You are on page 1of 2

PAHIMAKAS.

Si Tobias ay isang maralitang mag-aaral na nanggagaling sa probinsya ng Quezon.


Nang siya’y unang nakarating sa napakalaking lungsod ng Maynila, siya’y nabaguhan
sa daloy ng mga kaganapan. Sa probinsya, minsan ka lang makakakita ng kotse ngunit
dito sa Maynila, kahit saan ka lumingon, kahit saan ka pupunta... maririnig mo ang
nakakabinging tunog ng busina ng kotse. Sa probinsya, napakasagana ng mga halaman
kaya mura lang ang presyo ng mga ‘to ngunit dito sa lungsod, hindi likas ang gulay.
Gayunpaman, may mga bagay sa Maynila na hindi maaaring mahahanap sa napakaliit na
probinsya niya. Isang babaeng nagdadala ng walang kupas na karilagan, si Soleidad
Caruz.

Nakilala niya ang unang sinta niya sa kolehiyo na kanyang pinapasukan bilang isang
pantas. Isa sa kanyang mga klase ay masulong na Agham, at dahil sa mga paraan ng
tadhana, naging tulay ito upang makilala niya ng lubusan si Soleidad. Nung una niya
itong nakita, napaghulo niya agad na wala talaga siyang portuna sa dyosa na
nagbabalatkayo bilang kaklase niya. “May lapis ka ba?” Mahinhing tanong ng dalaga—

At sa pagkakataong ‘yon, napaghulo niya rin na isa rin pala itong dyosang walang
lapis.

Sa alegrong daloy ng panahon, nalaman niyang si Soleidad ay isang anak pala ng


mayamang negosyante na nagaari ng mga laganap na negosyo kalat sa Maynila. Ngunit
hindi niya ito nahayadan dahil sa saligan na pagkatao nito. Lalo rin niyang
napagtanto na wala nga, wala talaga siyang pagasa.

Hindi ito nakatigil sa kanilang pagkakaibigan; mga masayang despedida ang naging
wakas sa lahat ng mga lakad nila. Mas pinili niya ring magsama sila ni Soleidad
kesa pumasok sa kanyang hindi permanenteng trabaho. Sa hindi inaasahang
pagkakataon, lalong nahulog ang loob ni Tobias sa babae at palihim, ganon din si
Soleidad.

Hindi kayang sabihin ni Soleidad ang kanyang nararamdaman dahil alam niyang hindi
magiging paayon ang tauli ng kanyang ama— lalo na’t malalaman nitong hindi mariwasa
ang binatang kanyang iniibig. Mahirap nga si Tobias pero hindi yan ang rason kung
bakit napaibig ang dalaga rito. Napakaganda ng pangloob na anyo ng binata at alam
niya ring palihim siyang iniibig ng lalaki. Sa tuwing sila’y nagtititigan ng hindi
sadya, nakikita niya ang liwanag sa likod ng kulay-carmen na mga mata nito pero
wala siyang sinabi. Hinihintay niya lang ang unang galaw ng binata sakanya.

Hindi namalayan ng dalawa ang madaling daloy ng oras. Sila’y nakatuntong na agad sa
panghuling taon ng kolehiyo at sa loob ng apat na taon, matalik na pagkakaibigan
lang ang kanilang tinuring sa mga maamong titigan at patagong ngiting dulot ng
kilig sa isa’t isa.

Sa araw ng kanilang graduwasyon, bago lumabas ng Palma Hall ang dalawang


magkaibigan, maluha-luha silang naguusap.

Kahit kailan, walang sinabi si Tobias tungkol sa taimtim na dinadalang damdamin


para kay Soleidad at ganun din ang dalaga. “Pano ba ‘yan, Tobi? Hindi na tayo
masyadong magkikita sapagkat babalik ka na sa probinsya at magtratrabaho na ako sa
ibang bansa. Magiging kulang din ang komunikasyon kaya kung may gusto ka mang
sabihin, sabihin mo na ngayon.” Sabi ni Soleidad habang sila’y nakatayo sa lilim ng
malaking acacia.

Oo, meron. Gusto kong sabihin na matagal na akong palihim na umiibig sa’yo. Ang
ngiti mo ang nagpapabughaw sa mga araw ‘kong mapurol. Ikaw ang tanging rason kung
bakit hindi ako agad nakakatulog sa gabi dahil sa pagmuni-muni. Ikaw ang tumatayong
paraluman sa lahat ng mga ginagawa ko, sa pagkanta, sa pagsulat, sa lahat lahat.
Ikaw ang aking tinatangi. Ang napakagandang Soleidad na kailanmay hindi
mapapasakin.

Malinaw naman na hindi iyan ang naging tugon niya.

“Gustong sabihin? Soleil, lahat ng gusto kong sabihin ay nasabi ko na sa durasyon


ng apat na taon na tayo’y mag kaibigan—“ sabi ng binata sa mapanuksong tono, “—eh,
ikaw? May gusto ka bang sabihin, Soleidad?”

Duwag.

“Wala rin akong gustong sabihin. Nasabi ko na rin sa’yo lahat, Tobi.” Tugon ng
dalaga.

Mga sinungaling.

Napalibutan sila ng sandaling katahimikan nang biglang tumugon si Tobias— “May


gusto sana akong ibigay sa’yo, Soleidad.” Hindi binigyan ng oras ni Tobias si
Soleidad na magtanong dahil agad siyang tumakbo patungo sa nilagyan niya ng kanyang
supot.
Nang siyay makabalik, agad niyang inilabas ang dilawng lapis.

“Huh?” Sabi ng nalilitong Soleidad.

“Naaalala mo pa ba nung unang araw ng klase? Nagtanong ka saken kung may lapis ba
ako? Meron nga, isa lang pero pinahiram pa rin kita— isang tanyag na negosyante ang
tatay mo pero wala kang lapis. Hay, pero pano ba naman kita masisisi? Eh, palagi
kang kumakain—“ Nakatanggap siya ng batok. “—aray!”

“Tobias naman eh. Kahit anong gawin mo, napakahangal mo talaga! Pero sige,
isaalang-alang mong pahimakas ang pagtanggap ko sa regalo mo. Maganda nama’y kahit
nasa ibang bansa ako, madadala pa rin kita.” Natapos ang kanilang pagpapanayam nang
huling halikan ni Soleidad ang kanang pisngi ni Tobias.

Nang nakabalik na si Tobias sa kanyang probinsya, tila binalewala niya na lahat ng


bagay na kanyang nakita rito na hindi niya nakita sa Maynila. Oo, nung una,
talagang nagkulang ang Maynila sa mga bagay na kanyang nasanayan— pero ngayon,
napagtanto niyang nasa Maynila ang taong talagang nakakapuno sa kakulangan na
ramdam niya. Binigyan naman sila ng tadhana ng pagkakataon ngunit naging duwag
sila; hindi nila kinuha ang pagkakataong direktang inilahad sa kanila upang
palinangin ang kanilang relasyon.

Nakakabigong isipin na ang bagay bumahagi ng dalawa ay ang sanhi rin kung bakit
sila’y naging matalik na kaibigan. Ang lapis na sana’y naging katwiran sa patuloy
na pamumulaklak ng kanilang pagmamahal, ang naging pintuan sa kanilang panghuling
at pinakamalungkot na despidida. Ang kanilang pahimakas.

You might also like