You are on page 1of 2

Sa taong 2013 kami ay grade 7 palang hndi ko makalimutan ang pagiging isip bata at pagiging pasaway

namin.Dahilan sa di pa namin nauunawaan ng lubos ang tama at mali.Mula sa pagpapakilala pa lang ng


aming sarili ay natatakot ng tumayo dahil baka pag tawanan ng iba.Nakakatawang isipin na walang
gustong mag absent dahil may ibinibigay na regalo si maam Marlyn sa kung sino mang may perfect
attendance.At kapag SSG eleksyon konti lang ang nais kumandidato dahil bagohan pa lang.Sa bagay sino
ba naman kami kumpara sa mga studyante sa mga higher level, kaya konti lang din ang napapanalunan
namin sa mga programa.

Hanggang sa tumungtong kami sa grade 8, unti unti na kaming nakikisalamuha sa iba.At masasabi kong
nakikipag tagisan na rin kami ng talino at kakayahan sa mga studyante sa higher level.Naalala ko pa na
minsan nakakuha na rin kami ng champion at madalas ay 1st runner up.Doon namin napagtanto na kaya
pala naming makipag sabayan sa mga studyante sa mataas na antas.Hindi rin namin makalimutan noong
naghajj ang aming adviser, si Maam Najeha at kung maka iyak kami ay parang wala nang bukas, na kung
tutuusin ay isang buwan lang naman siyang mawawala.Nakakatawa ring isipin na halos oras oras ay lagi
naming linilinis at pinapakintab ang aming klase.Ganyan kami ka pursegidong maging mabuting
studyante.

Ngunit noong tumungtong kami ng Grade 9 ay unti unti nang may nababago,kasi ang iba ay nakabuo ng
kani kanyang barkada at mayroon namang iba na lumalabas na ang kanilang talento.Dito sa taong ito
naging mas competitive pa kami lalo.Naalala ko noong may pageant na Raga at Mangoda Rawatun at
nakuha namin ang kampiyon.At palagi na rin kaming nagiging over all champion sa mga programa
katulad ng Talumpati,Balagtasan,Sabayang pagbasa at iba pa.Nakakasama na rin kami parati sa mga
contest sa Division.

Ganon pa rin naman at konti lang ang nagbago noong nasa Grade 10 na kami,hindi pa rin nawala ang
pagiging palaban namin,gayun pa man nakaka enjoy rin dahil sa kabila ng lahat ng pagsubok na aming
dinanas ay abot kaya pa rin naming nalalampasan ito.Bagama't nakakatawa rin ang mga pangalan ng
magkakabarkada sa amin,may tinatawag na mga Sanggre ng Encantadia, F4, at may 3star the Fashionista
pa.Ngunit hindi ko rin malilimutan noong nag Jamboree kami, kung saan ang dami ring memories na
aming nagawa.Nakaka enjoy dahil kahit papaano naging girl scout at boy scout, dahil doon naging
representative sina Raifa at Yakin para sa pageant na Ms. Eskoda at Mr. Body an Powell.Na kung saan
nakakuha sila ng 1st Runner up.Hindi lang iyon naging Mr. Lanao Sur ll rin si Yakin noong Division meet at
kami naman ang nag presinta para sa Street dance.At noong Moving Up Ceremony akala namin iyon na
ang huling araw ng aming pakikitang magkakaklase.
Ngunit na iba ang lahat dahil sa hindi inaasahang pangyayari at iyon ay noong Marawi Siege.Kaya naman
bawat isa ay nagsi uwian na sa probinsya at ang iba naman ay kung saan saan na napadpad.

Nang Grade 11 kami, subrang andaming nagbago, marami ang bilang ng mga transferee.Nakakatuwa
nga eh kasi nagsama sama ang bawat isang may iba't ibang personalidad, pero hindi yun naging hadlang
saaming samahan at pagkakaisa, bilang isang muslim kaya sa bawat programa na aming sinasalihan
nakakakuha kami ng pagkapanalo.Gaya ng Poster making, Katutubong sayaw, Radio Broadcasting at iba
pa. Ang aming batch ang unang nagconduct ng Islamic Seminar na pinangungunahan ni Ms. Hanifa S.
Bantuas. Kami rin ang nag host ng celebration sa Science and Math month. At mostly sa batch namin
nanggagaling ang participant na nanalo sa mga paligsahan katulad ng School, Division, at Regional Press
Conference at Division at ARMAA Meet.

Batid kong sa pagtungtong namin sa Grade 12, dito masasabi ko na mas lalo pang naging close ang bawat
isa. Kaya naman sa Anim na taon na aming pagsasama nakakalungkot isipin na malapit na kaming
lumisan. Gayun pa man sasaya rin dahil may dadating namang bago. Ngunit sa bawat araw at buwan na
lumilipas bawat isa ay nagkaroon na ng kanya kanyang mundo. Siguro dahil na rin sa pagiging busy
namin, kaya naman nagkaroon ng agwat ang bawat isa. Masayang balikan ang mga ala ala na talaga
namang tumatak sa aming mga puso. Isa na rito ang pagiging champion sa Radio News broadcasting at
1st Runner up sa Collaborative sa Division Press Conference. Nag enjoy rin kami noong isinabak sa
Regional Press Conference at itinanghal na 1st Runner up sa Radio News broadcasting. Naalala ko rin
noong MSU SASE examination na karamihan sa amin ay nakaramdam ng nerbyos at ang iba naman ay
tuwa.Nag Community Service rin kami sa Padang Karbala at tabi ng Lanao sa Brgy.Parao na
pinamumunoan ni Ma'am Aliya. Di rin namin malilimutan ang ginawa naming hiking,fishing at bird
watching na pinangungunahan naman ni Ma'am Amina.Kami rin ang nag host sa Midyear Convocation ng
ating School. Ilan lang iyan sa ala alang kailan may di malilimutan. Mga ala alang nag paiyak at
nagpatuwa ng aming mga damdamin. Kaya ngayon gawin nating makabuluhan ang lahat ng ito, para sa
magandang ala ala na aantig sa ating puso at magsisilbing gabay sa bawat bukas na ating kakaharapin.

You might also like