong ika-24 ng


Nobyembre sa Robinsons Mall sa Butuan city.
Pagkadapa at Pagbangon
Sa Ruweda ng Buhay

Maaaninag mula sa isang dako ang kanyang tinndig at ang kayumanggi niyang kutis. Sa maikli
niyang buhok, di aakalain ng nakararami na siya ay isang babae. Nakasuot sa puti niyang roba,
siya ay madalas mo siyang makikitang nasa isang ruweda, abala sa pagbabanat ng buto—
handa nang makipagtagisan ulit at patunyanang hindi pa huli ang lahat para bumangon.

Si Jo-Ann Torres, 19 taong gulang, ay isang taekwondo player na nag-aaral sa St. Theresa
College sa Tandag City sa kursong Bachelor of Science Criminology. Noong siya’y nasa third
year high school, kabilang siya sa mga delegado ng Tandag City para sa Caraga Regional
athletic meet o CRAM. Sa kasawiang palad, nabigo siyang makaabot sa Palarong Pambansa
buhat nang natamo niyang injury sa right ankle na lumusaw sa kanyang pangarap na maging
isang tanyag na taekwondo player.

Labis na naapektuhan si Torres hanggang sa kausapin siya ni G. Roger C. Binas, ang


kasalukuyan niyang tagsanay, na bumalik ulit sa paglalaro ng taekwondo. Dahil sa apat na
taong pagkatigil ni\torres sa paglalaro, maituturing niya parin na isa siyang baguhan sa
nasabing isport.

“Nainjured ko sauna. Abi nako di nako kabalik. Tungod kay niundang ko, mura ra gihapon kog
beginner,” aniya ng tanungin sa isang panayam. (Nainjure ako noon. Akala ko hindi na ako
makakablik.)

Bilin ni Torres sa mga kabataang naghahangad na magin isang taekwondo player na dapat
nilang mag-ensayo ng mabuti para gagsling.

“Kung gusto mudulag taekwondo, training para muimprove. If you want to be strong, learn to
fight alone,” wika niya. (Kung gusto [mong] matutong magtaekwondo, kailangan mong mag-
ensayo. If you want to be strong, learn to fight alone.)

Isang huwarang ehemplo nga kung maituturing si Torres. Sa kabila ng mga dagok na kanyang
hinarap, sinubukan niya pa ring rummesbak at makipagtagisan ulit para mamayagpag sa
ruweda ng buhay.

You might also like