You are on page 1of 6

Philippines a century hence

Tobias, Racyl Joyce R. Bb. Seblos

BSBA FM 2-6 Disyembre 5, 2019

TERMINOLOHIYANG PAPEL

“Sa Bagong Paraiso”

ni Efren Reyes Abueg

“Ang hindi marunong maghintay, madalas nagiging nanay.” Isa sa mga kasabihan ng mga
matatanda na sinuyaw ng dalawang magkababatang sa kuwento ay pinangunahan ng galit at
tukso; nilamon ng mga pagbabagong naganap sa kanilang paraiso. Paraisong sa umpisa ay puno
ng ligaya, napakaganda at kaaya aya, ngunit sa paglipas ng panahon, nang sila'y naging binana't
dalaga na, ay nabahiran ng lungkot, sama ng loob, at takot.

Ang akdang “Sa Bagong Paraiso” ay isinulat ng isang kilala, at iginagalang na nobelista,
mananaysay, manunulat, at kritiko ng kaniyang panahon – Efren Reyes Abueg. Isinulat ni Abueg
ang akda sa kadahilanang nais niyang tumatak sa isip at puso ng mga mambabasa, lalo na sa mga
kabataan katulad ko, ang aral na nais ipahiwatig ng kuwento. Nais niyang ilahad at hikayatin ang
mga kabataan na kailangan parin nating sundin ang payo ng ating mga magulang at ng mga
nakatatanda dahil sila ang mas may karanasan at kaalam kaysa sa atin at para rin naman ito sa
ating ikabubuti; sabi nga ng ating mga ina, “mother knows best”. Ang paksa ng kuwento ay
napapanahon at sumasalamin sa pangkaraniwang problema ng mga kabataan sa ngayon –
pagkaligaw ng landas. Sapagkat ayon sa datus ng Philippine Statistics Authority (PSA), isa ang
bansang Pilipinas sa maituturing na may pinakamataas na bilang ng maagang pagbubuntis sa
lahat ng Developing countries sa mundo mula sa edad na sampu (10) hanggang labingsiyam
(19). Kaya nararapat na maging bukas ang ating isipan sa mga ganitong usapin at upang maging
handa para sa bagong paraisong ating kahaharapin.

Tumutukoy din ang akda sa kakulangan ng pag-intindi sa mga maaaring ibubunga ng


hindi natin pagsunod sa mga utos at payo ng ating mga magulang. Dahil sa pagsuway, naipakita
rin sa akda ang mapait na katotohanang nasa huli nga ang pagsisisi lalo na sa suliranin ng
maagang pagdadalantao. Imbes na ang buhay ay mas gumanda dahil sa gabay ng pamilya, ay
naging problema pa.

Nagsimula ang kuwento sa dalawang batang sina Ariel at Cleofe na parehong walong
taong gulang at itinuring na paraiso ang malawak na damuhan at dalampasigan - kawangis ng
mapayanag langit na puno ng saya at walang iniisip na problema. Ang kanilang kamusmusan ay
isang makulay na yugto ng kanilang buhay at masasabi kong lahat ng mga dapat gawin ng isang
bata ay kanilang nagawa; kagaya ng paglalaro sa loob ng kanilang bakuran, mula sa umaga
hanggang sa hapon kahit na nagagasgas ang mga tuhod at nababakbak ang kanilang mukha;
umaakyat sa mga punong santol, sa punong bayabas, sa marurupok na sanga ng sinigwelas,
maaligasgas at malulutong na sanga ng punong mangga, at marami pang iba. Sa paguumpisa ng
kuwento ay nakadama ako ng tuwa. Naalala ko ang aking kabataan kung saan gaya ng mga
pangunahing tauhan ay malaya akong nakakapaglaro kasama ng aking mga kababata sa labas ng
aming tahanan. Napaalala nito ang saya na aking nadama sa simpleng paglalaro ng habulan sa
damuhan, patintero, at taguan, noong ako’y bata pa lamang at wala pang muwang sa mundong
aking ginagalawan.

