You are on page 1of 4

Ulat sa

Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Wikang Filipino at
Kulturang Pilipino

Ipinasa kay: Ms.Lea Fe Pascual

Ipinasa nina: Lenny Jane Delizo

Lance Christian Santos


*Ang isinasaalang-alang na ang unang pananakop ng mga Kastila sa ating
kapuluan ay ang pananatili rito ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1565,
kauna-unahang Kastilang gobernadora-heneral.
-Si Miguel Lopez de Legaspi ay ang sumunod kay Magellan nang
nanibago siya sa kanilang ekspidisyon. Umalis ng ekspidisyon si Legazpi
upang sakupin ang Pilipinas, palaganapin ang kristyanismo at
makabangon ang Espanya mula sa pagkabigo ng nakaraang ekspidisyon.
- Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, mabigat ang
impluwensiya ng relihiyong Kristiyanismo sa mitolohiyang
Pilipino. Sinira ng mga Kastila ang ilang mga nagawa ng mga
Pilipino noon na may kinalaman sa kanilang “orihinal” na
mitolohiya, at pinalitan ang mga ito ng mga rebulto ni Kristo
at ng mga santo. Ang iba naman ay nakalagay lamang sa mga
gamit na mabilis masira katulad ng mga kahoy kaya hindi ito
tumagal. Kahit na ganito ang nangyari sa kasaysayan, marami
pa ring paniniwala ang nanatili sa buhay at kultura ng mga
Pilipino. Isang posibleng dahilan nito ay malalim ang ugat ng
mga paniniwalang ito sa kultura at ipinapasa sa susuno d na
henerasyon ang mga paniniwala kaya’t hindi kaagad
mabubura ito sa sistema nila. Sa katunayan, hinalo ng mga
Filipino ang mga paniniwala nila sa Kristiyanismo, katulad ng
krus o bibliya na nagsisilbing anting-anting laban sa mga
demonyo. Kahit ang mismong orihinal na paniniwala ay
naglaho na, ang esensya nito ay nagpatuloy sa pamumuhay at
ibang paniniwala ng mga Filipino.
- Nang ilagay sa ilalim ng koronang Kastila si VILLALOBOS ang
nagpasiya ng ngalang ‘’Felipinas o Felipinas’’ bilang panagral sa
Haring Felipe ll nang panahong yaon, ngunit dila ng mga tao ay
naging ‘’Filipinas’’
- Ayon sa mga Espanyol, nasa kalagayang ‘barbariko’di ‘sibilisado’at
‘pagano’ang mga katutubo noon.
-Itinuro ng mga Kastila ang Kristyanismo sa mga katutubo upang
maging sibilisado diumano ang mga ito.
-Naniniwala ang mga Espanyol noong mga panahong iyon na mas
mabisa ang paggamit ng katutubong wika sa pagpapatahimik sa
mamamayan kaysa sa libong sundalong Espanyol.
-Ang pamayanan ay pinaghati-hati sa apat na ordeng misyonerong
Espanyol na pagkaraa’y naging lima. Ang mga ordeng ito ay
Agustino, Pransiskano, Dominiko, Heswita at Rekolekto upang
pangasiwaan ang pagpapalaganap ng Kristyanismo.
-Ang paghahati ng pamayanan ay nagkaroon ng malaking epekto sa
pakikipagtalastasan ng mga katutubo.
-Upang mas maging epektibo ang palalaganap ng Kristyanismo, ang
mga misyonerong Espanyol mismo ang nag-aaral ng mga wikang
katutubo dahil mas madaling matutuhan ang wika ng isang rehiyon
kaysa sa ituro sa lahat ng wikang Espanyol.

*Nabatid nilang sa pagpapalaganap ng kanilang relihiyon, mas


magiging kapani-paniwala at mas mabisa kung ang mismong
banyaga ang nagsasalita ng wwikang katutubo.
*Dahil ditto, ang mga prayle ay nagsulat ng mga diksiyonaryo at
aklat-panggramatika, katekismo, at mga kumpensyonal para mas
mapabilis ang pagkatuto nila ng katutubong wika.

MGA AKDANG PANGWIKA


ARTE Y REGLAS DE LA LENGUA TAGALA
-Sinulat ni Padre Blancas de San Jose at isinalin ni Tomas Pinipin noong 1610.

COMPENDIO DE LA LENGUA TAGALA


-Inakda niPadre Gaspar de San Agustin noong 1703.

VOCABULARIO DE LA LENGUA TAGALA


-Kauna unahang talasalitaan ssa Tagalog na sinulat ni Padre Pedro de San
Buenaventura noong 1613.

VOCABULARIO DE LA LENGUA PAMPANGO


-Unang aklat pangwika sa Kapampangan na sinulat ni Padre Diego Bergano
noong 1732.

You might also like