You are on page 1of 1

31 July 2018

Sa mga kinauukulan,

Ako po ay humihingi ng tulong sa inyo na masingil si Romeo M. Yumul sa halagang SAR 6434 saudi riyals,
sa kadahilanang gagamitin ko po ang pera ko sa pag maintain ng health condition ko na napakatagal ko
ng hinihiling na ako ay bayaran dahil kailangang kailangan ko sa medications ko, may hypertension
sickness po ako at left leg tibia disability. PWD po ako, person with disability.

Napakaraming beses ko na pong hiniling na bayaran po ako para sa aking pagpapagamot nguni’t hindi
po niya ako inintindi at puro sarili niya po ang dinadahilan, puro pansariling kapakanan. Nagkamali po
ako ng pagtitiwala sa kanya, itinuring na kapatid nguni’t ang napala ko po ay puro paghihirap at pasakit
sa loob ng 49 months.

Ang nais po niya ay patuloy kong pasanin ang hirap at imbis na siya ang nagdadala nito ay ipinapasa sa
akin ang obligayson niya at problema niya sa pera. Hindi na po makatarungan ang lahat dahil sa
pagbabalewala niya sa kanyang obligasyon na magbayad.

Idinadahilan po niya na pinupuwersa ko siyang magbayad at alam ko naman na walang wala siya, hindi
ko naman po pinupwersa bayaran ng buo, yun lamang pong pambili ko ng gamot at pag maintenance ko
sa sakit ko at kapag na claim na niya ang malaking halaga sa cash benefits niya ay doon pa lamang niya
ako bayaran sa lahat ng kanyang pagkakautang. Pilit na ang gusto niya ang kanyang sinusunod na maling
katwiran. Dapat po ay nagbabayad siya.

Humihingi po ng tulong at suporta.

Gumagalang,

Orlando N. Tuazon Jr.


Nagrereklamo

You might also like