Ngunit katulad nga ng inaasahan, ang lahat ng bagay ay dumadaan sa pagbabago. Ang
dalawang magkaibigan ay nagsimula nang magpakita ng senyales ng pagiging dalaga’t binata.
Nagbago ang itsura maging ang kanilang paraan ng pagiisip at pagdedesisyon. Si Ariel ay
nakalargo na at pantay na ang hati ng kaniyang buhok na nangingintab sa pahid ng pomada.
Samantala, Si Cleofe ay may laso na nakatirintas sa buhok, at ang kanyang suot na damit ay
lampas tuhod na at hindi nakikita ang alak-alakan nito. Bukod pa rito, ang batang lalaki ay
nakikipaglaro’t nakikihalubilo na sa ibang mga bata at higit sa lahat, nakikipagtuklasan ng lihim
sa iba. Sa puntong iyon, nagumpisa ang pagbabago sa kanilang buhay na hindi nila napigil at
siyang nagbukas sa kanila upang masaklaw ng tingin ang paraisong kanilang kinaroroonan.
Nagkaroon ng lamat ang kanilang isipan at nagsimula nang umusbong ang pader na sa kanilang
dalawa ay pumapagitan. Pader na sumisimbolo na sila ay tumatanda na at magkakaroon na ng
limitasyon sa kanilang paglalaro't pagsasama.
Pinagbawalan ng mga magulang sapagkat ang patuloy nilang pagkikita at pagiging
malapit sa isa’t isa ay maaaring magbunga ng kapahamakan, hindi lang sa isa’t isa kundi pati na
rin sa pamilya. Dahil doon, nagsimulang tumaas ang pader sa pagitan ng dalawang tauhan at mas
lumakas ang loob sa pakikipaglaban para sa damdaming nahihirapan; damdaming kanilang
nararamdaman para sa isa't isa ngunit hindi pa pwede dahil sila'y bata pa. Dahil sa kakulitan at
pagmamahal sa isa't isa, kahit na pilit ipaglayo ng tadhana ay patuloy pa rin silang nagkikita.
Ninanais na makasama at maipadama ang pagmamahal sa isa’t isa. Nagkikita sa lugar na
ipinagbabawal, nagsasama sa silid na sila lamang dalawa at nang dahil doon, tuluyan nang
nawasak ang pader na nakapagitan sa kanila. Ang dating maaliwalas at masayang paraiso, na
kung saan ay malaya silang nagtatakbuhan at naglalaro, ay napalitan ng malamig at sulok-sulok
na silid, na ang tanging init ng kanilang mga katawang lumaya ang yumayakap sa kanila.

Dahil sa kanilang palagay na sila’y lumaya mula sa paghihigpit at pagbabawal na ginawa


ng mga magulang, nakagawa sila ng hindi tama. Ang kanilang pagsuyaw ay nagbunga ng isang
pagkakamali na akala nila ay tama, akala nilang doon sila sasaya. Ngunit hindi nila alam na sa
ginawa nilang iyon ay kalakip ang responsibilidad na dapat nilang gampanan bilang kabataan na
naligaw ng landas; mga responsibilidad na mararanasan nila Cleofe at Ariel sa bagong buhay
kasama ng kanilang magiging anak, sa bagong paraiso.

At sa pagtatapos ng kuwento ay nakadama ako ng lungkot para sa kinahinatnan ng


paghihimagsik ng dalaga’t binata sa kanilang mga magulang. Ito’y dahil siguradong ang kanilang
kinabukasan at mga pangarap ang kanilang isinugal para sa kanilang pagmamahalan. Mas pinili
nila ang tukso kaysa sa payo. Kaya bilang kabataan kagaya ng mga pangunahing tauhan, tumatak
sa akin ang nais ibigay na aral ng akda – na kahit taliwas sa ating kagustuhan ang mga desisyon
at payo na sinasabi sa atin ng ating mga magulang ay dapat pa rin natin silang sundin. Mga
magulang na alam ang nakabubuti para sa kanilang anak, mga magulang na malaki ang
pangarap, mga magulang na walang ibang hinangad kundi ang makapagtapos ng pag-aaral ang
mga anak at magkaroon ng magandang buhay.

Pinaintindi rin ng kuwentong ito na hindi rin kalian man magiging mali ang pagsasauna o
pagpraprayoridad sa ating pag-aaral at sa pag-abot sa ating mga pangarap. Bilang isang anak,
dapat lamang na mas unahin ang kwaderno’t libro kaysa magsisi sa dulo dahil pinangunahan ng
tukso. Patuloy kong iintindihin ang lahat ng payo at bilin ng aking mga magulang at mas
magiging responsable at matalino na ako sa paggawa ng mga sarili kong desisyon mula ngayon.
Nakaramdam ako ng saya bilang anak na puno ng gabay ng magulang simula bata hanggang
ngayon sapagkat alam ko sa sarili ko na tama ang pagpapalaki nila sa akin, at kapag nagka anak
na ay sisigiraduhin ko ring mamahalin ko siya at gagabayan kagaya ng pagpapalaki sa akin ng
aking mga magulang.

Lubhang napakahirap labanan ang tukso lalo na’t iyon ang nagiging dahilan ng ating
pagiging masaya at ang rason kung bakit may saysay ang mundo. Ngunit ipinahiwatig ng akdang
ito na kahit ano man ang maging dahilan mo dapat parin tayong magising sa ating munting
pagiisip tungkol sa larangan ng pag-ibig. Labanan ang tukso upang ang landas natin ay di
lumiko. Sundin ang payo ng magulang upang ang buhay ay maging maayos at naayon sapagkat
walang magulang ang gugustuhing ipahamak ang anak. Ang ating mga magulang ang mas
nakakaalam kung ano ang tama at mali; sabi nga nila, “papunta ka palang, paalik na ako”. Aral
muna ang dapat asikasuhin upang mas maabot natin ang ating mga pangarap sa buhay at
makatulong sa ating mga magulang dahil ang totoong pag-ibig ay nakapaghihintay. Huwag
tayong magmadali sapagkat ang lahat ng bagay ay may tamang oras at panahon, may tamang
pagkakataon.

Natutunan ko na ang pagiging padalos-padalos at mapusok sa ating mga desisyon, lalo na


sa pag-big, ay hindi kailan man magdudulot sa atin ng kabutihan. Ito pa mismo ang magtutulak
sa atin sa isang daan na maaring hindi pa natin handang harapin sa kasalukuyan. Sa panahon kasi
ngayon, napakabilis na ng lahat. Saglit na pag-uusap, pinakilig ka lang, mahal mo na agad. Kaya
maraming kabataan ang nabubuntis kasi hindi rin sila makapagtiis. Sa pagsuway sa mga utos at
payo ng magulang, marami ang nahihirapan sa ating lipunan.

Ang aral na hatid ng akda ay maaari rin nating magamit sa pagdating ng panahon kung
saan tayo’y mga propesiyonal na. Kapag tayo ay matanda na at sa oras na naabot na natin ang
nais nating propesyon sa buhay ay kinakailangan na nating makisama o makihalubilosa ibang
tao. Ang hindi pagiging maunawain at bukas sa payo ng iba ay hindi makatutulong sa atin sa
pagiging propesyonal sa ating trabaho kaya’t habang maaga pa lamang ay dapat na nating
sanayin ang ating sarili sa pakikinig sa ibang tao. Makinig at matutunong sumunod sa payo ng
mga nakatatanda sa atin, ito ang magiging dahilan ng ating pag asenso sa buhay.
Isa sa pinakamahalagang aral na aking natutunan mula sa akda ay ang pagsunod o
pakikinig sa payo ng ating mga magulang. Sapagkat sila ang may alam kung ano ang makabubuti
o makasasama sa ating mga kabataan dahil pinagdaanan na nila ang pag-ibig at sila’y may
karanasan na rito. Kung ninanais din ng ating mga magulang na tayo’y mag-aral nang mabuti at
makapagtapos ay dahil gusto nilang mas mapaigi ang ating kinabukasan at hindi mangyari sa atin
ang nangyari sa kwento na dahil sa paghihimagsik sa kanilang mga magulang, ang kanilang
desisyon ang naglulugmok sa kanila sa mga kasalanan. Kaya sundin natin ang mga habilin ng
ating mga ama’t ina upang tayo ay magkaroon ng magandang buhay at maipapamana natin sa
ating mga anak ang ating natutunan mula sa kanila.

Ikalawa ay ang pagkakaroon ng matalino at hindi padalos-dalos na pagdedesisyon nating


mga kabataan para sa sarili nating buhay. Oo, hindi masama ang umibig habang nag-aaral, ngunit
dapat nating pakakatatandaan na ang pag-ibig ay dapat gawin nating inspirasyon upang tayo’y
mapabuti, hindi isang distraksyon na makasisira sa pangarap natin at sa pangarap ng ating mga
magulang para sa atin. Itinuro ng maikling kuwento na ito sa akin na hindi dapat laging puso ang
ipinapairal natin sa pag-gawa ng mga desisyon dahil ang puso ay bulag sa mga tukso. Bulag sa
mga masasamang pwedeng magyari kapag nasaktan na tayo. Dapat din nating pakinggan ang
sinsasabi ng ating isip upang ang mga desisyon na ating gagawin ay hindi natin pagsisisihan sa
huli. Desisyong alam nating tama dahil sinunod natin ang payo ng ating mga magulang.

Tunany ngang bilang binata’t dalaga, marami pa tayong hindi alam at hindi pa bihasa sa
buhay. Ang labis nating kagustuhan sa kalayaan ay ang dahilan ng ating pagiging mapusok sa
paggawa ng mga desisyon para sa ating sarili. Ito ay dahil nais nating mapatunayan sa iba na
kaya na nating maging malaya. Dahil sa ating pagpapadalos-dalos ay hindi na tayo nagkakaroon
ng oras upang pag-isipan ang ating bawat desisyon. Dahil sa kagustuhang maging malaya,
nakakagawa ng mga bagay na hindi tama.

Kaya naman, alam dapat natin ang ating mga responsibilidad upang makaiwas sa
maagang pagdadalantao. Bilang magulang, responsibilidad nilang gabayan at payuhan ang
kanilang mga anak tungkol sa tamang panahon ng pagpapamilya at maging kaibigan na pwedeng
pagsabihan ng problema. Sa magkasintahan naman, dapat alam ninyo ang inyong limitasyon.
Huwag magpadala sa tukso dahil kayo rin ang magsisisi sa dulo. ‘Di’ba dapat pag-aaral muna
ang atupagin niyo, hindi ang buhay sa piling ng ibang tao.
Bilang kabataan, dapat nating isaalang-alang na sa bawat kilos na ating gagawin ay
laging may kaakibat na responsibilidad. Responsibilidad na dapat ay alam natin at kaya nating
gawin. Lagi sana nating tandaan na ang lahat ng bagay ay mas maganda at masaya kung ito ay
naaayon sa tamang panahon at tamang pagkakataon. Ang pag-ibig ay makakapaghintay at huwag
nating madaliin; gawin lamang inspirasyon, huwag abusuhin. Hanga ako sa awtor ng akda na
nagbigay linaw sa mga limitasyon nating mga kabataan at ang pagsunod sa mga payo ng ating
mga magulang. Bilang kabataan na may responsibilidad sa ating bayan, patunayan nating tayo
ang pag-asa at hindi ang problema.

You might also like